Homepage/A Lover's Heart/
CHAPTER 40 (Epilogue)
- After several months -
SKY FELIX
Tahimik akong umupo sa harapan ni Dave habang natutulog pa ito sa aming kwarto. I smiled habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha nitong natutulog pa ng mahimbing saka ko kinuha ang aking gitara para tumugtog sa harap niya. I opened the curtain of our room para kahit papaano'y maging maliwanag na roon.
[Song Title: Branches by Ben and Ben. Sky also sang this song on Chapter 9 and sorry because I didn't put the title on it.]
You and I were meant to be
Branches of different trees
So we had to walk away
Oh, we had to walk away~
Napangiti ako nang unti-unti nang gumalaw ang mga kamay nito. Alam kong tuluyan nang nagigising ang kanyang diwa at maya-maya pa ay tuluyan nang nagmulat ang kanyang mga mata.
Oh love, was it easy to let go~
Bumangon na ito at dahan-dahang umupo sa kama. Tila ba nagugulat pa ito sa aking ginagawang pagkanta sa kanya.
I said
My, my heart is my own
I carry on, I carry on
My, my heart is my own
I carry on, I carry on~
I smiled at tumitig sa kanyang maamong mukha habang kinakantahan pa rin siya. Nakakatuwang tingnan ang pagkislap ng kanyang mga mata pati na rin ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Alam kong masisiyahan siya kapag muli kong kinanta ang awit na ito ngayong kaarawan niya, at hindi nga ako nagkakamali.
"Happy birthday, Dave Vincent.." nakangiting bati ko sa kanya saka kinuha ang maliit na cake na nasa sidetable. Lumapit ako sa kanya para mahipan niya ang kandilang iyon. Agad din itong pumikit para mag-wish and then he finally blow the candle.
"Thank you, Sky Felix.." Yumakap siya sa akin nang matapos niyang hipan ang kandila. Alam kong lubos siyang nasisiyahan sa inihanda kong cake para sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang sunod na ibubulong nito. "You're all I ever wish for. At natupad na iyon dahil nandito ka na ulit sa tabi ko.."
"I love you so much, Dave Vincent.." tugon ko sa kanya. Ngumiti pa ito at tumitig sa akin. Ako naman ay pinunasan ang kanyang mga luha.
"Bakit ka umiiyak, love?" tanong ko.
"Masaya lang akong kasama na ulit kita ngayong birthday ko." sagot niya at napangiti ako. Naalala kong noong nakaraang birthday niya ay comatose pa rin ako.
"Tara na sa baba?" tanong ko. Tumango naman siya kaya sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Grabe, ang laki na ng eyebags ko." saad niya habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Napatingin naman ako sa mga mata niya.
"Ako rin naman. Relationship goals, love." malambing na sagot ko at humawak sa kamay niya.
"Of course, you're a Medicine student." Ngumiwi ito. Natawa naman ako. Tama siya, palagi na rin akong napupuyat dahil masyado akong naging abala sa pag-aaral. At siya naman, nagsimula na rin sa pagiging COO ng Carreon Trades and Industries.
Nang makauwi kami matapos ang kasal namin ni Dave, agad na isinagawa ng mga magulang namin ang pagsasalin ng posisyon sa kumpanya. Ako pa rin ang itinalagang CEO kasabay ng aking pag-aaral, si Dave ang COO at siya ang kasalukuyang namamahala roon habang nag-aaral pa ako. Samantalang tumutulong naman sa kanya si Shine at siya ang itinalaga naming CFO. Sa kabilang banda, kailangang bumitaw ni Sebastian sa kanyang posisyon dahil naghahanda na ito sa kanyang pagpapasok sa susunod na semester. Habang si Ate Shanelle naman ay patuloy pa rin ang pagdodoktor sa kabila ng pagsuporta niya sa akin sa pag-aaral ko sa CHU.
Nang makarating kami sa kusina, hindi inaasahan ni Dave na naroon ang aming mga kaibigan. Alam ko namang darating sila dahil birthday ni Dave at anniversary namin ngayon.
Ready to go wherever the road will take my soul (soul)~
Ready to go wherever the road will take my soul (soul)~
Ready to go wherever the road will take my soul (soul)~
Nakangiti akong tinugtog ang gitara habang sinasabayan ang pagkanta nila. Sinasabayan ko ang puno ng saya nilang pag-awit habang lumalapit sila sa amin. At ako, walang maramdamang iba kundi tuwa dahil sa presensya nila sa espesyal na araw na 'to. Na kahit sa hinaba-haba na ng panahon, hindi pa rin nawawala ang pagiging kaibigan nila sa amin at patuloy na narito para suportahan kami.
Dahil ganyan magmahal ang Ward 7, hindi nila kami iniwan sa bawat araw na lumipas, sa kahirapan man o kaginhawahan.
"Happy 5th Anniversary, Dave and Sky!" pagbati nilang lahat. Napangiti kami pareho. Sobrang saya namin ni Dave na nakatagpo kami ng mga kaibigang tulad nila.
"Hala, nasa Ward 7 ba ako?" namamanghang tanong ni Dave. Napatingin naman ako sa dekorasyon sa paligid. Ginawa nilang parang Ward 7 ang bahay namin.
"Syempre. Para isipin mo na nasa Ward 7 pa rin tayo na isine-celebrate ang birthday mo." saad naman ni Joyce Ann.
"Salamat sa inyo.." sagot ni Dave sa kanila. Ramdam sa kanya ang sinseridad kaya ngumiti silang lahat.
"Sus, wala yon! That's what we're friends for diba?" sagot naman sa kanya ni Kyla.
"Ano pang hinihintay niyo? Kainan naaa!" Si Balingit. Natawa pa kaming pito saka umupo na sa dining table para kainin ang mga handang dinala nila para sa amin.
[ Song Title: Dito Ka Lang Sa Tabi by Yeng Constantino.]
Habang kumakain at nagsisiyahan ang lahat, pinagmasdan ko ang buong paligid. Napangiti ako nang maisip ko kung gaano na kaganda ang kinahinantnan ng buhay ko. Para sa akin, lahat ng nakikita ko ay masaya at perpekto na ngayon.
Wag kang ganyan, nag-aalinlangan
Padalos dalos ang pagkilos sa kung saan saan~
Years ago, my life was a complete mess. Sobrang lamig, sobrang lungkot, at hindi ko na alam kung ano nga bang patutunguhan ko. Palagi kong hinahanap ang mga taong magmamahal sa akin. At dumating sa puntong nawalan ako ng pag-asa kung magkakaroon pa nga.
Wag kang ganyan
Baka lang di ko makayanan
Unti-unting nahihibang sa kakaabang~
Pero nagpapasalamat ako dahil binago ng tadhana ang lahat. Dumating si Dave, at ibinigay sa akin ang buong Ward 7. At sinamahan nila ako sa bawat parte ng aking buhay.
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang ako
Wag nang itago ang panunuyo
San ka pupunta
Lumapit ka na, pwede ba?~
He made me realized how lucky I am sa mundong ginagalawan ko. Dumating siya para mahalin ako, at ipakita ang mga taong nagpapahalaga sa akin. At ngayon, I'm finally with the persons who accept and see my worth.
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah~
They are my family, friends, and my soulmate. Sila ang mga taong nagmahal at tumanggap sa akin. Ang mga taong nangakong sasamahan ako sa hirap at ginhawa. At sila ang mga taong makakasama ko hanggang sa huling sandali ng aking buhay.
CADEN
Wag kang ganyan, parang timang
Kung makatingin akala mo duling
Easy ka lang
Pwede naman akong kausapin
Halika na dito para ako'y kiligin~
"Nasaan na sila?" tanong ng kakambal ko sa akin.
"Hindi ko alam, ang tagal nilang magreply. Baka ma-late na tayo.." reklamo ko sa kanya. Natawa naman ito.
We're currently at the airport. Hinihintay namin ang pagdating nina Cali, Aires, at Ate Paris mula sa USA. At kami ni Zach ang susundo sa kanila.
"Hahaha kalma, twin. Darating din yon--" Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi nang makita namin sila. "Oh, ayan na sila."
Ngumiti ako nang makita sina Cali, Aires at Ate Paris na nagmamadaling maglakad palapit sa amin. Nang tuluyan silang makarating, isa-isa ko silang niyakap. Natutuwa ako dahil sa wakas, nakauwi na ang mga kapatid ko.
"Kapatiid!"
"Ateee!"
"Cali!" Yumakap ako sa kanya nang makalapit ito sa akin.
"Miss mo ba 'ko, Kuya?" tanong ni Calixta. Natawa naman ako. "May surprise ako sayo mamaya hehe."
"Siguraduhin mong matutuwa ako diyan ha. Bilisan mo, baka ma-late na tayo sa programme." saad ko saka isinakay sa kotse ang mga bagahe niya. Nang matapos ang lahat, agad na kaming umalis sa airport at dumiretso sa CGH dahil baka magsimula na ang inaabangang programme ngayon sa ospital.
---
Wag kang malayo, tambay na dito
Naghihintay lamang ako
Wag nang itago ang panunuyo
San ka pupunta
Lumapit ka na, pwede ba?~
"And as one of the new Chief-Operating Officer of this hospital, I hereby announce to open our partnership with one of our most closest patient in Ward 7, the Carreon Trades and Industries." Nagpalakpakan ang lahat nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Nakangiti naman akong inilibot ang tingin sa kanilang lahat. Lahat nang narito ngayon, kitang-kita ang kagalakan sa kanilang mga mata.
Today is the re-opening of CGH. Sa muling pagbubukas noon, kami nina Zachary, Cali, Kuya Razhen at Ate Shen ang itinalaga ni Daddy na mag-ooperate ng ospital. Sina Aires at Ate Paris naman ang assigned sa university kaya unuwi na sila para roon.
As I stepped out at the stage, kaagad kong pinuntahan si Kaize na nakangiting nag-aabang sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo saka humawak sa kanyang mga kamay.
"Tara doon, ayun sina Cali." saad ko at itinuro kung nasaan sila. Pumayag naman siya at sumunod na nga kami roon.
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah~
"Kuya!" Lumapit sa akin si Cali. Bakit ang hyper naman yata nito ngayon?
"Siguraduhin mong nakakatuwa yan, Calixta." saad ko pa sa kanya. Humagikhik naman ito.
"Syempre, lahat naman ng Kuya natutuwa pag nalamang may pamangkin na sila." Naibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa aking narinig. Gulat akong tumingin sa kanya at siya naman ay naluluhang tumawa sa akin.
"What? Seryoso?" I asked unexpectedly. Hindi ako makapaniwala. Tumango pa ito. "Oo nga, Kuya."
"Eh paano 'yon? Hindi pa naman kayo kasal. Bakit parang napakabilis naman yata, Cali?" tanong ko pa. Humagikhik pa siya saka binuklat ang kanyang bag.
"Uh-uh? And who told you?" nakangiti niyang iniabot sa akin ang isang marriage certificate. "Nagpakasal na kami ni Raze last month sa America. Hindi na daw kase makakasunod dito ang parents niya sa Pilipinas para sa kasal namin talaga, kaya may naunang wedding ceremony roon para sa kanila."
"Well, congratulations, Cali!" sincere na saad ko. Natutuwa rin ako sa nangyari sa kanya dahil masaya na siya kay Kuya Raze. "Salamat, Kuya! Talagang nauna mo pa akong sermunan bago i-congratulate. Nakaka-touch na kapatid."
Tama na ang arte
Hindi ito teleserye
Ang daming importante
Kasama ka't katabi~
Natawa naman ako sa aking narinig. Sabay kaming lumapit sa iba pa naming mga kapatid na masayang nagkukwentuhan doon. Habang ako naman ay pinagmasdan ang paligid. Natutuwa akong makitang masaya ang mga tao sa araw na ito.
I smiled when I saw Mom and Dad laughing to each other. Magkakasama sila sa table nina Tito Kyan, Tita Angelique at Tita Kristina. Kasunod noon ay sina Kuya Razhen at ang asawa niyang si Shine Feliz. They just got married matapos ikasal ang kuya nitong si Sky Felix. Katabi nila sina Ate Shen at ang kakambal kong si Zachary kaya naman pumwesto rin kami ni Cali kasama nila.
And that, naroon din sina Xiantel at Ate Gabby kasama si Andrei at ang anak nila. Masaya rin silang nagkukwentuhan sa isa't-isa kasama ang iba kong mga kapatid. Sina Avrianne, Cazylea, Hermione, Aires, Ate Paris at Ate Zaykie.
