Chapter 45 - Mall

Ronoel
"Mom!"
"M-Madam!" sabay naming bigkas ni Bryson ng mapag-sino ang kaniyang bisita. Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Madam Sonia na labis na ikinatakot ko. Pakiramdam ko'y kakain niya ako ng buo sa uri ng kaniyang pagtitig. Napayuko ako at nagkasya na lamang tingnan ang aking mga paa na tila nakadikit na sa tiles na aking kinatatayuan.
"What's going on here, son?" mataray niyang tanong sa anak niya.
"What are you doing here, Mom?" balik tanong naman ni Bryson sa kaniyang ina na hindi sinagot ang tanong nito.
"I'm here to visit you, at ito ang maaabutan ko? Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito sa condo mo?" nilukob ako ng takot at kaba. Sa mga oras na to'y parang gusto ko na lang maglaho na parang bula. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya kahit ramdam kong matalim ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Hi, Bry—... ohh, may bisita ka pala?" Napa-angat ako ng ulo ng marinig ko ang malanding boses ni Vanessa. Nakangisi siyang nakatingin sa 'kin. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Bryson. Malalim akong napabuntong hininga upang mapawi ang inis na lumulukob ngayon sa dibdib ko. Nag-init ang ulo ko nang makita ko siya. Kung wala lang siguro dito si Madam Sonia ay marahil natarayan ko na siya at baka pinalayas pa! Lumapit sa akin si Bryson at hinapit ang bewang ko. Lihim akong napangiti sa ginawa ni Bry sa tabi ko. Nakita ko ang nagbabagang mga mata ni Vanessa habang nakatingin sa amin.
"So, son... can you explain to me what's happening here? Bakit nandito siya sa condo mo?" Nabaling ang tingin ko kay Madam Sonia dahil sa sunod-sunod na tanong niya. Biglang naglaho ang tuwa na naramdaman ko kanina at napalitan na naman iyon ng kaba.
"Wait... is she your maid?" singit ng bruha. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya at nakipagtagisan ng titig sa kaniya. Ako? Maid? Aba't sumosobra na siya ah!
"No.. of course not!" singhal ni Bryson sa kaniya. Buti nga sa 'yo!
"Then why is she here? Nagsasama na ba kayo?" maarteng tanong ni Vanessa. Ano bang pakialam niya? Bakit ba siya tanong ng tanong? Imbestigador ba siya?
"Son, let's talk," maawtoridad na wika ni Madam Sonia. Bumilis ang tibok ng puso ko. Heto na ba ang kinakatakutan ko? Paghihiwalayin niya na ba kami ng anak niya? Pa'no na ang baby namin? Sunod-sunod na tanong ng isip ko.
"Ronoel, please leave us first. I have to talk to my, son," baling ni Madam Sonia sa akin. Tumingin ako may Bryson. Tumango siya sa akin at ngumiti. Na parang sinasabi niya na iwan ko muna sila at magiging okay lang ang lahat. Kumalas na ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko at naglakad na patungo sa kaniyang kwarto. Lumingon pa ako sa kanila bago tuluyang makapasok sa loob. Habang nandito sa kwarto'y kung ano-ano ang pumapasok na mga katanungan sa isip ko. Kung ano ba ang pinag-uusapan nila? Kung ano na ang nangyayari sa labas? At bakit ako lang ang pinaalis nila? Bakit si Vanessa hindi nila pinaalis? Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko mapigilan ang mag-over think gayo'ng nasa labas lamang ang ina ni Bryson at ang bruha. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at binuksan ng bahagya. Nakikita ko sila mula dito at dinig ko ang pinag-uusapan nila. Prenteng naka-upo si Vanessa sa pang-isahang sofa, naka-dekwatro at nakahalukipkip pa! Samantalang si Madam Sonia ay nakatayo habang kausap si Bryson na nakatayo rin katapat niya. Pilit kong pinapakinggan ang sinasabi ni Madam Sonia.
"Why is she here, son?" mariing tanong ni Madam Sonia.
"Mom—"
"Wait... are you two living together?" sabat ng bruha. Inulit lang naman ang tanong niya kanina. Tsk!
"Is that true, son?" galit na wika ni Madam Sonia.
"Yes, mom," sagot ni Bryson. Kalmado lang siya at hindi man lang nabakasan ng takot sa galit ng kaniyang ina.
"What?!" panabay na sigaw ng dalawang bruha. Tsk! Sila yata ang bagay na mag-ina eh. Parehong maldita at matapobre.
"I told you before to stay away from her. And now... you're living together! God, son!" Hindi na ako nagulat pa sa aking narinig. Ramdam ko naman na ayaw niya sa akin para sa anak niya. Nakaramdam ako ng konting pagtatampo kay Bryson dahil hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol dito. Mabilis kong pinalis ang pagtatampo dahil sa kabilang banda'y hindi niya naman ito sinunod.
"I'm warning you, Bryson! Palayasin mo ang babaeng 'yan dito, ngayon din!" sigaw ni Madam Sonia na ikinapikit ko ng mariin. Para namang unti-unting dinudurog ang puso ko sa narinig. Ayaw niya talaga sa akin para sa anak niya. Ngunit mahal na mahal ko si Bryson at hindi ko kayang iwan siya.
"No, I can't!" napadilat ako ng sumigaw na rin si Bryson. Nakatayo na ang bruha at hawak ang braso ni Madam Sonia na ngayon ay tila matutumba na. Nakasapo rin ang kamay nito sa kaniyang noo na tila ba nahihilo o sumasakit ang ulo. Nakaramdam ako ng takot sa hitsura ni Madam Sonia. Parang anumang oras ay mawawalan ito ng malay. Gusto ko silang puntahan sa ibaba at tulungang pakalmahin ang ina ni Bryson. Ngunit alam ko namang hindi rin ako makakatulong dahil una sa lahat sa akin siya galit. Ayaw niya sa akin. Baka mas lalo lamang lumala nag sitwasyon kapag nilapitan ko sila.
Kung malaman niya kaya na magkaka-anak na kami ng anak niya. Matatanggap na ba niya ako?
"Why?" tanong ng bruha.
"B'coz she's pregnant," mahinang tugon ni Bryson. Sabay na napasinghap si Madam Sonia at ang bruha. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.
"Are you sure that the baby is yours?" mapang-uyam na tanong ng bruha. Aba't sinusubukan yata ako ng babaeng 'to ah! Palagay niya sa akin? Kung kani-kanino nagpapakalabit?!
"Yeah, Vanessa is right! How can you be so sure that the baby is yours, son?" Napayukom ang kamao ko sa narinig. Maging ang ina niya ay duda sa pagbubuntis ko. Pa'no nila nasasabi 'yon? Gayo'ng katulad ko ay babae rin sila. Lalo na si Madam Sonia na isa ring ina.
"Mom! Can you please leave us alone?! That baby is mine. I know that... and I can feel it. You will be a grandma soon, mom!"
"No! Hindi ko matatanggap na ang babaeng 'yun ang magiging ina ng mga anak mo. Nilalason lang ng babaeng 'yan ang utak mo! She's a gold digger!" sigaw ng kaniyang ina.
Tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Parang sinaksak ng milyong beses ang puso ko. Bawat katagang binitawan ng bibig ni Madam Sonia ay tila kutsilyong sumasaksak sa akin. Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pakikinig sa usapan nila. Isinara ko ng muli ang pinto at naglakad patungong kama at pumwesto na upang humiga. Tahimik akong humikbi habang hinihimas ang impis ko na tiyan.
"Patawarin mo sana si Lola, baby. Nabigla lang 'yun sa mga sinabi niya. Soon matatanggap ka rin niya... tayong dalawa. Kung hindi man mangyari 'yun, nandito naman ako at ang Daddy mo. Mamahalin ka namin higit pa sa buhay namin. Sisiguraduhin kong mabubusog ka sa pagmamahal at pag-aalaga,"
ISANG buwan na ang nakalipas nang mangyari ang alitan sa pagitan ng mag-ina. Hindi ko alam ang huli nilang pinag-usapan dahil hindi ko na kinaya pa iyong pakinggan Hindi rin naman nagkwento si Bryson, marahil ay ayaw niya lamang ako ma-stress dahil na rin sa pinagbu-buntis ko. Hindi ko rin naman tinangkang sabihin sa kaniya ang mga narinig ko. Sinarili ko na lamang iyon at hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi sa akin. Sa mga nagdaang araw wala naman kaming naging problema. Naging extra sweet at extra maalaga pa siya compare no'ng hindi pa ako buntis. Masasabi kong swerte ako kay Bryson dahil busog ako ng kaniyang pagmamahal.
"Beshy, ang cute nito oh! Bagay 'to kay baby girl!" pukaw ni Glodie sa malalim kong pag-iisip. Nandito kami ngayon sa mall. Niyaya niya akong mamasyal dahil isang linggo na lamang mula ngayon ay matutuloy na ang pag-alis niya. Gulat at saya ang naramdaman nila ng malaman nilang buntis ako. Nagsagawa pa sila ng maliit na party sa coffee shop at nando'n lahat ang magbabarkada. Napansin ko rin ang hindi nila pagpansinan ni Greyson na talaga namang nakakapagtaka. Kilala ko kasi siya na laging gumagawa ng first move upang mapansin ni Greyson. Sinubukan ko naman siyang tanungin ngunit umiwas lang siya at iniiba ang topic ng usapan.
Tinignan ko ang hawak niya na romper na color pink at may ruffles. Ang cute niya at ang lambot pa ng tela. Nakapag-ultrasound na kasi kami ni Bryson kahapon at nalaman naming babae ang magiging baby namin. Kaya naman na-excite akong bilhan siya ng damit. Binili namin iyon at dinagdagan pa ng ilang pirasong mga baru-baruan. Konti lang muna ang binili namin dahil gusto ko ay kasama ko si Bryson mamili ng iba pang gamit ni baby. Matapos mamili ay nag-aya naman si Glodie kumain sa fast food chain na madalas naming kainan no'n. Nag-order lang ako ng spaghetti at fries dahil busog pa naman ako sa kinain naming lunch. Malapit na rin naman ang oras ng hapunan kaya babawi na lang ako ng kain mamaya. Palabas na kami ng mall nang mahagip ng mga mata ko si Bryson. Kalalabas lang rin niya ng Mall at may kasama siya. Nangunot ang noo ko nang mapag-sino ko ang kasama niya.
"Vanessa?" aniko sa mahinang boses.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    CasipongJan

    nice

    16/07/2024

      0
  • avatar
    GeveroGxcee

    ❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥

    25/01/2024

      0
  • avatar
    Jannin Bantilan Facal

    Nakakakilig omg

    15/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata