"Anong gagawin mo ngayon? " tanong ni Keilla. Nakaupo s'ya sa tabi ko at si Adam naman nakatayo sa gilid habang naka cross arm at pinagmamasdan lang kami. Dumeretso na ako dito sa hotel kung saan ako nag check in kagabi. Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay ito sa maleta. Babalik muna ako sa New York. "Babalik muna ako sa New York, saglit lang ang pinaalam ko, baka mawalan ako ng trabaho kapag nagtagal pa ako dito, " aniko habang abala sa pag-aayos ng gamit ko. Hindi na ako magtatagal pa rito. Nagpaalam ako kay Gi na saglit lang talaga ako dito. At ngayong nalaman ko na ang totoo, babalik na ako. Kailangan kong magtrabaho. Hindi ako minamadali ni Gi sa pagbalik pero hindi ko kayang magtagal pa rito, tama na muna, masakit na. "Hindi ba pwedeng mag stay ka kahit isang araw lang, pahinga ka muna, " ani Keilla. Itinigil ko ang pag aayos at tumingin kay Keilla. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Ito ang totoong kaibigan, hindi siya nangiiwan at kailanman hindi ako tinalikuran. Siya pa ang tumulong sa akin para mapuntahan si Whrix. "Keilla." hinawakan ko ang kamay niya. "Salamat ah, sinamahan mo ako. " Ngumuso siya sa akin atsaka tumingin kay Adam. Si Adam ay nakatitig lang sa amin at ngumiti siya nang lumingon si Keilla sa kan'ya. Isa si Keilla sa pinagkakatiwalaan ko. Si ang una kong nilapitan dahil mas malapit ako sa kan'ya. Hindi niya ako pinababayaan. "Wala 'yun, you know naman na basta friend ko at ikaw walang pagdadalawang isip. " ngumiti siya sa akin. Niyakap ko siya narinig ko siyang humikbi alam ko kung ano iyon at napaluha na rin ako. "Why naman kailangan mong maranasan ito, you loved him so much pero ito ang nangyari sa'yo, " aniya. "Thank you rin, Adam. " ngumiti ako kay Adam at ngumiti naman siya pabalik. "Ingat ka, hihintayin kita, hihintayin ka namin, " ani Keilla nang makarating kami sa Airport. Niyakap ko siya. Akma na akong aalis nang may tumawag sa akin. Bumalik lahat ng sakit kanina nang marinig ang boses ni Whrix. Humarap ako sa pinanggalingan ni Whrix. Hinarangan siya ni Keilla pero hinawakan ni Adam si Keilla dahilan para mapayakap si Keilla kay Adam. Agad na lumapit si Whrix sa akin. Umiiyak siya kaya napaiyak na rin ako. Umiwas ako ng tingin nang lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko. Patuloy sa pag agos ang luha ko. Pilit kong inaagaw ang kamay ko pero hinihigpitan niya ang hawak dito. Please, stand up. Hindi ko masabi iyon dahil sa bigat ng loob ko. Hindi ako makapagsalita dahil may kung anong bumabara sa akin para mapigilan ako sa pagsasalita. "S-stand up, Whrix. " pinatayo ko siya at kita ko sa mga mata niya ang sakit. Tumitig siya sa akin. Tumingin ako sa kan'yang mata na may bahid ng sakit. "Y-your'e going back to New York? " halos bulong niyang tanong. "Oo, kailangan kong bumalik, aalis na ako. " pilit kong inaagaw ang kamay ko hanggang sa mabitawan na niya na para bang wala na siyang lakas. "Love, I'll fix this at sasabihin ko sa'yo lahat lahat. I will never cheated on you. I love you. " Hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso dahil kapag tumingin ako, baka bumalik lang lahat. "Whrix hayaan mo muna si Cerise, " ani Keilla na nasa likod na ni Whrix. Hinawakan ni Adam si Whrix atsaka pinalayo. "Sorry. Adam messaged him. " ngumiti ako sa kan'ya atsaka unti unti nang umalis. Take care. I will be back to you. Habang paunti unting umaangat ang eroplanong sinasakyan, hindi ko maiwasan na maisip si Whrix. Pero nasaktan ako, kailangan kong ayusin iyong nadurong kong puso. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan, ang umalis at hayaan muna siyang ayusin ang lahat. Oo hindi ko muna siya pinakinggan, kasi masakit eh, sobrang sakit. Hindi ko naisip na darating sa ganito ang patutunguhan namin. Hindi ko inisip ang mga ganitong bagay kasi, alam ko may tiwala kami sa isa't isa. May tiwala kami. Ganoon naman talaga ang relasyon diba kailangan may tiwala kayo sa isa't isa ng partner mo, dahil kung wala kayong tiwala sa isa't isa, gugulo lang ang pagsasama niyo. May maghihinala at maghihinala talaga kapag wala kayong tiwalang binuo sa isa't isa. Trust someone you loved. That is me. I trust someone I love. I trust my friends, family, and my love of my life. Nakatulog ako saglit at agad ding nagising. Hindi ko gusto ko ang panaginip ko kaya agad akong gumising. Pagtingin ko sa window ay saktong nag announce ang piloto na bababa na ang eroplano. Sana maging maayos ang lahat. Hindi ko gusto ito, sana maging maayos na. Pagbaba sa eroplano ay agad akong sinalubong ni Nash na may nagtatakang mukha. Ngumiti ako sa kan'ya atsaka lumapit. "Bakit ang bilis mo? May problema ka ba? " tanong niya nang makalapit ako. Malalim akong huminga bago siya inaya papuntang sasakyan. Wala naman siyang ibang sinabi pa at nagdrive na lang. I message him bago ako lumipad patungo rito. Nabasa ko na ang reply niya nang makababa na sa eroplano. Medyo nahihiya ako kasi naistorbo ko ata siya. Mag gagabi na kasi at baka marami siyang ginawa ngayon. "Sorry ah. " basag ko sa katahimikan. Lumingon siya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin sa daan. "Sorry for what? " tanong niya. Yumuko ako. "Naistorbo ata kita. " Nagkaroon siya ng oras para titigan ako dahil sa stop ng traffic light. "Okay lang, wala naman akong ginagawa. May problema kaba? " Hindi ako sumagot at tumingin lang sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga sasakyan at ang mga taong naglakakad sa tabi. Nang makarating kami sa hotel ay agad akong naglakad papasok. Ipapark muna raw ni Nash ang kotse. Dire diretso lang ang lakad ko hanggang elevator. Sa elevator ay ako lang ang mag isa. Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang ilang messages ni Whrix. "Wait for me, please. " "I will fix this. " "Please, wait for me. I love you so much. " Pinatay ko ito atsaka tumitig sa reflection sa harap ko. And then suddenly my tears fell of. Agad ko itong pinunasan atsaka malalim na huminga. Bumukas ang elevator at tuloy tuloy lang ako hanggang sa room ko. Isinara ko ito at nahiga sa kama. Doon, naibuhos ko lahat. Ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko ang unan na nasa tabi ko at doon umiyak ng todo. "It hurts. " Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong umiiyak. Hindi pa ako nakakabihis. Tumayo ako atsaka pumasok sa banyo. Ibinabad ko ang sarili sa bath tub. The smell of lavender is so relaxing. Tumingala ako atsaka pumikit habang dinadama ang bango ng paligid. Kahit dito manlang makakapag relax ako. Halos isang oras din ang tinagal ko sa bath tub. Mas gusto ang ganito, relaxing. Umahon na ako at nagbanlaw atsaka nag ayos ng sarili. 8:30 na ng gabi bago ako nakalabas. Halos dalawang oras ako sa loob ng room ko. "Thank you, come again. " ngumiti ako sa cashier ng supermarket atsaka lumabas bitbit pinamili. May malapit na super market sa hotel. Ilang lakad lang ay naroon ka na. Hindi muna ako pumasok sa hotel, dumeretso ako sa likod nito dahil dito napapansin kong wala masyadong tao. Pagdating ko ay walang katao tao ang lugar, napangiti naman ako. Solo ko ang lugar kaya umupo ako sa isang bench atsaka inilabas sa plastick ang pinamili kong isang bote ng Soju at mga chips. Umupo ako at tumingala, pinagmasdan ang mga bituin. I love stars. Uminom ako atsaka pumikit,dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Malalim akong huminga atsaka inisip ang lahat ng nangyari. Halos kalahati na ang naiinom ko nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa gawi niya at ngumiti sa kan'ya. Inalok ko siya ng chips at agad naman niya itong tinanggap. "What are you doing here? " tanong niya. Tumingala ako bago sumagot. "I just to forget all the problems. " Gusto kong malimutan lahat. Kahit sandali lang, gusto kong gumaan ulit ang pakiramdam ko, kahit sandali lang. "What's your problem? " tanong ulit niya. Tumitig ako sa mga mata niya. Nakita kong gustong gusto niyang malaman kung ano ang problema ko. Nag iwas ako ng tingin nang tumagal ang pagkatitig ko sa mga mata niya. "Alam ko naranasan mo na rin 'to, parehas lang tayo. Nasaktan. " aniko. Kumain ako ng chips dahil ubos na ang iniinom ko. "Nasaktan? " Tumingin ako sa kan'ya bago ko sinabi ang lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng nararamdaman ko sinabi ko sa kan'ya, pati na rin kung bakit ako agad umuwi. At naramdaman kong gumaan ng kaunti ang bigat ng loob ko. "Did you listen to him? Pinakinggan mo na ba iyong dahilan niya? " diretso ang tingin ko sa mga bituin. "H-hindi pa. " pagkasabi ko nun ay bumuhos ang na naman ang luha sa aking mga mata. "Hey, stop crying. " binigyan niya ako ng panyo na galing sa bulsa niya. "Thank you. " pinunasan ko ang luha. "I hate seeing girls crying. " napatingin ako kay Nash sa sinabi niya. "Huh? " Tumingin siya sa akin atsaka ngumiti. "I just don't like seeing girls crying, that's it. I just don't want you get sad about what happened to you, " aniya. "You know what, why don't you listen to him first? " Umiwas ako ng tingin. Pero hindi pa ako handa. Baka kasi masaktan ako. Natatakot na akong masaktan ulit. "Hindi ka pa handang pakinggan siya tama ba? " tanong niya. Tumango ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko atsaka yumuko. "Tama na 'yan, magpahinga ka nalang, tara na, " inayos ni Nash ang kalat na plastics atsaka tinapon iyon sa basurahan. Pinagmasdan ko si Nash habang papasok kami hotel. He's been good to me. Mabuti siyang tao. "Thank you Nash ah. " papasok na kami sa kanya kanya naming room. "For? " huminto kami saglit. "Dahil sinamahan mo ako kanina at nakinig ka sa mga pinagsasasabi ko. " He smiled. "Wala 'yun. Sige good night. Magpahinga ka na. "
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
15/10/2024
0very nice story guys, recommended to you!
07/06/2024
0good
16/05/2024
0Tingnan Lahat