logo text

FINDING A HAPPINESS(Moonstar in Paraiso Series 1 )

KANINA pa nakatingin si Jane sa bintana ng kwarto na pinaglagyan nya kay Nica binantayan nya ang bata dahil inaapoy ito ng lagnat, Hindi nya maintindihan kung bakit bigla itong inapoy ng lagnat, Pinainom naman ni Maylene ito ng gamot ngunit matapos ang isa at kalahating oras nilagnat na naman ito at umiiyak na tila ba mayroon itong iniindang karamdaman. Kapag tatanungin nya ay hindi din ito makasagot ng maayos dahil sa parang iniinda nitong sakit sa pangangatawan.
Nasa malalim syang pag iisip ng mamataan nya ang sasakyan na may bulto ng tao na nakasandal at nakatingin ang direksyon ng mga mata sa kung saan at ng pinagmasdan nyang mabuti saka nya napansin na parang sa kanya ito nakatingin hindi nga lang sya sigurado doon.
“Sino kaya yan, Bakit dito sya sa bahay nakatambay ng dis oras ng gabi?” Aniya sa kanyang sarili.
Saka naman sya nakaramdam ng malamig na samyo ng hanging tila dumapo sa kanyang katawan na mula sa kung saan. Wala sa loob na niyakap nya ang kanyang sarili, Pakiramdam nya nandyan ang tito Andrew nya sa paligid saka sya tumingala sa kalangitan.
“Tito? Kamusta ka po dyan sa langit? Sina mommy at daddy po ba nakita nyo nya dyan? Nami miss ko na po sila, Hanggang ngayon wala pa din daw makitang bangkay nila, Hindi ko na po maalala yung mukha nila, Wala na po silang litrato sa bahay dahil sinunog lahat ni tita Tanya ang gamit ko noon.” Aniya sa kawalan habang naglalandas ang luha na kanina pa pinipigilan.
Tila naman ramdam nya ang pagyakap sa kanya ng tiyuhin sa pag daan ng malamig na simoy ng hangin, Hindi nya alam kung anu ang gagawin at kung anu na ang buhay nya ngayon kung wala ang mga taong tumulong sa kanya. Hindi naging madali sa kanya ang pagkamatay ng tiyuhin nya ngunit malaki ang pasasalamat nya sa pamilyang nasumpungan sa mga katulong nila, Hindi sya nakaranas ng pagmamaltrato sa mga ito, Kung sa iba sya napunta baka ngayon pupulutin na sya sa kalsada.
Napakunot ang noo nya ng muling pagmasdan ang nasa sasakyan at saka nya napansin na tila pamilyar ang bulto ng mukha nito mula sa tikas ng tindig, Sa ayos ng panananamit, at iba pa. Sinaway nya din ang sarili sa kanyang isipan. Hindi naman sya lumalabas ng bahay paano sya magkakaroon ng kakilala, Maliban sa mga ka klase at katulong sa bahay isama na ang abogado nila wala na syang ibang kilala dahil bahay at paaralan lang sya ang kumpanya nilang iniwan ng mga magulang at tito ay abogado nila ang nagpapatakbo na mapagkakatiwalaan naman dahil hindi pinagka interesan ang kahit anu sa yaman nila.
“A-ate? Nandito ka pa rin po?”
“Nica? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Binantayan kita baka kasi may kailangan ka kaya dito muna ako sayo matutulog.”
“Salamat po ate, Napakabait nyo, Sana kapatid na lang po kita.” Anito
“Bakit? Kapatid na din naman kita ah, ayaw mo ba?”
“Gusto po”
“Yun naman pala eh, Sige matulog ka na muna dyan bukas pag magaling ka na mamamasyal tayo, Kaya magpagaling ka na kaagad.”
“Talaga po?”
“Oo.”
Maya maya pa ay nakatulog na ito saka nya naman ito iniwanan at bumalik na sa kanyang kwarto.
“Hey! Partner, Bakit gising ka pa?”
Natigilan sya ng marinig ang boses ni Jim, dahan dahan naman ang pag lingon nya sa binata na tila ba sya ay nag e slow motion, Napanganga naman sya ng makita itong walang pan itaas na damit at tila ba nang aakit ang anim na pandesal sa kanyang mga mata. Wala sa loob na pinagmasdan nya ito mula sa mukha.
‘Gwapo ka naman talaga Jim sa totoo lang, Gusto ko kaya yang bilugan na mga mata mo, yang haba ng pilik mata, yang ilong mo na kay tangos, yang chickbone mo na kay ganda at bumabagay sa tangis ng ilong mo, yang kulay mo, yang labi mo na kay sarap halikan nong aksidenteng halikan mo ako, at ngayon yang six packs, omg. Inlab na nga yata talaga ako sayo’ anang pilyang isipan nya.
‘Jane, tigilan mo yang kakapantasya mo, Hindi sya gwapo, hindi sya macho, wala syang dating sayo, never mo syang magugustuhan, hanggang magkaibigan lang kayo’ kontra at saway naman ng kanilang bahagi ng isipan nya sa kanyang sarili.
‘Sus kunwari ka pa ayaw mo pang umamin, gwapo talaga sya, package deal pati, Mapagmahal sa magulang, maalaga, maalalahanin, masipag o diba? Saan ka pa?’ aniya ulit sa isipan
‘Bahala ka, Basta ayaw ko sa kanya, ayaw ko, ayaw ko period.’
“Laway mo tulo na, Baka mapasukan na yan ng langaw” Anito na sinara ang bunganga nyang nakanganga habang pilyong tatawa tawa.
“B-b-bastos” Aniya saka itinulak ito at akmang tatakbo kaya lang nahawakan nito ang kanyang kamay at saka sya buong lakas na hinila kaya napabalik sya sa binata at hindi sinasadyang nagtama ang labi nila na nauwi sa pagiging mapusok ng lalaki, Pilit nya itong tinutulak palayo sa kanya ngunit lalo naman nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya hindi sya makawala.
Hindi nya na rin mapigilan ang sarili sa ginagawa nito, Naging mapaghanap na ang mga kamay nito at hindi nya namalayang nasa loob na sila ng kanyang kwarto, Hindi nya alam kung paano silang dalawa umabot sa ganong sitwasyon ang alam nya langn ayaw nya ng pigilan ang lalaki sa anumang gusto nitong gawin, Wala na syang pakialam kung anuman ang susunod na mangyayari at kung anuman ang kahahantungan ng kanilang ginagawa.
Ayaw nya mang aminin sa sarili pero sa puso nya mahal nya si Jim, Isang lihim na pag ibig na pilit nyang tinago at inignora mula ng mga bata pa sila dahil nga sa magkaibigan sila at ayaw nyang masira ang pagkakaibigan na yun.
Hindi nya alam kung mahal ba sya ng binata, Gusto nya yung marinig mula sa labi nito na hindi lamang sya ang binibiro nito na may gusto dito. Gusto nya ding malaman kung minamahal ba sya nito o hanggang doon lang yun sa biruan lang, Inaasahan nyang sasabihin yun ngayon ng binata sa kanya ngunit natapos ang ritwal na ginagawa ng mga tao lamang sana na nag iibigan ay wala syang narinig sa mga labi nito maliban sa isang salita na sobrang ikinadurog ng kanyang puso at isipan na marinig.
“Napasaya mo ako ngayong gabi, Nasiyahan ako sa ginawa nating to.” Anito saka sya hinalikan sa noo at labi. “Matulog ka na” saka sya niyakap nito at natulog.
Hinayaan nya na lamang ito ngunit hindi nya napigilan ang pag tulo ng luha sa pisngi. Yun lang pala, Gusto lang nito ang masiyahan ngayong gabi. Nakatulog na lamang sya sa ganong takbo ng kaisipan.
ITUTULOY……

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    GumenMae

    I love this Story because of Happiness and grateful

    13/10/2024

      1
  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07/2024

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata