Homepage/BRING THEM BACK/
Chapter 10
"Pero, ano namang meron doon? Ibebenta mo ba iyon?" ani Yara at napangisi naman kami ni Yeli.
"Ako ang may ari no'n," nanlaki ang mga mata nila.
"Paano?" sabay sabay sila.
"Basta. Kailangan ko lang ng tulong niyo!" hindi na sila nagsalita pa sa halip ay tumango nalang sila.
Paghandaan ko na kung paano makuha iyon. Malakas ang kutob kong magagamit ko ang litratong iyon balang araw kapag kakailanganin.
Ngayon ko lang napansin na tulog na silang dalawa. Pagkatapos kong maligo at magsipilyo ay dumiretso na ako sa higaan at dahan dahang pinikit ang mga mata at matulog muna, sandali.
Sa isang mansiyon kung saan si Maximo at ang kanyang pamilya ay nakatira. Hindi lang din sila ang namalagi dito, bukod sa mga katulong ay nandito rin si Ginang Trinidad Maurin, kakauwi lang niya galing sa ibang bansa.
Napakalaki at kaaya-aya, para kang nasa isang kaharian. Mga patong ng hagdan dahil sa laki nito at may maraming kuwarto. Hindi mo maiwasang mamangha sa mga estilo nito at mayroon ding mga bagay na kumikinang.
"I don't know, but she's familiar." napakaseryosong tukoy ni Maximo kay Adelise. Nag iisa lang ito sa kanyang opisina at pilit may inaalam.
May kinuha siyang isang papel sa drawer at may tinitignan doon. Isang papel kung saan nakalagay ang ibang impormasyon tungkol kay Adelise.
Hindi ko alam kung saan kaba talaga nanggaling, hindi rin ako naniniwalang galing ka ba talaga sa Zhen. Napakapamilyar...
"Dolor?!" sigaw niya habang may tinatawag. Wala pang segundo ay nasa tabi na niya ang personal secretary na si Dolor.
"Ano po iyon, sir?"
"May nakuha kana bang bagong impormasyon?!" singhal ni Maximo.
"T-Tungkol saan po, sir?" tanong nito, dahilan para mapasigaw si Maximo. Natakot naman si Dolor at walang magawa kundi takpan ang bibig.
"Sino paba?! Edi ang babaeng Zhen!"
"Ah opo sir, opo! Andito po," nagmamadali niyang kinuha ang isang pahina at agad na binigay iyon.
Tinignan naman niya ang nasa papel. Meron siyang hindi maintindihan, kaya tinanong niya ulit si Dolor.
"Can you explain this?!" nilinaw naman ni Dolor ang boses saka nagsalita.
"Tinanong po namin kanina sa mga magulang niya kung totoong anak ba nila iyon. Pero ang sabi nila ay, oo daw--"
"And then?!"
"Hindi po kami naniniwala, kaya hiningi namin ang birticif--b-berc--birth certificate! Niya po."
"At ano ang dahilan niyo?" kunot noong si Maximo.
"Kailangan lang daw po ng Martel. Iyon lang po at pumayag naman sila." tugon nito at nanatiling tahimik si Maximo habang may iniisip. Maya maya ay napahinga siya ng malalim, bago nagsalita.
"Thankyou, at makakaalis kana." huling aniya at sinunod naman iyon ni Dolor.
Ngayon ay nag iisa na lang siya at nang masanay sa ginagawa ay napatingin siya litrato ng anak niyang si Xandrei. Nag iisa lang at nakasuot ng pormal.
Sa litratong 'yon, napakabata pa niya at makikita doon ang tunay na saya ni Xandrei. Biglang nag iba ang pakiramdam niya at parang naaawa. Pero sa halip na damdamin iyon ay isinatabi niya at iniling ang sarili para mawala ang naramdaman.
"Too bad there's no more way you can go back to the past, Xandrei."
---
Adelise's
GUMISING KAMI NG madaling araw para gawin ang dapat na gawin. Nakahanda na ang dapat handain, maging ang lubid ay handa na rin. Hindi ko alam kung paano nila gagamitin iyan.
HAHAHAHA
"Paano gagamitin ang lubid na 'yan?" takang tanong ni Yara, ngunit umiling lamang si Yeli at kinuha iyon.
"Basta, alam ko." tanging aniya.
Lahat ng suot namin ay puro itim at sinisiguradong hindi kami makita. Hindi ako sigurado sa planong hinanda ko, pero tiwala nalang ata ang dapat kong gawin.
Huminga ako ng malalim saka sila tinanong. "Ano? Handa naba kay--"
"Kanina pa kami handa!"
"Actually, excited pa nga kami. 'Yong parang nasa TV, mga secret agents!" excited na ani Yeli at patalon talon pa. Pero sinita naman siya ni Yara, para patahimikin.
Nasa likod lang ng library ang history room, Nasa kabilang building naman ang library at ikalawang palapag. Pinagmasdan ko sa bintana ang maliwanag na paligid at hinahanap kung nasaan ang pinakamadilim na parte.
Napangiti naman ako nang mamataan ko na 'yon.
"Tara, simulan na natin ang show!" sabi ko at napangisi naman sila. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla kaming pinigilan ni Yeli, dahilan para mapatalon kami ni Yara sa gulat.
"Wait, ano muna ang name ng squad natin?" napatampal nalang ako sa sariling noo dahil sa kanya.
"Ano...Mabait squad!" mahinang sigaw ni Yara.
"Hinde! Maganda squad! Perfect!" protesta naman ni Yeli. Inaantay ko nalang sila kung kailan matapos.
"Parang ang jeje naman, Marupok squad--"
"What?! Ni isa hindi nga tayo nagka boyfriend or ex, tapo--" hindi ko na siya pinatuloy at nagsalita.
"Squadters! Ano? Angal?" napalaglag ang kanilang panga at kasabay no'n ang pagkunot ng kanilang noo.
"W-What?! Is that coming from squatter?"
"Excuseme, may tatlo nga kaming apartment na pagmamay ari. May dalawang hotel din kami at isang resort." si Yeli,
"Kami may tatlong bahay at meron din kaming pagmamay ari na gusali. Hindi lang iyon, may sarili pa akong kompanya." ani Yara.
"Oh sige, tama na ang daldalan! Baka may makakarinig satin. Basta, 'Yon na iyon!" sabi ko. Wala na silang magawa pa kundi sumunod nalang sa'kin.
Pangalan nalang, pag aawayan pa. Tsk tsk tsk.
Pagkalabas namin ng dorm. Hindi ko maiwasang manlamig, napakadilim at nakakatakot. Pero wala naman atang multo dito. Aaminin kong, kinabahan talaga ako.
Tahimik kaming dumaan sa madilim na pasilyo. At habang naglalakad kami, ganoon nalang ang aming gulat at pagtataka ng may narinig kaming ...
Wut da?!
Sa palagay ko ay nasa loob iyon ng dorm. Napansin kong napatawa ang dalawa at maging ako ay gano'n na rin. Pero dahil nga ay sumobra na sila, isa isa kong tinampal ang mukha nila at natauhan naman ang dalawa.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad and woallaa! Nakita ko na ang bintana kung saan kami dadaan papunta sa kabilang building. Katapat lang iyon ng maliit na stockroom.
"Seriously? Dito tayo dadaan?" nandoon ang arte sa tono ni Yeli.
"Asan lubid mo? Magbigti kana!" sabad ni Yara at napasmirk naman ako. Binigay ni Yeli ang lubid at sinigurado ko munang matibay iyon.
Dahan dahan kong binuksan ang bintana, habang sila naman ay bantay kung sakaling may tao.
Hindi nagtagal ay agad ko namang nabuksan iyon. Napatingin ako sa labas, may maliit na rehas sa ilalim ng bintana. Inihanda ko na ang lubid at tinali iyon ng mahigpit. Pagkatapos kong itali, ay tumingin ako sa kabilang building. Isang lobby ang nakita ko. Napakapamilyar at sa aking paningin ay, ito ang Drafting room. Hindi 'yong kay sir Olivarez, para ito sa mga engeneering students or architec? Sa palagay ko ay ito ang kinuha ni Xandrei.
"Yara? Nasaan ang hook?" tanong ko habang nasa kabilang building nakatingin. Napansin kong napakamot siya sa batok,
"E-eheh, hanger lang ang dala ko--"
wtf.
"Anong gagawin natin sa hanger na 'yan? Hah? Tsk." napailing nalang ako.
"Pero, hindi naman ito basta hanger lang. Look!" inabot niya sa'kin metal na hanger na ikinalaki ng mata ko. May ganito pala?
"Gulat ka ano? Ako, may dala akong hook." ani Yeli at inabot sa'kin ang hook. Napangiti naman ako sa kanila.
Binato ko ang lubid na may hook at nasabit naman iyon sa rehas ng lobby, sa kabilang building. Ganoon nalang ang saya namin.
"Yes!....Yeah...ok..byee!"
Biglang may narinig kaming babae na paparating. Kaya agad na kaming kumilos. Gamit ang metal na hanger ay ginawa namin iyong zip line.
"Weeee!!"
"Best life of my time!"
"Tahimik, mga ulol!"
Tagumpay kaming naka transfer na ikinasaya namin, lalo na 'ko. Niligpit namin ang gamit kanina at naghanda.
Pumasok na kami sa building na iyon at naghiwa-hiwalay. Ang dalawa ay dumaan sa may laboratory, sa kanan. Habang ako naman ay dumaan sa kaliwa at magkasalungat kami. Nasa plano namin iyon, alam namin kung saan dapat pupunta.
Dahan dahan akong tumakbo, 'yong walang makarinig dapat. Aaminin kong nakaramdam ako ng kaba kanina pagkatapos namin makatawid dito. Malakas ang aking kutob na may nakakita sa amin, pero huwag naman sana. Sana nagkakamali lang ako.
Sa wakas ay nakita ko na rin ang History Room. May mga dalawang guards na nakaupo doon at mula sa malayo ay kita ko pa rin ang suot nilang earphones. Ngayon ay hinahanap ko sila Yara at Yeli, hindi nagtagal ay nakita ko na rin sila sa malayo. Nagawa nilang kumaway sa'kin at biglang naglaho.
Nanatili pa rin ako sa likod ng trashcan, nang biglang may narinig kaming malakas na pagbagsak ng isang bagay. Dahilan iyon para ma alarma ang dalawang guard at agad na tumayo.
"Parang may tao doon ah?"
"Halika, tignan natin."
Iyon ang sabi nila at umalis. Napangiti ako kung paano nagawa namin ang plano. Sunod sunod ay narinig kong mas lalong lumakas ang ingay, alam kong pinanggagawa iyon nila Yara at Yeli.
Wala na akong nakitang tao ngayon. Gumapang naman ako papunta sa history room. Napaawang ang aking labi dahil lock iyon,
Sh8!
Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa'kin, at pagtingin ko ay si Yeli pala. Napahinga ako ng maluwag at tumingin sa hawak niyang susi.
"Hmm?" nakangising aniya.
"Thanks," tumango siya at iniwan ako.
Agad ko namang binuksan ang pinto at pumasok. Dala ko pa rin ang susi nang makapasok na ako.
Malaki ang history room, kasya ang limang kuwarto sa loob nito. May maraming mga litrato, hindi lang ang litrato ng may ari. Pati na rin ang mga bayani at iba pang mga tao na binabanggit sa History. May mga bagay din doon, katulad ng cuneiform at iba pa.
Huminga muna ako ng malalim at pumikit muna. Pangako, para sa kanila ito. Para sa aking sarili. Nagmulat na ako at agad na hinanap ang lumang drawer, kung saan nandoon ang Litrato. Hindi nagtagal ay nahanap ko naman iyon at agad na binuksan.
Napahinga ako ng maluwag at kasabay niyon ay napangiti ako, dahil nakita ko ang litrato. Iba iba ang aking naramdaman habang hawak ko iyon. Wala na rin akong magawa kundi, tinakpan ko iyon ng tela at sinigurong hindi makita. Pagkatapos kong gawin iyon ay inihanda ko na ang sarili kung paano tumakas dito. Hinahanap ng aking mata kung may bintana ba dito, pero meron at nag iisa lang.
Lumapit ako doon at dahan dahang binuksan. Sliding window kase iyon. Tinignan ko ang baba at walang tao. Hinahanap ko si Yara, para sunduin ako. Pero natakot ako dahil hindi ko siya nakita.
Narinig kong gumalaw ang pinto na animo'y may papasok. Nagsimula na ang matinding kaba ko at parang nangingig na ang aking tuhod. Tinignan ko ang ulit ang labas, pero wala pa rin si Yara. No choice, umakyat ako sa bintana. Sa ngayon ay hindi ako natatakot mamatay, hindi rin naman nakakatakot tumawid doon dahil napakababaw lang. Mababaw nga ba?
No if's and No But's, bumukas ang pinto at kasabay niyon ay tumalon ako ng walang pag aalinlangan.
Napapikit ako hanggang sa aking pagbagsak. Buti nalang ay hindi tumama sa ulo iyon at nangunguna sa aking paa at sunod naman ay kamay. Ouch, napakasakit, pero kaya pa.
"Squadters!! Katapusan na natin!"
"Ayun siya!"
"Huliin ang batang iyan!"
Napatingin ako sa mga guard mula sa malayo habang tumakbo papalapit sa'kin. Kasabay no'n ang paglaki ng aking mata dahil hawak nila sila Yara at Yeli na pilit pumipiglas.
"Malalagot talaga kayo nito!"
Dali dali akong tumayo at tumakbo ng mabilis. Hula ko ay hindi lang dalawang guard ang humahabol sa'kin, mahigit tatlo ata. Tumakbo pa rin ako at pumasok sa flush-glazed building. Madilim dito at ang tanging liwanag lang ay ang mga flashlights nila.
Hinawakan ko ng mahigpit ang litrato at hindi ko kayang pakawalan iyon. Hindi ko na rin alam kung saan ako papunta. Naghahalo ang takot, pagod at kaba sa aking sarili. Hingal na hingal na ako at naisipang huminto muna. Pero hindi pa nakaabot ng segundo ay ayon na naman ang paparating na flashlight at sigawan nila.
Tumakbo na naman ako ng tumakbo, ni hindi ko na rin napansin ang pawis ko. Habang pilit na tumakas ay ganoon nalang ang aking pagkabigla at mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil biglang may humila sa'kin papunta sa napakadilim na sulok. Mas rinig ang pagtibok ng aking puso dahil sa magkadikit naming katawan.
Magsasalita na sana ako nang bigla nitong tinakpan ang aking bibig. At nakita ko ang mga guwardya na tumatakbo at nilagpasan kami, parang hindi nila kami nakita.
Tahimik na at walang ingay, ang tanging narinig ko lang ay mga sigawan nila Yara at Yeli sa labas. Naaawa ako sa kanila, pero bago pa man iyon ay sino muna 'tong nasa likod ko?
Dahan dahan akong humarap sa kaniya dahilan para mabigla ako. Kailangan ko pang mag angat ng tingin dahil sa tangkad niya, maging ang kanyang anino ay napakaganda ng porma, pamilyar din ang bango niya.
"X-Xandrei..." tanging lumabas sa aking bibig, ngunit hindi pa rin siya nagsalita at lumingon sa bagay na hawak ko. "A-Ano... A-alam ko namang paparusahan ako p-pag g-ginawa ko it--"
"It's yours now." lumiwanag ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.
"S-Sakin naman talaga 'to." sabi ko, pero hindi na siya nagsalita pa. Sandaling tumahimik at nakaramdam naman ako ng ilang.
"I saw you kanina sa drafting room namin." aniya at tumahimik nalang ako.
"Ihahatid kita sa dorm niyo." nagulat ako sa kanya. Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako. "I know you're not fine--"
"Me?? Not fine? Hindi! Ok naman ak--" hindi ko natapos iyon nang bigla niya akong hinawakan at isinandal sa pader, dahilan para sumakit ang braso ko. "Aray!" sigaw ko at buti naman ay binitawan niya ako. Napahawak ako sa aking braso at may pasa iyon. Sa palagay ko ay kanina pa ito.
"See? You're not fine." napayuko nalang ako.
Ilang sandali ay nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Parang may dumadaloy na kuryente galing doon papunta sa akin. Bumalik na rin ang kaba na hindi maipaliwanag.
Siya ang naghatak sa akin papunta sa building kung saan lahat ng mga dormitories.
Bigla kong naisip sila Yara at Yeli, ano na kaya ang nangyari sa kanila ngayon? Masama ba akong kaibigan kasi iniwan ko sila? Nalulungkot ako sa kanila at naaawa na rin. Sana ok lang sila ngayon. At kung may parusa man ay sana hindi gano'n kalala.
Nakarating na kami sa pinto ng dorm namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, tulala pa rin ako sa pangyayari.
"Huwag kang mag alala sa mga kaibigan mo. I know my Mom," aniya na nakapagpagaan ng aking pakiramdam. Bumuntong hinga ako bago nagsalita,
"A-Ahh, t-thankyou pala." pasalamat ko at tumango naman siya.
"Pumasok kana kung ayaw mong bubuhatin pa kita diyan papunta sa kuwart--loob." agad ko siyang sinamaan ng tingin at napangisi naman siya. "Joke lang."
"Oh sige, basta please sabihan mo si madame Fe. Papasok na ako, bastos!" sabi ko at agad na pumasok saka sinara ang pinto.
"Ano?! Ako? Bastos?" sigaw niya sa labas, hindi masyado malakas dahil may natutulog.
"Oo!" sambit ko. Narinig ko naman siyang napipikon.
Napatawa na lang ako at napahinga ng maluwag. Sa wakas ay nakuha ko na rin ang litratong 'to. Pero kahit nasa kamay ko na ito, hindi ko pa rin makakalimutan ang nagtulong sa akin.
Salamat kay Yara at Yeli dahil sinamahan nila ako. Sana nga ay magawa ni Xandrei na pagsabihan ang mom niya. Sana hindi rin nila sasabihin ang pangalan ko. Kung puwede lang sanang matupad ko ang pangarap ko without doing anyhting. Iyong makita ko si Caldence na hindi siya hinahanap, Iyong yayaman ako na walang ginagawa, O kahit gaganda ako na hindi nag skin care. Mali, maganda na ako, noon pa.
Basta, may isang nahahalataan lang ako.
I felt familiar between Caldence and Xandrei. The way he laugh and he jokes. The same feelings and the same thoughts. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na naman ako ng lungkot sa tuwing naaalala ko si Caldence. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
RenzelD33
03/10
0thx
08/12/2023
0nice novela
10/04/2023
0Tingnan Lahat