Homepage/You Are The One/
Chapter 29
Avie's POV
Hindi katulad ng naunang subject ay naging madali ang pagtuturo, sa second subject namin ay halos dumugo na ang utak ko. Tapos ang dami pang pinapagawa sa amin. Hmp!
Nang natapos ang klase namin sa pangalawang subject tumayo na kami dahil break time na namin.
"Let's go." Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng lalaking nasa gilid ko ngayon.
Tinapunan ko siya ng matalim na titig ngunit parang wala lang iyon sakanya dahil nagtaas pa siya ng kilay.
"Tss." Sabay hawak niya sa aking kamay, wala na akong nagawa ng naglakad na siya. Nagpatianod na lamang ako.
"Hoy saan kayong dalawa?!" Narinig kong sigaw sa amin ni Celine.
"Hayaan mo na, baka may date." Sabi ni Dixie at humagikhik pa.
Habang naglalakad kami sa hallway ay mga ilang mata ang sumusulyap sa amin, syempre nga naman ay magkahawak ang kamay namin. Siguro iniisip na nila ngayon na kami na.
Tinaas ko ang aking noo. Dapat lang na isipin nilang kami na para wala ng humarot sa lalaking unggoy na 'to!
"Sila na ba?"
"Grabe naman. Ang baba pala ng standard ni Jaiden."
"Kaya nga."
Narinig ko ang tawanan ng grupong nagbubulungan ngunit naglaho din naman agad ang tawanan nila. Napalingon ako sa kanila na ngayo'y kanya kanya ng iwas ng tingin.
Napatingin ako kay Jaiden at nakitang kanina pa pala siya nakatingin sa grupo habang magkasalubong ang kilay niya at umiigting ang panga.
Shems! Anakan mo 'ko fafa Jaiden!
Iniling iling ko ang ulo ko. Taksil kang utak ka! Ang halay mo!
"H-hoy! Tara na!" Mahinang sabi ko sakanya dahil hindi pa din niya inaalis ang masamang tingin sa grupo.
Napabuntong hininga nalang siya at naglakad na kami.
Napapakanta kanta ako habang naglalakad sa parking lot. Nang nakarating sa kotse niya ay pinatunog niya ito.
"Good mood huh?" Taas kilay na tanong niya sa'kin habang papasok kaming dalawa sa kotse.
Napasibangot ako "Oo sana, kaya lang nasira dahil sa second subject."
Natawa siya, "Hmm? Why?"
"Ang hirap Jaiden!" Parang batang sumbong ko sakanya, humarap ako sakanya at ganon din naman siya.
Pinagmasdan niya ako na parang naaaliw siya sa pagsusumbong ko sakanya ngayon.
"Hindi naman masyado ah? Baka nadistract ka lang dahil sa huling text ko sa'yo?" Aniya sa nang aasar na tinig.
Naalala ko na naman tuloy ang text niya.
A KISS, MY QUEEN
Halik daw ang kapalit ng panlilibre niya ngayon.
"Hee!! Mahirap talaga ang lesson ngayon!" Sabi ko, ramdam kong nag init ang aking pisnge.
"My queen is blushing." Aniya at tumawa na naman.
Pagtawanan ba naman ako!
"Bastedin kaya kita?"
Unti unting humupa ang tawa niya at biglang naging seryoso ito.
"It's just a joke. Pinapagaan ko lang ang loob mo." Sabi niya sa malambing na tinig.
"Corny ng joke mo kung ganon!"
"Hey, hindi mo naman seseryosohin yung sinabi mo 'di ba?"
"Pag iisipan ko!"
"Avie naman!"
"Avie naman!" I mocked him.
Hindi ko na namalayan ang sunod niyang ginawa, masyadong mabilis ang naging galaw niya. Basta ay naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng labi niya sa labi ko. Mabilisang halik lang ang nangyari, dampi lang kumbaga.
"Ngayon kampante na 'kong hindi mo seseryosohin yung sinabi mo." Then he winked at me.
Packing tape! Naka isa si unggoy!!!
Nakangisi siya habang nagmamaneho at ako naman ay heto at tulala pa din. Hindi naman namin first kiss iyon pero sadyang nagulat lang talaga ako! Lalo na sa huli niyang sinabi!
NGAYON KAMPANTE NA AKONG HINDI MO SESERYOSOHIN
Kampante....
Kampante.....
Santisima! Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang linya niyang 'yon! Hindi ko alam pero kinilabutan ako at ramdam ko rin ang mga paro parong nagdidiwang sa tiyan ko!
"Shocked?" Sabi niya sa nang aasar na tinig.
"Magmaneho ka nalang nga!"
"Mamayang uwian diretso tayo sa bahay niyo, aral tayo."
"Huh? Bakit?"
"Sabi mo nahihirapan ka? I'll help you, I'm not that smart Avie pero tutulungan pa din kita. Baka sakaling maging inspirasyon mo pa ako." Sabi niya habang nakangisi na naman!
Mapunit sana labi mo kakangisi!!!
"Baka nga daldalin mo lang ako mamaya!" Pag aakusa ko sakanya.
"Hindi ah!"
"Sus!"
"Sapat naman na siguro yung 8 packs ko para ganahan ka diba?" Mas lalong sumilay ang ngising aso niya!
"Hoy ang kapal mo! Anong ganahan ka dyan?!"
"Ganahan mag aral Avie." Humagalpak siya sa tawa habang ako ay namumula dahil iba ang naisip ko.
Alam kong about sa pag aaral ang topic namin ngayon pero kasi naman eh! Ang halay talaga ng taksil kong utak!
"Ha? Ayon naman talaga ang nasa isip ko!" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal kaya lang ay parang defensive ang boses ko.
"Alright, if you say so. About my 8 packs pwede mo ding hawakan para mas ganado na talaga."
"JAIDEN!!!!" Ramdam na ramdam ko na ang pag iinit na aking pisnge dahil sa kahihiyan. Ngunit sa kaloob looban ko ay naghuhurumentado ang sistema ko.
Humaglapak siya sa tawa. "Alright, i'll stop. Baka maging horny pa ako."
"OH MY FREAKING GOSH!"
Ano ba ang mga sinasabi niya?!
"Cute mo reyna ko." Sabi niya habang natatawa ngunit ramdam ko ang sinseridad.
Reyna ko....
Mas lalong naghurumentado ang sistema ko.
"A-ang halay mo! May ganyang side ka pala!" Maski ako ay nagulat ako sa huli kong sinabi para bang namangha pa ako na ewan.
"Of course. I'm still a man. Marami ka pang hindi alam tungkol sa'kin bilang lalaki, kapag kinasal na tayo ay malalaman mo din." Tumingin siya sa'kin ng mabilisan sabay kindat.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero mas nangibabaw sa'kin ang isang salita na sinabi niya.
Kasal.
May plano siyang pakasalan ako? Sigurado na talaga siya sa'kin? Parang natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon kahit na iniinis niya ako.
This man that sitting beside me never fail to make me blush.
He never fail to make my heart beat loudly and widly.
He never fail to make my tummy filled with butterflies.
Ang lalaking katabi ko ngayon, habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog.
I'm afraid.
I'm afraid to the possibility that he might be my biggest heartbreak.
Masyado na'kong lunod sakanya.
Hindi na'ko makakaahon.
At kapag nasaktan ako hindi ko alam kung makakaya ko pa.
Umiling ako.
Alam kong masyado pang maaga, pero sasagutin ko na siya.
Hindi ito dahil sa mga binitawan niyang salita sa'kin. But it's about my feelings to him.
Bakit pa papatagalin?
I love him and i think that's enough reason.
I know that i should take things slowly. Dahil baka masaktan ako. Pero hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan 'di ba?
I believe in Jaiden.
I believe in our love story.
Hindi namin hahayaan ang tadhana na dumikta sa amin, dahil kami mismo ang gagawa ng tadhana namin.
Binubuksan ko na ang aming libro.
A book of our love story.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (195)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommended this story. Hope everyone read this, guys worth to read. Kudos to the writer, keep it up.
11/06/2022
0A highly recommended story. Hope you support her work. 😊💖
11/06/2022
0I highly recommend this book, It is nice and interesting.
11/06/2022
0Tingnan Lahat