Homepage/A Night With A Campus Heartthrob (Heartthrob Series #1)/
Chapter 63 - Childbirth
Ronoel TULUYAN ng sumapit ang kabuwanan ko. Mas lalong lumobo pa ang tiyan ko. Nahihirapan na akong kumilos dahil mabilis na akong mapagod at hingalin. Pakiramdam ko'y may buhat akong kalahating kaban ng bigas na inipit sa damit ko. Sa mga lumipas na araw ay naging peaceful naman ang pagsasama naming muli ni Bryson. Walang madam Sonia at Vanessa ang sumusulpot at nangingialam sa aming dalawa. Patuloy pa rin naman si Bryson sa pagtatrabaho niya sa bigasan bilang kargador. Hindi pa rin kasi siya tinatantanan ng kaniyang ina upang makapasok sana siya sa mas magandang trabaho. Nakakatawang isipin na ang isang kargador sa palengke ay nakatira sa isa sa presidential suite sa sikat na hotel dito sa palawan. Thanks to Greyson! "Good morning, besh!" bati ni Glodie pagpasok niya dito sa kusina. Kasalukuyan ako ngayong kumakain ng aking agahan. Maaga akong nagigising dahil pinaghahanda ko ng baon at almusal si Bryson. Dito na rin natutulog si Glodie upang may kasama ako habang nasa trabaho si Bryson. Anumang oras o araw ay lalabas na si baby Briella. Madalas ay dumadalaw rin naman dito sila Mama. N'ong nakaraang linggo lang sila dumating galing Manila. Nakapag-usap na rin kami at sila ni Bryson. Wala kaming nilihim sa kanila, kahit pa ang ginawa ni Madam Sonia. "Good morning!" ganting bati ko sa kaniya. "Wow, ang ganda ng ngitin natin ah! Anong meron? Nadiligan ka noh?" Inikutan ko siya ng mata sa panunudyo niya. Kahit kailan talaga ang bunganga niya, walang preno. "Ang aga mo mang-asar, kumain ka na," sabi ko at inabot ko sa kaniya ang sinangag. Tinapay lang naman ang kinakain ko, dahil bawal na akong kumain ngayon ng kanin. "Hmm, ang bango naman! Mapaparami na naman ang kain ko nito," "Damihan mo ang kain, dahil mag-yoga pa tayo mamaya," saad ko bago tuluyang tumayo at naglakad papunta sa aming kwarto upang magbihis. Araw-araw ay nag-yo-yoga ako. Maganda raw kasi itong gawin lalo na sa mga tulad ko na buntis. It helps me a lot lalo na sa pagtulog. Kung minsan kasi, hirap na akong makatulog sa gabi. Nakatulong din ang pag-yo-yoga ko upang mabawasan ang pananakit ng aking likod at ulo. Ready na ako at hinihintay ko na lang na bumaba si Glodie. Siya ngayon ang gumagamit ng isang kwarto, katapat lang ng kwarto namin ni Bryson. "Ready ka na?" biglang tanong ni Glodie sa likuran ko. "Alam mo, mapapa-anak ako ng maaga sa mga panggugulat mo, e!" singhal ko. Tinawanan niya lang ako at inalalayan na akong maka-upo sa yoga mat na nakalatag sa carpet. Nagsimula na kami sa aming ginagawa. Nakaka-relax talaga sa tuwing ginagawa ko ito. Nakakatanggal din ng stress. Matapos ang halos trenta minutos na pag-yo-yoga, nagdesisyon na kami ni Glodie na tumayo at magpahinga. Sa araw-araw na lumilipas ay padagdag ng padagdag ang excitement na aking nararamdaman. Excited na akong masilayan ang aming anghel. ISANG linggo na naman ang lumipas. Mas lalo pa akong nahirapan ngayon kumilos. Ang bigat na rin sa pakiramdam. Nagising ako dahil sa pananakit ng aking tiyan. Tila may gustong lumabas sa pwerta ko. "Are you okay, baby?" tanong ni Bryson. Kalalabas niya lang sa banyo at bagong paligo. Nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at may tumutulo pang tubig na nagmumula sa kaniyang basang-basa pa na buhok. Nag-aalala niya akong nilapitan at hinaplos ang aking tiyan. "Hindi ko alam, eh. Pakiramdam ko may lalabas na kung anu sa akin," mahina kong sagot. "M-Manganganak ka na ba? S-sandali.. t-tawagan ko sila tita," sambit niya. Ramdam ko ang pagkataranta niya. Hindi siya mapakali at hindi alam kung ano ang gagawin. Samantalang ako'y nahihilo na sa kakaikot niya. "Damn! Where's my phone!" singhal niya habang hinahanap iyon sa loob ng drawer katabi ng aming kama. "Bryson!" sigaw ko. Huminto naman siya at lumingon sa akin. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala at pagkataranta. Mabilis siyang lumapit sa akin. "W-What, b-baby?! Lalabas na ba?" taranta niyang tanong. Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang pakalmahin siya. "P'wede bang kumalma ka? Nahihilo ako sa'yo... ikot ka nang ikot!" aniko habang pinipigilan ang pananakit ng aking tiyan. Huminga ako ng malalim at muling nagsalita. "Kunin mo na 'yong gamit namin ni Baby at pupunta na tayo ng ospital," kalmado kong utos sa kaniya. Napakapit ako ng mahigpit sa kobre kama dahil sa muling pagbadya ng sakit. Inhale. Exhale. Ulit-ulit ko lang ginawa upang pakalmahin ang sakit na aking nararamdaman. Kailangan kong matawagan si Glodie at mama. Bakit pa kasi naisipang umuwi kagabi ng babaeng 'yon?! Inabot ko ang telepono ni Bryson at dinayal ang numero ni Glodie. Dalawang ring lang ay sinagot naman agad ni Glodie ang tawag ko. "Glodie, pumunta ka na dito," mahina ngunit mariin kong saad sa kaniya sa kabilang linya. "B-Bakit? ..anong nangyari?" "'Bilisan mo na, Glodie, lalabas naaaaaa!" Hindi ko na napagilan pa ang mapasigaw sa sobrang sakit ng aking tiyan. Pakiramdan ko'y tila may sasabog sa pagkababae ko na hindi ko maintindihan. Napalingon naman ako kay Bryson na natatarantang dumulog sa akin. "W-What h-happen?!" sigaw niya. Mariin akong pumikit. "Buhatin mo na ako, Bry. Hindi ko na kaya ang sakit!" sigaw ko sa kaniya na mas lalo niyang kinataranta. Mabilis rin naman niya akong binuhat. Hinampas ko siya sa kaniyang balikat ng mapagtanto ko kung saan siya patungo. God, Bryson! Mamamatay ako sa'yo! "Really, Bry? Sa banyo mo ba ako balak manganak?!" malakas kong sigaw. Hindi ko na napigilan pa ang mainis sa kaniya. Sobrang sakit na ng tiyan ko at siya ay ayaw pang makisama. "S-Sorry. Shit!" Umikot siya at mabilis na tinungo ang pinto palabas ng kwarto. Ako na ang nagbukas ng pinto. Pababa na kami ng hagdan nang dumating si Glodie. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya. "Ma-Manganganak ka na ba?!" taranta niya ring tanong. "Glodie, pakikuha na lang sa kwarto 'yong gamit namin," utos ko sa kaniya at hindi na sinagot pa ang tanong niya. Hindi ba obvious na manganganak na ako! Maloloka ako sa dalawang 'to! "Bry! ..bilisan mo naman maglakad!" "Heto na! Relax ka lang, okay?" "Relax?! Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan? E, kanina ka pa natataranta at hindi alam kung ano ang gagawin? Lalabas na si Briella, hindi pa tayo nakakaalis!" sigaw ko pa. "Okay, heto na!" Binilisan niya na ang paglalakad niya, pero ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Marahil ay dahil iyon sa nerbyos. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Glodie sa likuran namin. Nilingon ko siya at bakas rin sa mga mata niya ang pagkataranta. "Glodie, tawagan mo sila Mama!" utos ko sa kaniya. Wala akong tiwala sa dalawang 'to kaya pinatawagan ko na si Mama. Nakasakay na kami ngayon sa elevator nang makaramdam muli ng matinding sakit. Mariin akong kumapit sa balikat ni Bryson. Naramdaman niya iyon. Hinaplos niya ang tiyan ko. "Baby, 'wag mong pahirapan si mommy, okay?" kausap niya sa anak na namin. "Relax lang, beshie. Inhale. Exhale." pagpapakalma naman ni Glodie. Hawak niya ang kamay ko at pinipisil-pisil iyon. "Isipin mo 'yong yoga natin, besh. Pikit ang mata at hinga ng malalim," utos niya pa. Kaagad ko naman siyang sinunod. Nakapikit lamang ang mga mata ko hanggang sa makarating kami ng ospital. Mabilis naman akong inasikaso ng mga nurses doon at inihiga na ako sa stretcher. Hindi pa man nakaka-andar ang stretcher ay muling bumulusok ang sakit sa aking tiyan, at sa pagkakataong ito'y may tubig ng bumulwak mula sa pagkababae ko. "Aahhhh!" Malakas kong sigaw. "Fuck! Bilisan niyo!" dinig kong mura at sigaw ni Bryson. Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. "Sir, bawal na po kayo sa loob," dinig kong sabi sa kaniya ng nurse. "B-But—" naputol na ang dapat na sasabihin pa ni Bryson nang sumara na ang pinto. Naramdaman ko ang pagbuhat nila sa akin at nilipat ako ng higaan. Nanatili lang akong nakapikit at nire-relax ang sarili kahit na naglilihab na ang tiyan ko at namimilipit sa sakit. Kaya ko 'to! "Mommy, lalagyan ka lang namin ng swero ha!" pukaw ng doktor sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang kinakabit nila malapit sa palapulsuhan ko. Kinuyom ko ang kamay ko sa sakit ng karayom. Samantala ang dalawang nurse sa bandang paa ko'y tinatanggal na ang suot kong panty at pinaghiwalay ang aking binti at pinatong iyon sa bakal. Matinding sakit ang naramdaman ko ng turukan na nila ako ng anesthesia. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Kung sana lang ay nandito si Bryson sa loob para may kamay akong makakapitan. "Okay, mommy. Ready ka na ba?" tanong sa akin ng doktor. Tumango ako. "Umire ka lang na parang nadudumi, okay?" Sunod-sunod akong tumango at sinimulan na ang pag-ire. Ilang beses din niyang tinulak ang tiyan ko pababa kasabay ng aking pag-ire. "One more, mommy! Malapit na!" "Mmmm.. ahhhhh!" Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga ng sa wakas ay lumabas na rin si Briella. Malakas na iyak niya ang lumukob sa loob ng operatory. "Congratulations, mommy!" bati ng doktor kasabay niyon ang pagpatong niya kay Briella sa aking dibdib. Lumuwag ang aking pakiramdam. Para bang nawalan ng bara ang aking dibdib ng mailabas ko si Briella. "Sshh, tahan na, baby!" Hinaplos ko ang ulo ni Briella. Hindi ko na nakayanan pa ang pagod at antok. Nanghihina ako. Tuluyan na akong hinila ng antok. Nakatulog akong may ngiti sa aking mga labi dahil sa wakas ay nasilayan ko na ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa ni Bryson.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
16/07/2024
0❤️🔥❤️🔥❤️🔥
25/01/2024
0Nakakakilig omg
15/10/2023
0Tingnan Lahat