Homepage/BRING THEM BACK/
Chapter 11
Goodmorning Sunday! Linggo na ngayon at masaya naman ako kahit naparusahan kaming tatlo nila Yara at Yeli, although napapahiya pa kami. Pero ok lang naman kasi hindi masyadong malala ang pinapagawa ni Madame Fe sa amin. Huwag kang mag aalala sa picture frame, hindi nila nabawi iyon...
NANDITO na kaming lahat sa parking lot ngayon. Tuwang tuwa ang mukha ng mga kaklase ko, lalo na sila Ali at Jared. Ina-anunsyo kasi ng teacher namin kahapon sa science na may field trip kami at ang mas nakakatuwa pa ay mag civillian lang kaming lahat. May PE uniform naman pero karamihan sa mga kaklase ko ay gusto mag civillian, maging ako rin.
Habang nag aantay sa aming bus ay bigla akong tinawag ni Yeli na papalapit sa'kin.
"Adelise! Bad news! Bad news!" agad naman nanglaki ang mata namin ni Yara.
"Ano 'yon?"
"Naubos na ang gummies sa cantee--"
"Ano?! Pati ba naman ngayong pupunta tayo sa fieldtrip?! Tsk." sigaw ko at nag krus ng braso. Hinahanap ng mata ko si Xandrei, pero iba ang nakita ko. Class 1A
Hindi ko inaasahang nandito rin ang taga ibang section. Naka civillian din sila gaya namin, ang aastig ng mga porma nila at naka fierce pa. Idagdag pa natin ang suot ni Beatriz at ng mga kasama niya, lalo na si Jasiri. Kay louri ay simple lang din at nakakaagaw pansin ang orange halter niya, ang ganda rin ng pattern. Samantalang ako ay simple skirt lang at white T-shirt.
Nasagip ng mata ko si Kazimir na naglalakad papunta sa'kin habang nakangiti. Dahilan iyon para matulala ako sa kaniya. Ang gwapo niya, naka puting shorts siya na hindi lumampas sa tuhod, itim naman ang kanyang polo at rubber shoes. Bagay sa kanya ang suot niya, lalo na ang itim nitong shades.
Lumapit siya sa'kin, "Goodmorning, Who's you're looking for?" tanong niya at natauhan naman ako. Ngayon ko lang din napansin ang karamihang nakatingin sa'min, talaga?
"A-Ahh...S-si Xandrei--"
"Bakit naman?" nagbaba ako ng tingin at kasabay niyon ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Nagsisisi ako kung bakit ko nasabi ito.
"Ano...K-Kas--"
"BOTH SECTIONS BE READY!" biglang sigaw ni Mrs. Quezada. Siya ang teacher namin sa history at Science. Sumunod naman ang mga estudyante sa kanya at kami rin ay naghanda.
"Bakit nandito rin kayo? May fieldtrip din kayo?" tanong ko kay Kazimir at tumango naman siya. Hinanap ko sila Yara at Yeli, 'yon pala ay kasama nila Ali at Jared.
Dumating na ang dalawang bus na sa palagay ko ay iyon ang aming sasakyan. Hindi pa rin masaya ang aking mukha dahil wala kaming baon na gummies.
"Class 2A, dito kayo!" si Mrs. Quezada. Pumasok naman ang iba naming kaklase, pero lumingon muna ako kay Kazi.
"Mas maganda iyon kasi marami tayo. S-Sakay na 'ko," paalam ko at sasakay na sana, pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan ng aking kaba.
"Sa amin ka nalang sumakay," sabi niya at ngumiti. Hindi ko maitatangging ang gwapo niyang gumiti, nagbaba nalang ako ng tingin sa aking kamay na hawak niya bago bumitaw. "I can ask Mrs. Quezada for that--"
"P-Pero--"
"Pleeaassee??" aniya at nagsusumamo, wala na akong magawa kundi ang tumango nalang, agad namang lumiwanag ang mukha ni Kazi.
Umayos siya ng tayo at aktong yayakapin ako, pero nagulat ako nang may isang kamay ang pumigil sa kanya at dahilan para mapaatras si Kazimir.
"Kahit kapatid pa kita, hindi ko hahayaang gawin mo iyan." ganoon nalang ang gulat ko sa sinabi ni Xandrei. Kay tagal ko siyang hinanap at buti naman ay nagpakita na siya. Natuwa ako nang makita siya, pero huwag naman sa ganitong paraan na mag aaway sila.
"I'm sorry, K-Kazi. Doon nalang ako sa section namin." sabi ko at napayuko, tumango lang naman si Kazimir at napansin kong lumingon siya kay Xandrei at tinignan ito ng masama at saka umalis.
Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Xandrei, kung maka gano'n nalang siya parang pag aari niya ako.
Ilang sandali ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papasok sa bus. Nagsitinginan ang mga kaklase namin lalo na sila Yara, wala akong magawa kundi yumuko na lamang.