At syempre, hindi rin mawawala ang former Ward 7 patients sa araw na ito. Masaya ring nakikilahok sa amin sina Dave Vincent and Sky Felix at ang mga kasamahan nilang sina Jemuel, Kyla Joy, Kyla Mae, Zarah, and Joyce Ann. Tila ba may sarili rin silang mundo kung saan doon sila nagkukwentuhan sa kabilang table.
With that, muli akong napangiti. Masaya naming tatapusin ang araw na ito nang may ngiti sa aming mga labi. Natutuwa akong isipin na naging matatag ang CGH through ups and downs at hindi nagpadala sa mga problemang dumaan sa amin. Ang lahat ng iyon, tuluyan na naming nilalampasan kung saan handa na kaming muli sa panibagong yugto ng aming buhay.
Because we are Crimson General Hospital. We are one. And we are always together no matter what happened. Matatag kaming haharapin ang lahat nang magkakasama.
DAVE VINCENT
Wag kang malayo, tambay na dito
Ang oras di pa hihinto
Wag sasayangin ang sasabihin
Wag kang mahinhin
Lumapit ka na pwede ba?~
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hila-hila ako ni Sky papalapit sa elevator. Katatapos lang naming kumain at nandito pa kami ngayon sa CGH.
"Basta, alam kong matutuwa ka." aniya at isinakay ako roon. Wala na akong nagawa nang magsara na ang elevator at sumama sa kanya. Maya-maya pa, nagbukas itong muli at hindi ko inaasahan kung saan niya ako dadalhin.
Sa Ward 7.
Kahit blangko at walang tao ang pasilyo roon, hindi 'yon napigilan ang saya nang bumalik sa aking alaala ang lahat. Ang simula naming dalawa na sabay naming babalikan ngayon.
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang sa'yo
Wag ng itago ang panunuyo
Wag nang mahiya
Sabihin mo na pwede ba?~
Napangiti ako nang pumasok kami sa gitnang kwarto na pag-aari namin noon. Naroon pa rin ang kamang nakakapagpagaan ng loob ko, at ang cabinet namin noon ni Sky ay matibay pa rin hanggang ngayon. Binuksan namin ang pinto para makapasok kami sa veranda at lalo akong natuwa sa aking nakita.
"Let's go back where we started." bulong sa akin ni Sky as we entered at the veranda. Sa paglipas ng ilang taon, hindi pa rin kumukupas ang ganda rito. Hindi pa rin nawawala ang tuwang palagi kong nararamdaman lalo na at kasama ko ngayon ang taong nakilala ko rito noong unang araw pa lang.
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang sa'yo
Wag ng itago ang panunuyo
Wag nang mahiya
Sabihin mo na~
"Happy birthday, Dave Vincent." Inilapit niya ang bibig sa tenga ko para maging malinaw sa akin ang katagang iyon. Nakayakap siya sa aking likuran habang nakatingin naman ako sa kalayuan na nakasanayan kong titigan noon. "And happy anniversary to us, Sky Felix."
Para sa akin, ang pagmamahal ang pinakamagandang bagay na ginawa sa mundo. Back then, I'm asking myself if I was still able to experience that love sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin mula pagkabata. Pero dumating siya. Nariyan si Sky Felix na minahal ako at tinanggap ng buong-buo. He made me realized and tought me the full meaning of love.
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi
Sa'king tabi tabi tabi tabi tabi~
He came and changed my everything into peace and love. He even tought me to love, and to fight for someone I love. Mahirap labanan ang tadhanang nasa paligid namin para muling makasama ang isa't-isa, pero para sa akin ay pinadali iyon ng pagmamahal niya. Iyon ang pagmamahalan namin na palaging mananatili sa aking puso, at dadalhin ko hanggang sa aking huling paghinga.
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah~
I am Dave Vincent Allux-Carreon. A boy that has a lifeless direction in my life, not until the destiny fixed for myself.
Not until I met Sky Felix. Siya ang patuloy na mananatili sa tabi ko, habambuhay.
Dito ka lang sa tabi~
Hanggang dito na lang. At salamat dahil umabot ka sa dulo ng aming kwento.
- W A K A S -I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow nice 👍 it's so good 😊
07/05/2022
0Tingnan Lahat