Chapter 36

AVIE'S POV
Dumilat ako, "Huh? Anong problema?" i asked, trying to act normal.
Natawa siya, "May problema ba kung tumitig ako sa mukha mo?"
Napaawang ang labi ko.
"E-eh?" sa pangalawang pagkakataon hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong sabihin.
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
"Hoy! Nautal ka dyan!"
Natigil kami sa pag uusap na siyang pinagpapasalamat ko dahil dumating si Ma'am. Gaya ng mga nagdaan naming klase ay naging puro reklamo ang mga kaklase ko nang matapos ang klase namin kay ma'am.
"Ano ba 'yan! May ipapasa na naman!" reklamo ng isang kaklase kong lalaki.
"Kaya nga, e. Nakakatamad na!"
"Agree, agree. Akala ko nga pahinga na."
"Gusto mo ng pahinga Dela Cruz?" tanong ng Vice President namin.
"Oo Vp!"
"Halika dito, tatapusin ko na 'yang buhay mo at nang makapagpahinga kana. Puro ka reklamo!"
"Dela Cruz, kay Vp mo lang pala malalasap ang pahinga mo!"
Napuno na naman ng kantyawan at tawanan ang klase namin.
"Ayoko ng pahinga ni Vp! Gusto ko pahinga ni Pres!" sigaw ni Dela Druz na ang tinutukoy ay ako.
"Hoy, anong klaseng pahinga 'yan hambog?!" sigaw ni Celine.
"Alam mo na 'yon, Celine."
"Aba! Taken na 'to!!" nang gigigil na sigaw ni Celine.
"Oo nga taken na 'yan, baka imbes na si Vp ang tumapos sa buhay mo Dela Cruz, etong katabi ko ang kumitil sa'yo." napatingin ako kay Gab nang sabihin 'yon.
Lumipat ang tingin ko kay Jaiden na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin.
Bakit parang ako ang may kasalanan?!
"Ano?" i mouthed to him.
Kahit malayo ay dinig ko ang, "tss" niya.
"Hoy! Tama na 'yan!" sigaw ni Celine.
Sa halip na makinig sakanila ay nilabas ko nalang ang notebook ko at nag umpisang magbasa ng lecture ng last lesson namin.
"Pres! Pahiram ako notes mo!" sigaw na naman ni Dela Cruz.
Problema ba nitong pangit na 'to?!!
"FVCK YOU DELA CRUZ! PUMILI KA NG IBA 'WAG 'YONG AKIN!" sigaw ni Jaiden, napatingin ako sakanya at nakitang namumula siya sa inis.
"Chill, nagbibiro lang ako." natatawang sabi ni Dela Cruz.
"Pangit kana nga, pangit ka pa magbiro." inis na sabi ni Jaiden sakanya.
Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi niya.
"Aba! T*ngina mo Abella!"
Ngumisi siya, "What? Totoo naman ah?"
"Tss. Pasalamat ka nalang tinatamad ako makipag away."
"Tsk, ako hindi ako tinatamad."
"Jaiden, stop." awat nila Tyler.
"Ah, hindi ka tinatamad?" nakangising tanong ni Dela Cruz at tumayo na sa upuan.
"Oo." tumayo na din si Jaiden sa upuan niya.
Nasa dulo nakaupo si Jaiden habang si Dela Cruz naman ay nasa pangatlong row. Isang row lang ang pagitan nila.
"Jaiden!" tawag ko sakanya.
Bumaling siya sa akin at nakuha pang magtaas ng kilay!
"Umupo ka dyan! Baka ako tumapos sa'yo!!" nanggigigil na sabi ko sakanya.
"Upo kana daw dude, baka matigok ka pa." rinig kong sabi ni Gab.
Hindi pinansin ni Jaiden si Gab at tumitig lang sa akin, naiinis na tinitigan ko din siya.
"Alis nga!" hawi ni Jaiden sa kamay ni Gab.
Napangiti ako nang makitang umupo si Jaiden sa upuan niya.
"Under ka pala Abella!" pang iinis ni Dela Cruz.
K*ngina ng pangit na 'to ha, batuhin ko 'to ng notebook ko!!
"Stupid, wala kasing pumapatol sa'yo!" pang aasar din ni Jaiden.
"Hindi ka sigurado, tignan natin kay Pres—" pinutol ko ang sasabihin ni Dela Cruz.
"Yuck! Huwag nalang!" sabat ko.
Nagtawanan ang buong klase habang si Dela Cruz naman ay tumingin sa akin nang salubong ang kilay. Inirapan ko lang siya at nagbasa na ulit.
Natapos ang sumunod na subject namin at ngayon ay lunch time na.
"Let's go na?" tanong ni Jaiden nang makalapit sa akin.
"Wait.." sabi ko dahil sinisinop ko pa ang mga libro ko. Iiwan ko nalang ang mga libro ko sa locker para wala ng masyadong bitbitin mamaya.
Nang matapos sa pag sisinop ng libro ay tinali ko ang buhok ko dahil ramdam ko ang init sa labas ng classroom namin. Habang tinatali ko ang aking buhok ay nanonood lang sa akin ang boyfriend ko.
"Bakit?" tanong ko dahil naiilang ako sa tingin niya.
"Ganda, e." sambit niya habang ginagala ang mga mata sa kabuuan ng mukha ko.
Halos mangatog ang tuhod ko dahil sa lalim ng pagtitig niya sa akin. Eto 'yong klase ng titig na mapapasabi ka nalang ng 'Jaiden anakan mo'ko please!'
"Hee!!" sabi ko nalang, pinipilit na takpan ang kilig na nararamdaman ko.
Tumingin siya sa relo niya.
"Tapos na ako, tara na." sabi ko dahil baka nagugutom na siya.
He bite his lower lip, parang may gustong sabihin ngunit pinipigilan.
"Ano?" hindi makatiis na tanong ko.
"Let's stay here for a while." aniya at halos mapatalon ako nang hawakan niya ang bewang ko.
"B-bakit?!" hinampas ko siya sa dibdib.
"Wala lang, i just want to stare at you." sabi naman niya habang nakangiti.
Mabuti nalang hawak niya ako kundi baka natumba na ako dahil sa sinabi niya. Gano'n pa din ang titig niya. Malalim. Nakakalunod. Para akong hinihigop.
"Ano? Hindi pa kayo aalis?!" biglang sabi ni Celine.
Napatingin ako sa gilid namin at do'n ko lang natanto na hinihintay na pala kami ng barkada, hindi ko alam kung kanina pa ba sila nakatayo sa gilid namin at pinapanood kami.
Tumingin ako saglit kay Jaiden, nakatingin pa din siya sa akin! Jusmiyo.
"Una na kayo, dude." napangisi sila Tyler nang marinig ang sinabi ni Jaiden.
"H-hoy! Hindi ka pa ba nagugutom?!" tanong ko sakanya.
"Oh sige, una na kami. Bye lovers!" paalam ni Gab.
"Aba! Gaya gaya talaga, nakiki-lovers na din." rinig kong bulong ni Celine.
Napangiti ako.
Lumabas na ang barkada sa room at kaming dalawa nalang ni Jaiden ang nasa classroom pati ang dalawang classmate kong nagsusulat.
"I would rather choose to stare at you all day than eating." sambit ng kaharap ko na nakapagpalundag sa puso ko.
Naningkit ang mata ko, pinipilit na umastang normal, "May kasalanan ka ba?"
"Wala ah." ngumuso siya.
"Eh, bakit ganito ka?"
"Anong ganito?"
"You're extra sweet." nagdududang sabi ko.
"Baby, After 10 years higit pa dito ang magagawa ko." bulong niya sa akin.
Natahimik ako, kasama na talaga ako sa plano niya sa future? Nakikita niya na ako sa future niya? Napangiti ako. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ilang minuto kaming gano'n ang pwesto hanggang sa pinaayos ko na siya dahil baka nahihirapan na siya sa pwesto niya. Matangkad si Jaiden samantalang hindi naman ako katangkaran.
"I'm fine, hindi ako nahihirapan. I'm like a cellphone and you're my charger. You're giving me more energy."
"Corny mo naman." sabi ko kahit na kinilig pa din.
"Mahal mo naman."
"Corny pa din."
"Mahal mo pa din."
"Oo na." pagsuko ko at ramdam ko ang pagtawa niya, natawa nalang din ako.

Komento sa Aklat (195)

  • avatar
    kuyacris

    Highly recommended this story. Hope everyone read this, guys worth to read. Kudos to the writer, keep it up.

    11/06/2022

      0
  • avatar
    ScarletHeart

    A highly recommended story. Hope you support her work. 😊💖

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Chichi

    I highly recommend this book, It is nice and interesting.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata