My heart broke into pieces of what I saw. Para akong sinasaksak ng daang daang kutsilyo sa nakita. Nag-uunahang lumandas ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako maka kilos sa kitatayuan ko dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala. Nang binuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang paghalik ni Elisa kay Rix. Nagulat sila ng makita ako. Natigil pa si Rix bago na realize ang lahat. Unti unting lumapit si Rix sa akin. Ako naman ay patuloy lang ang paglandas ng mga luha. Bago pa man maka lapit si Rix ng tuluyan sa akin ay humarang si Keilla sa harap ko. Tinitigan si Keilla na ngayon ay galit na galit ang mga mata. "You jerk! I told you to fix this, anong ginawa mo?! " ani Keilla. "Please, let me talk to her. " si Rix. "You think all of these I will let you talk to my best friend? " hinarap ako ni Keilla atsaka akmang aalis pero pinigilan ko s'ya. Humarap ako kay Rix at ngumiti. Ngumiti ako sa kan'ya habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumulo ang luha sa mga ni Rix habang nakatitig sa akin. Tumingin ako sa likod ni Rix at nakita si Elisa na nakatitig lang sa akin na walang reaksyon. "Pinagkatiwalaan kita, Elisa, pero bakit ganito? Kaibigan kita bakit mo ginawa sa'kin 'to?! " hindi ko na napigilang sigawan siya. Ang sakit. Ang sakit sakit. She's my friend but why she do this. Pinagkatiwalaan ko s'ya pero inahas n'ya ako. "You bitch! Alam mo una palang duda na ako sa'yo! " sigaw ni Keilla. Akmang susugod si Keilla pero hinarangan s'ya ni Rix. Tumingin ako kay Rix sa ginawa n'ya. "Tara na Keilla. " Hinila ko si Keilla palabas. Hindi pa man kami nakakalabas ay hinwakan ni Rix ang kamay ko. Pabagsak kong binawi ito atsaka bumukas ang elevator. Akmang papasok si Rix ay hinarangan siya ni Keilla. Sa sulok ng elevator ay doon ako umiyak. Bakit ba nangyayari sa akin ito, nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito ang kapalit. Ramdam ko ang pagyakap ni Keilla sa akin. Sa pagyakap nyang iyon ay mas lalo kong nabuhos ang sakit. "Tahan na, Rise. " "Keilla bakit? Wala naman akong ginagawa, nagmahal lang naman ako pero bakit ako nasasaktan ng ganito? " I saw her tears fell of. She cries while hugging me. Nang bumukas ang elevator ay nagtungo agad kami kay Adam. Gusto kong umuwi muna. Gusto kong malaman ang lahat pero hindi ito ang tamang lugar. Hihintayin ko s'ya sa bahay at doon kakausapin. Pero bago pa ako makasakay sa sasakyan ni Adam ay may humila na sa akin at agad akong niyakap. Agad namang bumalik ang sakit na nararamdaman ko nang maamoy ang pabango n'ya. "Please, Love don't leave me, please, I love you. " Humiwalay ako sa yakap n'ya at pinagkatitigan s'ya. I love you so much Rix. Pero bakit mo ito nagawa. "Bakit? " mahinang sabi ko. "Love—" "Bakit?! " hindi ko napigilang sigawan s'ya. "Love, please, wag tayo dito mag usap, please. " Hinawakan n'ya ako sa braso pero agad ko itong binawi. "Whrix masakit. " halos bulong iyon. "Masakit Whrix, kasi ito 'yung dadatnan ko, sa ilang araw na wala kang paramdam ito pala ang ginagawa mo? Whrix bakit? Dahil ba umalis ako? " Agad s'yang umiling. May luhang naglandas sa mga mata n'ya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makita ang ganoong mata niya dahil lalo akong nasasaktan, lalong masakit dahil durog ang puso ko sa nakita. Hindi ko kaya, nanghihina ako. Mahal na mahal ko si Whrix, lahat gagawin ko para sa amin, para future namin at para mas mapatibay pa ang relasyon namin, pero ganito ang nangyayari. "Hindi ganito ang gusto kong mangyari, Whrix, hindi ganito, kasi masakit ito eh alam mo 'yun, " tinuro ko ang puso ko "Dito, masakit. " Tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko. "Love, masakit din para sa'kin, pero hayaan mo akong ayusin ito—" "Tama na. " mapungay na mata ang nakita ko sa kan'ya. "W-what? No, please. " "Tama na. Siguro ito na 'yung dahilan para palayain natin ang isa't isa. " "No, please, Love. " hinawakan ni Rix ang kamay ko atsaka n'ya hinalikan ito. "Dito na lang muna. " bulong ko. "What? " halos bulong niya ring sabi. "I'm b-breaking up with you. " mahigpit niyang hawak ang kamay ko atsaka ito hinahalikan pa. He's crying while kissing my hand. Pilit kong inaagaw ang kamay ko nang lumuhod s'ya atsaka umiyak ng umiyak. Inagaw ko ang kamay ko sa kan'ya. "Stand up. " hinawakan ko s'ya at pilit na pinatayo. Habang pinapatayo siya'y buminigat ang loob ko, hindi ko kayang makita kaming ganito ni Whrix. Iyong mga pumapasok sa isipan ay nangyayari na ngayon. Ayaw ko na ng nangyayari! "Please, stand up. " "Please, let me fix this, love. I can't let you go, I love you, Cerise please. " gumagaral na boses n'ya. Maghahapon na kaya dumarami na ang tao sa paligid. Pilit kong pinapatayo si Whrix. Please, stand up, I am hurting, I don't want to see you like this. "I love you, Cerise, please don't leave me, don't break up with me, mahal na mahal kita. Hindi ko kaya. " Hindi ko rin kaya. Mahal na mahal kita, pero ito lang kasi iyong naiisip ko na makakakilos s'ya ng madali nang wala ako, nang wala siyang ibang iniisip. Pumikit ako dahil hindi kinaya ang sakit. Pinatayo ni Adam si Whrix habang hinila ako ni Keilla. I saw how Whrix get mad at Adam. "Please, love, I will fix this, just don't leave me please, I love you so much. " "I love you too, pero sa tingin ko gawin muna natin 'to, let's seperate first until we're okay. " Umiling si Rix at agad akong hinawakan sa pisnge. Nakita ko sa mga mata n'ya ang lungkot at sakit. Lalo akong naiyak nang halikan n'ya ako ng matagal. Bumuhos lahat ng sakit na nadama ko. Humiwalay ako atsaka lumapit kay Keilla. Tinawag pa ako ni Rix pero nagtuloy lang ako sa paglalakad. Narinig ko pang nagsalita si Keilla. "Fix this Rix, or you will never see my best friend again, and that bitch—" Hindi ko na narinig pa dahil nakapasok na ako sa sasakyan. Tulala ako buong byahe. Hindi alam kung ano ang gagawin. Ang nasa isip ko lang ay ang nangyari kanina. Masakit sobra. "Hey. " I heard Keilla called me, lumingon ako sa harap kung nasaan sila. She smiled at me. "You will be okay. You two will be okay. Just trust your partner. " Si Adam ang nagsabi. Agad na kumunot ang noo ni Keilla. "That bitch, sa una palang dudang duda na ako, malagkit ang tingin n'ya lagi kay Whrix at nakikita ko, may pagnanasa sa mga mata nung Elisa na 'yun sa tuwing nakikita si Whrix. " Napayuko ako. Narinig kong pinapakalma ni Adam si Keilla. Umagos muli ang luha sa aking mga mata. Ang daming tanong! Naiinis na ako, hindi ko na kaya. Gusto ko lang naman ng payapa, at walang gulo. Ano pa ba ang ine-expect ko, walang perpekto sa mundo. May mali talagang mangyayari at hindi mo aasahan na darating iyon sa buhay mo, kailangan mo lang magpakatatag para malampasan ito. Magpapakatatag ako, hahayaan ko muna si Whrix dito, hahayaan ko s'yang mag isip at ayusin ito. Pero si Elisa, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kan'ya kapag nagkita muling kami. I trusted her kasi mabuti ang turing niya sa akin, pero ganito pala ang gagawin n'ya. Tinuring ko s'yang parang kapatid na pero sinasaksak na pala ako likod. Ang hirap na talaga magtiwala sa panahon ngayon, iyong akalain mong mabuti at malapit sa'yo, siya rin palang sasaksak sa'yo at dudurog sa'yo ng pino. Ang sakit nang magtiwala sa isang tao. Habang nasa byahe ay tumunog ang aking cellphone. Tumingin ako kung sino iyon, baka importante at isang message ang galing kay Whrix. "Love, I will let you decide. Pero kapag naayos ko ito, babalik ka sa akin ha, magpapakasal pa tayo. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. I will fix this, please wait for me. " Nag uunahang tumulong muli ang luha sa mga mata ko. Ang sakit Whrix. Mahal na mahal din kita, hahayaan kitang ayusin ito, hihintayin din kita pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kaya. Parang babagsak na ako. Paalam muna sa ngayon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
15/10/2024
0very nice story guys, recommended to you!
07/06/2024
0good
16/05/2024
0Tingnan Lahat