Homepage/BRING THEM BACK/
Chapter 14
"Kasi nga, nalaman ng dad ni Xandrei na may totoong asawa pala si Madame Fe and worst is kasal sila ni Mr. Russo at may anak na, iyon si Kazimir." ani Yara, biglang inagaw ni Yeli ang unan na hawak niya, saka si Yeli naman ang nagpatuloy.
"So mabait talaga si Mr. Maximo Russo dahil tinanggap pa rin niya si Xandrei. Imbes na isa lang ang pogi nilang anak, ay nadagdagan naman iyon. Ang swerte nilang mag asawa dahil nabiyayaan ng ganyang anak." aniya at siya pa ang proud sa aming tatlo.
Maging ako naman ay hindi naniniwalang patay na ang dad ni Xandrei. Si Alexander Severro naman ang ama ni Caldence, pero imposible namang siya ang tinutukoy nila Yeli. Ngunit ang tanging alam ko lang ay may kapatid si Tito Alex, mukhang magkaibigan pa nga sila ng dad ko eh.
Nakakagulo lang isipin, pero malakas ang kutob ko na baka kapatid ni tito Alex and tinutukoy nilang ama ni Xandrei.
IT'S MAPEH TIME, pabago-bago ang schedule ng class namin araw-araw. Bago kaming tatlo mag tungo sa art room, nagsuot muna kami ng apron noong nasa dorm pa kami, para hindi na mahirapang isuot iyon sa lecture room. Lol, madali lang naman suotin 'yon, wala lang, trip lang namin. #squadgoals
"Goodmorning, Class 2A!" bati ni Ms. Aethel sa harap namin habang naka upo kaming lahat sa sahig. Medyo naiirita ako dito kay Xandrei na nasa unahan ko. Napakatangkad niya para hindi ko makita ang nakasulat sa board, kahit anong gagawin ko, hindi pa rin ako makakita pati si Ms. Aethel hindi makita. Ang hirap talaga pag na late ka.
"So, before we paint. Let me introduce first the painting subjects or themes in East Asia. So for today, let's just focus on China. Their painting subjects or motifs are flowers and birds, landscapes, palaces and temples, human figures, animals, bamboos and stones. Get ready with your materials at ihanda niyo na ang inyong sarili."
Inihanda na namin ang mga gamit namin sa pag pinta at pumwesto na sa bawat table. Social distancing ang mga table dito, para siguro walang ma istorbo kapag nagpipinta.
"Landscape painting was regarded as the highest form of Chinese painting. They also consider the three concepts of their arts: Heaven, Earth, and humankind." wika ni ma'am at nagulat naman kaming lahat sa dala niyang portrait. May isnow-isnow sa painting na 'yon. "Ang hawak ko ngayon ay isang Winter landscape, and in chinese, this is called. 'Shutousansui-zu Sesshu"
Napahanga kami sa ganda ng nasa painting na 'yon. Habang nakatingin doon, bigla nalang may lumabas na idea sa utak ko. Alam ko na kung pa'no ko gawin ang akin, buti na lang gumana ang utak ko ngayon.
"Any landscapes you want, then you can paint it. Just imagine the view in your mental notebook. I want to see the life of your works, so huwag mamadaliin." masayang dagdag ni Ms. Aethel na para bang masaya siyang makita kami habang ginagawa 'to. Masaya ang kanyang mukha habang nililibot kami.
Titingin na sana ako kay Xandrei, pero pinili kong mag focus na lang kasi isa siyang distraction. Itinuon ko ang aking mukha sa painting ko, isa 'yong ilog na may magagandang bulaklak sa tabi-tabi. May mga malalaking bato naman sa gilid ng ilog, which is iyon ang ginawa ko bilang outline. Hindi lang iyon, asside sa mga lumilipad na mga ibon, sinali ko ang sinag ng araw para more realistic.
