CHAPTER 31

DAVE VINCENT
Nanatili lamang akong nakatitig sa kawalan habang nasa itaas ng rooftop. Mula rito ay nakikita ko ang kaguluhan sa ibaba. Hindi ko alam ang mararamdaman nang mapagtantong sobra na ang kaguluhang nangyayari sa Ward 7 at Ward 8 ngayon. Panay pa rin ang putukan ng mga Allux at Carreon habang ako naman ay nanonood lang, at inaabangan ang mangyayari gaya ng nasa plano namin.
"Dumating na ang mga Carreon." anunsyo ni Raeanne sa akin saka pumwesto sa tabi ko. Hindi na ako nagulat dahil nakikita ko na ito ngayon. Pinapanood din niya ang kaguluhang sa ospital.
Naagaw ng atensiyon ko ang naglalakad na si Nurse Cali habang mahigpit siyang hinahawakan ng mga tauhan namin. Naging saksi ako kung paano nito binuksan ang pintuan ng Ward 7, pati na rin ng pagdating ni Lola Amelia na nagdulot muli ng pag-aalala ko dahil naroon si Sky.
Napangiti naman ako ng palihim nang makita kong naglalakad si Doc. Caden patungo sa direksiyon kung nasaan sina Nurse Cali. May dala rin itong baril kung saan hinahanap ng kanyang mga mata ang kapatid para ipagtanggol ito. At nang malapit nang iputok ni Lola Amelia ang baril kay Nurse Cali, sakto namang dumating si Doc. Caden at pinaputukan si Lola Amelia pati na rin sa mga tauhan namin na naging sanhi ng pagkamatay nila.
Thank you, Doc. Caden.
"Madam Amelia Gonzales died." anunsyo ng tauhan namin mula sa earpiece ko. Napatingin naman ako kay Raeanne habang nakangiti sa akin.
"Condolence.." sambit nito. Bahagya ko pa siyang nginitian pabalik.
"Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako. Nawala na ang isa sa mga sumisira sa mga Carreon. Unti-unti nang mapapanatag na ang loob ko sa buhay ni Sky." tugon ko rito habang nakatitig sa kanya.
Pero natatakot pa rin ako dahil nandiyan pa si Mommy, na maaari pa ring pumatay sa kanya.
"Hanggang ngayon, si Kuya pa rin ang iniisip mo." napapabuntong-hininga pang sabi nito saka mapait na ngumiti. "Mahal mo talaga si Kuya 'no?"
"Sobra." wika ko. "Siya ang nagturo sa akin kung paano lumaban at kung paano magmahal ulit, na kahit gaano pa kabigat ang problema, palagi mo pa ring piliin ang pagmamahal. I will always choose him, even if it's hard. It will be always him, the one who's in my heart." Tumitig pa ito sa akin nang marinig ang mga katagang iyon.
"Ang swerte ni Kuya sayo. Nahanap niya ang taong magmamahal sa kanya kahit na hindi ko inaasahang ikaw iyon." sagot pa nito. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin sa kanya. Sana ay hindi siya nasaktan dahil sa aking sinabi.
"Mahalin mo lang si Kuya, Dave. He deserve that, kahit na masakit sa akin." nakikiusap ang tonong wika pa nito sa akin.
Hindi ako makapaniwalang ikaw ang kasama ko rito ngayon, kung saan si Sky dapat.
"I will." tugon ko saka muling tumingin kung nasaan ang mga Crimson. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang magbukas ang pintong iyon at nakitang lumabas sina Mommy kasama si Ma'am Luna, Nurse Cali, Doctora Zachary, at ang walang malay na si Doc. Caden. Muling bumalot ang takot sa akin nang mapagtantong may tama ito ng baril.
"Doc. Caden Crimson recieved a gunshot. Ma'am Alexa is on their way to veranda at Ward 7 while other patients are there including Sky Felix Carreon." dinig ko sa earpiece na naging dahilan ng pagtulo ng luha ko ngunit agad ko namang pinigilan.
"Kailangan ka na ni Kuya." tumingin pa sa akin si Raeanne. Pinapapunta na niya ako roon gaya ng nasa plano.
"Paano ka?" tanong ko sa kanya.
"Susunod ako. Hihintayin ko si Ate Shanelle." sagot nito sa akin. Tumango pa ako sa kanya saka nagsimulang kumilos.
"Mag-iingat ka rito." paalala ko pa sa kanya. At bago pa ako tuluyang makababa, muli niya akong tinawag. "Dave.."
Lumingon ako roon. "Bakit?"
"Iligtas mo siya." habilin nito kaya ngumiti ulit ako sa kanya.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Mabubuhay ang Kuya mo.." pangako ko pa sa kanya saka siya tuluyang tinalikuran.
Agad kong tinahak na ang daan pababa sa rooftop. Inihanda ko na rin ang aking sarili sa putukan na sasalubong sa akin. Hindi nila ako maaaring saktan lalo na at kakampi ako ng mga Carreon. Bukod doon ay sa akin din pumapanig ang mga Allux.
Gaya ng nasa plano, kapag nakita na naming nanggaling na sina Mommy sa mga Crimsons, susunod na nilang puntahan si Sky para patayin ito. Dahil alam namin ang planong ito, ako ang umako ng pagpatay kay Sky na simula pa lang na gusto ni Mommy na ako ang gagawa. Iyon ay ayon din sa plano ng mga Carreon para mailigtas ko siya sa kamay ng mga Allux.
Tuluyan na akong nakapasok sa Ward 7 saka dahan-dahang naglakad pababa ng hagdan saka tinahak ang waste management. Kasalukuyang nasa veranda ang mga pasyente ngayon dahil doon ang usapan na dadalhin ang mga pasyente ng Ward 7 at Ward 8 pati na rin si Sky.
Tahimik at payapa na ang buong palapag kaya naman panatag na akong naglalakad patungo roon. Ngunit bago pa ako makalampas sa nurse station, napatigil ako nang makitang naglalakad na roon sina Nurse Cali kasama ang mga Allux. Sandali ko pa muna silang pinanood bago magpatuloy at nagtagumpay naman ako dahil hindi nila nakita o napansin man lang na nandoon ako sa di-kalayuan.
Bakas na ang pagod, lungkot, at takot sa mga mukha ni Nurse Cali. Hindi rin siya gaanong makakilos dahil sa bantay-sarado na mga tauhan namin. Nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanya dahil sa nararanasan nito sa kamay ng mga Allux. Ganun din si Ma'am Luna, Doctora Zachary, at lalo na si Doc. Caden na tuluyan nang nawalan ng malay habang duguan pa rin ang katawan nito dahil sa balang tumama sa kanya.
Nasaan na ba kasi sina Doc. Kristoff? Bakit wala siya ngayon para iligtas ang asawa at anak niya?
"NURSE CALI!" dinig kong sigaw ni Kuya Sin habang nagmamadaling tumakbo papalabas nang makita ito. Umiiyak siyang yumakap doon dahil sa takot at lungkot nang makita ang kasintahan nito.
Naiintindihan ko siya. Anumang oras ay maaari kaming bawian ng buhay dahil nandiyan pa rin si Mommy, pero mas natatakot ako para kay Sky.
"S-Sin.." pagtawag sa kanya ni Nurse Cali saka unti-unting hinawakan ang pisngi nito na puno na ng sugat at pasa dahil sa natamong suntok at bugbog mula sa aming mga tauhan.
"S-Sinong gumawa niyan sayo?" naiiyak na tanong sa kanya ni Nurse Cali. Bakas ang awa at lungkot sa kanyang mga mata habang dahan-dahan niyang pinapahid ang mga luha ni Kuya Sin.
"A-Ayaw ko na dun.." humihikbing aniya pa. Nagsimula na ring tumulo ang aking luha dahil sa pagkaawa kay Kuya Sin. "S-Sinasaktan nila ako, Cali. P-Pwede bang dito na lang ako sa tabi mo?"
Tumango naman si Nurse Cali nang tuluyan na siyang yakapin ni Kuya Sin. Pigil ang luha niyang niyakap ito ng sobrang higpit pabalik. Hindi na makakilos si Nurse Cali ngunit hindi namin inaasahang lahat ang pagbunot ng baril ni Mommy saka itinutok kay Kuya Sin.
"HUWAAAAAG!" palahaw ni Nurse Cali nang makita iyon. Pero huli na ang lahat dahil pumutok na ang baril na iyon kung saan tumama ito kay Kuya Sin. Nagtama pa ang paningin namin saka niya ako nginitian. Isang matamis na ngiti bago siya tuluyang manghina at matumba samantalang napaluhod naman si Nurse Cali upang saluhin ito.
"H-Huwag ka nang umiyak, N-Nurse Cali.." nakangiti munit nanghihina nang saad nito saka pilit na inabot ang humihikbing mukha ni Nurse Cali para punasan ang luha nito. "M-masaya akong hanggang sa h-huling sandali ng buhay ko ay n-nasa tabi kita.."
"Hindi! Lumaban ka, Sin!" pag-iling pa ni Nurse Cali habang humihikbi pa ito. Lahat kami ay nakapanood sa kanilang dalawa habang hindi rin maawat sa pagtulo ang aking mga luha.
"P-Pagod na ako, N-Nurse Cali.. M-m-magpapahinga na muna ako, h-ha?" paalam pa ni Kuya Sin sa kanya. "I-Ikaw lang ang mamahalin ko, C-Cali.. P-Palagi.."
"H-Huwag mo akong iwan, Sin.." umiiyak na sambit nito. Ngumiti pa si Kuya Sin habang ang kanyang mga mata ay unti-unti nang pumipikit. Lalong umiyak si Nurse Cali.
"I l-love you so m-much, m-my n-nurse.." umiiyak ding sagot sa kanya ni Kuya Sin. Pinilit pa niyang bumangon para halikan si Nurse Cali, ngunit hindi na niya kinaya kaya ito na ang humalik sa kanyang noo. Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata nito habang may ngiti sa kanyang mga labi kung saan yakap ni Nurse Cali ang kanyang katawan na binawian na ng buhay.
Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa aking nakita. Hinayaan ko lamang tumulo ang aking mga luha habang nasasaktan dahil naging kaibigan ko rin ang lalaking iyon. At hindi ko matanggap ang pangyayari, sobrang sakit din nito para sa akin. Hindi ako makapaniwala sa katotohanang ito.
Ang masakit na katotohanan na wala na si Kuya Sin.
"Walanghiya ka!" galit na sigaw ni Nurse Cali kay Mommy kasabay ng paghagulhol nito ngunit hindi siya pinansin. Habang ako, wala ring ibang maramdaman kundi ang lungkot at galit dahil sa ginawa nito kay Kuya Sin.
"Hahahahaha!" humahalakhak ito habang matalim na nakatitig kay Nurse Cali pati na rin sa walang buhay na si Kuya Sin.
"Nakakatuwa namang pagmasdan ang mga anak mo, Luna. Nakakatuwang pagmasdang nawala ang mga taong mahalaga sa kanila lalo na sa harap nito. It is so sweet to see a love chemistry between a nurse and a dying patient." pang-iinsulto pa nito saka tiningnan si Ma'am Luna na umiiyak na rin habang nasa tabi ng kanyang walang malay na anak na si Doc. Caden.
"Well, ano nga bang pakiramdam, Nurse Cali?" sarkastikong tanong sa kanya ni Mommy. "Masakit, diba?"
"Demonyo ka!" gigil na sigaw sa kanya ni Nurse Cali na humahagulhol pa rin hanggang ngayon.
"Oh, where are your manners?" nakangisi pang tanong sa kanya nito. "What an attitude of a nurse working at one of the best hospital at this country. Ganito na pala ang mga nurse ng CGH ngayon, mga bastos!"
"Hindi ko alam na nararapat pa palang igalang ang taong tulad mo." pabalang na sagot ni Nurse Cali sa kanya.
"Bakit nga ba hanggang ganyan na lang ang galit mo sa amin, Allux?" pigil ang galit na tanong niya pa. "Dahil nga ba talaga sa mga nangyari noon? O dahil hindi mo na matanggap na gusto ng lahat na matapos ito ngayon?"
"You shut up! Wala kang alam!" sigaw sa kanya ni Mommy. Kitang-kita ko ang panggigigil sa mga mukha nito.
"Wala nga ba? O sadyang nagbubulag-bulagan ka lang talaga?" tanong pa sa kanya ni Nurse Cali.
"Anak, tama na.." nagmamakaawang saway sa kanya ni Ma'am Luna ngunit hindi siya pinansin nito. Siguro ay natatakot din siya kung sakaling mapahamak si Nurse Cali.
"Nandun kami kanina habang nag-uusap kayo." may diin sa pananalita nito at halata sa kanya ang galit. "Narinig namin ang lahat."
"Bakit pinipilit mong hanapin sa amin ang bagay na nasa inyo na?" tanong niya pa kaya napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. Anong tinutukoy nila?
"Hindi mo na kailangan pang hanapin sa amin ang simbolong iyon at maghimutok diyan. Dahil ang bagay na iyon, ay nasa kamay na ng anak mo." ngumisi ito. Halata naman ang gulat sa mga mata ni Mommy ngunit nanatili ang galit sa mukha nito. Hindi ko maintindihan. Anong bagay iyon?
"Ang simbolong iyon ay nasa kamay na ni Dave. Yes, the Crimson's Symbol of Love is recieved by two of our patients now. At nasa Ward 7 iyon." tumingin pa siya sa ibang pasyente na naroon.
Crimson's Symbol of Love? Yung bagay na narinig kong binabanggit noon ni Doc. Caden. Paano mapapapunta sa akin ang bagay na iyon?
"Hindi ka pa rin ba makapaniwala, Alexa? Isa lang ang dahilan noon. Tigilan mo na. Marami ka nang nasasaktan, at isa na roon sina Dave at Sky na patuloy pa ring naiipit hanggang ngayon dahil sayo." makahulugang wika pa sa kanya nito. Hanga ako sa katapangan at kagalingang magsalita ni Nurse Cali. Hanggang ngayon, iniisip niya pa rin ang kalagayan ng mga pasyente niya lalo na kami ni Sky.
"Then what do you care? Bakit ba nakikialam ka?!" galit na tanong sa kanya ni Mommy. "Gusto mo rin bang sumunod sa nobyo mo?"
"Kung iyon ba ang paraan para magkasama kami ulit, then go. Gawin mo. Kill me, atleast mamamatay akong lumalaban." matapang na sagot sa kanya pa ni Nurse Cali. "At ginagawa ko ito dahil mahal ko ang mga pasyente ko! Bilang nurse, hindi ko gustong nasasaktan sila dahil sa isang gagang tulad mo!"
Hanggang ngayon ay kami pa rin ang iniisip mo, Nurse Cali.
"You're such a brat!" sigaw pa sa kanya ni Mommy saka itinutok ang baril sa kanya.
"Well, magandang nurse lang. Pero may pagka-bitchessa lalo na kapag taong mahal ko na ang pinag-uusapan." ngumisi pa si Nurse Cali na lalong ikinagalit ni Mommy.
At bago pa matuloy ang binabalak niya, agad na akong lumapit sa kanila. "Enough."
"Hey, son. I'm glad that you're here now." Bumaling ito sa akin kaya hindi natuloy ang plano niya kay Nurse Cali.
"What's going on here, mom?" walang emosyong tanong ko sa kanya. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya pakikisamahan sa kabila ng lahat ng nalaman ko at ginawa niya.
"Hinihintay ka. But something messed up." kaswal na sagot nito sa akin kaya lihim na nangunot ang aking noo. "So, gagawin mo na ba ang planong nakaatas sayo?"
"This man beside me is my son. Ang magpapatuloy ng lahat ng nasimulan ko." pagpapakilala niya sa akin. "He's a former patient of CGH. But then, he's here to do our plan, ang pinakang-pakay namin sa ospital na ito. And that is to kill his beloved man, Sky Felix Carreon."
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig lalo na sa akin. Napailing naman ako.
Anumang oras ay alam kong tutulo na naman ang aking mga luha lalo na nang tumingin sa akin sina Jemuel na hindi inaasahang magagawa ko iyon. Na magagawa kong patayin si Sky.
Hindi ko sinasadya.
"What now, son? Do what we planned. You're the key to our success." nakangising pangungumbinsi pa nito sa akin saka tinuro ang gawi kung nasaan si Sky, na ngayon ay unang beses ko pa lang tiningnan.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nararamdaman ko ang takot at pagkalito sa akin. Hindi ito parte ng plano namin.
Dahil nasa plano namin na ililigtas ko si Sky sa mga Allux kaya ako ang nagkaroon ng tungkulin para patayin siya.
Napatingin ako sa mga tao roon na naghihintay sa hakbang na gagawin ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nagagalit sila sa akin dahil sa ginawa ko. Pero patuloy ko pa ring nilakasan ang aking loob hanggang sa makalapit ako kay Sky.
Nagmulat ito ng kanyang mata nang maramdaman nitong nasa tabi ko siya. Sinikap niya pa ring ngumiti sa akin kahit na bakas sa kanyang mukha ang takot, lungkot at panghihina.
"D-Dave.." mahinang tawag niya sa akin na lalong ikinadurog ng puso ko. Nakaupo lamang ito sa kanyang wheelchair at bakas dito ang panghihina at halatang hindi na makatayo. Suot nito ang aming ward gown na nangangahulugan na malubha na ang sakit nito at kailangan ng matinding treatment. Malayong-malayo na siya sa Sky na huli kong nakita, dahil ang buong pagkatao niya ay binalot na ng panghihina.
"S-Sky.." tawag ko sa kanya saka mabilis na yumakap doon. Sa muling pagkikita namin ay sa kanya lang ako muling umiyak. Kasabay ko ay dinig ko rin ang mahina niyang paghikbi habang niyakakap ako pabalik.
"Dave, kill him now." dinig kong sabi ni Mommy habang lumalapit ito sa amin. Naramdaman ko naman ang pagbitaw sa akin ni Sky saka namin hinarap iyon.
"Enough of that tiring dramas. Kill him." sambit nito sa akin. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa takot lalo na ng inilabas niya ang kanyang baril. Nagsimula ulit na tumulo ang aking mga luha.
"Are you gonna kill him? Or I'll kill you?" pagbabanta nito at hindi ko inaasahang itututok iyon sa akin. Umiling ako sa kanya na lalong ikinagalit nito.
Mahal ko si Sky. At ililigtas ko siya kahit na ang kapalit pa noon ay ang buhay ko.
"Enough of that freaking love, Dave Vincent. Mas pipiliin mo ba ang lalaking iyan kaysa sa akin?!" galit na tanong niya pa. Hanggang sa naramdaman ko ang paghawak ni Sky sa kamay ko.
"Kill me now, Dave." nakangiti munit malungkot na wika niya. Agad akong umiling sa kanya ngunit nagulat ako nang dahan-dahan niyang kunin ang kamay kong may hawak ng baril at itinutok iyon sa dibdib niya. Naluluha akong tinanggihan siya ngunit wala na akong nagawa dahil ayaw ko ring pilitin siya na hilahin ang kamay ko.
"If that means to save you, please do it now." bulong niya pa sa akin, at kinukumbinsi akong gawin iyon. Lumuluha akong tumitig sa kanyang mga mata.
"No," pakiusap ko ngunit binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti kahit na tumutulo na rin ang luha nito.
"Kill him now!" sigaw pa sa akin ni Mommy. Napahagulhol ako lalo dahil sa takot habang nanginginig ang aking kamay kung saan nakatutok ang baril sa dibdib niya.
"Please pull the trigger now, love. Let me to save you." sambit pa nito sa akin. Hanggang sa muli niyang hinawakan ang kamay ko at pinipilit na pisilin ko ang gatilyo nito. Ginawa ko ang lahat para lumaban ngunit nang malapit na itong pumutok, ginamit ko ang aking buong lakas para maihagis ang baril na iyon papalayo.
Ang lahat ay hindi makapaniwala sa aking ginawa lalo na si Sky. Napapikit na lang ako nang makita ko ang matalim na titig sa akin ni Mommy saka unti-unti nang pinindot ang trigger ng kanyang baril at ipinutok sa direksiyon ko. Pero napasigaw ako nang may biglang tumulak sa akin. Naramdaman ko pa ang pagyakap nito dahil sa gulat hanggang sa narinig namin ang pagputok ng baril saka tuluyang tumama ang bala noon sa kanya.
Muli akong nagmulat at bumungad sa akin ang lumuluha niyang mga mata. Niyakap ko ito pabalik at hinawakan ang kanyang likod. Nabigla pa ako nang makitang lumapat sa palad ko ang kanyang dugo mula roon na dulot ng pagtama sa kanya ng balang iyon. Hindi ako makapaniwala nang titigan ko ito sa kanyang mukha.
Hindi ako, hindi rin si Sky, kundi si Raeanne ang nagligtas sa amin.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Raeanne nang maramdaman kong matutumba na ito. Nanginginig pa ang aking mga braso nang sinalo ko ang kanyang nanghihinang katawan. "T-Thank you, Shine Feliz.."
Lumuluha akong napatingin sa paligid at natanaw ang mga pulis na hinuhuli ang aming mga tauhan. At hindi ako makapaniwala nang makita ko sina Doc. Kristoff, Kuya Razhen at Ate Shen na tinutulungan sina Ma'am Luna, Nurse Cali at Doc. Caden na makatayo at mabigyan ng paunang-lunas.
Napansin ko naman sina Ate Shanelle at Ate Jackielou nang makalapit na ito sa amin saka nila sinalo si Shine na nasa aking braso.
"How dare you.. paano niyo nagawa sa akin 'to?!" galit na tanong ni Mommy habang hindi makapaniwalang tinitigan si Ate Jackielou. "I am your mother, so how did you dare to betray me?!"
"Dahil ang bagay na ito ay mali, Mama." umiiyak na tugon ni Ate sa kanya. "Masakit man po sa amin na gawin ito, pero mas masakit para sa amin na gumawa ng mali at ikasasakit ng iba."
"Mga wala kayong kwentang anak!" nanggagalaiting sigaw niya sa amin ngunit wala na siyang nagawa nang hawakan siya ng mga pulis at kabitan ng posas. Si Ate Jackielou naman ay yumakap sa akin habang magkasabay kaming umiiyak.
"Law is law, Alexa. What you did is wrong, and it is punishable by law. See you at court." makahulugang saad ni Doc. Kristoff saka lumapit sa amin para yakapin kami pareho. Hanggang sa tuluyan nang inilabas ng mga pulis si Mommy sa lugar na iyon habang ginagamot naman ng mga nurse sina Raeanne at Sky pati na rin ang ibang mga nasugatan.
"Sshh, you're safe now." sambit pa ni Doc. Kristoff sa amin habang niyayakap kami.
Hindi ko alam kung malulungkot o matutuwa ako. Halo-halo pa rin ang aking nararamdaman. Ang sakit, kalungkutan, at takot dahil sa aming naranasan.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay ang tuwa at kagalakan. Dahil sa tagal ng napakahabang panahon, natupad na ang pangyayaring gusto namin ni Sky. Ang pangyayaring ito na isa rin sa pangarap namin. Ang kaganapan na ito, na sa wakas ay dumating at natapos na at tuluyan nang ikakapanatag ng aming mga buhay.
Ang pagwawakas ng kaguluhan ng Allux at Carreon.
---

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    Rosemary Que

    wow nice 👍 it's so good 😊

    07/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata