Chapter 15

Isang malamig na hangin ang tumama sa amin. Pinagmamasdan ko ang kalangitan, kanina ay sobrang liwanag dahil sa fireworks, ngayon ay lumiliwanag na ito dahil sa buwan.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa mga nangyari ngayon. We both know the reason, and that's. That's only a mistake, a fooled mistake.
And now, mas gusto ko itong nangyayari ngayon. Parang mas pinatibay pa ang relasyon namin ni Whrix dahil sa dumating na problema na 'yun.
Doon ko napansin at nakita ang future ko sa kan'ya, doon ko napansin na mas titibay pa itong pagmamahalan namin. Mas titibay pa kahit anong problema ang dumaan sa buhay namin.
Lumingon ako sa likod ko nang may maramdamang lumalapit sa akin. I smiled when I saw him.
And this guy. I am so thankful to him because he always by my side. Hindi niya ako pinabayaan noong mga panahong iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam na konektado pala sila ni Whrix.
Nash is a good man. Siguro kapag nahanap na niya ang para sa kan'ya, sobrang swerte ni girl. Napakabait ni Nash, maalalahanin at parang kapag nagmahal siya, ikaw lang ang mamahalin niya.
Like his cousin.
"Nash. " I cleared my throat.
"Hmm? "
Humarap siya sa akin. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang mukha niya, naliliwanagan ng buwan.
"Thank you, " aniko.
"For what? " takang tanong niya.
"For staying by my side. You are a good friend to me, and I will never forget this. Lahat lahat, mula nang dumating ako dito. " He smiled.
"Wala 'yun. Humingi ng pabor si Sebastian, mabait sa akin si Sebastian at tinuring niya ako na parang tunay na pamilya. Kaya sabi ko sa kan'ya, if he needs anything just call me. "
I smiled widely. Sobrang bait niya talaga.
"Sobrang bait mo naman, " pabiro kong sabi. Tumawa siya ng mahina.
"Gano'n talaga kapag pinalaki kang tama. "
"Pero wag ka masyadong maging mabait. Nadala na ako sa pagiging masyadong mabait. " tumingin ako sa buwan na napaka ganda.
"Why? " aniya. "Ah! I know that. " agad niyang tugon.
"Dalang dala na ako sa pagiging masyadong mabait, Nash. Kasi kapag masyado kang mabait, lulubus-lubusin na nila 'yun, ang kabaitan mo ang gagamitin nila para kumilos ng patalikod. "
Ngayon natauhan ako. Masarap maging mabait, marami kang magiging kaibigan. Pero may dulo rin ang kabaitan ng isang tao kapag sobra na.
Aanhin pa ang maraming kaibigan kung puro plastic at inaahas ka lang naman.
Hindi ko nga lubos maisip kung bakit gano'n ang ginawa sa akin. Pero kapag nakausap ko siya, at sabihin niya kung bakit niya nagawa iyon, baka mapatawad ko pa siya. Hindi muna sa ngayon dahil hindi ko pa kaya.
"But, Sebastian and I, we are so close to each other like I treated him as my older brother. "
Napangiti ako. Napahaba ang kwentuhan namin ni Nash hanggang sa umabot sa kanilang dalawa ni Whrix. Minsan may nasasabi siyang nagawa ni Whrix na kalokohan dati.
"Angelo. "
Natigil kami ni Nash nang marinig namin ang boses ni Whrix. Papalapit na siya sa amin. Tinulungan niya kasi kanina ang mga nag ayos nito.
"Hmm. Why? " si Nash. Lumapit sa akin si Whrix at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko siya at nakatingin lang siya kay Nash.
"Why? " natatawang sabi ni Nash.
"You can go now. I'm done. "
Doon lumakas ang tawa ni Nash. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon. Hala anong nangyayari sa kan'ya.
"Tss. " si Whrix.
"Okay okay, Sebastian. Bye Rise, sana wag mo akong ibuko. " kumindat sa akin si Nash habang papaalis siya.
"What? Anong wag ibuko? What are those, Angelo? " si Whrix.
"Uhmm nadulas ako bakit ba? Pasensya na jealous boy. " dali daling tumakbo si Nash nang akmang hahawakan siya ni Whrix.
"Hey tama na. "
Tumitig siya sa akin at pansin kong nakakunot ang noo niya.
"Why? " tanong ko.
"What are he talking about? " tanong niya. Natawa ako ng bahagya.
"Uhmm nadulas lang siya bakit ba? "
Natawa ako. Iyon na lang daw ang sabihin ko kay Whrix.
"Kapag nagtanong si Sebastian, sabihin mo na lang nadulas lang ako bakit ba? "
Napailing ako. Hinawakan ko ang mukha ni Whrix na nakakunot pa rin ang noo. I tip toed to reach his lips saglit lang na halik ang ginawad ko at nakita kong nag iba agad ang expression niya. Kanina ay nakakunot ang noo at parang handa nang sumuntok ng tao, ngayon ay malambot na at kung may ano sa kan'yang mga mata.
He's just staring at me while smiling and then second past, he kissed me. Hinawakan niya ang aking pisngi at mas pinalalim ang halik. Humawak ako sa balikat niya dahil sa panginginig ng tuhod.
I gasped when he bit my lower lip. He stopped the kiss and he just stared at me. Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig lang sa akin. Niyakap niya ako.
Sa mga yakap niya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Para akong ginagamot ng mga ito. Kaya lagi ko siyang kayakap kasi napaka sarap sa pakiramdam na mayakap ni Whrix.
"Thank you love. " he whispered.
"Why? " tanong ko habang nakayakap pa rin sa kan'ya.
"Thank you for giving me a second chance. "
Humiwalay siya yakap at pinagkatitigan ako. Inayos niya ang takas buhok kong tumatama sa aking mukha na nililipad ng hangin.
"Thank you dahil pinakinggan mo ako. Thank you for all, love. I love you so much, hinding hindi na 'to magbabago pa. "
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa kan'ya at hinihintay lang ang sasabihin niya.
Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay siguro naririnig din niya ang tibok ng puso ko. It's so fast and beat like a drum.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako makapag salita dahil narin sa lakas ng tibok ng puso ko at nababara ang pagsasalita ko.
"You're heart beats so fast, " he whispered.
Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit at ganoon din siya. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya atsaka nagpahinga.
Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin na para akong mawawala kapag nabitawan niya ako. I fit in his arms like he was born to hold me forever.
Humiwalay ako sa yakap niya nang tawagin kami ni Nash. Agad na umangal si Whrix dahil sa pagdating ni Nash.
"What? " natatawang tanong ni Nash kay Whrix na nakakunot na naman ang noo.
"Okay na. Handa na. "
Tumango lang si Whrix sa kan'ya at tatawa tawang umalis. Lumingon ako kay Whrix nang hawakan niya ang kamay ko at naglakad na.
"Let's go. "
Lumakad na kami patungo kung nasaan sila Gi at Nash. Habang naglalakad kami, may mga ilaw na silbing gagabay sa daanan namin.
Nilingon ko si Whrix at ngumiti lang siya sa akin. Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa isang lugar kung saan maraming nakapalibot na ilaw.
May mga petals sa sahig at may table sa gitna. Naglakad kami ni Whrix patungong lamesa kung saan may wine doon. Pinaupo niya ako at sinalinan ng inumin.
"A-ano ito, hindi pa tapos ang surprise? " pabiro kong sabi.
"Hmm, hindi pa. " ngumiti siya ng matamis.
Now playing: Nothing's Gonna Change My Love For You by George Benson
The violin started to play. Marahan ang tunog ng violin at ang sarap sa pakiramdam ang ganito. Kasabay ng marahang musika ang simoy ng hangin ang tumatama sa amin.
"Can we dance? " inilahad ni Whrix ang kamay niya at agad ko itong tinanggap.
Pumunta kami sa gitna. Inilagay ni Whrix ang kamay ko sa balikat niya ang kanyang kamay ay nasa beywang ko.
Ramdam ko ang saya niya dahil nakikita ko ito sa mga mata niya. Saya lang din ang nararamdaman ko ngayon, wala ng iba.
Napaka sarap sa pakiramdam ang ganito. Nakatitig lang si Whrix sa akin.
"Mahal na mahal kita, " aniya.
"Mahal na mahal din kita. "
Yumakap ako sa kan'ya habang marahan kaming nagsasayaw. Ang nakikita ko lang ay kaming dalawa lang.
Parang walang tao sa paligid namin. Kaming dalawa lang ni Whrix, dinadama ang musika at ritmo ng pagmamahal namin isa't isa.
"I just wanna be with you forever. "
I just wanna be with him forever too. Forever. Gusto ko lang makasama siya, until death.
I'm so happy. Totoo pala na, lahat ng paghihirap magiging worth it iyon lahat kapag nalagpasan na.
At nalagpasan namin iyon ni Whrix. Sana magtuloy tuloy na. Ayaw ko pang matapos ito.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    PlusCeline

    1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,

    15/10/2024

      0
  • avatar
    Chin18

    very nice story guys, recommended to you!

    07/06/2024

      0
  • avatar
    Erica Ferrer Baral

    good

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata