Chapter 8

Pagmulat ko sa aking mga mata at ang pinakaunang nakita ko ay ang puting kisame.
"Wala nabang masakit sa paanan mo, Ms. Zhen?" lumapit sa akin ang nurse. "I am nurse Ching, dinala ka dito ng kaklase mo at teacher mo kanina."
"Nasaan po sila?"
"Nasa klase, sa palagay ko ay dadating daw sila dito ngayon. Antay ka lang kasi mahirapan kang maglakad." aniya. Nagtaka naman ako, nawala na ang hapdi at sakit, pero hindi ko alam kung napaano iyon.
"Ano po bang nangyari sa paa ko? Napakabilis kasi ng pangyayari at bigla bigla nalang." bumuntong hininga naman siya at nag iba ang itsura, bago siya sumagot.
"Natapakan mo ang pako, Buti nalang ay hindi masyadong malalim ang sugat mo. About naman sa naramdaman mo kanina, maaaring nahilo ka lang dahil sa pagod mo, kaya matutong magpahinga." paliwanag nito kaya tumango nalang ako bilang sagot.
Hindi ko alam kung bakit nangyari sa'kin 'yon, hindi naman ako magpupuyat. Ang tanging alam ko lang ay, bago ako matulog sa gabi, mag iimagine muna ako ng mga bagay bagay hanggang sa dalawin ng antok at makatulog. Pero minsan din, matatagalan ako dahil diyan, sometimes madaling araw na akong makatulog. Hindi ko alam kung normal pa ba 'yon, pero I will try my best to avoid that.
Maya maya ay may narinig akong ingay sa labas na animo'y papalapit ng papalapit dito. Pagtingin ko sa pinto ay biglang pumasok si Yara at kasunod naman niya ay si Yeli. Bitbit ni Yara ang isang foodpack at kay Yeli naman ay may dalang canned coke at sa kabilang kamay ay hindi ko alam. Pinagmasdan ko silang papalapit sa'kin, kasabay ng kanilang nag aalalang mukha.
"Hi, Adelise. Kala ko hindi kana gigisin--" agad na nakatanggap ng batok si Yeli. Umupo si Yara sa tabi ko at binigay sa'kin ang food pack.
"Nako, nakakahiya naman sa inyo," aniko at nagbago naman ang reaksiyon ng dalawa.
"Anong nakakahiya teh?! Napakanormal lang namang ganyanin ka namin, masyado kang pa humble." ani Yara. Ngumisi naman ako,
"Hindi naman sa gano'n, I just don't know what to say but to thankyou." sabi ko dahilan para mapatango sila.
"You'rewelcome," si Yeli at binigay niya sa'kin ang isang bote ng gummies, naging abot tainga ang ngiti ko nang muli akong makakita ng gummies.
Bata palang ako, ito ang pinakapaborito ko. Nakakasakit man ng ngipin, pero I love it. Minsan nga, kapag pinagbawalan ako nila daddy na kumain nito dahil daw marami na akong nakain at ikakasakit ng tiyan, pero nag eenjoy pa rin akong ilihim sa kanila ang mga nakain ko. Minsan din, magnanakaw pa ako sa ref tuwing hating gabi para lang makakain nito. Ito lang ang true love ko. Pero nang dumating si Caldence sa buhay ko, hindi ko alam kung ba't ko ito nakalimutan..
Agad kong tinanggap ang gummies at inuna pang kainin iyon kaysa-sa kanin. Nagulat naman ang reaksiyon nila, pati ang nurse na napadaan lang.
"One gummy bear a day, can keep the pain away!" I delightfully said.
I enjoyed eating it at hinayaan lang naman nila ako. Pero not until biglang may pumasok na lalaki sa clinic na ikinabibigla ko. Dali dali kong tinago ang gummies nang biglang matauhan, at tumingin diretso kay Xandrei.
Baka mapagkamalan akong bata.. Scks
"Is she fine now?" tanong niya sa nurse at tumango naman ito. Tumingin siya sa gummies na nasa gilid ko at inilipat niya sa'kin, hindi ko magawang labanan ang tingin niya dahil maaalala ko si Caldence.
"Hi, Xandrei. Miss mo ba kaibigan namin?" agad na kumunot ang noo ko at tumingin kay Yeli. Napakamot naman siya ng batok at ngumisi, biglang tumayo si Yara.
"Mauna muna kami Adelise ah? Ubusin mo lahat nayan," paalam niya at mabilis na hinila si Yeli palabas.
Kanina pa umalis si Nurse Ching, kaya ngayon ay kami nalang dalawa ang naiwan sa clinic. Oo nakakailang, pero pilit ko pa rin tinatago 'yon na parang walang nangyari.
Maya na kita kainin, gummies at maghanda ka lang, rawr.
"May nakakatawa ba?" biglang sabi niya at ngayon ko lang namalayan ang sariling naka ngiti. Agad naman akong napa ayos saka umiling.
"M-May naisip lang," tanging lumabas sa bibig ko.
Parang nakakatakot magbiro sa kanya, hindi ko alam kung bakit nakaupo lang siya sa tabi at nakatulala. Hindi ko rin alam kung bati na ba kami nito. Napakagulo ng relasyon namin. Wala naman kaming gano'n, ah basta!
"Napakagulo!" bigla nalang lumabas sa bibig ko. Pansin kong nabigla siya, pero kahit ni isa ay hindi pa rin siya lumingon sa'kin.
"Oo nga eh, napakagulo." sagot niya, dahilan para magtaka ako. Tinignan ko siyang nakayuko, sa mukha palang niya ay parang ayaw niya magbahagi. Pero tinanong ko siya,
"M-May problema?"
"Meron, pero wala lang 'yon." tugon niya.
Huh?
"Panong wala?" tanong ko at narinig ko naman ang buntong hininga niya.
"Tss," bigla siyang tumayo saka lumabas sa clinic.
Napakunot ako ng noo pagkaalis niya, ang weird ng lalaking 'yon. Handa naman akong makinig sa problema niya, pero tinakasan lang niya ako.
Pinatuloy ko nalang ang pagkain at di nagtagal ay naubos na rin 'yon. Maya maya ay bumalik ang nurse para sabihan ako na pwede nang makaalis. Laking tuwa ko naman, pero medyo mahihirapan ako maglakad dahil sa sugat. Kaya ko namang maglakad mag isa, pilay nga lang.
"Gosh, I love it!" biglang may humarang sa'min sa hallway. Nakayuko palang ako ay alam ko na kung sino siya, sa mamahaling sapatos niya palang. Walang iba kundi si Beatriz.
"Perfection!" anang kaibigan niyang si Trixie.
"Ano? Beatriz? Masaya kana sa ginawa niyong pandadaya?!" singhal ni Yara na naging sanhi para mapunta na naman sa'min ang attensiyon ng karamihan.
Ngumisi naman si Beatriz at nagsalita, "Kung pandadaya man 'yon, wala nang ibang mananalo, kundi ang pilay niyong kaibig--" hindi niya natapos 'yon nang biglang may pumagitna sa'min.
Agad na nanlaki ang mata ko dahil siya ang nakalaban ko kanina. Si Louri, tinignan niya ng masama si Beatriz at pinagsabihan siya.
"Tapos na ang laro, Beatriz. Aside sa laro lang 'yon, nanalo pa tayo. Kaya pwede bang hwag kanang makigulo? Madadamay pa section natin!" singhal niya dito. Nag uumpisa na naman ang bulongan ng mga estudyante.
"Out of my sight!" sikmat ni Beatriz na agad namang sinunod ni Louri at bumaling siya sa'kin.
"You may now chill, and wait for more!" banta niya at umalis sa harap namin kasama ang dalawa niyang kaibigan. Sinundan pa namin siya ng tingin, pero nang mawala na siya ay biglang nagsalita si Louri.
"Adelise, right?" tumango naman ako. "Ako na manghihingi sa sorry niya, Minsan talaga ay ganyan tayo sa mga taong hindi natin nagustuhan, kay--" I cutted her,
"Well, hindi ko rin naman siya nagustuhan, but did I acted so mean? Immature? Don't say sorry to me, instead pagsabihan mo nalang siya." hindi na siya nagsalita at iniwan namin mag isa.
I know she's trying to be nice, but that doesn't fit to her. Hindi naman sa pagiging masama, pinagsabihan ko lang naman siya. Nasa kanya na 'yon kung masamain niya.
"Why did you do that to her?" nagtaka ako sa tanong ni Yeli.
"About what?"
"Nevermind," sambit niya at hinayaan ko nalang.
Maraming nakatingin sa akin, lalo na sa paa ko. Hanggang sa paglabas namin ng building ay nagulat ako nang sinalubong kami ni Kazimir. Hindi ko alam kung bakit nakita ko sa kanyang mukha ang pag aalala, ayaw kong isipin pero hindi ko rin mapigilan.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong nito dahilan ng pag ismid ko.
"Kung hindi, e nasa clinic pa siya ngayon at hindi makapunta sa program." ani Yara. Sana nagpapanggap nalang akong hindi makalakad, tsk.
Nakita kong napatango si Kazi bago magsalita, "I already offered you a seat," aniya na ikinaliwanag ng kanilang mukha.
Hindi lang kay Xandrei ako na wiwirdohan, kundi kay Kazimir din. I didn't expect na madagdagan ang gulo sa isip ko.
Nang makarating na kami sa gym, mapapalaglag talaga ang panga mo sa laki at lawak nito. Parang limang bahay na pinag-iisa. Hindi pa masyadong marami ang mga estudyante, kaya pumwesto na kami sa kani kaniyang upuan na hinanda ni Kazimir para sa'min.
May nahuli akong mga estudyante ata, naka costume. Ako lang ata hindi naka alam kung anong klaseng program 'to. Ako 'yong tipo ng estudyante na walang pake sa mga bagay na'to. Para sakin kasi ay napaka boring.
Katabi ko si Yara at Yeli sa kanan, sa kaliwa naman sy si Kazimir. Maya maya ay unti unting dumating ang mga estudyante, kasabay na doon ay sila Ali at Jared. Tinawag nila ito at umupo malapit sa'min. Pero hindi ko pa talaga nakita ang hinihintay ko, o baka nandito na siya pero nasa gilid lang.
"Psst!"
Inilibot ko ang mga mata ko, pero bigo ako.
"Psst! Ang tanga!"
Kanina pa talaga ako naiirita sa likod. Sino ba kasi ang babaeng 'yon? Ako lang ang nakakahalata, kasi panay ang pag uusap ng mga kaibigan ko, si Kazimir naman ay may pinuntahan.
Nilingon ko ang nasa likod, pero may kanya kanyang business ang mga tao doon. Tsk, papansin lang iyon. Pinili kong hayaan nalang ang tawag nila at humarap sa gitna ng gym.
Matinding kalabog ng dibdib ang naramdaman ko, pakiramdam ko parang may gusto akong makita. Na sana ay makita ko siya ngayon, miss ko na siya, miss ko na si Lola Trinidad.
"GOOD AFTERNOON MARTELEANS!" bati ng babae sa stage, sa pagkakaalam ko ay siya ang ssg president.
"I know all of you are excited to see our queen of Martel University. After 6 years, only seniors lang ang nakakita sa kanya. She is the only lady of Mr. Francisco Maurin," karamihan sa mga estudyante ay galak na makita siya, ang iba naman ay walang pake.
After 10 years... Makikita ko na rin si Lola, siya lang ang natira sa tunay kong pamilya. Sana'y hindi pa niya ako nakakalimutan.
"We all should thank her for donating 5Million in our institution. There will be free internet in every dorms, offices,cafeteria and library!" ang headmistress na si Madame Fe. Napasigaw naman sa tuwa ang mga estudyante, hindi nga lang masyado malakas. Dahil mag iingay lang naman sila kapag may lalaking celebrity!
Parang tumigil ang mundo ko nang biglang lumabas si Lola at kanilang pinapakilala. Hindi ko alam kung matatawag ko pa siyang lola. Noon, hindi siya gaanong katanda, pero ngayon ay maputi na ang mga buhok niya. Pero hindi pa rin maalis ang ganda sa mukha niya, kahit matanda na siya.
Kapag papagalitan ako nila Mom at Dad, siya palagi ang pipigil sa kanila at siya mismo ang magsabi sa'kin. Sa oras na wala sila Dad, siya ang dadamay sa akin kapag may problema ako. Noon ay hindi ako papayagan nila dad na lumabas ng bahay, dapat ay nasa loob lang ako ng mansiyon. Pero si lola ang dahilan kung bakit hindi ako naboboringan doon. She's one of my happy pill.
"Why are you crying?" sabi ng malamig na boses. Ngayon ko pa lang naramdaman ang pamamasa aking mga pisngi, kaya agad ko namang pinunasan 'yon.
"Matagal ka na bang nag aaral dito?" tanong ko sa lalaking 'yon. Pero napansin kong napailing siya,
"Nakita kita, umiiyak habang pinagmasdan mo si Mrs. Maurin. May problema ba?" doon ko na inangat ang tingin ko sa kanya. Pero laking gulat ko at hindi inaasahang makatabi siya. Napalingon ako sa kabila, hindi ko nakita sila Yara at Yeli at ganoon na rin ang dalawang jejemon.
"Tinatanong din kita kanina, pero bigla kang umalis." sabi ko kay Xandrei.
"It's nothing,"
"Sa'kin din, wala lang iyon." ayaw ko talaga ng unfair.
"Ok," kahit na maingay ay narinig ko pa rin ang buntong hininga niya. "Mrs. Maurin, wanted to see me. Pero masyado akong naguguluhan kay dad, hindi pwede."
"Why?"
"Exactly, diyan ako naguguluhan. Even just a single word I need, they can't give it." nakaramdam ako ng kakaiba, hindi kami pareho ng problema, pero parehong tao ang kasali. "Ikaw?" tanong niya at umayos naman ako, saka tumingin kay Lola na nasa stage.
"Alam mo 'yong feeling na nawawalan kana ng pamilya?" kitang kita ko ang tuwa ni lola sa mga estudyanteng sinasayawan siya, "I miss the way she smiles, the way I made her happy then, it all changes in just one accident. They all fade away, except her. But I don't know, it's just the same. And I can even smell the sweet despair. How do I escape this kind of situation?"
Malapit na naman akong umiyak,pero pilit kong pinigilan ang pagbagsak niyon. Ramdam ko, parang kami lang dalawa ang taong nanonood kay lola.
"You're the only one who can control it," biglang aniya. Tinignan ko siya habang ang paningin naman niya ay nakay lola. "Honestly, I have no idea what you're sayin--"
"And it's okay, you may stay silen--"
"I can't, I don't want to see you like that." nagtama ang paningin namin, pero agad kong iniwas iyon nang bumilis ang tibok ng aking puso. "May iba pa pala akong nakita sa'yo na hindi ko pa nakita, let me fix that. You should listen to yourself for the better, isipin mo kung anong gusto mong gawin, pakinggan mo ang sarili mo. Lahat ng tao may problema and you can't truly escape kung hindi ka tatayo at gagawa ng paraan. Matuto kang lumaban, manghingi ng tulong kung kailangan. In short, marry me."
??haaanoo?!!
"Drei! Mag aadvice ka na lang, dapat seryosohin mo!" saka ko lang nakitang andito pala sila sa likod namin. Nakangising si Yara at Yeli, pati ang dalawang jejemon na si Jared at Ali.
Mag aadvice na lang siya, wala pang konek.
"Ganyan kana lang ba ka gwapo? Hah?!"
"Hangganda mo!" dugtong niya at bigla namang uminit ang pisngi ko, kasabay no'n ang mapang asar na tili ng nasa tabi namin. Ewan ko, napaka korni, pero ang lakas naman ng dating para sa'kin.
Hanggang sa natapos ang sandaling 'yon. Hindi pa rin tumigil sila Yara at Yeli sa kakaasar sa akin dito sa loob ng dorm. Kinuha ko nalang ang malaking unan sa tuxedo ato tinakpan ang sariling hindi makinig sa kanila.
"Simula noon, wala pa akong narinig na may nagustuhan si Xandrei." ani Yara habang nagluluto.
"Minsan nga ay tatawagin siyang bakla. While ang kapatid naman niyang si Kazi ay nakailang ex na" si Yeli.
"Marami talagang nauutong mga babae dahil ganoon siya kagwapo. Tsk. Pero mabait naman siya," sabi ni Yara at napansin ko naman ang pagtango ni Yeli. "Nakakagulo isipin ang magkapatid na 'yan ano?"
"Ikaw Adelise? Sinong mas bet mo sa kapatid?" natigilan ako sa tanong ni Yara.
"A-Ano... s-si... Wala! W-wala naman, bakit?" ngumiti sila ng nakaka asar. "Wala, naku kayo ah? Hwag niyo akong subukan."
"Ok fine!" nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot nila.
Masaya silang nag uusap habang ako naman ay nakikinig lang. Kinuha ko ang binili nilang gummies sa cafeteria kanina at kinain 'yon. Makaka hypnotize talaga ang gummies, iyong tipong malilimutan mo lahat ng problema. Sana ito nalang ang binigay ni Xandrei kanina, kesa mag advice ng walang konek at matulala ka.
Ilang sandali, napansin ko ang biglang pag vibrate ng phone ko. May dalawang unread messages ako, pakiramdam ko kanina pa ito pero hindi ko binasa.
From: JasTterr
At: 6:59 am
: It may be unsuccessful. Be thankful you win this time. But I promise I won't let you win next time. Goodluck crappypoop:-!
Tinignan ko naman ang latest message niya,
From: JasTter
: I really enjoyed playing you and I hope you already know me. But if you don't, it would be more interesting. ;-) And I would like to say that, He wants you dead. Yes, he wants you to die. Sis, it's up to you if you believe me, Remember that regrets are always in the end.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Renz Curva

    RenzelD33

    2d

      0
  • avatar
    Fhil Binaluga

    thx

    08/12/2023

      0
  • avatar
    Kyla Cabalida

    nice novela

    10/04/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata