Chapter 33

AVIE'S POV
Pagkapasok ko sa aming bahay ay tumungo ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit, naglinis ako ng katawan. Inayos ko na din ang kwarto ko at nilinis.
Mamaya pa makakauwi si Kuya kaya kailangan ko pang maghintay para makausap siya, bumaba ako sa sala at pumunta sa kusina upang maghanap ng makakain.
"Oh hija, gusto mo bang kumain?" nakangiting tanong sa akin ni manang.
"Opo, ano pong meryenda?" tanong ko.
"May bananaque dyan tsaka maruya."
"Maruya?"
Natawa si manang, "Oo, ngayon mo lang matitikman 'yon. Ano?"
"Opo, ngayon mo lang niluto e." nakangising sabi ko, nagbibiro.
"Naku naman! Hindi ka kasi nagrerequest sa akin."
"Manang hindi ko naman po alam na may pagkain na ganyan." nakasimangot na sabi ko.
"Oh sya, tama na. Halika na at ipaghahain kita."
Sumunod ako kay manang na pumunta sa kusina, nang makarating sa dining table namin ay naupo na ako.
"Oh, tikman mo." nakangiting sabi ni manang tila ba pinagmamalaki ang luto niya, masarap naman kasi talaga siya magluto.
"Hmm, ang sarap. Lasang sunog." pang aasar ko sakanya.
"Aba! Loka loka ka talaga, walang sunog dyan!"
"Biro lang po, masarap siya manang ha!"
"Ako lang 'to hija!" nagmamalaking sambit niya.
"Anong ‘ikaw lang 'to’, akala mo naman ikaw ang masarap, 'yong maruya ang masarap manang." nakangising sambit ko sakanya.
"Aba! Kahit itanong mo kay Manong Carding mo, no'ng kabataan namin natik—"
"OH MY GOD MANANG!" napahalakhak na ako.
Sa sobrang tawa ko ay nabilaukan ako.
"Oh, ayan. Karma!" nahagip ng paningin ko ang pabirong pag irap sa akin ni manang.
"M-manang t-tubig!" nauubong sambit ko habang natatawa.
"Ay, oo!" agad na inabot niya sa akin ang tubig.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito, nakita ko ang paglitaw ng notification. Nagchat sa akin si Jaiden.
Jaiden: Miss you baby!! :<
"Aba! Baby pala ha!"
Nagulat ako kay manang at dahil umiinom pa ako ay biglang lumabas sa ilong ko 'yong tubig, umubo ubo ako.
"Ang baboy mong bata ka, santisima!"
"Bakit po kasi binasa mo?!" nakasimangot na sambit ko nang makabawi sa pagkaubo.
"E, tumunog iyong selpon mo kaya tinignan ko."
"Manang bad 'yan ha!"
"Naku, akala mo hindi siya chismosa!"
Natawa nalang ako at pinapagpatuloy ko na ang pagkain ko, nagpaalam naman si manang na magsasampay pa siya ng mga damit.
Jaiden: Hindi ka nagrereply, 'di mo na ako love? :<
I bit my lower lip to stop myself from smiling pero mukhang hindi ko talaga kayang pigilan ang pag ngiti kung siya ang dahilan.
I typed my reply.
Avie: HINDI NA.
Tatlong segundo pa lang ang lumilipas ay may reply na agad siya.
Jaiden: Should i make you fall inlove with me, again?
Nagchat ulit siya.
Jaiden: Ayos naba 'yong isang halik para love mo na ulit ako?
Avie: ANG BABOY MO POH. :>
Pagkasend ko ng reply ko sakanya ay nakatanggap agad ako ng tawag sakanya.
"What do you mean?" tanong niya.
"Baboy naman talaga, tsk."
"Baboy pero gustong gusto mo, mahilig ka na pala sa baboy ngayon?" ramdam ko ang pag ngisi niya.
"Wow ha! Kapal ng balat sa mukha." nakasimangot na sabi ko.
"Baby?"
"Sanggol?" pang aasar ko.
"Tsk!" singhal niya.
"Oh, bakit ba kasi?" natatawang tanong ko.
"Nevermind."
"Dali na." pag pupumilit ko.
"Wala na." inis pa din na sabi niya.
"Sus, tamporurot. Oh ako nalang, may sasabihin ako."
"What?"
"I love you." nakangiting sabi ko.
"D*mn." malutong na mura niya, nag open siya ng cam kaya gano'n din ang ginawa ko.
"Kinilig oh."
"Shut up." inirapan niya ako.
"Naks, sungit. Kunyare 'di kinilig."
Napatingin ako sa sala nang makita si Kuya.
"Jaiden, mamaya nalang ulit. May gagawin lang ako."
"Alright, usap ulit tayo mamaya?"
"Sige."
"Okay, bye. I love you."
Napangiti ako, "I love you too."
Lumapit ako sa camera at ngumuso. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng ngiti niya, lumapit din siya at humalik.
"It's my first time to do that thing."
Natawa ako, "talaga?"
Tumango siya.
"Oh sige, dahil dyan may reward ka."
"Really, ano 'yon?" bakas ang sabik sa boses niya.
"Bigyan kita ng dos bukas." napahalakhak ako nang makita ang pag irap niya.
"Akala ko kung ano." bulong niya ngunit narinig ko pa din.
Nagpaalaman ulit kami sa isa't isa, tumungo ako sa kwarto ni kuya at kumatok sa pinto.
"What?" tamad na tanong niya sa akin.
"Let's talk." seryosong sabi ko sakanya dahilan upang magsalubong ang kilay niya.
"Pagod ako, Avie." sambit niya.
"Kung pagod ka, magpahinga ka. Huwag mo takbuhan iyong responsibilidad mo." diretsang sabi ko sakanya.
"What do you mean?" hinila ako ni Kuya sa kwarto niya at sinarado ang pinto.
Ngumiti ako ng hilaw sakanya, "Alam natin pareho kung anong pinupunto ko."
"Oh, alam mo na?" nakangising sambit niya ngunit may bahid ng inis.
Ramdam ko ang pagsasalungat ng kilay ko.
"Sinabi sa'yo ng kaibigan mo?"
"Sinabi sa akin ng nanay ng anak mo." Mariin kong sabi sakanya.
Napahilamos siya sa mukha niya, "Fvck."
"Anong gagawin mo ngayon kuya?!"
"Wala!"
"Anong wala?! Anak mo 'yong dinadala ng kaibigan ko!"
"Put*ngina naman, Avie! Hindi nga natin alam pareho kung anak ko ba talaga 'yon!"
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kurot sa aking dibdib nang sabihin niya 'yon.
"How could you say that?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Huminga siya ng malalim, "Huwag ka nalang mangialam, Avie. Labas kana dito."
"Kuya, please kahit hindi na para kay Ella. Kahit para sa bata nalang, panagutan mo kuya." nagmamakaawang sambit ko.
Hindi ko inakala na aabot ako sa punto na makikiusap ako sa kapatid ko para punan ang responsibilidad niya sa anak niya. Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko.
"Avie, i already told you. Hindi akin 'yong bata, alam natin pareho kung anong ugali meron ang kaibigan mo!"
"Bakit? Anong klaseng ugali meron ang kaibigan ko? Sige kuya, sabihin mo."
"Lumabas ka nalang, ayoko makipagtalo sa'yo dahil kapatid kita."
Umiling ako, "At this point, hindi ko na alam kung kapatid ko pa ang kaharap ko. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong humanga sa'yo dahil sa pagiging kuya mo sa akin, nakakadisappoint ka."
I left my brother after saying those things.
Minsan kung sino pa ang taong tinitingala natin, sila pa ang magpapa dismaya sa atin.

Komento sa Aklat (195)

  • avatar
    kuyacris

    Highly recommended this story. Hope everyone read this, guys worth to read. Kudos to the writer, keep it up.

    11/06/2022

      0
  • avatar
    ScarletHeart

    A highly recommended story. Hope you support her work. 😊💖

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Chichi

    I highly recommend this book, It is nice and interesting.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata