Homepage/BRING THEM BACK/
Chapter 15
"May tinatago ba kayong dalawa ni Louri?" napipilitan kong itanong iyon. Pansin ko naman siyang parang may gusto sabihin, pero ngayon ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa arena at naka park na ang kotse niya. Pero bago pa man ako makababa,
"Buntis si Louri..."
Bumagsak ang balikat ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Parang gumuho ang mundo ko at kasabay niyon ang naramdaman ng aking puso na kanina pa nagdurugo.
HINDI KO KINAYA ang naramdaman ko kanina, kung kaya't tinakasan ko sila at ngayon ay mag-isang nakaupo sa kilalang panciteria.
Marami akong natanggap na missed calls galing sa mga kaibigan ko, at dahil wala ako sa mood ay pinatay ko ang phone. Bumuntong hininga ako at muling uminom ng tubig. Mula sa malayo, napakalakas at nakakabingi ang mga sigawan sa arena, rinig ko pa nga ang mga boses nila Cody. Pati na rin ang pag ra-rap nila AJ? Tama ba? Napakaganda tignan ng mga fireworks doon, at dahilan ito upang gumaan ang pakiramdam ko.
Pero, nandoon pa rin ang sakit. Malakas man ang mga sigawan sa arena, ngunit mas nakakabingi pa rin ang sinabi sa 'kin ni Xandrei kanina. Hindi naman sa nakatitiyak, pero hindi ko pa rin matanggap na may kinalaman si Xandrei tungkol sa bagay na 'yon. Parang nawalan ako ng pag asa sa sarili ko, paano na? Paano na ako?
"Uy, Hija! Baka gusto mong subukan ang pancit namin? Napakasarap nito." ngiti ni manang Rosita sa 'kin habang bitbit ang pancit na dala niya kanina at inilapag niya sa lamesa kung nasaan ako ngayon. Nagtaka naman ako, hindi ako nag order ng pancit, tubig lang ang inorder ko kanina.
"A-ah..w-wal--" hindi niya ako pinatapos
"Huwag kang mag aalala hija, libre lang ito para sa iyo. Napansin kasi naming malungkot ka, kaya binigyan ka namin nito kung sakaling sasaya ka naman. Isa iyan sa mga specialty namin." napangiti na lang din ako at nagpasalamat sa kanya. Isa siya sa may ari ng panciteryang 'to, marami rin ang nagsasabing napakabait niya. Hindi nga sila nagkamali.
Naiwan ang wallet ko sa loob ng dorm dahil sa pagmamadali nila Yara at Yeli, kaya umaasa na lamang ako sa libre nilang dalawa. Pero ngayong hindi ko sila kasama, tiyak na magugutom ako at buti na lang ay mabait si manang Rosita, isa sa may ari ng panciteryang 'to.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako at nagpasalamat ulit kay Manang Rosita bago umalis sa panciteria. Ngayon ay mag isa lang akong naglalakad sa madilim na daan. Wala akong balak na bumalik kila Yara kahit alam kong nag-aalala sila. Ang tanging gusto ko lang ay mag isa.
"Kung hindi ko na lang sana tinanong si Xandrei, edi nakita ko na ang ForeverYours ngayon! Nakapag fansign na sana ako kahit hindi naman ako fan." angal ko habang salubong ang kilay.
Ilang sandali, bigla akong napahinto galing sa paglalakad nang biglang makita ang isang tahimik na puno habang kumakaway-kaway dahil sa hangin. Medyo malayo ang highway at kahit na may ilaw sa daan, makikita kong madilim pa rin doon sa may puno.
Sandali kong naisipan na manatli muna roon. Humahakbang pa lang ako papalapit nang biglang may narinig akong umiiyak. Agad namang nanlaki ang 'king mga mata nang malamang galing pala iyon sa may puno na pupuntuhan ko pa lang. Pamilyar din ang boses ng taong 'yon, at sa pagkakaalam ko ay isa 'yong lalaki.
Kapag marinig ko ang pag-iyak nito'y hindi ko alam kung bakit sasabayan rin iyon ng kirot sa aking puso. Tila ay nakokonsensya ako, pero sa di malamang dahilan. At bakit naman ako makokonsensya? May kasalanan ba 'kong nagawa?
"H-hello?? M-may tao ba diyan?" utal kong tanong nang makarating ako sa puno, pero kahit ni isang tao ay wala akong makita.
Sandaling tumahimik ang paligid, pero ilang segundo ay napatalon na lang ako sa gulat nang biglang bumaba ang isang lalaki galing sa itaas ng puno gamit ang pagtalon ng dire-diretso. Agad naman nanlaki ang aking mga mata nang mamukhaan ko kung sino siya.
"K-Kazimir?!" sigaw ko habang nagtataka. Napansin ko rin ang pamumugto ng kanyang mata na para bang may nagawang kasalanan. Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya, pero agad naman itong umatras.
"Would you mind if I'll ask what happened?" ulit ko pero hindi siya kumibo at palagi pa ring nakayuko. Huminga muna ako ng malalim bago siya tanungin ulit, "K-Kazi--"
"I hate my self," nagulat ako sa sinabi niya,
"Why? Pwede mo bang sabihin s-sa akin?" tanong ko, ewan ko lang kung bakit may part sa 'kin na nag-aalala, pero bukod doon ay mas nanaig pa rin ang aking pagtataka.
Ilang segundo na ang nakalipas nang mapansin kong may tumulo galing sa mukha niya, ngunit mas nagulat ako sa paglapit ng kanyang mga braso sa 'kin at bigla akong niyakap. Dahilan iyon para matigilan ako at mapako sa kinatatayuan.
I am speechless...
"I didn't think that waiting for you can take me in this situation. I hate my self for having too much pride and I hate my self because I liked you this much--" hikbi niya, lumayo ako mula sa kanyang pagkakayakap,
"Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung anong nangyari? May nagawa ba 'kong kasalana--"
"Wala kang kasalanan! Masyado lang kasing maikli ang pasensya ko na akala ko ikaw ang lalapit sa 'kin. Even you didn't give me any assurance, nagawa kong umasa sa iyo. Na sana magustuhan mo rin ako, kagaya ng kapatid ko," sabi niya at muling sumandal sa puno. Napayuko na lamang ako at hindi makapaniwalang bakit niya nagawa sa 'kin iyon. May mga babae pa namang mas bagay sa kanya, at sa totoo lang wala talaga akong alam. Ang manhid ko masyado.
"Pero huli na ang lahat," napaangat ako ng tingin dahil sa dagdag niya. "Dahil sa kawalan ko ng pag-asa, nakabuntis ako."
Biglang huminto ang ikot ng mundo ko at kasabay niyon ang pagbagsak ng pareho kong balikat. Napalaglag ang panga ko dahil sa hindi makapaniwala, masyado pang maaga para magawa nila 'yon. Ito pa ba ang Kazimir na kilala ko? Bakit bigla itong nagbago? Bakit parang hindi na siya ang Kazimir na kilala ko, na akala ko walang paki alam sa 'kin. May kaunting paghanga pa naman ako sa kanya, pero nawala lang iyon dahil sa narinig ko kanina.
"Tama ba ang narinig ko, Kazi?" tanong ko ulit para makasigurado ako, baka kasi may problema lang ako sa pandinig. Tumingin siya sa itaas na parang naghahanda sa marami niyang sasabihin, kaya inihanda ko na lang ang sarili ko para makinig sa kanya.
"Nasa dorm lang ako noong gabing 'yon at nag-iisa. Hindi ko kasama si Xandrei dahil pinatawag siya ni dad at pinauwi sa mansiyon. Pero nagulat na lang ako sa biglang pagdating ni Louri.
Nagulat ako sa suot niya, ang ikli lang niyon at hindi ako komportableng makita siyang ganoon. Napakatahimik, mahinhin at napaka inosenteng babae sa paningin ko. Sa pagkakaalam ko ay siya lang ang mabait sa grupo nila Beatriz, pero she always choose to stick with them.
"Why are you here?" I asked calmly without looking in her direction. I noticed she was looking around and found nothing.
"Nakita mo si Xandrei?" pabalik niyang tanong sa 'kin, but I just shooked my head.
A few seconds passed, I suddenly break the defeaning silence between us and mouthed. "Why are you here? You're supposed to be in your dorm right now." taka kong tanong at tinataboy siya sa pamamagitan ng tono ng aking boses. Pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang siyang pumasok sa dorm at humakbang papalapit sa 'kin.
Because of my curiosity, I stood up from bed and gave her my death gaze. Sa buong buhay ko, wala pang babaeng umakto ng ganito sa 'kin. Hindi naman gan'to si Beatriz kahit na nagkabalikan na kami at boyfriend niya na ako. Even though she is mean, hindi niya ugaling manlandi tulad ng babaeng 'to. Hindi ko rin masasabing ganito si Adelise, alam kong napakalayo lang ng ugali nilang tatlo.
"Anong ginagawa mo dito?! Wala dito ang hinahanap mo, kaya makakaalis kana!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin. Pero matigas ang ulo niya at imbes na aalis ay humiga siya sa bed na mas lalong ikinagugulat ko.
"You know? All people have that personality inside and outside. But you only see my outside, including your brother. Even my own cousin, Siri, one of your ex's doesn't know who I really am. Poor, isn't it?" hindi ko alam kung bakit malambing ang tono ng kanyang boses. Pero sa halip na magalit ay umupo na lang din ako sa kama. "Tell me, Kazi. Do you have problem?" she repeteadly say that in whispers, her sweet and girly voice slowly echoed in my ears, I forgot everything.
"Gusto kong makalimutan lahat ng problema na sinabi ni Beatriz sa 'kin. Lahat ng mga iyon, at nang sa ganoon ay mawala na ang aking problema." hindi ko alam pero nang sabihin ko iyon ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Ilang mga sandali ay biglang nagtama ang paningin naming dalawa dahilan iyon para bigla akong kabahan. Napansin kong unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin din sa akin. Hindi ko alam pero sa paningin ko, mukhang ito ang aking pagsisihan sa buo kong buhay. Wala na akong pag asang makuha si Adelise, sapagkat may Beatriz na ako at may Louri pa.
Ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ang isang malambot na bagay na nakadikit sa aking labi.
"Noong mga sandaling iyon, doon namin nakalimutan lahat-lahat, pati na rin ang sarili namin. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko nakontrol ang sarili ko noong gabing iyon. S-sorry..." hikbi niya, "Pinaghahanap na ako ngayon nila Dad, galit na galit sila sa 'kin. Pati na rin ang mga magulang ni Louri."
Pilit kong ikalma ang aking sarili.
Noon pa talaga ako nagtaka sa ugali ng Louri na iyan. Nagawa niyang mambiktima ng tao gamit ang paglalandi niya. That's why I didn't liked her in my whole life, even though Xandrei does.
And also, how could he do that to Beatriz? Na tu-turn-off na ako dahil may babae ang masasaktan nito. Kahit na masama si Beatriz, sabihin man ng lahat na deserve niya 'yon... I hate you, Kazi. Anong ginawa mo?
Sa pagkakataong 'to, magagawa kong tanungin si Kazimir. "Ano palang kinalaman ni Xandrei sa pangyayaring 'to?" sandali siyang tumingin sa 'kin bago magsalita.
"Siya ang sinisisi nila mom at dad, pati na rin ng mga magulang ni Louri-"
"What?" napatayo ako sa di makapaniwala, hindi naman siya nagulat sa 'kin. Huminga na lang ako nang malalim at napahawak sa sintido. Ayaw kong manghimasok sa problema ng ibang tao ngunit naaawa ako sa mga nadadamay.
Bakit hindi man lang nila sinigurado? Ang bobo rin e. Ewan ko sa kanila.
Muling naghari ang katahimikan sa pagitan namin, bukod sa sigawan sa arena, maririnig ko pa rin ang pagkanta ng ForeverYours. Unti unti kong narealize ang meaning ng pagkanta nila. Nakuha ko rin ang pinaparating nila. Nang dahil doon, hindi ko na-namalayang sumasabay na pala ako sa kanilang pagkanta.
Agad kong siyang pinigilan sa pagsasalita at muling tumingin sa kanya.
"You need to trust your path. Ano nga ba ang dapat gawin? Kailangan bang matakot?" aking litanya at umiling naman siya. "Problems and mistakes will never fade, as long as they're part of our life. Sa sitwasyon mo, nagawa mong isakripisyo ang iyong kinabukasan at wala kanang magagawa kundi gawin ang tama. Harapin at panindigan mo 'yan." sabi ko.
"Pero paano? Hindi magiging madali iyon at hindi ko kayang malamon sa kahihiyan. Gusto ko nang maglaho, Adelise-"
Kumunot ang aking noo, "Iyon lang ba ang nasa isip mo, Kazi?" dismayado kong tono. Nagpatuloy lamang ito sa paghikbi. "Paano ang magiging anak mo? Tatakasan mo lang ba siya?"
Hindi siya nakapagsalita at pinakawalan ang malalim na hininga. "Bilang kaibigan, isa lang ang masasabi ko sa'yo..." pinilit kong kunin ang tingin niya, "...Mahalin mo ang anak mo."
Ilang segundo ay bigla niya akong niyakap. Parang nababasa na rin ang likuran ko dulot ng kanyang mga luha.
Actually... Hindi ko alam kung paano pagaanin ang loob ng isang tao lalo na't kagagawan naman niya ito. Ngunit ginawa ko pa rin dahil sa tingin ko iyon ang kailangan niya ngayon. Kaibigan ang turing ko sa kanya kahit hindi kami masyadong close.
"It's just a friendly hug." napailing na lamang ako sa kanya.
Tao lang naman tayong lahat na pwedeng makagawa ng kasalanan, mahirap mang tanggapin na hindi na iyon magbabago ngunit maaari naman itong idaan sa pangako. Pangakong dapat natin tuparin dahil sa mga naging desisyon natin. Pangakong ihanda ang sarili sa mga bagong hamon na dapat nating harapin.
Being blinded by delusional happiness will lead you suffer from doubled pain. Naalala kong sinabi iyon ni dad na hindi ko naiintindihan noon.
"Are you okay? Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap," usisa ni Yara habang nakahawak sa dalawa kong balikat at niyugyog ako. Inilayo ko naman ang kamay niya sa 'kin bago magsalita.
"Kumain lang ako sa isang restaurant--" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang sumingit si Xandrei. Nandito na pala kami sa loob ng University at maraming estudyante sa labas kahit gabi na.
"Ano?! Saan-saan na lang ako pumunta para hanapin ka, tapos kumakain ka lang pala?!" napaatras ako at pumunta sa likod ni Yeli dahil sa pagsinghal niya sa 'kin.
"Sinasayang mo ang pag-aalala ni Xandrei, siz." sabad naman ni Jared. Biglang naglakad papalayo sa 'min si Xandrei at tatanungin ko na sana siya, pero naunahan ako ni Ali.
"Saan ka pupunda, drei?" tanong nito pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Nagkibit-balikat lamang sina Ali at Jared at wala nang magawa kundi sumunod kay Xandrei.
"Hmm.. Girls, share ko lang ah. Pero hindi ko nakita si Kazimir ngayong gabi." nagtatakang si Yeli dahilan para mapako ako sa kinatatayuan. Akala ko alam na nila ang pangyayari.
Natapos ang gabing iyon at marami ang natutuwa lalong-lalo na sa mga kababaihan. Hanggang nandito na kami sa dorm ay hindi pa rin tumitigil sa pagsigaw sila Yara at Yeli, palagi din nilang ipakita sa 'kin ang mga fan signs nila na para bang maiinggit ako.
Hinayaan ko na lang sila sa kanilang ginagawa. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay padabog akong humiga sa loftbed para makapagpahinga. Masyadong marami ang nangyari kanina at maraming bagay ang hindi ko makalimutan.
Okay lang ba ang magkapatid ngayon? Ang hirap ng sitwasyon nila pati ako naguguluhan. Nakakagulo ang Martel University, malapit ko na ring susukuan ang pag-aaral dito. Ang mga estudyante na inakala kong educated at well-mannered ay walang pinagkakaiba sa mga dati kong schoolmates. Kung sana sa labas na lang sila naging aso ba't dito pa sa loob ng University? Hindi ba sila nahihiya sa sarili nila? Sa kaluluwa ng lolo ko?
Sinubsob ko ang mukha sa unan nawa'y sana lamunin na lang ako nito. Kailangan ko na palang kumilos dahil kapag nabawi ko ang Martel University ay tiyakin magbabago ito.
Hindi ko rin alam kung saan na ako, marahil ay naliligaw na ako sa paglalakbay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
RenzelD33
03/10
0thx
08/12/2023
0nice novela
10/04/2023
0Tingnan Lahat