CHAPTER 39

[Song Title: On This Day by David Pomeranz]
Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our live together
Light is in your eyes
Love is in our hearts
I can't believe you really mine forever~
Paglakad namin ay bumungad ang napakagandang boses ni Salem. He has a great voice kung saan bagay na bagay sa kanya ang pagiging bokalista, at lalong gumaganda ang kanyang boses sa kinakanta nito. Ramdam na ramdam kong ikakasal na ako habang nakatingin sa harapan kung saan doon ang pupuntahan namin. Sa kalayuan, ramdam kong nakatitig na sa akin si Sky.
Been rehearsin' for this moment all my life
So don't act surprise
If the feelings start to carry me away~
Sobrang hinay ng aming paglalakad ngunit ang isip ko ay nais na agad makarating sa dulo. Alam kong mula sa oras na ito, ikakasal na ako sa lalaking pinapangarap ko. Naroon ang tuwa mula sa aking puso dahil sa katotohanang iyon.
On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day~
Dala ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nakarating na kami sa gitna kung saan naroon si Daddy. Bumitaw na ako kay Doc. Kristoff at Ma'am Luna. Yumakap naman sila sa akin at nagpaalam. Nanatili na sila sa pwestong iyon habang kami ni Daddy ang nagpatuloy sa paglalakad sa harapan.
Not so long ago
This earth was just a field
Of cold and lonely space
Without you
Now everything's alight
Now everything's revealed
And the story of my life
Is all about you~
Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad. Masaya akong kasama ko pa rin si Daddy sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pareho kami ay hindi inaasahang magiging ganito ang takbo ng buhay ko, hindi ako makapaniwala ngunit nandiyan siya para tanggapin pa rin kami ni Sky at suportahan kung anong meron sa amin.
So if you feel the cold winds
Blowing through your nights
I will shelter you
I'm forever here to chase your fears away~
At nagtama na ang paningin namin ni Sky. Sa pagkakataong iyon, nakatitig lang ako sa kanyang mga mata habang nakangiti roon. Napakasarap titigan nito habang hinihintay niya akong makarating doon. Nagfa-flashback pa rin sa aking isipan kung paano nangyari ang lahat. Ang simula, ang pagmamahal namin, ang mga problema, at ang mga pangyayari hanggang sa kasalukuyan.
On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word I say
On this day~
Nang tuluyan na akong magkalapit ay agad niya akong niyakap. Pati siya ay umiiyak nang muling maghawak ang aming mga kamay sa harapan. Matapos noon ay nagmano siya kay Daddy, habang ako naman ay yumakap kay Daddy Lawrence at Mommy Camilla. Sabay naman naming binati sina Jemuel at Ate Kaize na naroon din.
Oh, I've been rehearsin' for this moment all my life
So don't act surprised
If the feeling starts to carry me away~
Hanggang sa sabay na kaming naglakad patungo sa judge dala ang ngiti sa aming mga labi. Magkahawak pa ang aming mga kamay habang nakatitig isa't-isa. Kung tutuusin ay pareho kami ng iniisip na sobrang swerte namin sa mga taong ito na hanggang ngayon ay sinusuportahan kami. Ngunit nang pahirin niya ang aking mga luha gamit ang kanyang kamay, napagtanto kong mas swerte kami sa isa't-isa lalo na sa pagmamahal na nasa puso namin.
"Welcome! We are gathered here to share in a celebration of love, and to join together Dave Vincent and Sky Felix." panimula ng Judge. Nagkatinginan kami ni Sky habang isinasagawa ang seremonya habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay. "Today, in the presence of family and friends, they will commit to living their lives together, two beautiful spirits sharing the most sacred of human relationships. They have invited us here to rejoice, celebrate, and bear witness to their union. They stand before you with a deep desire to share this expression of their love with you and with the world."
"We, their families and friends, form a community of love that together we may support and encourage them with our abundance of wishes and blessings on this day and for all of their lives. We would also like to honor those who could not be here with us today. We know they are here in spirit with us, to shower joy upon Dave and Sky." Napangiti pa kami dahil sa sinabi ng Judge.
"You may all stand for the Declaration of Intent." Tumayo naman agad kaming lahat. Unang tumingin sa akin ang Judge.
"Do you, Dave Vincent, take Sky Felix to be your lawfully wedded partner, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and not-so-good times, for richer or poorer, committing yourself into him for as long as you both shall live?" tanong ng Judge. Ngumiti ako dahil isa ito sa aking hinihintay.
Sumulyap muna ako sa kanya at humawak sa kamay niya saka sumagot. "I do."
"Do you, Sky Felix, take Dave Vincent to be your lawfully wedded partner, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, committing yourself into him for as long as you both shall live?" Kay Sky siya sunod na tumingin na nakatitig pa rin sa akin. Natawa naman ako dahil halata sa kanya ang kilig dahil sa pagkakasabi ko ng I do.
Ngumiti siya pabalik sa akin saka sinagot ang Judge. "I do, and I'll always do."
Hindi ko inaasahang ako ang kikiligin pagkatapos noon. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya agad akong nagbaba ng tingin. Ngumisi pa ito sa akin at halata ang kanyang pang-aasar. Bakit ba hanggang dito sa kasal natin ay nagpapakilig ka, Sky?
"Now, in the spirit of joy and affirmation, I want to ask your families and friends a question." Matapos noon ay sa mga taong kasama naman namin tumingin ang Judge. "Do you, the families and friends of Dave and Sky, give them your blessing and support this day, wishing them a wonderful life together?"
"We do." sagot nilang lahat. Ngumiti kami sa kanila. Hanggang sa lumapit naman si Daddy sa amin at tiningnan siya ng Judge.
"Do you, the father of Dave Vincent, giving him the permission to marry this man?" tanong nito. Ngumiti si Daddy sa akin saka sumagot.
"I do." saad niya saka kinuha ang aking kamay at ibinigay iyon sa Judge. Maingat naman iyong hinawakan ng Judge saka ibinigay kay Sky na nakangiti niyang tinanggap. Napangiti pa ako nang halikan niya iyon sa harap nila.
"We saw that you're both intended to do this wedding. So let us proceed on the exchanging of vows." sambit ng Judge. Sa akin ito muling tumingin. "Please repeat after me, Dave Vincent."
"In the presence of our family and friends, I, Dave Vincent, choose you, Sky Felix to be my life partner." Sinusunod ko ang sinasabi ng Judge at pareho naman kaming nakangiti ni Sky habang sinasambit ko ang pangako kong iyon sa kanya. "To have and to hold, from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, in joy and in sorrow, to love and to cherish, and to be faithful to you alone. This is my solemn vow."
"I love you." bulong niya. Bakas sa kanyang mga mata ang tuwa.
"I love you more." sagot ko kaya lalong lumawak ang ngiti niya. Hanggang sa siya naman ang tinawag ng Judge.
"I, Sky Felix, take you, Dave Vincent to be my partner for life." sinabi niya iyon habang nakatitig sa aking mga mata. Namasa iyon dahil sa sobrang tuwa. "I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of our life, forever." Hindi ko namalayang umiiyak na ako. Iba pala ang saya kapag ako na ang nakarinig ng pangako niya.
"I love you so much." bulong pa niya saka pinunasan ang aking mga luha. Ganoon din ang kanyang mga mata. Ramdam namin ang pagmamahal ng isa't-isa habang isinasagawa ang aming kasal na matagal na naming pinapangarap.
"Your wedding rings are a reminder of the vows you made to each other today. A ring is an unbroken circle, with ends that have been joined together. It represents your union. It is a symbol of infinity, and of your infinite love. It encircles an opening, which is the door to your future. When you look at these rings on your hands, be reminded of this moment, your commitment, and the love you feel for each other today." Nakangiti kaming muling humarap sa Judge. Lumakad naman si Perish sa harap namin at iniabot doon ang aming singsing. Kami naman ay yumuko para halikan siya. Nginitian kami ng sobrang cute na batang ito saka siya muling bumalik sa kanyang pwesto katabi ni Mrs. Paris.
Ibinigay ng Judge sa akin ang singsing ni Sky at naroon din kay Sky ang akin. "Repeat after me again, Dave Vincent."
Kinuha ko na ang kamay ni Sky para doon isuot ang singsing habang sinusundan ang Judge sa aking sasabihin kasabay ng pagsusuot ko roon. "Sky, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge to love you today, tomorrow, always and forever."
Siya naman ang kumuha ng mga kamay ko pagkatapos. Ngumiti pa siya sa akin at sumunod sa Judge. "Dave, I give you this ring, that you may wear it, as a symbol of the vows that we made this day. I pledge you my love, and respect, my laughter and my tears. With all that I am, I honour you."
Dahil sa sobrang tuwa niya, umiiyak na rin ito at ako naman ang nagpunas ng kanyang mga luha. Hinawakan niya pa ang kamay kong may singsing at tinitigan ito kasama ang kamay niya. Saka kami muling tumingin sa Judge.
"Dave and Sky, we have heard your promise to share your lives in marriage. We recognize and respect the covenant you have made here this day before God and all of us are witnesses." sambit nito. Tumitig siyang muli sa amin at humugot ito ng malalim na hininga at halata ang tuwa sa kanya. "Therefore, in the honesty and sincerity of what you have said and done today and by the power vested in me by the US Government, it is my pleasure to declare you married and partners in life. You may now kiss your husband."
Nang matapos iyon, bumalot sa paligid ang palakpakan at sigawan ng mga taong nagmamahal sa amin. Tanda ito ng kanilang walang hanggang suporta. Tumingin na si Sky sa akin at nakangiting tumitig sa aking mga mata. Tuluyan na niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at dumiretso sa aking mga labi. That is his most sweetest kiss for me, lalo na at kasal na kami ngayon. Nararamdaman ko ang matamis at malambot niyang labi na tila ba sobrang sarap noong halikan. Tumagal ang halik na iyon kaya lalo naming narinig ang sigawan ng mga tao. Lahat ng nasa loob ng court na ito ay sobra ang tuwa dahil sa sinapit ng pagmamahalan namin ni Sky.
"I love you so much, Sky Felix.." naiiyak na sambit ko. Nakangiti niyang pinunasan ulit ang aking luha.
"Sshh, don't cry. I love you most, Dave Vincent." Niyakap ako nito ng sobrang higpit. Nang matapos kami roon, magkahawak-kamay kaming bumaba sa taas saka nilapitan ang mga taong mahalaga sa amin.
[I give my credits to the owner of the song and video. Song Title: Tuloy pa Rin by Neocolours.]
Pagbaba namin ay aming narinig ang muling pagtugtog nina Sebastian. Pati sa kanila ay halatang masaya sila para sa amin. Una naming pinuntahan ang Ward 7. At kasabay ng aming paglalakad ay ang kanilang pagkanta para sa amin.
Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na~
"Congrats!" ani Jemuel, Kyla, Joyce Ann, Bay, at Balingit. Kasama rin nila ngayon sa table sina Nurse Rhen at Nurse Gabby na isa-isa kaming niyakap.
"Congrats, Dave and Sky! Sobrang proud ako sa inyooo!" sambit ni Nurse Gabby. Niyakap niya kami pareho. "Thank you, Nurse Gabby."
"Congratulations! So happy for you." saad naman ni Nurse Rhen. Yumakap rin siya sa amin. "Thank you poo!"
Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko~
"Hooy, Carreon na si Dave!" sambit ni Kyla. Nagbaba ako ng tingin at hindi alam ang sasabihin dahil sa magkahalong hiya at kilig sa akin.
"Oo nga eh. My handsome baby husband." proud pang sagot ni Sky at tumingin sa akin. Hindi ako makapaniwalang kasal na ako sa lalaking ito ngayon.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin~
"Sige na ha? Aalis na muna kami ng asawa ko. Bonding na lang ulit tayo sa reception mamaya." paalam niya kina Jemuel. Napangiti pa ako ng palihim habang hindi naman nawala ang hagikhikan sa kanila. Kahit asawa ko na si Sky ngayon, hindi pa rin nababawasan ang kilig na nararamdaman ko. Kung tutuusin at para ngang mas lalo pa itong nadagdagan paglipas ng araw.
Biruin mo iyon. Kasamahan ko lang sa ward noon, asawa ko na ngayon. Hay, wala ka nang kawala sa akin, Sky Felix.
Kung minsan ay hinahanap pa'ng
Alaala ng 'yong halik
Inaamin ko na kay tagal pa bago
Malilimutan ito~
Hawak niya ang kamay ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa ibang table. Sunod naming narating ang table ng mga Crimson kung saan silang lahat magkakasama roon.
"Congratulations, Dave at Sky!" bati sa amin nina Nurse Cali at Kuya Raze. Niyakap pa kami pareho ni Nurse Cali dahil sa sobrang tuwa nito.
Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito~
Sunod na bumati sa amin sina Ate Kaize at Doc. Caden, Ma'am Aires, Engr. Amoure, Mrs. Paris at Perish, Ate Shen, Kuya Kyan at Ate Angelique, at hindi mawawala sina Doc. Kristoff at Ma'am Luna. Halata sa kanila ang saya dahil sa kasal namin. Natutuwa ako dahil hanggang dito ay ramdam pa rin namin ni Sky ang suporta at pagmamahal nilang lahat.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin~
Nang hanapin namin si Kuya Razhen ay nagulat kami nang makitang kasama siya ng mga Carreon. Agad din naman kaming lumapit ni Sky doon at sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Ate Shanelle. Si Sky naman ay lumapit kina Ate Jackielou kung saan kinakausap din siya ng pamilya ko.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin~
"Congratulations, Dave Vincent A. Carreon." Hindi ko alam ang aking mararamdaman nang tawagin niya ako sa kanilang apilyedo, na apilyedo ko na rin mula ngayong araw na ito. I felt the joy in my heart habang paulit-ulit na binabanggit sa isip ko ang aking pangalan na may apilyedo na nila.
Dave Vincent Allux - Carreon
"Welcome to the family, Dave Vincent." Kahit ngayon niya lang sinabi yan, alam ko namang matagal na akong welcome sa kanila dahil sa pinaparamdam nito. Hanggang sa huli, hindi ako iniwan ng mga Carreon at dama ko pa rin hanggang ngayon ang pagmamahal nila sa akin.
"Thank you, Ate Shanelle." sincere na sagot ko sa kanya.
Hanggang sa muling lumapit sa akin si Sky at kinuha ang aking mga kamay. Nagpaalam na kami kay Ate Shanelle at mabilis na tinahak ang daan papunta sa veranda ng courthouse. Nang makarating kami roon, bumungad ang napakagandang view ng America kasabay ng pagsimoy ng malamig na hangin na lalong nakapagpasaya sa amin.
Humawak ako sa balustre roon at muli siyang yumakap sa akin patalikod. Kahit kasal na kami, hindi na nagbago sa amin ang gawi niyang iyon. Nakangiti pa rin ito sa akin at pinagmamasdan ako. Kahit hindi niya aminin, alam kong pareho kaming natutuwa dahil sa nangyaring kasal at hindi akalaing dito hahantong ang pagmamahalan naming dalawa.
Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko~
"My surname really fits you, Dave Carreon." sambit niya habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi agad ako nakasagot.
"Bagay na bagay sayo ang maging Carreon. Ang sarap ulit-uliting bigkasin ang pangalan mo kasunod ng apilyedo ko. Pero mas masarap isigaw sa buong mundo na asawa na kita ngayon.." I heard his lovely voice habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Kahit ako rin naman Sky, masaya dahil sa nangyari. Ikaw na ang makakasama ko habambuhay at hindi na magbabago iyon.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin, woh~
"Sky.. paano nangyari iyon? Paanong naging Carreon ako?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Tumitig siya sa akin.
"Diba sinabi ko, basta para sayo, kaya kong gawing posible ang lahat." sagot niya. Nginitian pa ako nito. "Isa na akong citizen dito sa America at normal lang na magsalin ng apilyedo sa isang pagpapakasal. Naging Carreon ka dahil kasal na tayo, and you have the rights dahil citizen ka na rin sa bansang ito."
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin~
"I-Itong bisa ng kasal natin, madadala ba sa Pilipinas?" tanong ko pa. Tumango naman siya.
"Yes. Madadala natin ito sa Pilipinas dahil isang government ang nagkasal sa atin at legal iyon. Kaya kahit baliktarin man natin ang mundo ngayon, isa ka nang ganap na Carreon." nakangiting sagot niya pa. Hindi ako makapaniwala. Ginawa niya talaga ang lahat para maikasal kami at para magkaroon ako ng karapatan bilang isang asawa niya.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (hamunin)
'Pagka't tuloy pa rin (tuloy pa rin)~
"Thank you for everything, Sky Felix." saad ko. Umakbay na siya sa akin habang yakap ako ng isang braso niya. Nakakatuwang isipin na ang lalaking tinititigan ko ngayon ay asawa ko na.
"No, you're my responsibility. Mahal kita, and I want the best for you, for us." Ngumiti siya ulit sa akin. Nakakatunaw iyon pero nakakahawa ang tuwa na bakas sa kanya.
"Thank you for fulfilling me your promise. For marrying me, for loving me, and for finding me noon pa man." sambit ko. Nagpapasalamat ako sa lahat. Sa tuwa, sakit, lungkot, at kilig, at problema dahil ito ang naging daan ng pagiging kami pa rin hanggang sa huli.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin~
"And thank you for waiting, for not giving up, for giving your heart, and for sacrifices that you'd made." sagot niya. Umiling ako.
"That we'd made, Sky. Pareho tayong naging dahilan kung bakit natin nakamit ang pangarap nating magpakasal." sambit ko sa kanya. Tumango pa siya sa akin.
"I love you, Sky Felix." saad ko pa saka humigpit ng yakap sa kanya.
Tuloy pa rin~
Hanggang sa naramdaman ko na ang paglapat ng kanyang labi sa aking noo. He gave me his sweetest forehead kiss saka ako sinagot.
"I love you, my Carreon."
---

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    Rosemary Que

    wow nice 👍 it's so good 😊

    07/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata