Chapter 52 - Picture

THIRD PERSON
ISANG buwan na ang nakalipas magmula ng iwan siya ni Ronoel. Tanging alak ang naging karamay niya sa mga nagdaang araw. Ayaw niyang kuma-usap ng kahit na sinong tao kung wala rin naman silang balita patungkol kay Ronoel. Napabayaan na rin niya ang kompanya nila. Isang buwan na rin siyang hindi pumapasok.
He feels so helpless.
His life becomes miserable.
Damn! He misses her so much.
Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na mahahanap niya pa si Ronoel. Maging ang private investigator na ni-hire niya ay wala pa rin nalalakap na impormasyon kung nasaan na ba talaga ang mag-ina niya. Naka-ilang palit na rin siya ng private investigator.
He keep on praying and hoping, na isang araw ay babalik ang babaeng mahal niya.
Labis na rin ang pag-aalala niya dahil buntis ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may masamang mangyari sa mag-ina niya.
Naka-ilang bote na siya ng alak pero hindi pa rin siya nakakaramdam ng antok at pagod. Maghapon niyang hinanap si Ronoel. Lagi rin siyang naka-abang sa bahay nila upang bantayan kung uuwi ba siya roon. Hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang pamilya ni Ronoel. Sa tuwing tatawag ang mama nito ay siya ang sasagot at nagdadahilan na tulog na ang kaniyang anak at kung minsan naman ay may pinuntahan. Hindi na rin kasi matawagan pa ang numero ni Ronoel kung kaya naman hindi nila ito ma-contact na labis na pinagtaka nila. Nauubusan na siya ng dahilan sa mama ni Ronoel.
Samantala nagpupuyos naman sa galit ang damdamin niya sa kaniyang ina. Una, tinanggal ng kaniyang ina sa trabaho ang mama ni Ronoel bilang labandera sa mansyon. At ngayon, nagdesisyon ito para sa kaniya na ipakasal siya kay Vanessa. Hindi siya susunod sa kaniyang ina. Hindi niya hahayaang maikasal kay Vanessa, dahil hindi niya naman mahal ang babae. He hates her mom so much!
Hindi niya man lang inabalang tingnan kung sino ang mga pumasok sa kaniyang unit. Hinayaan niya lang kasi itong nakabukas.
Sila Xander, Greyson at Lyndon ang dumating. Napailing sila nang makita nila ang hitsura ni Bryson. Nakasalampak ito sa carpet habang nagkalat sa paligid ang mga bote ng beer. Nakaunat ang isa paa nito at ang braso niya'y nakapatong sa isa niyang tuhod. Nakayuko habang tahimik na lumuluha. Awa ang naramdaman nila sa kanilang kaibigan. Maging sila ay walang magawa sa paghahanap kay Ronoel. Sinubukan nilang tumulong maghanap, ngunit nang malaman iyon ni Madam Sonia ay binantaan sila ng ginang.
Naupo silang tatlo sa katapat ni Bryson at marahas na napabuntong hininga.
"Bro, tama na 'yan," saway ni Xander. Si Xander ang pinaka-close ni Bryson sa tatlo.
Tinabig lang ni niya ang kamay ni Xander at inisang lagok ang beer na hawak niya.
"M-May balita na ba kayo kay Ronoel?" mahina niyang tanong sa mga kaibigan, umaasa na may ibabalita silang maganda sa kaniya. Nagkatinginan ang tatlo. Nagi-guilty sila dahil wala silang magawa para matulungan ang kanilang kaibigan.
"Enough, bro, lasing na lasing ka na. Sa tingin mo gusto ni Ronoel ang ginagawa mong pagpaparusa sa sarili mo? Ni hindi ka kumakain. Wala na yatang laman ang tyan mo kundi alak na lang," sermon ni Xander dahil hindi na siya nakapagpigil pa. Ayaw niyang mawala sa katinuan ang kaibigan.
"Cheer up, bro! Nagpapakalulong ka sa alak imbes na ayusin ang sarili mo at hanapin si Ronoel. Fix yourself, man! Alalahanin mo'ng buntis siya," segunda naman ni Lyndon. Lumapit pa ito kay Bryson upang tapikin ang kaniyang balikat.
"I missed her so much," paulit-ulit na usal ni Bryson. Dinamayan nila Xander si Bryson hanggang sa makatulog ito. Binihisan din nila ito upang maging komportable sa kaniyang pagtulog.
Nakaramdam ng hilo at pananakit ng ulo si Bryson nang magmulat siya ng kaniyang mata. Sapo ang ulo ay dahan-dahan siyang bumangon. He can't remember everything for what happened last night. Basta ang alam niya lang ay uminum siya hanggang sa malasing siya. Napansin niya rin na nabago ang suot niyang damit. Saglit siyang nag-isip kung may pumunta ba dito sa condo niya, hanggang sa maalala niyang pumunta dito ang tatlo niyang kaibigan.
"Shit!" mura niya nang kumirot ang kaniyang sintido. Hinilot hilot niya iyon habang naglalakad patungong banyo. Mabilis siyang naligo at nag-ayos ng sarili.
Sa isang buwan na wala si Ronoel ay ito ang routine niya araw-araw. Babangon ng maaga,  maliligo at magsisimulang hanapin ulit si Ronoel. Sa tuwing bigo ang paghahanap na ginagawa niya'y iinum siya dito sa condo upang maibsan panandalian ang bigat na nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Nagtungo siya sa closet room upang mag-bihis. Simpleng white shirt at cargo short lamang ang sinuot niya. Bumaba na siya sa sala upang umalis. Hindi na siya mag-aabala pa'ng mag-almusal. Pagbukas niya ng pinto ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa kusina. Mabilis siyang bumaba upang makita kung sino iyon. Naging mabilis ang pagtibok ng puso niya sa pag-aakala na si Ronoel iyon. Ngunit laking dismaya lang niya nang makita kung sino ang taong nangingialam sa kaniyang kusina.
"Hi, good morning, Bry! Nag-prepare ako ng breakfast for you," magiliw niyang bati kay Bryson. Ni hindi niya pinansin ang madilim na anyo ng binata at ang matalim na titig nito sa kaniya.
"What are you doing here? Pa'no ka nakapasok?" sunod-sunod niyang tanong kay Vanessa sa galit na boses.
"You left the door open," tugon niya habang inaayos ang pagkain sa hapag.
"You can leave now," mahinang usal ni Bryson.
"But,.. I want to join you for breakfast," pagpupumilit ni Vanessa.
"Wala akong gana kumain lalo na 'pag ikaw ang kasabay. I don't want to see your fuckin' face!" bulyaw ni Bryson. Hindi niya na napigilan pa na ilabas ang galit sa babaeng kaharap. Kung hindi lamang siya babae ay marahil nasapak niya na ito dahil sa sobrang galit. Alam niyang sila ang dahilan kung bakit umalis si Ronoel.
"What's going on here?" Sabay silang napalingon ni Vanessa kay Madam Sonia na kakapasok lang sa kusina.
"Tsk!" singhal ni Bryson sabay labas sa kusina. Aalis na siya. Bahala na silang dalawa kung anong gusto nilang gawin dito sa condo.
"Son! Where are you going?" sigaw ng kaniyang ina ngunit hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglabas. Pabalibag niyang sinara ang pinto. Nagulat ang dalawa sa ginawang iyon ni Bryson. Napailing na lang ang ginang sa inasta ng kaniyang anak.
Samantala hindi alam ni Bryson kung saan na naman siya magsisimula sa paghahanap kay Ronoel. Halos malibot niya na ang buong luzon. Nagpunta na rin siya sa mga airports upang tingnan doon kung nakalabas ba ng Manila si Ronoel, ngunit wala ang pangalan niya sa records ng airlines. Napukaw ang pag-iisip niya nang tumunog ang kaniyang telepono. Mabilis niyang sinagot iyon nang rumehistro ang pangalan ng private investigator sa screen. Sana naman may maganda na siyang balita sa paghahanap kay Ronoel.
"Hello, is there any good news?" bungad niyang tanong.
"May nakapagsabi na nagpunta si Ma'am Ronoel sa North Harbor Pier 4," imporma sa kaniya. Nagliwanag ang mukha ni Bryson sa narinig. Sa wakas ay mahahanap na rin niya si Ronoel. Nagkaroon siya ng pag-asa.
"Where are you?" agad niyang tanong. Matapos sabihin ng kausap kung nasaan siya ay agad niyang pinaandar ang makina ng kaniya kotse. Patungo siya ngayon sa coffee shop malapit sa pier kung saan may nakakita kay Ronoel. Medyo malayo ang pier sa kinaroroonan niya kaya naman inabot siya ng isang oras sa byahe. Mabuti na lamang at walang traffic. Nakita niya naman agad ang coffee shop na binanggit sa kaniya ng private investigator.
Hindi pa man siya nakakababa ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang kapatid na si Diana. Nag-send ang kapatid ng link.
'Kuya, click this link. ASAP!' mensahe sa kaniya ng kapatid. Hindi niya muna ito pinagtuunan ng pansin. Mas importante sa kaniya na maka-usap ang PI upang makalakap ng iba pa'ng impormasyon patungkol kay Ronoel, kung nasaan ba ito at kung saan siya nagtungo.
Kaagad naman niya nakita si George ang private investigator na ni-hire niya one week ago. Ang mga nauna niyang ni-hire ay umalis ng walang paalam. Matangkad at halos kasing-edad niya lang din si George.
"Have a seat, sir," alok sa kaniya sabay turo sa upuan. Napansin niya ang brown envelope na nakapatong sa mesa. Nang maka-upo ay iniabot naman ito sa kaniya ni George. Mabilis niya itong binuksan. Bagsak ang balikat niya ng makitang hindi naman si Ronoel ang nasa larawan. Magkahawig lamang at magkasing-katawan. Pero ang nasa larawan ay hindi buntis kun'di maliit ang tiyan. Pabagsak niyang nilapag ang mga litrato sa sobrang inis at masama niya ring tinitigan si George na ngayon ay nakatanga sa kaniya.
"Damn! This is not her!" sigaw niya sa kaharap.
"Sorry, sir, akala ko siya 'yan. Kahawig niya kasi," natatakot na sabi ni George.
"What the hell?! I told you she's pregnant!... and this girl is not!" turo ni Bryson sa mga larawan.
"Sir—" naputol ang sasabihin ni George nang tumunog ang telepono ni Bryson.
"Hello, sis?" sagot ni Bryson sa tawag ng kaniyang kapatid.
"Kuya, nakita mo na ba y'ong ni-send ko sa'yo?" tanong ni Diana sa kaniyang kuya.
"No, not yet," tugon niya sa kapatid. Hindi niya pinahalata ang galit sa kaniyang boses. Ayaw niyang mag-alala pa sa kaniya ang nakababatang kapatid. Kasalukuyang nasa Palawan ang kaniyang kapatid dahil sa project niya sa school.
"Kuya! Bakit hindi mo pa binubuksan?" sigaw ni Diana.
"I'm in the middle of the meeting with private investigator," paliwanag niya sa kapatid.
"Naku, kuya, siguradong matutuwa ka kapag nakita mo y'ong ni-send ko sa'yo!" pagpupumilit ng kapatid.  He had no choice to click the link that his sister sent to him. Nang maibaba ang tawag ay nagpunta siya sa message upang i-click ang link. Bumilis ang tibok ng puso niya nang tuluyan ng luminaw ang mga litrato. Tila sasabog iyon dahil sa nakita.
Hindi niya na namalayan ang mga luhang pumatak sa kaniyang pisngi.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    CasipongJan

    nice

    16/07/2024

      0
  • avatar
    GeveroGxcee

    ❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥

    25/01/2024

      0
  • avatar
    Jannin Bantilan Facal

    Nakakakilig omg

    15/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata