Chapter 22

Simula nang dumating si baby Aurelian, parang ibang mundo na ang ginagalawan namin ni Cerise. Hindi na kami basta magkasintahan o mag-asawa, isa na kaming pamilya.
Minsan, nakatitig lang ako kay baby habang natutulog siya sa crib niya. Ang liit-liit niya, ang hina-hina ng kanyang paghinga, pero ramdam kong siya na ang pinakamalakas na bagay sa buhay namin. Siya na ang magiging dahilan kung bakit kahit gaano kahirap ang buhay, lalaban kami ni Cerise.
Pero syempre, bago ang lahat—kailangan muna naming kayanin ang puyat.   
Hindi ko alam kung ilang beses na akong gumising sa madaling araw para sa kanya.  
“Love, siya na naman…” bulong ni Cerise isang gabi habang nakahiga kami.  
“Hmm?”  
Naririnig ko ang iyak ni baby, pagod man, wala akong choice kundi bumangon. 
Binuhat ko si baby mula sa crib, at naramdaman kong medyo mainit siya.  
“Kailangan mo bang palitan ng diaper, buddy?” tanong ko habang tinitingnan siya.  
Wala syang sagot—obviously, baby pa siya—but sa pag-amoy ko sa kanya, napatunayan kong tama ako.  
Oh my god.
“Love, ikaw na magpalit,” natatawang sabi ko kay Cerise.  
Napangiwi siya. “Ako na naman?”  
Napakamot ako ng batok. “Sige, fine, ako na.”  
Habang pinapalitan ko ang diaper niya, naglalaro si baby Aurelian ng mga maliliit niyang daliri at tinititigan ako.  
“Huy, bata. Alam mo bang para kang hari dito?” biro ko sa kanya.  
Kahit hindi niya naiintindihan, ngumiti siya sa akin—at sa sandaling iyon, lahat ng pagod ko, lahat ng puyat, worth it.
Kahit sobrang nakakapagod ang pagiging magulang, alam kong hindi kami puwedeng sumuko. Dahil hindi matutumbasan ang pagmamahal ng isang magulang sa kan'yang anak. 
Isang gabi, pagod na pagod si Cerise. Halos hindi siya kumain buong araw dahil sa kakabantay kay baby.  
"Love, pahinga ka naman," sabi ko habang inaabot ang isang platong may pagkain.  
Umiling siya. "Mamaya na, bantayan ko muna si baby."  
Hinawakan ko ang kamay niya. "Ako na muna. Magpahinga ka kahit sandali lang."  
Ngumiti siya ng mahina at tumango. "Okay… pero gisingin mo ako kung may kailangan ka, ha?"  
"Hindi na," sabi ko. "Ako bahala kay baby."  
At habang yakap-yakap ko si Aurelian, naramdaman kong ito na ang magiging buhay ko, ang alagaan ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Matapos ang ilang linggo ng stress at puyat, naisipan naming lumabas para maglakad-lakad sa park.  
Si Cerise ang nagtutulak ng stroller ni baby, habang ako naman ay nakahawak sa kanya, mahigpit ang kapit ng kamay ko sa kanya.  
Ang sarap ng hangin, ang payapa ng paligid, at sa unang pagkakataon sa matagal na panahon—nakahinga kami ng maluwag.  
"Love, naalala mo pa ba 'yung special place natin?" tanong ko habang nakaupo kami sa isang bench.  
Napangiti siya. "Oo. Balang araw, dadalhin natin si baby doon."  
Tumingin ako kay baby Aurelian na tahimik sa loob ng stroller. "Magugustuhan niya kaya?"  
Ngumiti si Cerise. "Sigurado. Kasi doon nagsimula ang kwento natin."  
Napahawak ako sa kamay niya. "At ngayon, may panibago tayong kwento."  
Doon ko na-realize—hindi lang kami ang may kwento ngayon. May kwento na rin si baby Aurelian.
At kami ang unang mga tauhan sa buhay niya.   
Pagkatapos ng park visit, naisipan naming dumaan sa mall para bumili ng mga gamit ni baby.  
Pagpasok pa lang sa baby store, nagkatinginan na kami ni Cerise.  
“Grabe, love, hindi ko alam saan tayo magsisimula.”  
Napangiti siya. “Lahat kasi ang cute!”  
At ‘yun nga, napuno ang cart namin ng onesies, lampin, feeding bottles, at kung anu-ano pang baby essentials.  
“Teka, love,” sabi ko habang hawak ang isang stuffed animal. “Tingin mo, magugustuhan ‘to ni baby?”  
Tumingin si Cerise. “Oo! Kunin na natin.”  
Sa counter, habang binabayaran namin ang mga gamit, napahinga ako ng malalim.  
"Love," bulong ko.  
"Hmm?"  
"Kailangan ko na sigurong mas magtrabaho. Parang ang bilis ng gastos natin ngayon, eh."  
Napatawa siya. "Ganun talaga, love. Pero okay lang. Basta para kay baby."  
Napangiti ako. “Oo nga naman. Para kay baby.”    
Pagkauwi namin, habang nagpapahinga, nagkaroon kami ng kaunting moment ni Cerise.  
Nakahiga kami sa kama, habang si baby ay nasa crib niya, mahimbing na natutulog.  
“Love,” bulong ni Cerise.  
“Hm?”  
“Sa tingin mo… magiging mabuting magulang kaya tayo?”  
Napatingin ako sa kanya. Kita ko ang pagod sa mata niya, pero higit doon, kita ko rin ang pagmamahal niya kay baby.  
Hinawakan ko ang kamay niya. “Alam mo, love… hindi natin malalaman kung magiging perfect parents tayo. Pero ang sigurado ako, gagawin natin ang lahat para maging best parents para kay Aurelian.”  
Ngumiti siya. “Tama ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod… worth it ‘to.”  
Niyakap ko siya. “Oo. Worth it lahat. Para kay baby.”  
At sa sandaling iyon, alam kong kahit gaano kahirap ang pagiging magulang, hindi namin susukuan ang pamilya namin.
Habang lumilipas ang mga araw, natutunan namin ni Cerise na hindi kailangan maging perfect sa pagiging magulang.  
Maraming beses kaming nagkamali—mali ang paglagay ng diaper, mali ang paghahanda ng gatas, minsan hindi namin maintindihan kung bakit umiiyak si baby.  
Pero sa bawat pagkakamali, natututo kami.  
At higit sa lahat, mas lalong lumalalim ang pagmamahal namin kay Aurelian.  
Habang tinitingnan ko si baby Aurelian na natutulog sa crib niya, napaisip ako.  
Noong una, natakot akong maging ama.  
Pero ngayon, alam kong ito ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin.  
Napatingin ako kay Cerise, na mahimbing ding natutulog sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at bumulong:  
“Salamat, love. Sa pagbibigay sa akin ng isang pamilya.”  
Tiningnan ko ulit si baby at ngumiti.  
"I promise to be the best dad for you, little one."
At kahit gaano kahirap, kahit gaano nakakapagod—hindi ko kayo iiwan. 
Dahil ang pagiging magulang, hindi lang ito obligasyon.  
Isa itong pangako.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    PlusCeline

    1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,

    15/10/2024

      0
  • avatar
    Chin18

    very nice story guys, recommended to you!

    07/06/2024

      0
  • avatar
    Erica Ferrer Baral

    good

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata