Chapter 2

Unang nag-asawa sa kanilang magkakaibigan si Jenna dalawang taon na ang nakalilipas. May anak na rin ito at ninang silang lahat ni Hera na magdadalawang taong gulang na. At sinundan nga ni Thess na ngayong buwan ng Disyembre nagpasakal este nagpakasal.
Palaisipan pa sa kanilang barkada kung sino na ang susunod. Maaaring si Princess o pwede ring namang si Lenie. Kahit pa nga magkakadikit ang mga bituka nila ay mayroon pa rin silang mga pribadong bagay at issue sa buhay na malimit nilang ibahagi sa isa’t isa.
Katulad na lamang ng biglaang pagpapakasal ni Jenna noon. Nagulat na lamang sila ng buntis na pala ito at ikakasal na. Nalaman lamang nila iyon, isang buwan na lamang bago ang kasal at may ibinigay ng imbitasyon sa kanila. Si Thess ay ganun din. Muli ay nagulat na lamang sila nang malaman na kasintahan na pala nito ang lalaking nakikilala nila sa Boracay noon.
Uso kasi talaga ang gulatan sa barkada nila. Parang siya rin. Hindi niya sinabi sa mga ito na hiwalay na sila ng nobyo niya agad. Ibinahagi niya lamang ang bagay na iyon sa mga kaibigan nang maka-move-on na siya. At iyon ay makalipas ang anim na buwan matapos nilang maghiwalay. Ang nakapagtataka lang ay noong sabihin niya iyon sa mga kaibigan niya ay parang wala lang para sa mga ito ang ibinalita niya. Na parang alam na ng mga ito ang bagay na iyon noon pa at naghihintay lamang sila na ikwento niya iyon. Kilala na nga siguro talaga siya ng mga kaibigan niya. Alam ng mga ito na hindi siya pala-kwento at mas nais niyang isinasarili lamang ang mga problema o nararamdaman niya.
Sa kanilang magkakaibigan ay kay Lenie talaga siya pinakamalapit. Dahil na rin siguro mula pa noong elementarya ay magkaibigan na sila. Pagtungtong nila ng high school, hindi man sila naging magkaklase ay nanatili ang pagiging matalik nilang magkaibigan. Pagdating ng kolehiyo ay napagkasunduan nila na kumuha ng parehong kurso at muli ay naging magkaklase sila. Dito na nila naging kaibigan sila Thess, Jenna at Princess.
Ngayon nga ay may kanya-kanya na silang mga buhay at karerang tinatahak. Nagtapos silang lima ng kursong Business Management sa Unibersidad ng T.S.G. Si Thess ay nagpapatakbo na ng sarili nitong grocery, si Jenna naman ay isang government employee habang si Princess ay team leader sa isang call center company. Sila ni Lenie ay magkasama sa trabaho ngunit magkaiba ng departamento. Nasa Marketing department ang kaibigan niya habang siya naman ay nasa Building Administration. Assistant Marketing Manager ang posisyon ni Lenie at siya ay bilang isang Administrative Officer sa isang pribado at pretihiyosong kumpanya. Limang taon na siya sa trabaho at kaka-promote lamang niya sa naturang posisyon.
Single siya mula pa noong isang taon at hindi niya mawari sa kanyang sarili kung ready to mingle na nga ba siya. Abala kasi siya sa maraming bagay at hindi na niya pa naiisip ang pumasok muli sa isang panibagong relasyon. May mga nagpaparamdam naman sa kanya, mga nagpapahaging at nagtatangkang manligay, ngunit hindi niya iyon binibigyang pansin. Lahat kasi ng libre niyang oras ay itinutuon niya sa iba't ibang aktibidades at hindi kasama doon ang pakikipag-date o pagpapaligaw.
‘Choosy yan?’
Hindi naman sa hindi pa siya nakaka-move-on mula sa dati niyang relasyon at bitter pa rin siya. Sadyang ninanamnan niya pa lang ang kasiyahan sa pagiging single ngayon.
Ang huli niyang naka-relasyon ay si Paolo na isang chef cook sa isang hotel sa Makati. Mahigit sa isang taon ang itinagal ng kanilang relasyon. Nakipaghiwalay ang lalaki sa kanya noong Marso nang nakaraang taon sa kadahilanang hindi na daw siya nito mahal. Sa huli ay nalaman niyang may bago na pala itong ka-relasyon habang sila pa. Masakit noong una, oo.
Minahal naman niya ang loko at medyo umasa rin siya na sa kasalan iyon mapupunta. Ngunit hindi pala.
Ngunit nakausad na siya at nakapagpatawad na rin. Tanggap na tanggap na rin niya ang lahat. Mahigit isang taon naman na ang nakalipas at dahil sa mga bagay na pinagkakaabalahan niya sa kanyang buhay ay nakalimutan na niya ang lahat ng nararamdaman para sa dating nobyo. Una niya itong kasintahan at ipinagdasal pa niya noon na sana ay ito na ang makatuluyan niya at maging forever niya. Ngunit mabait talaga si Lord dahil hindi siya itinali sa maling lalaki. Sa tuwing naaalala niya ang masaklap na sinapit ng kanyang buhay pag-ibig ay sa mga positibong bagay na lamang siya tumitingin. Buhat nang maghiwalay sila ni Paolo ay marami siyang mga bagay na nagawa, lugar na napuntahan at bundok na naakyat. Noong kasing sila pa ng lalaki ay nalimitihan ang mga kilos niya. Lahat dapat ay aprubado ng lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang isang ibon na nakawala sa hawla nang maghiwalay sila nito. Muli na niyang nagagawa ang mga bagay na gustong-gusto niyang gawin katulad ng paglalakwatsa, pamumundok, pagtulong sa iba’t ibang charity at paglahok sa mga charity events, immersions, at iba pang mga aktibidades tuwing libreng oras niya. Napapadalas na rin ang pagsasama-sama nilang magkakaibigan nang kumpleto. Kagaya na lamang ngayon.
“Sa bahay ko po, Yaya.” Sagot ni Lenie sa tanong niya. “Pakibilisan lang dahil hinihintay na ako ni Mamá.” Wika nito at umabrisyete pa. Aba't itinuring na talaga siyang chiminiyaya ng magaling niyang kaibigan.
“Acknowledged po, Ma'am.” Aniya at prumeno ng malakas saka ito nginisian. Nasubsob tuloy ang kaibigan.
“Yaya, ayusin mo ang pag-da-drive. Isesesante kita!” Nanlalaki ang mga matang wika ni Lenie sa kanya – nakataas ang boses.
“Ay talaga, Ma'am?” Aniya sa tonong hindi makapaniwala. “Yes! Finally, malaya na ang aliping sagigilid! Wuhoo!” Sigaw pa niya.
Nakatikim siya ng batok mula sa tumatawang kaibigan. “Baliw ka na, Mary Nial Montes!”
Tinignan niya nang masama ang pasahero at pinaningkitan. “Grabe ka talaga! Ikaw na nga lang itong nakikisakay sa kotse ko, ikaw pa itong grabe ang maltrato. Idedemanda na talaga kita ng violence against women.”
“Against single woman? Ha-ha-ha!”
Tuloy sa pagbunghalit ng tawa si Lenie. Kanina pa talaga siya pinag-ti-tripan ng mga kaibigan niya. Lalo na itong si Lenie. Bakit ba napaka-big deal sa kanilang lahat ang pagiging single niya?
Eksaktong nagkulay pula ang traffic light. Sinabunutan niya ang kaibigan. “Grabe talaga kayo sa akin.” Kung hindi lang nakakakonsensya ang manipa ng kaibigan palabas ng kotse niya ay kanina niya pa iyon ginawa.
“’Love you!” Ani Lenie at binigyan siya ng flying kiss.
Irap ang isinukli niya dito.
Naghari ang sampung minutong katahimikan sa loob ng sasakyan niya at matulin niyang binaybay ang C-5 road. Marahil naramdaman ni Lenie ang pagiging pikon na niya.
Ngunit muling nagsalita ang kaibigan. Hindi nakatiis. Sadyang madaldal kasi ito.“Siya nga pala, may get together ang BND sa katapusan ng buwan. Sama ka.” Muli siyang napa-preno ng malakas. Dahilan para muling magreklamo si Lenie.
“New Year’s Eve iyon, ah.” Kunot noong tanong niya sa kaibigan.
Dahil sa ginawa niyang pagpreno ay muling nasubsob ang kaibigan, “Aray naman, Tew! Nakakailan ka na ah. Sa December thirty po ang get together, sa kamatayan ni Lolo Rizal hindi sa NYE. Kalma ka nga lang diyan.” Lumawak ang pagkakangisi ni Lenie. “Naisip mo si Ano, 'no? Okay lang yan.”
Walang tumatakbong lalaki sa isipan niya. Wala siyang naiisip na kahit sino. Mamatay na! “The F! Hindi ko siya naiisip. Wala akong pakialam sa Darryl Williams na 'yon.”
“Ang taray, nag-name drop pa nga ang lola mo. Wala naman akong sinasabi. Ikaw na ang nagbigay ng pangalan.” Sakastikong wika ni Lenie tsaka muling ngumisi nang malawak. “Yung totoo, siya pa rin, ano?”
Inirapan niya ito, “Magtigil ka kung ayaw mong pababain kita sa gitna ng highway!” Pagbabanta niya sa kanyang nagmamagandang pasahero.
Siya ay affected pa rin sa Darryl Williams na yon? Norway! Ano siya, bale? “Gaga ka ever, Lenie Cornelio!” Iritado niyang bulyaw sa kaibigan.
“And I love you, too Nial Bebe.” Kininditan pa siya ng kaibigan at tila may malalim na kahulugan ang naging pag-ngiti nito sa kanya.
“He-he-he. Oo, pupunta siya. Kasama siya sa reunion. Uuwi siya dito sa Manila from Davao para sa’yo este para sa reunion natin.”
“Argh!” Napabusina siya nang malakas dahil may biglang tumawid sa highway.
Abnormal.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Hans Ala

    hdjdjdjddkdjdbu

    20/08/2024

      0
  • avatar
    SawalunSalima

    ❤❤❤

    14/10/2023

      0
  • avatar
    Cj Magnifico

    nice story talagang madadala ka sa emosypn nito🥰🥰🥰 I hope na magawan mo ko NG story aabangan ko until matapos

    15/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata