Homepage/BRING THEM BACK/
Chapter 16
MAY NATANGGAP akong message galing kila Nanay at Laurene kanina. Hindi ko maiintindihan ang mensahe nila. Bakit gusto nila akong umuwi?
Kanina pa ako rito sa labas ng Martel habang may inaantay. Inaantay ko ang mga kaibigan kong sina Laurene at Ryan. Madaling araw pa akong tumungo rito, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila dumating. Nasa labas ako ngayon sa milktea shop, naglalaway na nga ako dito e. Ba't pa ba kasi dito ang settings na sinasabi nila!
"Psst!" parang may tumawag sa 'kin, pero paglingon ko sa likod ay wala namang tao.
"Psst! Hoy! Andito kami sa gilid!" pamilyar ang boses niyon kaya agad naman akong lumingon sa kanan. At doon ko nakita sina Ryan at Laurene na kumakaway sa 'kin.
"Gee, what took you so long?" usal ko at umiling naman ang dalawa.
"Girl, we miss you! Ano? Marami bang gwapo doon?" nakangising giit ni Ryan na parang uhaw na uhaw sa lalaki. Tinaboy ko naman siya sa pagitan ng pag kaway ko sa aking mga daliri.
"M-marami-" hindi nila ako pinatapos, dahil pati si Laurene ay biglang tumili.
"Owemji! Owemji! Buti pa diyan, ayaw ko na sa dating school natin kase kaunti lang ang mga gwapo." ani Laurene habang nakapamewang. Sumang-ayon naman ang bakla sa kanya bago magsalita.
"Oo nga, attitude pa nga eh mga pulubi naman-"
"Hoy! Tumigil nga kayo sa mga gwapong 'yan. Hindi ba't nandito kayo para may sasabihin? Hindi para sumigaw-sigaw diyan!" naiiritang wika ko at agad naman nilang tinikom ang kanya-kanyang bibig. Ilang sandali ay huminga ako nang malalim at muling nagtanong sa kanila. "Ano ang sinasabi niyo na nanganganib ang buhay ko sa loob ng Martel?"
Bigla namang sumigaw si Ryan, "Ay, oo nga pala! Ayaw ko nang mag-aral diyan kasi mapanganib!"
"Bakit nga?!" singhal ko ngunit si Laurene na ang sumagot. Lumapit siya ng kaunti sa'kin at may binulong na kami lang tatlo ang makakarinig.
"Nakikiusap si tita sa amin upang sabihin 'to sa 'yo. At sa totoo lang, wala kaming alam basta importante raw 'to." panimula ni Laurene. "May gustong dumukot sa iyo noong isang gabi habang naglalakad ka lang mag-isa. Pero ayon kay sir Zhen, may isang lalaki daw ang nagpatigil sa masasamang taong iyon. At dahilan para ligtas ka ngayon. " natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Wait, wait, wait! Paano kayo nakasisiguro? Nakita niyo ba ako noong gabing iyon? At bakit alam niyo ang ginagawa ko? Kilala niyo ba kung sino ang lalaking iyon?" naguguluhang tanong ko. Baka nakita rin nila kami ni Kazimir sa isang puno, baka ma issue na naman. Huminga nang malalim si Ryan, bago sumagot.
"Syempre, hindi namin nakita-"
"Ehh hindi naman pala ei-"
"Pero! Si sir Zhen mismo ang nakakita. Nasa concert kasi kami ng asawa namin sa gabing iyon. Tatay mo mismo girl, I know this is serious. Tbh, they're not able to say this to you. Kasi si Sir ay pumunta kanina sa seminar-" Si Ryan.
"Oo, alam kong nasa palawan siya ngayon. Naiintindihan ko, pero doon talaga ako naguguluhan kung bakit nga ba may gustong dumukot sa 'kin? May kinalaman ba ang university dito?" usisa ko at napayuko naman sila.
"Hindi iyan nasabi ng nanay mo kahapon. Pero malakas ang kutob namin. Wala naman kaming kinalaman, pero,"
"Nag-aalala kami sa 'yo. Delikado na ang panahon ngayon." dugtong ni Laurene sa sinabi ni Ryan. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang pag-aalala nila.
Nginitian ko ang dalawa at pinapakitang okay lang ako. "Salamat."
"Walang anuman." bigkas ni Ryan at lumapit naman sa 'kin si Laurene.
"Mag-ingat ka, Adelise. Iyon lang ang masasabi namin sa 'yo. Matuto kang mag obserba sa paligid mo-"
"Lalong-lalo na sa loob ng Martel University na 'yan. Pati na rin sa mga taong nakapaligid sa 'yo." Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa pinaparating nila. Hindi ko na rin tatanungin kung paano nalaman iyon ng mga magulang ko dahil ako na rin mismo ang nakakaramdam ng panganib. May part din sa akin na nagtatanong kung sino ang lalaking pumigil sa mga masasamang taong iyon, nang sa ganoon ay mapasalamatan ko ito.
Malakas ang kutob kong totoo ito sapagkat galing kay Nanay at Tatay mismo. Silang dalawa lang ang nakakaalam na ako ang anak ng tunay na may-ari ng Martel. Pero bakit nga ba gagawin nila 'yon? Hindi kaya alam na nila ang totoo?
TAHIMIK ako ngayong naglalakad papunta sa dorm namin. 5:00 ng hapon na at walang laman ang utak ko dahil sa kakaisip habang nag-aaral. Paano ba iyan? Wala akong ganang lumabas dahil sa takot.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nang makarating na sa ikalawang palapag ng building ay hindi ko inaasahang makita si Xandrei. Walang reaksiyon ang kanyang mukha habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko rin magawang labanan ang mga tingin nito dahil ayaw kong may malaman siya tungkol sa'kin.
"Ngayon, alam mo na." wika nito dahilan upang pumutok at maglaho ang aking iniisip.
"A-alam?" mahinang sambit ko na hindi siya makakarinig ngunit ako ay nagkakamali.
"Hindi kana magtatagal dito." aniya na mas lalong nagpakaba sa'kin. Baka pati rin siya ay alam niya ang mangyayari sa'kin? Baka ako lang ata ang pinakahuling nakakaalam. Or, baka may kinalaman siya sa pangdukot sa'kin noong nakaraang gabi.
"A-anong ibig mong sabihin?" muling tanong ko at mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. "Tsh, I know it's a prank..." ngisi ko at nagsimulang humakbang upang lagpasan siya, ngunit hindi ko nakontrol ang sarili sa gulat nang bigla nitong hinawakan ang aking kamay at pinapabalik ako sa puwesto ko kanina. Naramdaman ko ang saglit na kalabog sa aking puso, pero agad namang nawala ito nang magsalita siya.
"Listen, I'll gonna be straight with you. You need to leave Martel University." Sabay-sabay na bumagsak ang pareho kong balikat at natigilan sa kanyang sinabi. Nag e-echo ang kanyang mga salita sa tainga ko at impossibleng nabibingi lang ako. Hindi ako makapaniwala sa salita ni Xandrei.
"T-teka, bakit naman ako aalis? May nagawa ba akong kasalanan? Expired na ba ang scholarship ko?" ngiwi ko at umaasang babawiin niya ang kanyang sinabi pero hindi niya nagawa iyon,
"Alam kong nanganganib ang buhay mo rito, at hindi ito ang tamang panahon para mag explain. Gusto mo ba iyon? Ako hindi!" sigaw niya dahilan upang ako ay mapayuko. Hindi ko pa rin ma-process—hindi ko nagegets. Hindi ko matatanggap ang sinabi niya dahil sa paraan ng pagbigkas niya ay parang tinataboy ako. Hindi ko rin masasabing nag-aalala siya sa'kin.
"Ano naman ngayong panganib? Hindi ko ba kayang protektahan ang sarili ko? Mas mabuti na lang kung sabihin mong ayaw mo na akong nandito." pagmamatigas ko. Wala akong paki alam kung magagalit siya sa'kin. Hindi naman siya ang nagbayad ng tuition ko, siya lang ang nagpapasok sa 'kin.
Napansin ko ang pagbuntong hininga niya at muling sumeryoso. Magkaiba na ngayon ang tingin ni Xandrei sa akin. "Ms. Zhen, I want you out of here. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa'yo. Isipin mo naman ang kaligtasan mo dahil walang namang poprotekta sa'yo rito!"
Napansin kong biglang may tumulo galing sa mga mata ko nang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Para akong isang bagay na hindi niya responsibilidad at ang mas malala pa no'n ay iyon ang katotohanan. May sasabihin pa sana siya, pero huli na ang lahat nang hinagis ko sa kanya ang dala kong libro at agad na tumakbo saka iniwan siya.
Akala ko mabait siya sa akin. Ang taong nagpapasok sa 'kin dito ay siya ring magtataboy sa 'kin papalayo. Mas makakaya ko pang protektahan ang sarili ko kaysa sa kanya. At higit sa lahat, nasasaktan ako sa sinabi niyang,
'Wala namang poprotekta sa'yo rito'
Parang sinasakal ang puso ko sa tuwing maririnig ko ang pag echo ng kanyang salita. Bakit? Dahil gusto niya akong umalis sa lugar na matagal ko nang pinapangarap. Sabi ko na nga ba't hindi niya ako tinuring na kaibigan! At kahit kailan, hinding hindi ko rin siya tatanggapin bilang kaibigan!
Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko rito sa kuwarto at mabuti na lang ay wala sina Yara at Yeli. Agad kong kinuha sa drawer ang bracelet na binigay sa 'kin ni Caldence at pinunasan ang aking mga luha.
"S-sana buhay ka pa, t-tignan mo ako ngayon. A-ang taong t-tinuring kong p-parang ikaw ay s-sinaktan ako..." walang pigil na pag iyak ko habang nakatingin sa bracelet, iniisip si Caldence.
"H-hindi niya ako k-kayang protektahan..."
MADALING araw na akong gumising at agad na naghanda para sa aking pag-alis. Alam ko, hinding hindi ako aalis dito hangga't wala akong makuhang sapat na dahilan. Naisip kong, kailangan ko munang magpahinga, pero hindi ko sasabihing titigil ako.
Isa akong Maurin, sa akin pa rin ang titulo.
Habang natutulog pa si Yara at Yelizaveta, dahan-dahan akong kumuha ng isang intermidiate pad. Wala eh, iyon lang ang tanging nakita ko sa study table. Naging parte na rin ang dalawa sa buhay ko at hindi ako basta-bastang aalis 'pag hindi ako nagpapaalam sa kanila.
Pagkatapos kong sulatan ang papel, hindi ko na magawang pirmahan iyon at agad na lumabas sa dorm. Napakatahimik ng hallway at masyado pang madilim. Sa palagay ko ay ito ang tamang oras para lumabas dahil mas mabuti na 'yong walang nakakakita.
Hindi pa ako nakarating sa first floor nang namataan ko ang isang babae at lalaki sa
baba ng hagdanan. Nalaman kong pamilyar ang boses ng isang babae sa pamamagitan ng pagsigaw nito. Nakakatitiyak din akong hindi nila ako makikita dahil ako ay nasa madilim na sulok. Doon ako nagulat nang masilayan ang mukha ni Kazimir at ang umiiyak na si Beatriz.
"I trusted you! I gave all my trust in you, Kazimir! T-tapos malalaman kong may relasyon pala kayo ni Louri!"
"Please, listen to me. Wala kaming relasyon. Aksidente lamang ang lahat ng iyon, Beatriz." paliwanag ni Kazi, ngunit hindi pa rin naniniwala si Beatriz.
"We're done, Kazi. Panindigan mo 'yan, isa lang ang natitiyak ko sa 'yo. Iyon ay hindi mo ako mahal." iiwan na sana niya si Kazimir ngunit agad niya rin itong pinigilan.
"I can tell her to abort the baby. J-just please be with me," pagmamakaawa ni Kazi habang nakahawak sa kamay ni Beatriz. Umiling na lamang ito bago magsalita.
"N-no, no you can't! How could you!" nagulat ako sa naging sagot ni Beatriz, ang tanging akala ko lang ay isa siyang babaeng walang awa. At parang naninibago ako sa kanya, kung ganoon ay may tinatago pa rin talaga siyang awa.
"Nang dahil sinabi mo 'yan, mas nawalan ako ng tiwala sa 'yo. Huli na ang lahat, Kazi at magsama kayo ng malanding Louri na 'yan!" pansin ko ang pagtulo ng kanyang luha at pamumula ng kanyang mata. Wala na ring magawa si Kazi upang pigilan siya.
Kahit na ako ay masasaktan kung ako ang nasa puwesto ni Beatriz. Iniwan niya si Kazimir at tuluyan nang nawala sa hagdanan. Napaupo na lang si Kazi at napasandal sa sariling tuhod.
Hindi ko siya magawang lapitan dahil kailangan ko nang kumilos. Lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang problema, at tayo lang din ang makakaayos niyon. Siguro ay hindi sila para sa isa't isa, kung ako si Kazimir, tatanggapin ko na lang ang kasalanan ko kahit hindi ko naman iyon sinadya.
Alam na ng headmistress ang tungkol sa pag-alis ko, kaya madali lang akong pinalabas ng mga guards sa gate.
"Anak? Hay salamat sa diyos napauwi ka!" salubong ni Nanay sa 'kin sa gate ng bahay namin. Bago pa man ako magmano ay mabilis niya akong niyakap. "Anak, mabuti ay umuwi ka rito. Bukas na bukas lilipat ka ng eskwela-"
"Naku, Nay! H-hindi po," hindi ko pinatapos si Nanay at nagulat naman siya sa naging salita ko.
"Anong ibig mong sabihin, anak?" tanong niya dito nang makarating na kami sa hapag. Imbes na sagutin ko siya ay bigla kong iniba ang usapan.
"A-ah..Nay? Nasaan si Agnes?" kanina ko pa hindi nakita si Agnes, at bukod doon ay alam kong mahilig sa gala ang batang iyon. Umiling lang si Nanay habang naghanda ng pagkain, bago niya ako sinagot.
"Anong oras naba ngayon?" pabalik niyang tanong at dahan-dahang nilapag ang ginataang manok.
"Mag aala-sais pa lang po,"
"Baka nasa school pa ngayon. Ang tatay mo naman ay busy sa Palawan kaya sigurado akong naglalakad lang si Agnes papauwi ngayon." banggit ni nanay at umupo na sa lamesa.
"Bakit, nay? Hindi ba siya mag co-commute?" nagtatakang si ako bago pa kumain. Napangisi naman si nanay, kita ko sa kanyang mga mata ang saya dahil nakauwi ako.
"Eh malapit lang naman ang Rosswell high, anak. Nakalimutan mo na ba?" aniya na malapit nang matawa. Napangisi na lang din ako at pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain.
Miss ko na ang niluto ni nanay, ang sarap na galing sa kanila ko lang mahahanap. Hindi katulad ng kinakain namin sa Martel, puro mga fast food at mga karne. At sa totoo lang, may mga masusustansiya naman silang pagkain, sila Yara at Yeli lang talaga ang pipili ng mga kakainin namin. Kaya ako ngayon? Ang payat ko na, kaunti lang naman o tama nang tawaging sexy.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa aming kuwarto. Hati lang kami ng kuwarto ni Agnes at magkaiba naman kami ng kama.
Nanatili lamang sa bag ko ang bangle bracelet ni Caldence at pati na rin ang scarf ko ay nandoon. Safe naman iyon kasi kinandado ko ang bag ko, para sure na walang makakita. Matagal ko na ring ginawa ito noong nandoon pa 'ko sa Martel.
"Ate? Omg!" Nagulat ako sa pagtakbo niya papalapit sa 'kin at huli na ang lahat ng sabay-sabay kaming bumagsak sa kama ko. "Sorry, ate! Masaya lang ako, hehe" aniya, ngumuso na lamang ako at umayos.
"Na miss na kita, ikaw na miss mo ba 'ko?" usal ko at mabilis naman itong tumango.
"Syempre, ate! Ano? Maganda ba ro'n?" excited siya. Umiling na lamang ako,
"Wala pa ako sa mood, Agnes ih. Pasensya na, bukas na lang." ngisi ko, hindi naman matigas ang ulo ni Agnes at agad rin itong tumango saka ngumiti.
"Ok, ate! Baba lang ako para kumain." dali-dali siyang lumabas sa kuwarto. Nang wala na siya roon ay agad akong tumayo mula sa kama at sinara pinto.
Ilang mga minuto ay huminga ako nang malalim at pumunta sa may bintana. Pinagmasdan ko ang labas at masyadong napakatahimik ng gabi, dahil kaunti lang din ang kapitbahay namin. Wala sa sariling binuksan ko ang bintana dahil nag enjoy ako sa sariwang hangin.
Habang nasa labas ang mga mata at sarili ko, biglang may narinig akong yapak ng mga paa na nasa labas. Hindi ko alam, pero bakit bigla akong kinabahan? Baka sila Nanay at Agnes lang iyon, kaya hinayaan ko na lang. Saglit lang naman iyon kaya nakahinga ako nang maluwag.
Pero hindi hanggang may isang papel na biglang tumama sa aking mukha. Isang piraso at gusot-gusot na papel ang nasalo ng pareho kong kamay. Nagtaka naman ako kung kanino galing 'to, at nang dahil doon ay sumigaw ako sa labas kahit na gabi.
"Hoy! Kung sino man ang naghagis ng papel sa mukha ko ay mumultuhin ko! Walang hiya ka!" wala ako sa sarili habang sumigaw no'n. Wala akong pake kung may mababaliwan sa 'kin.
Padabog kong sinara ang sliding window at padabog na humiga sa kama. Nagdadalawang isip akong buksan ang papel na iyon, pero hanggang sa huli ay nadala na rin ako ng aking isipang buksan iyon.
I'm sorry... That's not what I really meant.
-Xxcc
Natigilan ako nang mabasa ko ang sulat sa papel na iyon. Gusot-gusot at kasing bango niya. Hindi ko alam, pero malakas ang kutob kong galing ito kay Xandrei.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
RenzelD33
03/10
0thx
08/12/2023
0nice novela
10/04/2023
0Tingnan Lahat