Napansin kong biglang dumilim ang painting, iyon pala ay anino ni ms. Aethel habang nakatayo sa likod ko. "Wow! Is that your work?" kita ko ang paghanga sa mukha niya, tumango naman ako at ibinalik naman niya ang kanyang tingin sa painting ko bago siya magsalita. "I love how you emphasize it. I see the life inside the painting, sa texture pa lang. Good, there's a value in your flowers. And also, you can add some objects in your painting, Parang kulang kasi eh, ano? Keep it up!" mungkahi niya.
"Thankyou, ms. Aethelwine," tumango naman siya at pumunta na sa kabila. Humarap ulit ako sa aking gawa nang biglang sumilip si Yara.
"Uy, char ang ganda naman niyan. Naol" napamanghang mukha niya at tumingin naman ako sa gawa niya. Nang makita ko iyon ay napangisi ako, ang ganda rin niyon, kung tutuosin ay mas maganda pa iyon kesa sa akin.
"Chos! Pa humble ka eh," ngisi ko at ganoon na rin siya.
"Dzuh, hindi naman maganda ito, diba Yeli?" pa humble na aniya at tinanong ang babaeng hindi nakasagot dahil sa sobrang busy. Napatawa na lang kami dahil sa naging mukha ni Yeli,
"Naks, napakaseryoso naman. Bagong buhay?" halakhak namin ni Yara pero umismid lang naman si Yeli. Hindi na namin siya pinansin at ibinalik na ang atensiyon sa mga gawa.
Hanggang sa natapos ang oras na iyon. Lahat kami ay nakakuha ng mataas na marka at may iilan ding naka perfect, kasali na ako doon. Bago pa man kami makaalis, may announcement si Ms. Aethelwine sa 'min, sabi niya ay isa itong good news.
"Pinost kahapon sa page ng school natin, lahat daw tayo ay makakalabas ng Martel ngayong araw. Isn't it exciting?" bukam-bibig ni Yeli, kanina pa siya sa dorm room. Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya,
"I just wanted to clear, regarding sa post ng page kahapon. Yes, it's legit, all students can go outside Martel University for the second time. This is from our headmistress's, no events, just an ordinary day of our institution." Imporma ni ms. Aethel. Marami naman sa aming mga kaklase ang hindi makapaniwala at masaya. Ayon sa mga naririnig ko, good timing daw dahil may concert mamaya ng isang sikat na boy group. I'm not a fan girl, pero masaya ako at na eexcite. Ewan ko lang kung ano ang pangalan ng boy group na 'yon.
Nanalo ang ingay at tilian sa loob ng lecture room at agad naman silang sinita ni Ms. Aethel, bago ulit siya magsalita. "BUT! It doesn't mean na kaya niyong gawin lahat ng gusto niyo! May time limits, this is not only for everyone's safety, you still be disciplined. Your skills can be reported to your parents whenever you are." dagdag ni ma'am at nag iba naman ang reaksiyon ng karamihan.
"Ay, ba't naman ganoon?"
"Sayang, gusto ko sana pumunta sa Bardeur"
"Sana makaabot pa rin tayo sa concert ng ForeverYours."
"Eeeiiii, excited na 'kong makita ang asawa ko!"
"Magbihis ako ng wedding gown mamaya, Sheryll lang malakas!"
"Omo! I can't believe that me and ForeverYours breathes in the same air right now! I can't wait,"
"HANDA NA ANG MARRIAGE CONTRACT KO!" sigaw ni Yeli dito sa loob ng dorm habang nagbibihis kami. Pati na rin si Yara, hindi ko sila ma awat sa kakasigaw. Tapos naiirita rin ako sa mga asawa-asawa na bukambibig nila. Ano bang meron sa Boyband na 'yan? Sa pagkakaalam ko, si Cody lang ang kilala ko doon.
"Can't wait to see my bias!" tili ni Yara at nagulat naman ako sa suot niyang, white strapless dress. Actually, kahit morena siya ay bagay na bagay sa kanya iyon.
Hindi rin nagpapatalo si Yeli sa suot niyang HI-LO dress, kulay pink iyon at mapapa nga-nga ka na lang.
"Gosh! Diba ang sexy ko 'noh?!" ani Yeli na mukhang proud na proud habang rumarampa. Totoo naman, napaka sexy niya. Kinuwento niya sa 'min noon tungkol sa mommy niya na magagalit 'pag maraming kakainin si Yeli. Sabi niya na may limit ang pagkain, dapat. May pinadala rin ang mommy niyang mga vitamins at para skin care dito sa Martel. Nakiki skin care na rin ako hahaha, at kaya ayon! Ang ganda ganda namin. Pero syempre, ako ang pinaka. Maganda na 'ko at noon pa.
Napakabongga ng suot nilang dalawa, except sa 'kin. Pagkalabas namin ng dorm ay sakto namang nasalubong namin sila Beatriz, Jasiri at ang dalawa nilang alagad. Nanlaki ang mata ko sa suot ni Beatriz, nakasuot siya ng scarlet bouffant na hanggang tuhod lang. Pansin na pansin din ang kanyang heavy make up na animo'y parang pupunta sa isang party. Naiirita ako sa mukha niyang napaka taray, pero kailangan chill lang.
"Ugh! Are you going to my husband's concert wearing that low quality dress?!" may pandidiring boses ni Beatriz habang nakatingin sa suot kong shirtwaist.
Sumalubong naman ang kilay ko sa kanya, pero bago pa man ako makapagsalita ay naunahan ako ni Yara. "Husband?! Huh?! Isn't it impossible na papatulan ka nila? Duh shame on you! Sa 'kin lang mga asawa ko! Sa 'kin lang si Cody!" agad na sumalubong ang kilay ni Beatriz,
"And sa tingin mo rin pumapatol sa isang bubuyog si Cody?! FYI, I can buy ForeverYours and how about--"
"Really, Beatriz?! Pwede na ba tayong lumabas? Aren't you tired of facing the three kinds of trash?" sarkastikong pigil ni
Siri sa kaibigan habang naka krus ang braso, at saka nakita kong pinandilatan niya ng mata si Yeli. She flipped her hair at nagpaumunang lumakad papalayo, sumunod naman sa kanya sila Tanya at Trixie. Inirapan kami ni Beatriz bago iwan kami at sumunod sa tatlo.
"Bitches will remain immatured," wika ni Yeli, "Tara girls, nagsasayang lang tayo ng oras sa mga langyang 'yon." naglakad na kami papalabas.
Maraming estudyante dito sa labas ng gate, naka civillian lang ang lahat. Ang ibang mga babae naman ay may dalang lightsticks at excited na excited na. Hindi ko inaasahang sasama pala sa 'min sina Ali at Jared, ang taray din ng suot nila. Ngayon ko lang nalaman na fanboy pala ang dalawa. Pero si Xandrei? Fanboy din kaya siya o basher? Naku, huwag naman sana basher.
Kasi, I'm sure wala siyang pake.
"Taray, ganda naman ng red hair mo, Jared. Mukha kang palito," si Yara at kasabay naman niyon ang pagtawa namin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jared.
Mayamaya ay biglang sumabat si Ali, "Gais! Kamukha naba kami ni AJ?" sabad ni Ali na ginaya ang porma nung AJ na tinutukoy niya. Dahil doon ay mas lalo silang napahalakhak,
"Oo naman! Height mo na lang kulang." mas lalo kaming napatawa sa sinabi ni Jared.
Tumingin si Ali sa papel na hawak ni Yeli at kumunot naman ang noo niya, "Seryoso kaba diyan sa marriage contract mo, Yeli?" hindi makapaniwalang si Ali. Nakangising tumango naman si Yeli na mas lalong ikinagugulat ng dalawang lalaki.
"Syempre joke lang!" untag ni Yeli, "Fake lang 'to 'noh!--" bigla naman umakbay si Yara sa kanya at nagsalita,
"Kase guys, mas may hihigit pa sa fake marriage contract na 'yan!" ngisi niya na ikinakunot ng noo namin.
"Ano?!" mas lalong ngumisi ng nakakaloko ang dalawa at dahil doon ay alam ko nang may planong masama ang mga babaeng 'to.
Sa wakas ay dumating na rin ang kotse ni Jared na gagamitin namin papunta sa concert. Pero hindi ko inasahan ang makita sa loob ng kotse.
"Ah gais, sila nga pala ang mga pinsan ko. Tulad natin ay pupunta din sila sa concert." wika ni Jared habang nakasakay na sa passenger's seat at nakahawak sa manibela. Tinukoy niya ang tatlong lalaki na nakasakay sa kotse at nagulat ako nang bigla silang ngumiti sa 'kin.
Nasa labas pa kami nang marinig ko si Yara na bumulong, "Tsh! Kung pinayagan lang sana ako ni mommy na hiramin ang kotse ko, malamang hindi pa tayo mahihirapan." napipilitan silang sumakay sa kotse at papasok na sana ako doon nang biglang may humawak sa aking braso, dahilan para hindi ako matuloy sa pagpasok doon.
Napatingin ang lahat pati na rin ako sa lalaking naka itim na hoodie, napa angat ako ng tingin nang tinanggal niya iyon dahilan para ako ay magulat.
"Hindi ka kasya diyan," iyon lang ang sabi ni Xandrei at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Medyo nagtaka naman ako pero matapos kong magpaalam kila Yeli ay sumunod na lang din ako kay Xandrei.
"Uy? Saan tayo pupunta?" kanina pang usisa ko habang nakasunod sa kanya. Ngunit wala pa rin akong natanggap kahit isang salita galing sa kanya. "Hoy! Ano bang trip mo?!" huminto ako at hingal na hingal habang nakapamewang. Huminto siya sa tapat ng isang lamborghini at lumingon sa 'kin.
"Hindi ka dapat sumakay doon!" utas ni Xandrei at biglang pumasok sa kotse. Nanlaki naman ang mga mata ko, iyon lang? Pinapagod niya pa ako sa kakasunod. Tapos iyon lang?! Oo, Iyon lang.
Bigla siyang lumabas sa mamahalin niyang kotse at pinagbuksan ako sa passenger's seat. Baka nakalimutan niya atang maging gentleman. Palihim ko siyang inirapan bago sumakay.
Ewan ko lang sa lalaking 'to. Medyo may part sa sarili ko na nagtatampo. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Sa pagkakataong ito, bago pa man kami makarating sa arena ay tinanong ko muna siya.
"S-saan ka pala kanina?" tanong ko habang nasa labas ang tingin. Napansin ko namang nag aalinlangan siyang sumagot, pero sa huli ay nagsalita siya.
"K-kasama ko si L-Louri--"
"Saan?!" sa pangalang Louri pa lang, nag iba na ang pakiramdam ko. Malamang, girlbes niya 'yon, alam ko namang palagi silang magkakasama kung saan-saan. Ang iba nga ay shini-ship sila, para daw silang mag jowa na napaka sweet tignan. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko..
"Labas ka na doon," sambit niya. Parang may gumuhit sa puso ko matapos siyang magsalita.
Bakit? Hindi ba puwedeng i-share sa 'kin? 'Kala ko ba magkaibigan kami ni Xandrei? --or let just say we're more than friends. Ibig ba sabihin no'n hindi niya ako pinagkakatiwalaan? Nagkakamali lang ata ako ng paniniwala, akala ko magkaibigan kami---pero hindi pala.
"May tinatago ba kayong dalawa ni Louri?" napipilitan kong itanong iyon. Pansin ko naman siyang parang may gusto sabihin, pero ngayon ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa arena at naka park na ang kotse niya. Pero bago pa man ako makababa,
"Buntis si Louri..."
Bumagsak ang balikat ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Parang gumuho ang mundo ko at kasabay niyon ang naramdaman ng aking puso na kanina pa nagdurugo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
RenzelD33
03/10
0thx
08/12/2023
0nice novela
10/04/2023
0Tingnan Lahat