Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1 )
Chapter 20 “HOY! Mamansin ka naman, kanina mo pa ako iniitsapwera. Para namang ang laki ng kasalanan ko sayo.” Kanina pa hindi pinapansin ni Rea si Jimz. Naiinis sya sa binata sa pagkuha na naman nito ng wallet nya dahil alam nyang mamumulubi na naman sya kapag hawak nito ang minamahal nyang pitaka. Sigurado sya pag balik tanging cards na lamang ang matitira at ang kawawang cash nya sigurado syang simot ang matitira ay tanging barya. “Kausapin mo sarili mo, Bahala ka sa buhay mo!” Galit na aniya. “Okay sige ayaw mo talaga ako kausapin ha? Hmmmm, Parang naalala ko na pala ang password ng mga cards na nandito, Ako nga pala nag process nito noon.” Pananakot nito. Napalingon naman sya sa tinuran ng binata. Ito pa naman yung taong tibototohanan ang sinabi. “Anu kaya ang magandang bilhin? Hmmmm? Ah alam ko na pala, Ipambabayad ko na lang sa tuition ko total naman yung allowance na nilalagay ni inay medyo malaki din, Naku kawawa naman yung isa dyan hindi pa naman pa tapos ang proseso ng attorney nya sa pag transfer ng mana nya. May mamu—“ Natigil ito sa pagsasalita ng inagaw nya ang kanyang wallet na iwinawagayway nito sa ere. “Anu ka ngayon?” Pang aasar nya na nilakihan pa ito ng mga mata at nginitian ng nakakalokang ngiti. “Hoooy! Ang daya mo natalo ka kaya ikaw taya ngayon.” Anitong nakipag agawan pa sa kanya ng wallet sinikap nya namang itaas ang kanyang pitaka ng hindi nya ito maagaw. Nang makahanap ng pagkakataon na makaalis sa binata ay buong lakas nya itong tinulak para sana tumakbo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon pareho silang natumba na dalawa. It’s like the slow motion and she don’t understand why she can feel this way while watching this man in the eyes, It’s like theres a butterfly around here and him na umiikot sa kanilang dalawa. Wala sa loob naman na naitulak nya ang binata ng sya ay mahimasmasan sa sitwasyon nila lao na ng mapansin na pinagtitingan na sila ng mga kapwa nya estudyaente. “S-sorry” Magkasabayan na saad nila. Pareho naman silang napayuko at nagkahiyaan sa nangyari. “Itong dalawa talagang ito, Pareho pa din talagang parang mga bata ang mga kilos.” Dinig nilang sinabi ng isa sa mga guro. Nagkatinginan naman sila ng kababata ng makahulugang tingin saka parehong nagtawanan. Nauna sa pagtayo ang binata saka anilahad ang kamay nito sa kanya. “Halika na nga, Hindi na ako magpapalibre kanya kanyang bayad na lang tayo, Alam ko namang kahit marami kang pera kuripot ka.” “Hindi ako kuripot, alam ko lang kung paano gamitin ang pera” Pagtatanggol nya sa sarili. “Sus! In denial queen ka talaga” “Hindi ah, Baka ikaw yung in denial king” “duuuuhhh” Wala naman silang pansinan nang tumungo na sa kanilang building para sa unang subject ng klasee nila. SAMANTALA kapansin pansin din ang pagmamanman ng dalawang tao sa labas ng bahay nina Jane na para bang may nais ang mga ito na alamin. Dalawang babae at lalaki na tila sabik na makita ang isang bagay na hinahanap ng kanilang parehong mga puso. “Ilang araw na tayong nag aantay sa paglabas ni Andrew dito, Pero wala pa ding lumalabas na anino nya, Asan na kaya ang taong yun? Hindi ako makapag hintay na makaharap sya.” Anang lalaki sa kanyang kasama na diniinan ang pagkakahawak sa manibelang nasa kanyang harapan. Malalim din ang buntonghininga ng babaeng kasa kasama bago sinagot ang kanyang sinabi. “Nasasabik din akong makita sya at makaharap, ang dami kong gustong gawin kaya lang ilang araw na tayo nagmamanman ngunit hindi natin sya matagpuan.” Mahabang litanya din ng babae. “Kung sakaling hindi natin sya matagpuan sa tingin mo anu kaya ang dapat nating magandang gawin para matagpuan ang lalaking yun? Hindi ako mapalagay sa nangyayari ata kailangan kong makita sya at makausap. Dapat nyang malaman ang totoo.” “May awa ang Dios sa lahat ng bagay, Pasasaan ba at makakausap din natin sya. Hindi natutulog ang Dios sa lahat ng bagay.” “Oo tama ka dapat na lamang tayong umasa na hindi pababayaan ng Dios ang lahat ng bagay.” Maya maya pa ay namataan nila ang isang sasakyan na papasok sa mansyon. “T-teka? Diba sasakyan ni Andrew yun? Bakit parang iba ang nagmamaneho at saka sino yung lumabas na babae para mag bukas?” Tanong ng babae. “Hindi din ako pamilyar. Ngayon ko lamang nakita ang babaeng yan. Hindi kaya iba na ang nakatira sa mansyon?” Kunot noong saad naman ng lalaki. “Anung ibig mong sabihin?” “Hindi kaya naibenta na ito sa tagal na wala ng nakatira? Ang ibig kong sabihin ay baka iba na ang nakatira kaya bago ang nagbukas ng pintuan at hindi na nga talaga natin makikita pa dito si Andrew.” Malungkot na saad ng lalaki. “Huwag naman sana, Masasayang ang lahat ng pinaghirapan at pag mamanman natin kung sakali na tama ang sinabi mo” Maluha luhang saad ng babae. “At hindi maari yun.” Dugtong pa nito na tila may pinanghuhugutan kung bakit hindi pwedeng maibenta ang mansyon sa kaninoman. ITUTULOY……
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat