Homepage/A Lover's Heart/
CHAPTER 37
DAVE VINCENT
When I was a kid, my Kuya told me that in life, we will find someone that will love us. A someone that is worth fighting for, and worth to wait for. And most of all, a someone that deserves to love you forever.
But they also proved me na hindi lahat ng taong mahal mo ay mananatili sayo. Some of them are not meant to stay for a lifetime. At pinatunayan nila iyon dahil sa kanilang pag-alis back on my childhood days.
Simula noon, I always thinking about love. Do we deserve to love someone who will leave someday? I think, the answer is yes.
Hindi man lahat ng taong mahal mo ay mananatili sayo, pero sa pag-alis nila balang-araw, marami silang maidudulot na magandang alaalang hindi mo malilimutan. At higit sa lahat, there are many lessons from them na magagamit mo hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.
At marami kang iniwan sa aking lesson, Sky. Mga lesson na pangakong palagi kong gagamitin mula sayo, until the last day of my life.
Pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat. Minsan, buong akala natin ay kailangan ma nating sumuko para sa taong mahal natin, ngunit hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay pagsuko ang dapat gawin. Dahil dito tinitingnan kung paano tayo magiging matatag at doon masusukat ang pagmamahal natin sa taong iyon. Kaya nasa atin ang desisyon kung paano tayo lalaban, at kung karapat-dapat na ba tayong sumuko.
And yes, he tought me about that. He tought me how to fight even when everyone is giving up.
Napapangiti kong sinanghap ang sariwang hangin dito sa rooftop. Kasalukuyan kasi akong nasa university. Katatapos lang ng defense ng thesis namin at dito ko naisipang tumambay. Nakakatuwang mahangin pa rin ngayon na sinasadya kong palaging abangan dito kahit na malapit na ang tag-araw. Nakakapagpawala rin ng stress ko ang magandang tanawin sa paligid.
Kahit na matagal na akong wala sa Ward 7, hindi nawala ang hilig ko sa pagtingin ng magandang view mula sa rooftop.
I smiled when I heard some footsteps coming to me. Sa tingin ko ay siya na iyon dahil dito ang aming usapan kung saan magtatagpo. Masaya ako dahil tinupad niya iyon. And as I expected, naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking likuran na agad ko ring nilingon.
"Woah, you came?" hindi makapaniwalang saad ko. Kahit na bakas ang stress at pagod sa mukha niya, hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito.
Sabagay, mas lalo ka nga yatang naging gwapo kahit na lumipas ang mahigit tatlong taon.
"I passed the entrance exam." Kahit na matagal na siyang nagising, sa pandinig ko ay sobrang sarap pakinggang muli ng boses niya na buong akala ko noon ay hindi ko na maririnig. Ngumiti ako ng malapad dahil tila ba mas natutuwa pa akong pakinggan ang boses niya kaysa sa sinasabi nito. Pero wait..
"Hala? Nakapasa ka?!" gulat na tanong ko. "Woow!" doon ako nagtatalon dahil sa sobrang tuwa saka siya niyakap ng sobrang higpit. "I'm proud of you."
"Thank you, love.." sambit niya na tila ba hindi rin makapaniwala pero halata sa kanya ang pagkatuwa. "I love you so much, Dave Vincent.."
"And I love you most.." sagot ko habang nakayakap sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Bakit umiiyak ka?"
"I can't believe that I made it." Tears of joy flashes on his eyes na agad niyang pinunasan. Napangiti naman ako.
"Ikaw pa. Kayang-kaya mo kaya yon. Malaki ang tiwala ko sayo." saad ko na tinutukoy ang entrance exam. Pero umiling ito. "No, not that."
"Eh alin?"
"Hindi pa rin ako makapaniwalang nabuhay ulit ako, Dave." naluluhang saad niya, pero halata pa rin ang saya dahil doon.
Ako rin. Hindi ako makapaniwalang nakaligtas ka sa kabila ng lahat ng nangyari. Natutuwa ako dahil tinupad mo ang pangako mo sa akin.
At sobrang saya ko dahil nakabalik ka na, Sky Felix..
After that tragedy on that minute happened, lahat kami ay natigilan nang malamang tumigil na nga ang pagtibok ng puso niya. They was about to remove the Life Support System when Dra. Mica rans toward us at sinabihan ang mga nurse na huwag tanggalin iyon at hayaan muna si Sky. And after some seconds, we were shocked when his fingers move again hanggang sa unti-unti nang bumalik ang paghinga niya at tuluyang magmulat ang kanyang mga mata.
Lahat kami ay hindi makapaniwala matapos noon. Pero ipinaliwanag sa amin ni Dra. Mica ang lahat. Minsan daw kasi ay tumitigil ang tibok ng puso ng taong nasa coma at doon naman nagbibigay ng shock ang brain para magising iyon. Pero sa kaso ni Sky, sobrang rare na daw iyon dahil ilang taon na siyang natutulog. At para sa kanya, milagro daw ang nangyari.
Sobrang thankful kami dahil nagising si Sky. Agad na lumipad ang mga Carreon patungong America kasama si Ate Jackielou. Agad din iyong nabalitaan ng mga Crimson na nasa Pilipinas. Kailangan pa naming manatili ng matagal-tagal doon dahil marami pang treatment, test at check-up ang kailangang gawin ni Sky para daw makita ang epekto ng bagong puso sa kanyang katawan.
And finally, after a month, muli kaming umuwi rito sa Pilipinas. Siniguro muna naming fully recovered na siya at pwede nang mag-take ng flight para hindi na magkaroon ng problema sa kalusugan nito.
Sa bahay ng mga Carreon siya nagpahinga. Nagulat pa nga ito nang malamang doon na ako tumitira, pero natuwa siya pagkatapos dahil daw magkatabi kami sa kwarto. At after a week, muli akong bumalik sa university kasama siya. Nag-isip na rin siya ng magiging kurso dahil nga mag-aaral na raw siya, at hindi ko inaasahang linya ng Medicine ang pipiliin niya.
Tinanong ko kung bakit, pero ang tanging naisagot niya sa akin: "Sa dami ng nangyari sa akin, napamahal na ako sa ospital. Saka sa ospital din tayo nagsimula, love, ayaw mo nun? Nakabingwit ka ng gwapong doktor." Hindi pa rin nawala ang pagka-siraulo nito pero isa talaga iyon sa mga minahal ko sa kanya. Saka kahit ano mang propesyon ang gustuhin nito, nandito pa rin ako at handa siyang suportahan. Ganun din naman daw siya dahil pareho pa rin naming itataguyod ang Carreon Trades and Industries kung saan matagal na niyang pangarap na makasama ako roon.
"Talaga bang uunahin mo pang magsulat diyan kaysa makasama ako?" Ngumiwi ito. Natawa ako dahil doon. Gusto niya ay nasa kanya ang aking atensiyon sa tuwing magkasama kami.
"Teka lang kasi, sayang yung vibes. Matatapos na 'to!" sagot ko sa kanya. Sinimangutan pa ako nito kaya lalo akong natawa. Hanggang sa sumilip pa ito sa aking sinusulat na pilit ko namang tinatakluban para hindi niya mabasa. Wala na naman akong nagawa nang agawin niya iyon at ilayo sa akin.
"A Lover's Heart, huh? Hanggang saan aabot ang pagkapatay mo sa akin, Dave?" tumatawang sambit pa nito. Kumunot naman ang aking noo. "So you're writing our love story? Naks naman."
"Akin na kasi!" pang-aagaw ko pa pero hindi niya pa rin ibinigay. Itinuloy niya ang pagbabasa sa first page at napangiti siya nang makita ang nilalaman ng bawat pahina noon.
Sa loob ng tatlong taon siyang nawala, doon ko napagdesisyunang isulat ang kwento naming dalawa. Mula sa araw na nagkakilala kami sa Ward 7, pati ang mga mahahalagang pangyayari ay hindi ko pinalampas sa aking pagsusulat. Hindi rin nawala roon ang mga problemang dumaan sa amin at ang mga message ko sa kanya habang natutulog pa ito noon. At kasalukuyan ko nang sinusulat ang mga nangyari sa America kung paano siya bumalik sa akin at kung paano siya gumaling sa sakit niya.
"Palagi mo bang ginagawa 'to?" tanong niya.
"Nagsusulat ako sa tuwing nami-miss kita. Pero dapat talaga, ireregalo ko iyan sa kasal natin." Ngumuso ako. Natawa naman siya.
"Tuwing kailan mo ba ako nami-miss?" Ngumisi siya.
"I miss you everyday." makahulugang saad ko. Tears flashed on his eyes again saka ako niyakap.
"Come on, let me hug you. Bibigyan kita ng vibe na hindi mo makakalimutan." sambit niya saka ako niyakap ng mahigpit. And when he hugged me, I felt the butterflies on my stomach again.
"Here, keep it. I will read that after our wedding, tapusin mo muna." Nakangiting sabi nito na lalong ikinatuwa ko. Tinanggap ko naman iyon at isinilid na sa aking bag na nasa gitna namin.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang tumayo si Sky at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Nagtataka man pero agad ko ring hinawakan iyon dahil na rin sa ganda ng pagkakangiti niya. At hindi ko inaasahang sabay kaming maglalakad papalapit sa dulo ng rooftop kung saan nasa harapan kami ng balustre at mas kita ang magandang view doon.
[Song Title: Sa Paghimig Mo by December Avenue.]
Sa paghimig mo'y natutunaw ang lahat
'Di na baleng masayang basta't mapagmasdan
Hinahanap ko ang iyong pag-ngiti
Natutunang masanay na ika'y mahalin~
Hapon na at malapit nang lumubog ang araw. Lumipas ang minuto na nanatili kaming tahimik habang nakatitig lang sa kalayuan at pinagmamasdan ang asul na kalangitan. Nakayakap ito sa aking likuran habang masaya naming nilalanghap ang malamig na simoy hangin ng magkasama, tulad ng ginagawa namin noong nasa ward pa kami.
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa 'yong paghimbing
Abot-langit ang pagsamo~
"Masaya ka ba sa akin?" Iyan na naman ang paulit-ulit niyang tanong na kailanman ay palagi kong sasagutin.
"Wala nang mas sasaya pa dahil bumalik ka na." malambing na sagot ko sa kanya. Bumitaw ito sa kanyang pagkakayakap saka tumabi sa akin.
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo~
Nang humarap ako sa kanya ay napansin kong nakatitig na siya sa akin. Tila ba ay namamangha siya sa itsura ko ngayon. Napangiti naman ako dahil sa kagwapuhan nito lalo na ang kanyang mga mata na hindi inaalis sa akin ang paningin, pati na rin ang buhok niyang nalilipad na ng hangin. Tumitig ako sa kanya pabalik dala ang pagkamangha sa kanya.
"Thank you for waiting, Dave." Hinawakan niya ang kamay ko at agad ding hinalikan iyon. I am speechless, at hindi malaman ang sasabihin dahil sa magkahalong hiya at kilig.
Sa pagtitig mo'y napapawi ang kaba
Nahuhulog na lamang sa iyong kagandahang
'Di mapantayan kahit na sino man
Natutunang masanay na ika'y mahalin~
"You know, everything happened so fast. Pakiramdam ko nga, nagfast-forward ang lahat." saad nito. "Napakabilis ng eight years. Parang kahapon lang, ikaw yung tipo ng lalaking inaakala kong hindi ko na makikita pa. Pero ngayon, hawak ko na ang kamay mo." Tumitig pa ito sa akin. Hanggang sa tumulo ang kanyang mga luha kahit na sobrang ganda ng kanyang ngiti. Pati ako ay naiyak na din.
"Thank you for finding me when we're still teens. Thank you for not giving up." sambit ko.
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa 'yong paghimbing
Abot-langit ang pagsamo~
"You're worth to find. You're worth to love. At hindi ko pinagsisisihang gawin iyon." sagot pa nito. "Hindi pa rin ako makapaniwalang aabot tayo hanggang dulo. Sobrang daming nangyari, at lahat ng iyon ang dahilan kung bakit lalo kitang minahal. At hanggang ngayon, humahanga ako sa paraan kung paano mo ako ipinaglaban, at kung paano ka lumaban para sa ating dalawa."
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo~
"And now, after three years. Masaya akong tinupad mo ang pangako mo sa akin na babalik ka. It is still you, Sky Felix. Hindi nawala iyon sa loob ng pagtulog mo ng tatlong taon." patuloy ko pa. Nginitian ako nito.
"At ngayong bumalik na ako, I think it is the time to fulfill my promise. Alam kong matagal akong nawala. But let me assure this to you this time, hinding-hindi na ulit ako mawawala sayo." Kaysarap pakinggan ng boses niya habang sinasabi ang lahat ng iyan. Pero mas lalong tumulo ang mga luha ko nang kinuha niya mula sa bulsa ang isang maliit na box. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari kaya napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat.
At sa muling paglipas ng umaga
Ako'y mananabik sa 'yong iniwang alaala
Pagbangon mo'y karipas ang bilis
Hindi na marinig ang paghimig mo~
"Alam kong hindi naging maayos ang huling proposal ko sayo. But please, let me to prove myself at you again. Let me love you to the fullest forever. Hayaan mong bumawi ako sayo, habambuhay." Until he opened the box at bumungad sa akin ang pilak na singsing. Sumisimbolo ito mula sa mga Carreon at hindi ako makapaniwalang ito ang ibinibigay niya sa akin para yayain akong magpakasal.
"Dave Vincent, can I recieve your sweet 'yes' again?" nakangiting tanong niya. May halong kasiyahan ang boses nito pero halata rin ang pagpipigil ng luha. Umiiyak naman akong tumango sa kanya.
"Yes, Sky Felix.."
"What do you mean by 'yes'? Will you marry me?" tanong niyang muli habang tumutulo na ang kanyang mga luha dahil sa saya sa patanggap niya ng sagot ko.
"Of course, I'll marry you. Hindi kita hihintayin ng ganoon katagal kung hindi kita papakasalan." umiiyak nang sagot ko. Hanggang sa nakangiti niyang isinuot ang singsing na iyon sa aking daliri saka ako nagmamadaling niyakap ng sobrang higpit.
"I love you so much." lumuluhang sambit ko sa kanya. Hanggang sa binuhat ako nito at inikot-ikot dahil sa sobrang tuwa. Nakangiti naman akong humalik sa kanyang noo kaya lalo itong natuwa.
"And I love you most, my soon-to-be Carreon. Matutupad na ang pangarap natin, ang panaginip mo, at ang pangako ko sayo." malambing ding tugon niya habang patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak dala ng sobrang kasiyahan. Ngumiti naman ako nang mapagtanto ko iyon, na tinupad nga niya ang pangako niyang tutuparin ang panaginip ko.
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo, oh~
Pareho kaming humahagulhol habang yakap ang isa't-isa dahil sa sobrang tuwa. Hindi kami makapaniwalang dito mauuwi ang lahat ng pagmamahal, sakit, kasawian, kasiyahan at kalungkutan na naranasan namin sa isa't-isa. Dahil sa haba ng panahon ng paglaban at paghihintay, pakiramdam ko ay akin nang nakamit ang pinakamagandang regalo sa buhay ko.
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo~
At iyon ay ang pagmamahal sa akin ni Sky Felix na mananatili at mararanasan ko habambuhay.
SKY FELIX
Yo! Long time no pov, haha. It's so great to be back!
Nakangiti akong bumaba ng sasakyan at tinahak ang daan papasok ng Crimson High University. Nakakatuwang nakikisama ang maaliwalas na panahon sa saya na aking nararamdaman.
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang ginawa kong proposal kay Dave. Lahat sila ay hindi makaniwala nang malamang nagpropose ako roon, pero hindi nawala ang tuwa at suportang ibinigay nila lalo na ng pamilya ko.
Agad kong itinawag kay Jemuel ang nangyari matapos noon. Inaasahan na raw niyang sasagutin ako ng 'oo' ni Dave kahit noon pa man. Nagulat kami nang malaman naming inaabangan na pala kami ng Ward 7 sa ibaba. Gumala pa kami noon para magcelebrate.
Kinagabihan ay naghanda rin ng simpleng dinner sina Ate Shanelle at Ate Jackielou nang sabihin ni Dave ang tungkol doon. Nagulat sila syempre, pero doon namin naramdaman ang pagmamahal at suporta ng pamilya namin, at ng taong mga nagmamahal sa paligid namin. At dahil nga ayaw namin ng engagement party, ang dinner na iyon ang naging pagdiriwang namin. Pero para sa akin, pinakamasaya ang nangyari kinagabihan. Kaysarap matulog habang bitbit ko ang katotohanang ikakasal na ako kay Dave.
Kinabukasan ay nagsimula na kaming ayusin ang kasalang magaganap. Inako ng mga Crimson ang courthouse at ang judge na magkakasal sa amin sa America. Kami naman ni Ate Shanelle ang bahala sa guest list. Habang pareho kami ni Dave na magdedesisyon sa planner na gagawin sa mismong kasal pati na rin sa reception. Hindi pa lang namin iyon nasisimulan dahil abala pa ito sa pag-aayos para sa kanyang graduation.
"Nasaan na ba sila?" tanong ko nang makita ko si Sebastian. Ngumiti ito sa akin. Halata sa lalaking 'to na sabik na siyang mag-aral, tsk.
"Woah, kalma, Kuya. Nasa gymnasium na raw sila, nagsisimula na ang ceremony." sagot nito. Ngumiti naman ako. Ito na ang simula ng tagumpay mo, Dave. At matutupad na rin ang pangarap mo kapag ikinasal tayo.
Lumingon naman ako sa gawi ng gymnasium ngunit bago namin tahakin ang daan papalapit doon, hindi ko inaasahang maaagaw ng atensiyon ko ang lugar na sobrang pamilyar sa akin. Napangiti ako nang makita ang veranda ng Ward 8 na tanaw mula rito sa kinatatayuan ko.
Tinupad ko na ang pangako ko, Sin at Peter. Salamat sa inyo.
Naramdaman ko ang pagtulo nang aking luha nang maalala ko ang panaginip na iyon. Ang oras na nakita ko sila kung saan pinipilit nilang sumama ako sa kanila, pero patuloy pa rin ang pagtanggi ko.
Hanggang sa hindi ko inaasahang makikita si Dave doon. Umiiyak ito at nagmamakaawang bumalik na ako sa kanya. Doon kami natauhan at hindi ko inaasahang mag-iiba ang ihip ng hangin, kung saan dinala kami ng senaryong iyon sa pasilyo ng Ward 8. Inalalayan ako ni Sin at Peter maglakad papalapit kay Dave at sinabing dapat na akong bumalik sa kanya at hindi ako nararapat na sumama sa kanila. Ipinangako ko sa kanilang lalaban ako. Hanggang sa tuluyan na akong makabalik kay Dave na nangyari na nga ngayong kasalukuyan.
When I finally woke up, siya agad ang una kong nakitang nakayakap sa akin. Isang linggo pa ang dumaan bago tuluyang bumalik ang lakas ko. At doon ko nalaman ang lahat, na tatlong taon akong natulog at ilang beses nang tumigil ang pagtibok ng aking puso. Pero higit pa doon ang tuwa ko nang mapagtantong tinupad ko ang aking pangako kay Dave dahil nakabalik na ako sa piling niya.
Sobrang daming test pa ang pinagdaanan ko bago ako tuluyang gumaling. I cried, when the doctor finally announced that my Heart Failure was gone.
Halos umiyak na kami sa tuwa nang malaman iyon, lalo na ako pati na rin si Dave. Ang sarap makitang sobrang saya ng kanyang mga mata nang malamang gumaling na ako. Lalo na ako, hindi ko alam ang aking mararamdaman. Bihira na raw mangyari iyon at tinuturing na talagang milagro ang nangyari sa akin. Pero sobra ang pasasalamat ko kay Dave, pati na rin sa pamilya ko na hanggang sa huling sandali sa pakikipaglaban ko sa sakit na iyon ay hindi nila ako iniwan. Nagpapasalamat ako dahil hindi sila sumuko sa akin.
Pati na rin sa heart donor ko. Alam kong matagal nang patay kung sino man ang tunay na may-ari ng puso ko. Whoever he is, nagpapasalamat ako dahil binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay ulit.
And now, hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa gymnasium. I smiled when I saw the beautiful gym of CHU. Isa rin ito sa mga university na pinapangarap kong pasukan noon pero hindi nga natuloy dahil nagkasakit ako. Mas lalong lumawak ang aking ngiti when I saw my baby standing at the podium doing his valedictory speech.
"Kaya nga like what I said earlier, life is like a business. Pareho mo itong pinapatakbo, pero ikaw ang magdedesisyon kung saang direksiyon ito pupunta." I smiled when I heard his sweet voice. Parang bata pa ang pagkakangiti nito at lalong lumapad nang makita ako. Bahagya pa akong natawa dahil doon. "But if you have a dream, or a goal that you want to achieve. Huwag na huwag kang susuko. Kahit gaano na ito katagal, kahit gaano na ito kahirap, o kahit gaano na ito kaimposibleng matupad, huwag na huwag. Learn to wait for it, either fight for it. At darating ang araw na mangyayari iyan."
"Like what happened to me. Besides of having a diploma, I also have another dream that I want to happen while studying here at Crimson High University. And that is my boyfriend to wake up from his coma. Pero tulad nga nang sinabi ko, lahat ng pangarap mo ay matutupad pagdating ng araw. Kaya nga masaya ako dahil nandito na siya sa aking harapan at nakikinig sa akin. Tinupad niya ang pangakong lalaban siya at babalik sa akin. Ganun din ako, because I did my best not to give up, and to wait for him. Dahil naniniwala ako na sa taong nagmamahal, walang sumusuko." Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking mga mata nang marinig ko mula sa kanya ang katagang iyon.
"I hope that my speech served as an inspiration to all of you. I want to say thank you to everyone infront of me, pati na rin sa mga taong sinuportahan ako mula noong unang araw, lalo na sayo, Sky Felix. Salamat sa pagtupad ng pangarap ko. And this is Dave Vincent Allux, your Suma-Cumlaude, leaving you a great smile to go with your dreams and not to give up. Magandang tanghali po sa inyong lahat." Iyon lang saka siya bumaba ng stage. Hindi ko inaasahang magmamadali itong tumakbo papalapit kung nasaan ako. Biglang nagpalakpakan ang mga tao nang tuluyan itong yumakap sa akin ng sobrang higpit.
Narinig naming nagsalita na ang emcee hudyat na tapos na ang graduation ceremony. Pero hindi pa rin siya kumakawala sa pagkakayakap ko. Lumapad ang ngiti niya sa akin habang iwinawagayway sa harap ko ang kanyang diploma. Natawa pa ako roon pero alam kong natutuwa siya na natupad na niya ang kanyang pangarap. Ngumiti ako saka siya hinalikan sa noo.
"Congratulations, love. I'm so proud of you." nakangiting sambit ko sa kanya. Malambing pa itong ngumiti sa akin.
"Thank you, Sky Felix. Natupad ko na rin ang pangarap natin na magkasama pa rin tayong itataguyod ang Carreon. Businessman na akooo!" Ngumiti ako. Hindi pa pala niya nalilimutan ang bagay na iyon. Iyon pala ay pangarap din niyang makasama ako.
Nagsimula nang tumugtog ang graduation song nila at lumapit na rin ang aming mga kaibigan kung nasaan kami. Bumitaw si Dave sa akin habang isa-isa namang yumakap sina Jemuel, Balingit, Joyce Ann, Kyla at Bay. Sabay-sabay silang nagtapos ngayong araw.
"Congratulations Jem!" bati ko sa kanya. Sunod na yumakap sa akin si Kyla.
"Naks, congrats, Kyla!"
"Woah, congratulations, Bay!"
"And lastly, ang bunso ko. Congratulations, Balingit!" Tulad ng ginagawa ni Dave, ni-krusan ko rin ang noo niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Kuya Sky, naman." Sumimangot pa ito kaya naman pinagtawanan siya ni Dave. "Porket nag-graduate lang ang pinakamamahal mo eh."
"At ako na ang susunod." taas-noong sambit ko. Ngumiti sila sa akin.
"Oo naman, naks. Future Dr. Carreon!" sambit ni Joyce Ann.
"Siya naman, future Carreon." Itinuro ko si Dave. Muling bumalik ang pang-aasar nila kaya sinamaan ako nito ng tingin.
"Hindi ka pwedeng tumanggi. Um-oo ka sa proposal ko." nakangising saad ko.
"Oo na. Tinatakot mo ko eh." Ngumuso pa ito kaya natawa ako. Ang saya-saya kasi talaga nitong asarin.
[ Song Title: Glad You Exist by Dan and Shay]
Maya-maya pa ay humarap ulit kami sa stage dahil tumugtog ang isang pamilyar na kanta sa amin. Namalayan ko na lang na nakaakbay na ako kay Dave katabi ng aming mga kaibigan.
Here's to all the late night drunk phone calls that you picked up
Here's to all the bad decisions that you didn't judge
All the love yous and the hate yous and the secrets that you told me
Here's to everyone but mostly us~
"And now, you may officially move your tassels!" sambit ng emcee. Masayang nagkatinginan sina Dave. Nakita rin naming naglalabasan ang ibang mga estudyante kaya sumunod na kami roon.
"Pero bakit kasama pa ako?" nagtatakang tanong ko kay Dave. Ngumisi ito.
There's a couple billion people in the world
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you exist~
"Parte ka naman ng pangarap ko kaya ayos lang yan." At hinila na rin niya ako papalabas ng gymnasium. Dumiretso kaming pito sa field kung saan andoon ang maraming estudyante. Sumabay naman sa masaya naming pakiramdam ang maaliwalas na panahon sa paligid.
Bumuo kami ng pwesto roon kung saan kami nina Dave, Jemuel, Kyla, Bay, Balingit at Joyce Ann ang magkakasama. Hinawakan pa ni Dave ng mahigit ang kamay ko at ramdam ko roon ang sobrang tuwa niya dahil sa mga nangyayari.
Hey look what a hello from a stranger turned into
Caught up in a moment like it's just us in this room
All the right words at the right time
And you know 'em 'cause you know me better than anyone else
We don't need anyone else~
"Bakit ang saya mo yata?" tanong ko pa. Tinitigan ako nito.
"Because I realized that the world didn't took away my smile. Instead, they made it the greatest because I am with you now." malambing na sagot niya. Naalala kong sinabi ko ang mga katagang iyon sa kanya noong unang araw ng simbang-gabi namin sa Ward 7. Hindi pala niya iyon nakakalimutan.
There's a couple billion people in the world
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you exist~
"Thank you for being with me on my special day." Bumulong siya sa akin. Nasa tabihan na kami ng field habang nakikitang ang lahat ng estudyante ay nagsasaya. "Thank you for fulfilling my dreams because of your promise."
"Thank you for not giving up on me." nakangiting sagot ko. Inakbayan ko pa siya saka humawak ito sa pisngi ko.
"And thank you for believing." sambit niya saka sumandal sa aking balikat. Hinalikan ko siya sa kanyang ulo. Sobrang swerte ko na pala dahil may taong nagmahal at hindi sumuko sa akin. Natupad yung sinabi sa akin ni Ate Shanelle na I will find someone who will see and appreciate my worth. At si Dave ang taong iyon.
Proud na proud ako sayo, Dave.
Don't you ever go, don't you ever go, don't you ever go changing
Never let me go, never let me go, never let me go, baby
Don't you ever go, don't you ever go, don't you ever go changing
Never let me go, never ever let me go, never let me go, baby~
"Sayang. Wala akong regalo." saad ko. Hindi kasi ako nakapaghanda dahil naging busy ako sa pagpapagaling ko.
"No. Nabuhay ka at papakasalan kita. That is the best graduation gift that I will recieve." sagot niya. Ngumiti ako lalo. Siya naman ay tumayo na sa harap ko habang hawak ang kanyang toga.
With that, I realized that I also achieved something in my life. At iyon nga ay ang nabuhay ako at bumalik sa taong mahal ko. Mali ang aking pag-aakala na wala pa akong nararating. Dahil doon pa lang, sobra na ang tagumpay ko dahil kasama ko ang mga taong nagpapahalaga sa akin hanggang sa huli.
There's a couple billion people in the world (the world)
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in (just to take it in)
'Cause every high and every low led to this (to this)
I'm just so glad you exist~
When I saw Dave throw his graduation cap, naramdaman ko ang sobrang tuwa nang makita ko ang mga ngiti niya habang nakatingin sa kalangitan. Doon pa lang, nabuo na ang lahat sa akin. Natupad ang pangarap niya at isa ako sa mga dahilan noon. Iyon pa lang ay napagtagumpayan ko na sa aking buhay.
Nag-group hug kaming lahat matapos noon. Sobrang saya dahil sa kabila ng aming tagumpay na nakamit, kami pa rin ang magkakasama. Nanatili pa ring buo ang Ward 7 sa paglipas ng mahabang panahon kahit na sobrang dami ang dumaang pagsubok sa amin. At isa rin iyon sa tagumpay na nakamit naming lahat.
Tumitig ako kay Dave nang makalapit ito sa akin. Siya naman ang pangarap na aking natupad. He is best among the rest. Dahil nahanap ko ang lalaking nagmahal sa akin. Ang lalaking ipinagkatiwala sa akin ng buo ang puso at tiwala niya. Ang lalaking hindi sumuko bagkus mas lalo pa akong pinahalagahan at naniwala sa akin. Dahil nga naniniwala kami na sa taong nagmamahal, walang sumusuko.
Napagtanto ko na hindi lang pala sa diploma sinusukat ang graduation, kundi kung ano ba ang mga napagtagumpayan mo sa iyong buhay. Kaya naman masaya kong masasabi na tagumpay ako dahil lumaban ako para sa buhay ko at tinupad ko ang aking pangako na lalaban ako kahit anong mangyari.
At higit sa lahat, tagumpay ako dahil kasama ko na ang mga taong nagmahal at hindi sumuko sa akin.
I'm glad you exist~
---I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow nice 👍 it's so good 😊
07/05/2022
0Tingnan Lahat