Homepage/BRING THEM BACK/
Chapter 12
Kanina pa ako nakatingin kay Louri at Xandrei. Sa bawat galaw nitong Louri ay napansin kong may halong landi. Sa paraan ng paghawak niya kay Xandrei, 'yong mga ngiti din niya! Grabe kung makadikit,
Teh! boybesprend mo lang iyan pero sa'kin ma inlab iyan!! Sarap ibalibag!
"Students, this is an American Alligator--" sabay turo ni Madeline sa buwaya. Karamihan naman sa kanila ay namangha at animo'y ngayon pa lang nakakita ng buwaya. Magsasalita na sana siya, pero bigla siyang inunahan ni Celia, kaklase namin.
"Miss, is that eating people?" tanong nito at may iba namang napatawa.
"Alligators are efficient predators and eat just about animals that comes near, including fish, birds and reptiles. They rarely attack humans unless provoked." sagot niya at napatango-tango naman kami. Sunod ay tinuro naman ni Madeline ang buwaya, na naman?
"Ahhh, magkakaiba sila kompara sa American Alligator." anang kaklase namin at tumango naman si Madeline.
"Yes, exactly. Chinese Alligator. The local name for this species is Yow-Lung or T'o meaning Dragon. Some writers think that the mythical Chinese dragon was, in reality, the Chinese Alligator." paliwanag nito. Napatingin naman ako sa ibaba ng tulay kung saan ang buwaya. Para sa'kin, magkamukha lang naman silang lahat,
"Tsk. Pareho lang naman silang buwaya." bulong ni Yeli sa'kin dahil nakarinig kami ng mga sinasabi nila na mas pangit daw ang Chinese Alligator, kesa American. Napangisi tuloy kami ni Yara.
Nagpatuloy kaming lahat sa paglalakad at nang makalagpas na sa tulay ay dumaan kami sa isang lugar kung saan makikita mo ang mga iba't ibang klase ng mga pagong. Isa isa naman tinuro ni Madeline ang mga ito, gaya ng Aldabara tortoise, box turtle, Alligator snapping turtle, leopard tortoise, Galapagos tortoise at marami pang iba.
Kahit na karamihan sa amin ay napalaglag ang panga dahil sa paghanga, mayroon ding iba na parang walang pake alam at nakay Madeline lang ang tingin, mayroon ding hindi. Isa si Xandrei sa tinutukoy ko.
Habang busy sila sa pakikinig kay Madeline, hindi ko maiwasang mapatingin kay Xandrei at maawa kay Louri. At the same time naman ay nakakatuwa. Gusto niyang hawakan ang kamay nito, pero padabog naman itong binitawan ni Xandrei. Dahil sa sakit ata ay napahawak nalang si Louri sa kanyang pulso.
"Mas nag eenjoy ka pa ata manood sa dalawang iyan kaysa mga hayop." biglang bulong ni Yara at pa simple naman akong tumango saka ngumisi.
"Hirap talaga 'pag hindi ka gusto ng isang tao." halos matawa kong sabi at ganoon na rin siya.
Pero biglang naagaw ang aking paningin dahil kay Kazimir na kumakaway sa'kin at nakangiti. Ayon na naman ang hindi maipaliwanag na ugali niya. Ang first impression ko sa kanya ay may pagka masungit at playboy, pero bigla nalang nagbago ngayon. Kumaway naman ako sa kanya pabalik at ngumiti din.
Medyo boring ang araw na ito, marami sa amin ang nag e-enjoy at tuwang-tuwa dahil sa mga hayop. Pumunta kami sa lugar kung saan ang mga leon at mga tsite. Ang cute nila kahit malaki at noong nasa malayo palang kami ay rinig na namin ang mga dagundong nito.
Pinasuot nila kami ng plastic gloves at isa isang binigyan ng karne para ibigay iyon sa mga nakakulong na leon. Iilan lang ang hindi sumubok dahil sa takot at pobya kaya nanonood lang sila.
Ngumiti naman ako sa leon at nag aalinlangang ibigay ang karne na hawak ko. Napansin ko din ang panginginig ng aking kamay at tuhod, kasabay niyon ang malakas na paghuni nito at naging dulot ng aking kaba.
Baka kainin niya ang kamay ko.
"Again, kung natatakot kayo at hindi niyo kaya, just call Madeline for help or better just watch instead." anang teacher namin. Pero gusto ko ako lang at kahit na nahihirapan ako ay pinilit ko pa rin.
"Karne and kainin, hindi ang kamay!" mahina kong bulong na ako lang at ang leon ang makarinig.
Wala sa sariling pinasok ko ang kamay sa kulungan at pilit na pakainin ang leon, pero nagulat ako nang biglang may pumasok na isang kamay doon at hinawakan ang akin saka dali daling nilabas sa kulungan.
"Damn! Gusto mo mawalan ng kamay?!" nagulat ako sa sigaw ni Xandrei at dahilan iyon para mapalingon sila sa amin, pati na si Madeline. "Huwag pilitin kung hindi kakain!" singhal niya sa'kin.
"He's right ms. Zhen, Sana sinabihan mo kami. Baka mapaano ka," ani Madeline at napayuko nalang ako saka bumuntong hininga. "Alright! Tapos na ba kayo??" baling niya sa mga kaklase namin at sa ibang section. Tumango naman ang mga ito at kani-kaniyang umalis para maghugas ng kamay.
"Ang tigas ng ulo mo," ani Yara sa'kin habang nananonood sa mga Meerkats. Umiling lang ako at hindi sumagot.
Wala riyan ang isip ko, kundi nasa isang lalaki na kanina ko pang nabantayan. Napansin kong kanina pa siyang nakasunod sa amin at parang may kailangan siya. Pero bakit hindi niya nalang sabihan ang teacher namin?
Ibinalik ko ang aking tingin sa mga hayop at mayamaya ay dumating si Yeli na may dalang juicedrink at binigay samin iyon.
"Ang mahal teh! Grabe!" angil niya bago uminom.
"At bumili ka naman? Thanks ah nanlibre ka, himala!" sabad ni Yara at ayon na naman ang routine ng dalawa, palaging nag aasaran.
Hinayaan ko nalang sila at palihim na tumingin sa lalaking kanina ko pa nakita. Nasa likod siya ng isang puno at nakasilip sa'kin. Kanina pa ako nagtataka at naguguluhan, pati ang aking sarili ay kinabahan.
Tinignan ko siyang mabuti at dahil doon, unti unting naging pamilyar sa akin ang mukha niya. Maging ang kanyang tangkad ay pamilyar at malakas ang aking kutob na kilala ko na siya.
"Hoy! Sino tinitignan mo?!" napatalon ako sa pagkabigla matapos ako tanungin ni Yara. Ibinalik ko naman ang tingin sa kanila at agad na umiling.
"May iniisip lang, y-you k-know? N-nag-iimagine ako!" pagdadahilan ko, pero hindi pa rin sila kombinsido. Nagulat ako nang tinignan nila kung saan ako nakatingin kanina. Lumingon naman ako doon at wala na ang lalaki kanina.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" pagsisigurado nila, pero bumuntong hininga muna ako saka umiling. Dahilan para magtaka sila,
"I lied, Kanina kasi, may napansin akong lalaki na palaging nakamasid sa atin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya at parang may kailangan siya." umamin na ako ng sa ganon ay matulungan ako. Nagulat naman ang parehong mukha,
"Talaga?"
"B-Baka--masamang tao iyon!"
"Hindi, hindi. Pamilyar kasi siya eh at parang nakilala ko na siya." paliwanag ko at napatango naman sila at nag iisip.
"Baka may kailangan siya? Nako, huwag kang mag aalala, Adelise. Mamaya sa lunch time natin, hahanapin natin siya at kakausapin." excited na si Yara,
"Yeah! With the help of us!" ngiti ni Yeli. Wala na akong ibang ginawa pa kundi yakapin sila.
"Thankyou! Girls," ngiti ko pagkatapos silang yakapin. Tumango naman sila at ngumiti din sa'kin.
--
"Ok Class, both sections! Ngayon ay pupunta tayo kung saan ang mga ahas at pagkatapos ay lunch niyo na. Sinong hindi pa nakakita ng ahas?" tanong ni mrs. Quezada pero walang tumaas ng kamay kahit isa.
"Ay, sabagay, palagi nilang makikita iyon, minsan nga lumalakad at nagsasalita pa eh." ani Madeline at napangisi naman sila. Nakuha ko ang punto ni Madeline,
Nakarating na kami sa lugar na iyon at nakita ko ay napakaraming klase ng ahas. Iba't ibang kulay at may iba't ibang porma. Napahanga kami dahil may mga malalaki at may mga maliliit din.
"For those who want to take pictures, sabihan niyo lang ako!" ani Madeline at marami namang lumapit sa kaniya.
May iba ay tuwang tuwa dahil doon, habang ako naman ay nandidiri. Nakasmile sila habang ang ahas naman ay nasa kanilang leeg na ikinadidiri ko. Yuck!
Sila Kazimir ay nagpapicture din, si Beatriz naman ay hindi maipaliwanag ang itsura dahil gaya ko ay nandidiri rin siya, tanging sila Jasiri at mga kaibigan lang niya ang nagpapicture, kasali na si Louri. Mabuti nalang ay hindi na siya kumakapit kay Xandrei, sampalin ko talaga siya dos por dos.
"So class, This is an Armenian Viper." ibinahagi ni Madeline ang ahas na nasa kulongan. Binuksan naman iyon ng isang lalaki na pareho lang niya at hinawakan iyon. "Along with seven other closely related species,belongs to a group called Mountain Vipers. These venomous snake have several things in common, including their mountain-dwelling lifestyle."
Marami pang sinasabi si Madeline at hindi na ako nakinig dahil nakatuon na naman ang aking paningin sa lalaki kanina. This time ay nakatingin na siya kay Xandrei na nanonood lang. Nakikita ko sa kanyang mukha ang labis na pag aalala at lungkot. At ayon na naman ang aking pagtataka. Naisip ko ring hindi alam ni Xandrei na may nakatingin sa kanya.
Marami nang napakilala si Madeline at mukhang panghuli na ito. "So last, The Corn snake." Pinakita niya sa amin ang kulay kahel na ahas, which reminds me of Louri. Nagulat ako sa kulay ng ahas na iyon, magkapareha sa halter ni Louri. Napa smirk na lang ako dahil doon.
"The snake gets its common name from its habit of living near concribs and cornfields. It's scientific name is derived from the greek of deerskin (Elaphe). Also known as the red-rat snake, because of its orange coloring. This predator of mice and other small rodents is welcomed by wise farmers and a boon to agriculture." ani Madeline at pagkatapos nilang tignan iyon ay nilagay niya na sa kulongan.
"May joke ako sayo," ngiti ni Yeli sa'kin at handa naman na akong makinig.
"Sige, ano iyon?"
"Ahas kaba?" nagulat at nagtaka ako sa sinabi niya, pero sumagot na lang ako.
"Hindi, bakit?"
"Ang ganda mo kasi--"
"Nasaan ang ahas doon?!" tanong ko,
"Ayon! Lumalandi," aniya sabay lingon kay Louri na ngayon ay palaging nakakapit sa braso ni Xandrei.
Awtomatikong kumunot ang aking noo dahil sa mga ngiti niya at minsa'y yumayakap pa.
"Hahaha she really looks like a corn snake!" sabat ni Yara habang tumatawa. Tinignan ko ng masama sila Xandrei bago inirapan sila.
"Tara na! Lunch time na at nagugutom na ako. Baka makain ko iyang ahas na iyan!" pagmamadali ko sa kanila at agad naman silang sumunod sa'kin.
"Nagseselos ka ano?" kanina pa ako nila inaasar habang kumakain dito sa Chapman restaurant. Umiling naman ako at hindi sila pinansin.
"Natural lang ata 'yon kasi mag bestfriend naman sil--" hindi ko pinatapos si Yara dahil agad akong tumayo.
"Bestfriend?! Required bang lumandi sa borbestfriend mo?! Ah sabagay, katulad lang iyan ng traydor." sigaw ko at nakita ko ang pagkabigo sa mukha ni Yara.
"What are you talking?! Ms. Zhen!" sigaw ni Mrs. Quezada dahilan para matauhan ako. Nakatingin sa akin lahat ng mga estudyante sa restaurant, lalong lalo na ang galit na mukha ni Louri at ang nakangising si Beatriz at Jasiri.
Napayuko ako at hindi alam kung ano ang sasabihin, "I-Im s-sorriee??"
"Enough! Get out and find some place where you can't disturb some people!" singhal ni Ma'am kaya tumayo naman ako habang nakayuko at iniwan sila Yeli.
"Tsk. Mas nababagay ka doon sa may rantso," rinig kong asar ni Beatriz at kasabay naman niyon ang pagtawa ng mga kasama niya.
Lumabas na ako sa restaurant at na realize kong, Mas mabuti nga iyon para sila ang magbayad ng kinakain ko! Marami pa naman akong nabiling desserts at naubos hahaha sila magbayad no'n!
Umupo ako sa isang bench kung saan makikita kong may mga parrot. Hindi naman masyadong maingay dito dahil ka-kaunti lang ang mga batang naglalaro. Hindi rin masyadong malakas ang huni ng mga ibon.
Bumuntong hininga muna ako at sumandal sa bench, "I miss my gummies!" sabi ko at narinig ko namang may gumagaya sa'kin.
"I miss my gummies"
"I miss my gummies"
"I miss my gummies"
Sinamaan ko ng tingin ang mga parrot na gumaya sa'kin. "Lintek! Marunong akong magluto ng tinola, baka lutuin ko kayo!" panakot ko sa kanila at lumipad naman sila saka umalis.
"You need this?"
Nagulat ako nang may biglang nagsalita galing sa likod. Boses ng isang lalaki at gaya ng inaasahan ko ay napakapamilyar nito. Nilingon ko naman iyon dahilan para manlaki ang aking mga mata.
Siya ang lalaking kanina ko pa nabantayang nakatingin sa amin. Naka suot ito ng itim na coat at itim na sombrero. Ilang sandali ay bigla siyang tumabi sa'kin at binigay ang gummies.
Nagtaka naman ako at hindi muna tinanggap iyon, "Sino ka?"
"Adelise? Are you?" pabalik niyang tanong sa'kin. Medyo may katandaan na siya dahil sa kanyang boses. Simpleng tango nalang ako at hindi pa rin tinanggap ang gummies.
"Look at me, please." sabi niya na ikinagulat ko. Gusto ko naman sanang malaman kung sino siya, pakiramdam ko hindi naman siya masamang tao.
Umangat naman ako ng tingin para makilala siya at nang magawa ko iyon ay biglang nag iba ang pakiramdam ko. Parang bumalik sa dati noong bago pa mangyari ang aksidente. Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kakaisip no'n kaya ngumiwi saka napasandal ako sa sariling tuhod at ginagawa ang lahat ng makakaya para mawala ang sakit. Parang mahihilo na 'ko't hindi ko magawang makinig sa sinasabi niya.
"I'm Alexander Se-- I need your help but--"
Ilang minuto ay bigla nalang nawala ang sakit habang ako ay hingal na hingal, kasabay niyon ay hindi pa rin huminto ang kaba ko. Napatingin ako sa aking tabi at ngayon ko lang namalayang wala na siya. Hindi ko na siya nakita at biglang naglaho.
Napasandal ulit ako sa tuhod at pumikit habang pilit na kinalma ang sarili. Hanggang sa biglang kumulog ng malakas galing sa langit at nasundan ng ulan. Pero wala pa rin akong kibo at nanatiling nakaupo sa bench.
Kumikilos ang mga tagabantay ng hayop, nagsi-uwian naman ang mga tao. Ang iba ay sumilong sa tabi tabi, maging ang bus namin ay narinig kong bumusina. Nangangahulugang uuwi na kami. Pero nanatili pa rin ako sa puwesto kahit basang basa na ako.
Naaalala ko naman ang nangyari sa amin noon. Naalala ko na naman lahat 'yon. Pinakaayaw ko talagang mangyari 'to!! Nakakabaliw at nakakawala sa sarili!
Ok lang atang umiyak sa ulan, tiyak na hindi ka mahahalata.
"Adeliseeee!!!"
"Uwi na tayo! Pinatawag ka na ni ma'am!"
Narinig ko ang mga sigaw nila Yara at Yeli pero hindi ko sila pinansin. Sa mga oras na ito ay hindi ko mahanap ang aking sarili, parang gusto ko nalang mawala sa mundong ito---
Pero bigla na lang may yumakap sa'kin na ikinagaan ng pakiramdam ko. Dahil doon, binuhos ko lahat ng aking luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi ko maintindihan ang sarili ko- Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit, tapos biglang mawawala." hagulhol ko at kagaya ko ay nababasa na siya sa ulan ng dahil sa'kin.
"Just tell me what's your problem, okay? Huwag muna ngayon baka magkasakit ka--tayo. Handa akong pakinggan lahat ng iyon, tumayo kana't umuwi na tayo." -hinawakan nito ang kamay ko at gustuhin niya sanang buhatin ako, pero hindi ako pumayag.
Para akong nalulumbay habang nakasandal kay Xandrei dito sa loob ng bus at papauwi na. Wala akong dalang extrang damit at mabuti naman ay binigay sa'kin ni Kazimir ang extra niyang T-shirt.
Dahil sa aking pagod ay unti unting pumikit ang mga mata ko at nakatulog.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
RenzelD33
03/10
0thx
08/12/2023
0nice novela
10/04/2023
0Tingnan Lahat