Biglang huminto si Xandrei dahilan para mabunggo ako sa likod niya, napakasarap pala yumakap sa kanya at ang bango. Kahit naka-oversized T-shirt lang siya at shorts, ang ganda pa rin ng porma niya.
Umupo siya malapit sa bintana at nilingon ako na kanina pa pala nakatayo.
"Uupo kaba o hindi? Ikaw nalang inaantay nila." sabi niya at napalingon naman ako sa kanila, nakatingin sila sa akin pati na sila Yara at Yeli na nakangiti sa'kin sa likod.
Tinignan ko kung may iba pang bakanteng upuan, pero wala na, kaya napipilitan nalang akong umupo sa tabi ni Xandrei. Narinig ko rin ang mahinang tili ng aking mga kaklase. Napairap nalang ako at tumingin sa itaas, bago umandar na ang bus.
"Ang swerte mo, Adelise. Kanina pa iyan nag antay sa'yo." bulong ni Jared sa likod at narinig ko naman ang pagtangi ni Yara sa tabi niya.
"Mag o-offer nalang ng upuan, hindi pa katabi sa bintana. Tsk." mahinang bulong ko na ako lang ang makarinig.
"Syempre, para kapag aantukin ka, matik na sasandal ka sa'kin." biglang dugtong niya na ikinaiirita ko.
"As if namang matutulog ako." asik ko at nag krus ng braso.
Maya maya ay bigla nalang may kumalabit sa gilid ko at paglingon ko ay bumungad sa'kin ang isang garapon na puno ng gummies. Nanlaki naman ang aking mga mata at lumingon kay Xandrei na nakatingin din sa'kin.
"Eat well," iyon lang ang sabi niya at dahil sa hilig ko ng gummies ay agad akong kumuha ng tig tatatlo at kumain.
Inaayos ko ang aking pagkain dahil sobrang nakakailang. Palagi siyang tumitingin sa'kin at minsa'y matatawa pa, naiilang tuloy ako.
"Ano bang silbe ng inuupuan mo malapit sa bintana kung nasa akin palagi ang mga mata mo?" singhal ko, napa smirk naman siya saka nagsalita.
"Kasi na sayo palagi ang puso ko," kahit na uminit ang aking mga pisngi ay pilit ko pa ring tinatago iyon. Ayon na na naman ang mga banat niyang corny, sarap ihagis. Buti nalang kami lang din nakakarinig ng pinag usapan namin.
Kumuha pa ako ng gummies, pero wala akong nakuha ni isa at ngayon ko lang napansin na ubos na pala 'yon. Nag angat ako ng tingin kay Xandrei, pero this time ay nasa labas na siya nakatingin. Nahihiya rin akong manghingi pa.
Ilang minuto na ang nakalipas ay huminto na ang bus. At kasabay niyon ay napatingin kami lahat sa labas.
'Chapman Zoo'
Huminto kami sa isang napakalaking Zoo, nasa labas palang kami ay rinig na namin ang mga boses ng iba't ibang hayop. Gaya ng mga elepante, leon at iba pa.
"Uy! Eto na ang Zoo! Yeheyy"
"Sa wakas, nakapunta na rin ako dito,"
"Ako din, ito ang favorite place ko."
Sabi ng aking mga kaklase. Pagbaba namin ay mas lalong lumaki iyon sa aking paningin. Mukhang hindi lang ata mga hayop ang meron dito, may magagandang views din. Napansin kong naka ready na ang mga cameras, cellphone at ibang mga gadgets ng kaklase ko, ganoon na rin ang taga ibang section.
"Naku, ito talaga ang panaka-ayaw ko na lugar!" ani Yara sa'kin at kumunot naman ang noo ko.
"Bakit naman?"
"Basta! Napapangitan ako sa mga hayop--"
"Woy! Ang kyut kaya ng mga hayop, wala ng pangit dito kundi ikaw lang." singit ni Yeli dahilan para samaan siya ng tingin ni Yara. Tumakbo si Yeli at agad naman itong hinabol ni Yara.
"Tsk. Parang mga bata talaga," pa iling-iling na sabi ko at ganoon nalang ang gulat ko dahil sa iglap pa lamang ay nasa tabi ko na si Kazimir.
Palihim ko namang tinignan si Xandrei, ang masaya niyang mukha kanina ay wala na sa mood ngayon. Hinayaan ko nalang siya at sa halip ay hinintay na lang si mrs. Quezada.
Dalawang section kami, pero hindi ganoon karami, dahil sa isang section ay hanggang 15 students lang. Sa palagay ko din ay hindi umabot sa kinse ang C1A. Sa wakas ay nagsalita na rin si Mrs. Quezada, kaya tumahimik na kami at pinakinggan siya.
"Actually, this fieldtrip is our headmistress's request. Asside for our lesson in Science, the headmistress also want you to enjoy at this time--" napasigaw naman sa tuwa ang ibang mga estudyante.
"BUT! It doesn't mean na lalakad-lakad na lang kayo kahit saan!"
"Pero, Ma'am! What if kung sa loob lang ng Zoo?" tanong ng isang estudyante na sa tingin ko ay sa ibang section. Umiling naman si ma'am,
"Offcurse not! There is only limited time. Sabay sabay tayo lahat, walang maiiwan at walang mangunguna." nag pout naman ang karamihan sa mga estudyante. "Pero, bibigyan ko rin kayo ng oras para mamasyal kung saan niyo gusto. Basta, nasa loob lang ng Zoo!" ang kaninang mukha nilang pout ay napalitan ng saya.
Nakaramdam ako ng panlalamig nang pumasok na kami sa Zoo. Akala ko, sa labas lang maganda, pero pati pala sa loob. Maraming mga tao doon at may mga bata ding naglalaro at nag eenjoy. May mga maliliit na bahay at sa loob no'n ay may bentang snacks at iba pang mga pagkain.
Sabay sabay kaming bumili ng ticket para makapasok sa iba't ibang lugar ng mga hayop. Tatlong ticket lang ang nabili ko imbes na lima dapat.
"Ako na bibili ng dalaw--" hindi pinatapos ni Xandrei si Kazimir.
"Hindi, ako na." aniya at sinamaan naman siya ng tingin ng kapatid.
"Bakit?! Ako na lan--"
"Tumahimik ka! Ak--"
"WHAT THE PARADA! Huwag niyo na lang akong bilhan! Ang ingay niyo!!" singhal ko at iniwan sila. Pumunta na lang ako kila Yara at Yeli para doon manghingi ng ticket.
"Uy! Saktong sakto may sobra kaming dalawa." si Yara,
"Salamat talaga ah?" tumango naman sila.
"Sige na, puntahan mo na si Xandrei. Sabay na lang kami sa dalawang jejemon." ani Yeli.
"Napaka saya talaga nilang kasama. Mag eenjoy ka talaga." sabi naman ni Yara.
"Kung ganoon, pwedeng sa inyo nalang ako sumama? Ang ingay kasi nila, ticket nalang pag aawayan pa." paliwanag ko sa kanila at napatawa naman ang dalawa.
"Taray mo teh, pinag aagawan ka ng magkakapatid!" matawa-twang si Tara, ngunit umirap na lamang ako.
"Well, well, well. Looks like she's ready to see her twin here in the Zoo. Aren't you, Adelise?" sabad ni Beatriz habang nakapamewang at hindi naman namin siya pinansin.
"Sabagay, speechless talaga tayo kapag napakaganda ng nasa harap natin." anang kabigan niyang si Trixie, pero hindi pa rin namin sila pinansin.
"Ugh! Let's go girls, we're just wasting time for that lowkey monkeys." natawa si Beatriz, pati na rin ang mga kasama niya, including Jasiri. Pero hindi ko nakita si Louri. Mabuti naman ay umalis na sila sa harap namin,
"Ugh! Low quality girls? Really?" sarkastikong ani Yara.
"Dzuhh, better don't mind them. They're just lowkey bitches who always keep barking." sabi ko at nakangisi naman silang sumang ayon.
Nagsimula na kaming pumasok sa isang lugar kung saan nandoon lahat ng mga alligators and crocodiles. Syempre, hindi pa rin mawawala ang pagkaignorante namin.
Biglang may sumingit na isang babae sa amin. Naka stripes siya at naka bucket hat. Sa palagay ko ay isa siyang zookeeper.
"Hi Marteleans! Let me introduce my self first. I am Ms. Madeline Casey, the zookeeper. My responsibilities usually include feeding, maintaining and cleaning the animals, diet preparation, behavioral observation, record keeping, exhibit maintenance and providing environmental enrichment for the animals in their care." pakilala ng babae at nakakatawa dahil nakarinig ako ng mga tilian ng aking kaklase, lalo na sa mga lalaki. Ang ganda kasi niya.
"And wait, class! She is also Ms. Madjdoline's younger sister. Katulad niyo ay nag aaral din siya sa Martel University noon." sabad ni Maam at napa tango naman kami. Nagulat kaming mga girls dahil maraming lumapit sa kanya ang mga estudyanteng lalake at nagpakilala.
"Hi, Ms. Casey!"
"Your beauty!"
"Can we be friends?"
"How old are you, po?"
"Saan ka po nakatira?"
"Ang ganda mo po!"
"Age doesn't matter!"
"Ang ganda, Xandrei!"
"I'm Xandrei Severro, nice--"
"TUMIGIL NA KAYO MGA HINDOT!" agad silang nanahimik dahil sa malakas na pagsigaw ng tigre. Pati ang mga tao na namamasyal ay nakatingin kay mrs. Quezada.
Pfft. Putcharagis ang lalandi kasi! Lalo na 'yong isa diyan! Patay sa'kin iyan!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
RenzelD33
10d
0thx
08/12/2023
0nice novela
10/04/2023
0Tingnan Lahat