CHAPTER 14-A

DAVE VINCENT
Mula noong bata pa ako, nasanay ako na lagi akong inaalagaan, na ako lagi ang inaalala ng mga taong nasa paligid ko. I'm such a spoiled one, who doesn't really appreciate someone's care.
Lalo na noong mga panahong iniwan ako ng taong kauna-unahan kong naging kasama sa aking buhay, ng girlfriend ko.
Ng babae na una kong minahal.
I became cold as ice, na walang pakialam sa lahat. Kundi sarili ko lang ang aking iniisip, at ang ikasasaya ko sa buhay.
Not until...
Siya nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala. My name is Sky Felix Carreon, ang magiging forever mo sa ward na ito. And you are?
Not until the destiny fixed for myself.
Not until I met him.
I met Sky Felix Carreon. A man that changed my everything into peace and love.
A man tought me how to love even we have struggles in our life.
And a man that love and accepts me... even we a have same gender.
Maybe our story is rare for everyone, Sky. But I just want you to know that you're the reason why I changed. You broke my cold heart into a lovely one.
You made me realized the value of love.
And you made it changed, how a lover's heart flow and occur.
"Huwag ka nang mag-alala, Dave. Magigising na rin si Sky." Sambit sa akin ni Ate Shanelle nang makalapit siya sa akin. Samantalang tuloy pa rin ang aking pag-aalala dahil sa nangyari.
"Hindi ko po alam kung bakit nagkaganoon. Maayos naman po siya kagabi, hanggang sa magising siya. Pero nagulat na lang po ako nung sinabi niyang may masakit." Naiiyak na sagot ko pa. Niyakap naman niya ako para patahanin.
"We'll get through this hmm? Gagaling ang kapatid ko." Pagpapalakas niya ng loob ko. Hindi naman ako nakasagot.
"Oh, anong nangyari dito? Kumusta na si Sky?" Nag-aalala namang tanong ni Ate Jackielou nang makarating siya. Walang emosyon naman siyang hinarap ni Ate Shanelle.
"Hindi pa rin namin alam kung bakit nagkaganoon, hinihintay pa rin siyang magising. Nasa loob pa si Doctora Kristina." Sagot ni Ate Shanelle at tinuro ang pinto ng kwarto namin.
"Okay ka lang? Huwag ka na mag-alala bunso ha?" Sabi naman sa akin ni Ate Jackielou saka hinawakan ang pisngi ko. Napatango na lang ako sa kanya.
Maya-maya pa ay lumabas na si Doctora Kristina sa kwarto namin saka kami hinarap. Nagbaba siya ng tingin habang inaayos ang stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg.
"He's stable now. Hihintayin na lang natin siyang magising. But I have a news, a bad news." Malungkot na anunsyo nito saka tumingin sa akin. "Kailangan mo na rin sigurong malaman, Dave."
"Malaman ang alin, Doc?" Garalgal na tanong ko, pilit na inaalis ang kabang aking nararamdaman.
"Ahh, Doctora? Can we ask Doc. Kristoff's permission first? Mukhang kailangan po muna nating ipaalam sa kanya since meron ding health matters si Dave, pareho po silang pasyente rito." Pagsabat naman ni Ate Jackielou habang hinahaplos ang likod ko.
"Hindi, Ate. Kaya ko po, kakayanin ko." Pagmamatigas ko sa kanya, para pumayag na ito. Saka naman ako humarap kay Doctora Kristina.
"Tell me, please. I also need to know." Naiiyak na talagang saad ko. Hindi naman siya makasagot.
"Tell me!" Pasigaw na sambit ko pa rito, habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
Natagal-tagalan ang katahimikan sa amin, saka siya unti-unting sumagot.
"Heart Failure, Stage C. And as time goes by, lalong humihina ang puso niya, dahil minsan ay hindi matanggap ng kanyang katawan ang treatment nito." Mahinang sagot ni Doctora Kristina. Hindi naman ako makapagsalita, na para bang hindi ko kayang tanggapin ang ajing mga narinig.
"K-kailan pa?" Mahinang usal ko, hanggang sa tuluyang nawala ang aking boses dahil sa panghihina.
"Tatlong taon na, mula nung pumasok siya rito sa Ward 7. No scratch that, bago siya pumasok dito." Sagot naman ni Ate Shanelle habang nakatingin sa mga mata ko.
"Why didn't you tell me at the first place? Bakit?!" Umiiyak na tanong ko. Sobrang sakit.
"Dahil ayaw niyang masaktan ka simula pa lang nung una. Ayaw niya na kaawaan siya ng mga taong mahal niya. At ayaw niyang ipakita sa lahat na mahina siya. Kaya lumalaban siya, para sayo." Saad muli ni Ate Shanelle, saka hinawakan ang pisngi ko para punasan ang aking mga luha.
"I know, we know that it's hard for you. I know that it hurts. Pero kailangan mo na ring malaman, Dave. Kailangan mo ring tanggapin, lalo na at isa ka sa mga taong kailangan niya." Payo naman ni Ate Jackielou habang nakahawak sa balikat ko.
Hindi ko na pinatapos ang mga sinasabi nila at nagmadali akong pumasok sa kwarto namin kung nasaan si Sky. Siya lang ang pasyenteng narito ngayon dahil pinalabas muna kami ni Jemuel.
Nang makalapit ako rito ay pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha habang natutulog. Umupo ako sa gilid ng kanyang kama habang nakatitig sa kanya. May mga apparatus na ring nakakabit sa kanya bukod sa ECG Monitor. At doon, saka ko siya dahan-dahang niyakap habang umiiyak.
Doon na ako nagsimulang humagulhol habang nakasandal sa tiyan nito. Iniingatan kong lumapit sa kanyang dibdib dahil ayaw kong magalaw kung ano man ang nakalagay roon. Naramdaman ko ang sakit habang umiiyak. Nasasaktan ako sa sitwasyon na nito, pati na rin ang takot na baka mawala siya sa akin.
"I don't want you to cry." Dinig kong bulong niya. Naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa aking buhok na hawak ito.
"H-hindi ako umiiyak." Mabilis na sagot ko saka nagpahid ng aking luha. Bahagya naman siyang natawa kahit nanghihina pa ito.
"Ano yun? Naglalabas lang ng tubig ang mata mo tapos inabot ka rito?" Natatawang tanong pa niya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko.
"Anong oras na? Asan sila?" Tanong niya sa akin.
"Nasa labas pa sina Doctora Kristina kasama ang Ate mo. Teka tatawagin ko sila para malamang gising ka na." Saad ko pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. "Dito ka lang, samahan mo 'ko."
"Hapon na. Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ko rito.
"Gutom na nga ako eh." Nakangusong sagot nito, parang bata. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya, dahil maghapon itong tulog.
"Hala! Anong gusto mong kainin?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya, habang nag-iisip kung anong pwedeng kainin.
"Kung pwede ikaw, ayos lang ba sayo?" Bulong niya at kinindatan pa ako. Kumunot naman ang aking noo sa aking narinig.
"Eh kung pwede kitang sapakin? Ayos lang din ba sayo?" Nakangising tanong ko rito, natatawa sa kanyang reaksiyon dahil sa narinig.
"May sakit na nga ako, tapos sasaktan mo pa." Parang nagtatampong saad nito kaya lalo akong tumawa.
"Kung ganoon ay magpagaling ka, ayusin mo ang puso mo." Sagot ko. Natigilan naman ito.
"Ikaw ang mag-ayos ng puso ko dahil nasa'yo ito." Nakangusong tugon niya pa. Lumapit naman ako sa kanya saka ito niyakap. Doon ko na naman naramdaman ang lungkot.
"Huwag mo 'kong iiwan ah?" Naiiyak na saad ko.
"Sinong may sabi sayong iiwan kita? Lalaban tayo, diba?" Sagot nito at niyakap din ako.
"Wala ka bang tiwala sa akin? Diba ang sabi ko kaya ko 'to?" Nakangiti pang sabi niya, nagpapalakas ng loob.
"Sana pwede ko na lang kunin yung sakit mo. Para mawala ito, at para gumaling ka." Wika ko.
"Hindi na naman mawawala itong sakit ko, Dave eh. Parte na ito ng buhay ko." Aniya, napatigil ito saka muling nagsalita. "Pero nakakapagtaka lang na parang gumagaling ako kapag nandiyan ka, nawawala yung sakit. Ikaw yata ang makakapagpagaling sa akin."
"Bakit ka ba nagkaganyan?" Tanong ko pa.
Umayos naman siya ng pagkakahiga, tila ba magsisimula nang magkwento. "I was 15 years old that time, when I got home from school. Normal lang ang buhay ko nun, masaya. Maraming kaibigan, dahil doon ko ibinibigay ang pagmamahal ko sa kanila. Sabi ko noon, hindi naman ako kayang mahalin ng pamilya ko, kaya sila na lang ang mamahalin ko. At oo, masaya naman ako sa kanila. Not until I felt that pain."
Napatigil siya sa pagsasalita. Nag-iisip pa ng sasabihin, saka tumingin sa akin. "Then that's the first time when I feel that pain. Sobrang sakit sa dibdib. Ang hirap huminga, pakiramdam ko mamamatay ako nung oras na iyon. Hanggang sa mawalan ako ng malay, parang binobomba ang dibdib ko sa sobrang sakit."
"Hanggang sa nakita ako ni Ate Shanelle sa kwarto, walang malay. At nagising na lang ako, nasa ospital na ako. Yun din ang unang beses na nag-agaw-buhay ako, at the same time na-revive din naman." Pagkukwento pa nito.
"And then that's the time I met Doctora Kristina. Doon niya na rin inanunsyong meron akong sakit sa puso." Malungkot na saad niya. Doon ko naman lalong naramdaman ang awa sa kanya. Kaya agad kong pinunasan ang pisngi nito nang makitang malapit ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Tapos pinadala na ako rito, kasi kailangan ng mag-aral ni Ate Shanelle ng Medicine, at wala ng magbabantay sa akin. Una akong dinala sa Ward 8. Doon ko nga nakilala si Peter, pero iniwan niya rin ako. Iniwan ako ng buong mundo, Dave." Ramdam ko ang sakit habang sinasabi niya sa akin ang mga katagang iyon. Lalo akong naiiyak sa kanyang sitwasyon, at nararamdaman ang awa rito.
Pero ayaw niyang maramdaman ko iyon. Ayaw niyang kaawaan ko siya, at ayaw niyang ipakitang mahina siya.
"Pero nakakatawa na parang sandali lang pala akong iniwan ng mundo, at iikot iyong muli para balikan ako. Dahil mula noong iniwan kita, doon ulit nagkaroon ng kulay ang buhay ko." Saad nito saka ngumiti, habang nakatingin sa mga mata ko.
"You're my best medicine, Dave Vincent. I gave you my heart, so please don't break it by leaving me. Ikaw ang gamot ko sa sakit na ito." Nakangiti pang sambit nito, na naging dahilan kung bakit sumaya ang puso ko.
"Lalaban ka ah? Kailangan gumaling ka." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito.
"Magpapagaling ako, para sayo. Para sa atin." Taas-noong sagot nito. Hindi na naman ako nakasagot at katahimikan ang namutawi sa amin.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig naming bumukas ang pinto at pumasok roon si Doctora Kristina kasama sina Ate.
"How do you feel?" Tanong ni Ate Shanelle kay Sky nang makalapit sa amin. Samantalang umupo naman sa tabi ko si Ate Jackielou.
"Wala na yung sakit, Ate." Nakangiting sagot ni Sky saka tumingin sa akin.
"Mabuti naman. Ikaw ba, Dave? Are you done putting your eyedrops? Nainom mo na rin ba ang vitamins mo?" Pagbaling naman sa akin ni Ate Jackielou. Tumango ako.
"Everything is undercontrol ate." Sagot ko sa kanya. Napatingin naman kami kay Doctora Kristina habang nagchecheck ng ECG Monitor ni Sky pati na rin ng heartbeat nito.
"Doctora Kristina have something to say." Nagbababa ng tingin na saad ni Ate Shanelle.
"Ano po yon, Doctora?" Tanong namin. Lumapit naman siya habang napapabuntong-hininga. Sa tingin ko ay hindi maganda ang ibabalita nito.
"Sky's Heart Failure is, reaches it terminal stage." She stated, sadly. Hindi naman kami makapagsalita, na para bang hindi rin matanggap ang aming mga narinig.
"So what are we gonna do, Doctora? May pag-asa pa rin pong gumaling ang kapatid ko, hindi ba?" Pagbabasag ni Ate Shanelle ng katahimikan, umaasang oo ang isasagot sa kanya.
"Treatments and medicine will be applied continuously. I'll just prescribe new oral meds for his heart and there are some medicines that need to be injected. We will still monitor your heart through your ICD implant to prevent myocardial imfraction. But the main option to recover is heart transplant." Saad nito saka natigilan.
"Is there any other option beside that heart surgery?" Tanong pa ni Ate Shanelle, na tila ba ayaw gawin ang operasiyong iyon.
Sabagay. Sino ba namang tao ang gugustuhing biyakin ang puso niya?
"What will happen kung hindi ako maoperahan?" Tanong naman ni Sky. Nakatingin ito sa mga mata ni Doctora Kristina na tila ba umaasang may iba pang paraan.
"You'll die." Diretsong sagot nito, habang nakatingin sa mga mata ni Sky. Wala namang nakasagot sa aming apat, at lahat ay nanlumo sa aming narinig.
"Kaya kailangan mo nang maoperahan sa lalong madaling panahon. After Christmas, we need to prepare for this. For now, I have to go because I still have many patients to check. See you at your next treatment, excuse me." Paliwanag pa nito, saka nagpaalam. Tuliro naman kaming apat hanggang sa makalabas ng pinto, at hindi malaman ang sasabihin.
"So guys, what do you want for Christmas? Dito ba tayo magpapasko? Ikaw Dave? Gusto mo bang umuwi?" Pagbabasag ni Ate Jackielou sa katahimikan.
"I'll stay here, Ate. Dito po ako magpapasko." Tugon ko rito, alam ko namang gagawan na niya yun ng paraan.
"Alright. Pero kailangan mong umuwi ng new year hmm? Baka makahalata si Mommy. May parating pati tayong dakiiiiilang bisita." Sa tono ng sarkasmo ni Ate Jackielou ay nahahalata ko ng ang grandparents namin ang parating. Napatawa naman ako sa aking narinig.
Pero si Daddy at kuya AJ ay hindi man lang nagawang akitin para doon magpasko.
"We have to go na, Dave. Tawagan mo na lang kami kung may kailangan kayo." Paalam ni Ate Shanelle, saka sila umalis.
"Baka gusto mo na ring umalis?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Sky na nasa harapan ko.
"Ha? D-dito rin ang kwarto ko." Utal na sagot ko, hindi alam kung paano siya kakausapin.
"Bigyan mo muna ako ng katahimikan." Saad niya. Hindi na naman ako nakapagsalita nang tinalikuran niya ako at gumilid sa kabilang side ng kama niya.
"Nawawalan na ako ng pag-asa, Dave." Maya-maya ay sabi nito saka siya muling humarap sa akin. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya."
"Kumapit ka lang. Nandito kami diba?" Sagot ko at hinawakan ang kamay nito.
"M-mamamatay na yata ako." Napapailing na sambit niya, saka bahagyang natawa. Nagulat naman ako.
"Hindi. Hindi ka mamamatay, makakaligtas ka. Mabubuhay ka, lalaban tayo diba?" Naiiyak na tugon ko, na binibigyan siya ng pag-asa.
"Paano kung mamatay ako dun sa operasyon na yun, Dave? Paano kung hindi ako makaligtas? Paano ka?" Tanong niya. Umiling ako rito.
"Makakaligtas ka. May tiwala ako sayo. Lakasan mo ang loob mo, dahil nasa'yo rin ang puso ko." Nakangiting sagot ko rito.
"Kung ganoon, sabihin mong mahal mo ako. Dahil ang pagmamahal mo, ang magiging dahilan ng paglaban ko." Mahinang sagot niya. Agad ko naman siyang niyakap ng sobrang higpit. Inilapat ko ang aking ulo sa kanyang dibdib ngunit sinigurado kong wala akong magagalaw na kahit ano roon. Saka niya ako hinalikan sa aking noo.
"Mahal kita, Sky. At kahit anong mangyayari, mananatili pa rin ako rito, at kakapit sayo." Umiiyak na saad ko. Saka naman niya ako niyakap at inihiga sa kama niya. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakayakap sa akin at masaya naman akong katabi siya.
Hindi ko na nalaman ang mga sumunod pang nangyari dahil nawalan na ako ng malay sa sobrang pagod. Hinayaan niya akong makatulog kalapit niya habang magkayakap kami.
Siya ang pahinga ko.
---
"Dave!" Pagtawag sa akin ni Sky mula sa di-kalayuan. Napangiti ako ng makita ito.
"Oh? Anong trip yan?" Natatawang tanong ko nang makalapit ako rito. Umakbay naman siya sa aking balikat. Ang gwapo niya sa suot nitong maluwang na polo shirt at sa short nitong Hawaiian style.
Pinagmasdan ko naman ang kapaligiran kung nasaan kami. Napansin kong wala kami sa ospital. Narito kami sa isang malawak na parang kung saan meron ditong malawak na damuhan. Solong-solo namin ang lugar.
Anong meron? At nasaan kami?
"Ang gwapo mo ngayon." Nakangiting sambit ko saka pinisil ang pisngi nito. Hinawakan naman niya ang aking kamay.
"Masyadong masakit, mahal ko." Natatawang tugon niya. Pinagmasdan ko ito sa kanyang mga mata saka muling nagtanong.
"Kumusta ang puso mo?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin saka ako niyayang maglakad. Hindi agad siya nakasagot.
"Maayos naman ang puso ko, dahil sa pagmamahal mo." Sagot niya.
Hindi ako nakasagot nang matuon ang atensyon ko sa nakita kong sunflower malapit sa amin. Nakatanim ito sa lupa, at sa tingin ko ay maaari itong bunutin. Kaya naman lumapit ako roon at kinuha iyon.
Napakaganda ng sunflower na ito. Naglakad ako papabalik kay Sky, saka iyon ibinigay sa kanya. Natatawa naman siyang tinanggap iyon. "Para saan ito?"
"You're my sky in this world of thunderstorms." Sambit ko habang hawak ang pisngi niya saka marahang pinisil iyon. Ramdam kong kinikilig ito.
"And you're my sun, even the cloud goes against us, I'll still shine because I'm your sunflower." Tugon din nito, saka marahang hinaplos ang aking mukha. Ramdam ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko kahit malakas ang hangin kung nasaan kami.
"Let's go." Pagyayaya nito saka muling hinawakan ang aking kamay.
'Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan~
"Mahal ko na yata ang lugar na ito." Natatawang saad ko. Hindi ako makapaniwala sa ganda nito kung nasaan kami ngayon.
"Mas mahal kita." At ayan na naman siya sa mga pakulo niya. Natatawa naman akong tumingin dito.
Ikaw ang pangarap, nais kong makamtan
Sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan~
Nagulat naman ako nang hawakan niya ang aking balikat. Iniharap niya ako sa kanya habang inaawit ang kantang iyon. "Let's dance."
Ang ganda ng boses niya, kahit walang gitara.
Pag-ibig ko'y walang kamatayan
Ako'y umaasang muli kang mahagkan~
Sinabayan ko naman ito sa pag-awit, at habang sumasayaw, kinakanta rin namin ang awit na iyon. Ang sandaling iyon ang pinakamasaya para sa akin, dahil magkasama kami.
Kinikilig ako.
Hmm, hmm, hmm, hmm~
Ikaw pa rin, ang hanap ng pusong ligaw,
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan~
Nagulat naman ako nang bumitaw siya sa akin at may kinuhang kung ano sa bulsa niya. Hindi malinaw ang pagkakakita ko rito pero sa tingin ko ay isa itong singsing.
Nakangiti siyang tumingin sa akin saka nagsalita. "Ikaw lang ang hahanapin ng puso ko, Dave."
"Can we spend million of 4am's for the rest of our lives?" Tanong nito saka lumuhod. Nabigla naman ako at hindi agad nakasagot.
Pag-ibig mo, ang hanap ng pusong ligaw,
Mula noon, bukas, at kailanman~
Is he proposing?
Sa sobrang tuwa at kaba na aking nararamdaman ay hindi agad ako nakasagot. "I love you, Dave Vincent."
Sasagot na sana ako ngunit agad akong naalimpungatan at nagising ang diwa. Napansin kong nakahiga pa ako sa kama at kagigising lang. Hindi ko naman magawang magmulat ng mata dahil sa sobrang antok.
Panaginip lang pala.
To be continued...

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    Rosemary Que

    wow nice 👍 it's so good 😊

    07/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata