Homepage/A Lover's Heart/
CHAPTER 38
DAVE VINCENT
Sa buhay natin, may mga bagay tayong hinahangad. Mula pagkabata, may mga bagay tayong hinihiling sa ating mga magulang na gusto nating makuha. Malaki man, o maliit ang bagay na iyon.
Ganun din naman ang nararamdaman ng ating puso. May mga taong darating sa buhay natin. Mga taong dadaan lang para turuan ng leksiyon, at mga taong nandiyan para mahalin tayo at intindihin at piliin habambuhay.
Hindi madali para sa atin na panatilihing bukas ang ating puso para sa taong mahal natin. May mga oras na kailangan mong lumaban, at harapin ang inyong mga pagsubok para ang inyong pagmamahalan ay manatili at maging buo.
Let's face the consequences, like how we face and fight for someone we love.
Kasalukuyan akong nakatitig sa mga damit na nasa aking kama. Halos lahat dito ay mga tuxedo, at iba-iba ang kulay. Maraming pagpipilian, at ako ang nahihirapang mamili kung ano nga ba ang isusuot ko sa kasal namin ni Sky.
"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakakapamili?" pangungulit na naman ni Ate Jackielou. I pouted.
"Hindi ko kasi maintindihan ate. Lahat ng damit dito, gusto kong isuot." natatawang sagot ko. Pero I want to choose the white one. Alam ko kasing black na ang isusuot ni Sky.
"Follow your heart, bunso. Like how you choose him." saad niya at napaisip naman ako. Nginitian ko pa siya saka agad na kinuha ang white tuxedo.
"Ito na, Ate. Nagagandahan ako dito." sambit ko. Sumunod pa ito sa akin at tinulungan akong mag-ayos. Mula sa pagsusuot ng tuxedo hanggang sa pag-aayos ng buhok at mukha ko ay sinamahan ako nito.
Yes. Today is April 10. My wedding day.
Ever since that he proposed to me, talagang minadali na niya ang proseso ng pagpapakasal namin. Masyadong excited si Sky mag-asawa. And of course, dito gaganapin ang kasal sa USA. Dumating kami rito 3 days ago to prepare for our wedding.
"Ayan, ang gwapo mo na bunso!" sambit ni Ate Jackielou nang sa wakas ay matapos siya sa pag-aayos sa akin. Namamangha ko namang tiningnan ang aking sarili sa salamin.
Ang gwapo ko nga.
"Halika, aayusin natin ang tuxedo mo." saad niya saka ikinabit sa aking leeg ang bow tie na lalong bumagay aking suot. Napangiti naman ako doon, bagay kasi iyon sa suot kong coat.
Woah! Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal.
"Here, you're all set! Ang gwapo na ng bunso ko." sambit niya. Nginitian ko siya dahil sa saya. Until she hugged me while she's teary-eyed. Niyakap ko ito pabalik.
"Thank you, Ate.." sincere na sabi ko saka niya ako lalong niyakap ng mahigpit. "Pero bakit ka po umiiyak?"
"Ikakasal na ang bunso ko. Ang bilis ng panahon, dati baby pa lang kita, tapos ngayon ipapaubaya na kita kay Sky." Bahagya akong natawa pero kahit ganoon ay may tumulo ring luha sa aking mga mata.
"Ate, thank you for everything.." Maraming laman ang isip ko pero iyan lang ang nasabi ko sa kanya. Ang tanging nagawa ko lang ay yakapin ko ito pabalik habang tumutulo ang aming luha.
Dahil ganyan si Ate Jackielou. Ang pagiging Ate niya sa akin ay hindi nagtatapos. Masaya ako dahil mula pagkabata namin, siya ang nagbabantay sa akin. Siya ang naging karamay ko noong umalis si Daddy at Kuya. Siya rin ang kakampi ko noong mga panahong buhay pa si Lola Amelia at hindi pa maayos ang lahat. At higit sa lahat, siya rin ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Sky.
"So ang kwento, kayo lamang ang magyayakapan? Kayo lang ang magkapatid, ganun ba?" Nang marinig namin ang pamilyar na boses mula sa pintuan ng kwarto, at nang tumingin kami roon ay nakita namin si Kuya AJ. Agad itong tumakbo papalapit sa amin.
"Kuyaaa!" sigaw namin pareho saka yumakap sa kanya. "Teka, dahan-dahan yung damit ni Dave magugusot!"
Natawa kami dahil doon. Hanggang sa bumitaw ito sa amin pero nakaakbay pa rin siya sa aming mga balikat. Ganyan naman ka-sweet si Kuya noon pa man, at hindi iyon nagbago kahit na maraming nangyari paglipas ng panahon.
"Nasaan si Daddy?" tanong ni Ate Jackielou.
"Nagbibihis na rin kasama nina Tito Lawrence. Wala pa nga rin kaming masyadong tulog dahil napuyat kami sa flight kagabi. Pero anything for our bunso." Tumingin ito sa akin at napangiti ako sa kanya. Kahapon lang kasi sila lumipad papunta rito kaya gabi na nang lumapag ang eroplano nila.
Ang swerte ko sa kanila.
"Thank you, Kuya.." saad ko. Ngumiti ito sa akin.
"Sus, anything for you, baby. Masaya akong kahit matagal na panahon akong nawala ay kinikilala niyo pa rin akong Kuya niyo." sagot nito.
"Kuya naman, eh. Kalimutan na natin iyun. Ang mahalaga, magkakasama na ulit tayo ngayon." sambit sa kanya ni Ate Jackielou. Napangiti naman ito.
"Oo, Kuya. Mas masaya ako dahil nakarating ka." segunda ko naman. Napaluha pa ito dahil doon.
"Sus. Kayo talaga, parito nga Kayo. Yakapin niyo ang kuya, mga babies." saad niya saka muli kaming niyakap. Napangiti naman ako dahil doon. Kumpleto kaming tatlo sa isa sa importante at pinakamahalagang araw ng buhay ko.
"Ikakasal ka na, bunso. Ikakasal ka na sa Carreon. At masaya ako dahil ginawa mo ang payo kong ipaglaban ang taong mahal mo." saad nito. Ngumiti ako sa kanya.
Si Kuya AJ naman ang naging dahilan kung bakit mas pinili kong lumaban at maghintay sa kanya. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas noong mga panahong susuko na ako. Pero hindi iyon nangyari dahil ipinaalala niya ang pagmamahal ko kay Sky.
"Salamat sa lahat, Kuya.." sincere din na sambit ko.
"Walang anuman, bunso. Lahat naman ay gagawin namin para sayo. Love ka namin." sagot niya. Tumingin pa siya kay Ate Jackielou saka kami muling niyakap pareho.
"Tara na sa labas. Naghihintay na sila." saad ni Ate Jackielou. Si Kuya AJ naman ang tumulong na magdala ng mga gamit namin. At pagdating sa salas ng hotel room, kami pa ring tatlo ang magkakasama.
"May naghihintay nga pala sayo sa labas, bunso." sambit ni Kuya AJ. Nagtaka naman ako kung sino iyon, at lalo akong natuwa nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Nurse Cali.
"Dave!" tawag nito sa akin kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya saka iyon niyakap.
"Nurse Cali.. thank you for coming!" natutuwang sambit ko. Niyakap niya ako pabalik.
"Syempre, ako pa ba. Alangan namang mawala ako sa isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay mo." sagot niya. Ngumiti naman ako roon at pinagmasdan siya.
Sobrang ganda niya ngayon suot ang pure white dress. Ito kasi ang napili naming motif ni Sky kaya ang puting tuxedo rin ang pinili kong suotin para sa aking kasal.
"Pero anong ginagawa mo po rito, Nurse Cali?" tanong ko. Ang alam ko ay kasama siya sa mga groomsmaid na dapat ay papunta na sa courthouse ngayon kung saan doon gaganapin ang wedding.
"Ako ang sasama kay Sky ngayon hanggang makarating tayo roon. Nauna na kasing umalis ang parents niyo kasama nina Paps at Mams." paliwanag niya. Nagtaka naman ako.
"Paano ako, Nurse Cali? Hindi niyo po ba ako sasamahan?" nagtatampo kunwaring tanong ko pa. Natawa naman ito.
"Ako, Dave? Ayaw mo bang ako ang kasama mo?" tanong ng hindi ko inaasahang taong pumasok sa kwarto.
"Woah, Nurse Gabbyyyy!" tawag ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang kasama ko na ulit siya ngayon.
"Congratulations, Dave." masayang bati nito saka yumakap sa akin. Ganoon din ang ginawa ko pabalik sa kanya.
"Salamat po. Masaya akong nakarating ka, Nurse Gabby." sambit ko.
"Gaga, syempre naman. Hindi ako pwedeng mawala 'no." saad niya pa. Tulad ni Nurse Cali, bagay na bagay din sa kanya ang white dress.
"So ano, tara na?" tanong ni Ate Jackielou nang lumapit siyang muli sa amin. Napagdesisyunan naming umalis na roon dahil halos lahat ng kasamahan namin ay nasa venue na maliban daw kina Sky.
Nagpaalam na sa amin si Nurse Cali saka pumunta sa mga Carreon na katapat lang namin ng kwarto. Sinadya naming hindi magkita ni Sky mula kahapon kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa ulit ito nakikita. Magkatapat lang ang kwarto namin at may bukod pang kinuhang kwarto para sa Ward 7 kung saan doon nananatili sina Jemuel, Kyla, Bay, Balingit at Joyce Ann.
"Nauna nang umalis sina Sky." saad ni Nurse Gabby. Ang bilis naman?
Tinahak namin ang daan patungong elevator. Agad kaming bumaba kung saan naghihintay na roon ang aming sasakyan. Kasama pa rin namin sina Kuya AJ at Ate Jackielou pero kausap nila si Ate Shanelle sa phone call para sa paghahanda sa reception.
Nang makarating kami sa labas ay naghihintay na ang aming sasakyan. Nagulat ako nang makita ang isang engrandeng limousine sa harapan ko. Hindi ko maiwasang humanga lalo na at ito ang sasakyan namin ngayon.
"Dave, si Salem nga pala." pakilala ni Ate Jackielou at tinuro ang lalaking lumapit sa amin. "Siya ang bestfriend ni Sebastian at siya ang maghahatid sa atin ngayon. Kasama rin siya sa mga singers."
"Helloo!" bati ko kay Salem na agad din akong nginitian. Maamo ang gwapong mukha nito at cute din siya. Pero sorry, para kay Sky lamang ako.
"Congrats, Kuya Dave!" saad nito saka kami inalalayan papasok ng sasakyan. We took the front seat samantalang sina Kuya AJ at Ate Jackielou naman sa likod. Maya-maya pa ay umalis na kami.
"Si Nurse Rhen po?" tanong ko habang nasa biyahe kami.
"Kasabay na ni Caden at ng ibang abay. Si Andrei at Raze naman ang magkasama." sagot ni Nurse Gabby. Tumango naman ako at tumingin sa bintana. Sinasamantala ko ang huling sandali ng pagiging Allux. Nakakaexcite, pero ramdam ko rin ang kaba. Ganito pala talaga kapag ikakasal na.
"Thank you for being with me, Nurse Gabby." sambit ko sa kanya.
"And thank you for following my advices. Masaya akong dito humantong ang kwento niyong dalawa. I'm proud." Ngumiti ito at halata sa mukha niyang sobrang saya niya para sa amin.
"Ganito po pala ang pakiramdam ng ikakasal, nakakakaba." pag-amin ko sa kanya.
"Ganyan lang talaga, Dave. Pero worth it kapag nasa harapan ka na kasama ang taong mahal mo." saad niya at ngumiti sa akin. This is my special day, at sa tingin ko ay ito na ang magiging pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.
Maya-maya pa ay nakita na namin ang courthouse. Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa ramdam kong pagka-excite at kaba. Binuksan na ni Salem ang pintuan nang sasakyan para makalabas kami.
Lumawak ang aking pagkakangiti nang makababa kami. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng courthouse at sobrang ganda nito. Binubuo iyon ng tatlong palapag kung saan naroon ang mga trial courts at isa sa mga nandoon ang lugar kung saan gaganapin ang kasal namin ni Sky.
Tinahak na namin ang daan papasok kasama si Nurse Gabby. Tulad nga ng inaasahan namin, karamihan sa aming mga kaibigan ay nakarating na. May mga bisita na ring naghihintay sa labas ng court kung saan doon gaganapin iyon. Kasalukuyan pa itong sarado. Sa tingin ko ay nasa loob na noon ang mga Carreon pati si Sky. Nakita ko ring pumasok na si Salem kasama ni Sebastian habang sumunod naman sa loob sina Daddy, Ate Jackielou at Kuya AJ.
Inilibot ko pa ang aking paningin sa buong paligid. Lahat ng mga bisitang makikita ko ay ngumingiti sa akin. Halata sa kanila ang tuwa para sa amin at sa kasalang magaganap. Pero lalo akong napangiti nang makita ko sina Jemuel at Ate Kaize na papalapit sa akin.
"Dave!" tawag nila sa akin. Nakangiti pa ito at halata ang sobrang saya sa kanilang mga mata ngayon. "Dave Vincent!"
Si Jemuel ang aking bestman. Si Ate Kaize naman ang Maid of Honor. Pareho naming pinagpilian ni Sky iyon at natuwa pa ang mga ito dahil sila daw ang pinili namin.
"Congratulations, Dave!" sambit ni Jemuel saka ako niyakap ng sobrang higpit. Bagay din sa kanya ang simpleng white coat na suot niya ngayon. "Thank you, Jem."
"Congrats, Dave!" Si Ate Kaize naman ang sunod na yumakap sa akin. At sobrang ganda niya suot ang isang white dress na pinili ni Sky para sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang maging Maid of Honor ko. Lalo na at bestfriend namin sila pareho.
"Salamat, Ate Kaize. You look gorgeous!" sincere na saad ko. Ngumiti naman ito sa akin.
"Ilang beses ko na ring narinig kay Caden yan mula kanina pang umaga. Para daw mas maganda ako ngayon kaysa nung kasal namin." Natawa pang sagot nito.
"Totoo naman, Ate. Maganda ka po ngayon." sambit ko pa.
"Sus. Tama na pambobola, Dave. Ikakasal ka na." sagot niya.
"Thank you for coming po." saad ko. Ngumiti naman sila. "Anything for you and Sky."
Ang swerte namin ni Sky dahil hanggang sa huling sandali ng kwento naming dalawa, nandiyan sina Jemuel at Ate Kaize na tumayo bilang isang tunay na kaibigan namin. Ganoon din ang lahat ng tao sa paligid namin, lalo na at ramdam ko ang pagmamahal nilang lahat lalo na ngayong kasal namin ni Sky.
"Dave, magsisimula na." saad ni Nurse Gabby. Napatingin kaming tatlo sa kanya. Nagpaalam na silang dalawa sa akin at bumalik sa courthouse. Ako naman ay inalalayan ni Nurse Gabby na makapunta na rin doon. At mula rito sa kinatatayuan ko, tanaw namin ang kasalukuyang nangyayari sa loob kung saan ginaganap ang entourage.
Unang lumakad si Jemuel dala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sobrang bagay sa kanya ang suot nitong white tuxedo. At nang makarating siya sa dulo, nagtama ang paningin namin at agad siyang ngumiti sa akin. Nagthumbs-up pa ako sa kanya pabalik at humagikhik pa ito.
Kasunod ni Jemuel ay ang mga magulang ni Sky. Sina Tito Lawrence at Tita Camilla. I mean, Daddy Lawrence at Mommy Camilla na pala. Sila na tumayo bilang pangalawang magulang ko. At sila ang sumusuporta sa amin ni Sky sa loob ng maraming taon. Kahit na hindi maganda ang nakaraan ng pamilya namin, nagpapasalamat ako dahil sa pagtanggap nila sa akin.
I smiled when I saw my groom walking to the aisle. Napakagwapo niya suot ang silver na coat. Bagay na bagay sa kanya iyon, pero mas bagay yata sa kanyang pakasalan ako. Napangiti ako nang marating niya ang dulo at siguro'y agad niya akong hinanap. Nang magtama ang paningin namin, agad akong umiwas. Gusto kong tititigan ko lang siya kapag naglalakad na ako sa aisle papalapit sa kanya.
Natuwa naman ako nang makita kasunod ni Sky ang naglalakad na dalawang bata. Sina Andree Gabrielle at Perish Eiffel. Si Perish ang aming ring bearer at si Andree ang coin bearer. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawang Crimson na ito na talagang napamahal na rin sa amin.
Nagpaalam na si Nurse Gabby sa akin dahil sunod nang lalakad ang groomsmen at groomsmaid. Dumiretso na siya sa kanyang asawa na si Kuya Andrei dahil maya-maya lamang ay papasok na rin sila. Pero hindi ako naiwang mag-isa roon dahil dumating na sina Doc. Kristoff at Ma'am Luna. Sila rin ang maghahatid sa akin sa harapan patungo kay Daddy.
"Congratulations, son." sambit ni Doc. Kristoff. Ngumiti ako at niyakap siya. Ang swerte ko dahil hanggang sa huli, narito siya bilang pangalawang tatay ko. Niyakap naman niya ako pabalik ngunit matapos noon ay iniharap niya ako sa kanya.
Hinawakan niya ang harapan ng coat ko at ikinabit sa bulsa noon ang isang pocket square na galing sa kanya. Crimson red ang kulay noon at simple lang ang kanyang disenyo na bumabagay sa aking coat. Sunod na humarap sa akin si Ma'am Luna.
"Congratulations, Dave!" bati ni Ma'am Luna. Sunod niyang ikinabit sa akin ang bottonhole o mas kilala bilang boutonnière. Napakaganda noon dahil naglalaman iyon ng espesyal na white rose na bumabagay sa aking coat at sa buong theme.
White ang motif ng buong wedding. Pinili namin iyon ni Sky dahil nagrerepresenta iyon ng kulay sa Ward 7 at Ward 8 kung saan nangyari ang lahat sa amin.
Samantala, suot nina Doc. Kristoff at Ma'am Luna ang Crimson red na gown at tuxedo. Bagay iyon sa kanila dahil nagrerepresinta ito ng kanilang apilyedo. Habang sina Daddy, Daddy Lawrence at Mommy Camilla ang nagsuot ng pure black bilang tanda naman ng muling pagkakaisa ng Allux at Carreon.
"Thank you for coming po." sambit ko kay Ma'am Luna. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi mo pa ako binabati, gaga." Natawa ako sa kanyang sagot. At oo, kasabay ng aming kasal ay birrhday din niya ngayong araw. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ito.
"Happy birthday, Mommy Luna." sincere na saad ko. Ang saya ko dahil nakarating ang aking pangalawang ina sa pinakamahalagang araw ng buhay ko, ang kasal namin ni Sky.
Yumakap siya ng mahigpit sa akin pabalik. "Thank you, anak ko."
Nakakatuwa dahil kung paano niya ako pagmasdan ngayon ay ganoon din kung paano siya tumingin kay Doc. Caden noong ikasal siya kay Ate Kaize. Humawak pa siya sa aking braso at sabay naming tatlo na pinanood ang nangyayari na sa loob.
Napangiti ako nang makita si Nurse Rhen kasabay ni Doc. Caden. Napakaganda ng paglakad nilang dalawa. Si Nurse Rhen na palaging nag-aalaga sa akin noong nasa Ward 7 pa ako, at si Doc. Caden na naging isang tunay na kaibigan sa akin at dinamayan ako sa lahat ng oras na pananatili ko sa CGH hanggang sa kasalukuyan.
Kasunod nina Nurse Rhen ay sina Nurse Gabby at Kuya Andrei. Parang kailan lang noong inamin ni Kuya Andrei sa ward na magkakaanak na sila ni Nurse Gabby, pero ngayon ay nakakatuwang matatag pa rin silang mag-asawa. Sana ay maging ganyan din kami ni Sky paglipas ng maraming taon matapos kaming ikasal.
Napangiti ako nang makitang kasunod nang naglalakad sina Nurse Cali at Kuya Raze. Isa sa mga taong nagkaroon ng malaking tulong sa buhay namin ni Sky ay si Nurse Cali. Siya ang tumulong sa amin noong mga panahong nagkakaroon ng gulo sa pagitan ng pamilya namin. Tinupad niya rin ang kanyang pangakong gagawin ang lahat para gumaling si Sky. Kaya sobrang laki ng pasasalamat namin kay Nurse Cali dahil kundi sa kanya, baka walang kasalang nagaganap ngayon.
Sina Ate Shen at Salem naman ang kasunod na lumakad. Kahit ngayong araw ko pa lang nakilala si Salem, sa tingin ko ay mabuti rin naman siyang tao dahil kaibigan siya ni Sebastian. At si Ate Shen na nariyan simula pa noong una at pinaparamdam ang kanyang suporta sa pagmamahalan namin ni Sky, hinding-hindi ko siya makakalimutan.
Magkakasunod na lumakad sina Ma'am Aires kasabay ni Kuya Kyle, si Ate Amoure kasama ni Kuya Shon o ni BJ Man, at si Mrs. Paris kasama si Atty. Kael. Hindi rin nawala ngayong araw sina Ate Angelique na kapatid ni Ma'am Luna at Kuya Kyan na kapatid ni Doc. Kristoff. Silang lahat ay naging parte rin ng kwento namin ni Sky at nakakatuwang kumpleto rin sila ngayon sa kasal namin.
Ngumiti ako nang makita si Shine Feliz na sumunod sa kanila kasama si Kuya Razhen. Parang kailan lang noong natutuwa pa akong nirereto sila sa isa't-isa, pero ngayon ay masasabi nating sila na talaga. Si Kuya Razhen na palaging umaalalay sa amin ni Nurse Cali noon tuwing mga check-up namin. At si Raeanne na nagkaroon din ng malaking parte sa aking buhay dahil sa aming nakaraan.
Sina Ate Jackielou at Kuya AJ na ang sumunod sa kanila. Kung tutuusin, sobrang swerte ko dahil sila ang naging kapatid ko. Masaya akong hanggang ngayon, sinusuportahan nila ako lalo na sa pagmamahal ko kay Sky. Nagpapasalamat ako dahil hindi sila sumuko sa paglaban para maging maayos ulit ang lahat, noong panahong buhay pa si Lola Amelia.
Si Ate Shanelle at Sebastian na ang huling groomsmaid at groomsmen. Bukod kay Ate Jackielou, palaging nandiyan si Ate Shanelle para tulungan kami noong una pa lang. Siya ang nagligtas sa amin sa mga kamay ng Allux at sinuportahan din kung anong meron sa amin ni Sky. Si Sebastian naman ang supportive cousin-in-law na palagi rin akong sinasamahan lalo na nitong nakaraang tatlong taon na wala si Sky. Huli na nang malaman kong ibinilin talaga ni Sky kay Sebastian na bantayan ako kung darating ang araw na aalis siya. Napakaganda ng samahan nila bilang magpinsan.
At hindi naman magpapahuli ang mga flower girls. Napakagandang tingnan ngayon nina Kyla, Bay, Balingit at Joyce Ann suot ang pare-pareho nilang puting dress habang dala ang isang maliit na basket na naglalaman ng sari-saring bulaklak na isinasaboy nila sa red carpet na daraanan ko mamaya.
Sumunod na ang Maid of Honor na walang iba kundi si Ate Kaize. Kung hindi lang kami ni Sky ang ikakasal ngayon, makikilala kong siya ang bride dahil sa sobrang ganda nito. Nang makarating na siya sa dulo, hinintay lang nilang makalakad si Daddy saka isinara ang pinto ng courthouse. Doon na ako kumilos upang pumunta sa harapan kasama si Doc. Kristoff at Ma'am Luna.
At pagbukas ng pinto, hindi ko inaasahang agad na tutulo ang luha sa aking mata. Halo-halo ang emosyong aking nararamdaman. Sobrang tuwa na nagdulot para sa akin ng pagluha. Lalo na nang humawak sa aking braso sina Doc. Kristoff at Ma'am Luna na nangangahulugang maglalakad na kami.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow nice 👍 it's so good 😊
07/05/2022
0Tingnan Lahat