logo text

73: Asterin's Fallen

Third Person's POV
"Aaaaah!" Maririnig ang malakas na sigawan ng mga mamamayan ng Asterin.
"What's happening?" pagtataka ng isang noble na wala pang ideya sa nangyayari sa labas ng palasyo. Hindi lang siya kundi maging ang karamihan ay pare-pareho ng tanong na nasa isipan.
Sa ikalawang palapag, naroon nakapwesto ang mag-asawang namumuno sa bansa. Sina Emperor William at si Empress Ivory.
"Aking mahal na Emperor, kahit ako ay nakararamdam na ng pagkabalisa sa mga tangis na 'yon." Ipinatong ng Empress ang kamay niya sa likod ng palad ng katabing asawa.
"Don't fret, I'll stay by your side," he said.
Mula sa kinauupuan, si Emperor William ay tumayo at saka inangat ang kaliwang palad upang senyasan ang orkestra na ihinto ang pagtugtog ng musika. Madali naman siyang napansin ng Conductor, at sumunod kaagad ang mga musikero sa kaniyang nais.
"Determine what's going on outside," bulong niya sa appointed royal knight.
Ang kabalyero na nasa likuran niya ay yumuko bilang paggalang at senyales ng pagtanggap nito ng utos. "I received your command, Your Majesty," sabi nito saka tumalikod upang lisanin ang lugar.
Ang atensyon ng mga bisita ay nasa isang direksyon lamang. Natigilan ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa upang pakinggan ang iyak at hinaing ng mga taong humihingi ng tulong. Nakakaramdam na ang mga ito ng takot at kaba na baka sila ay madamay rin sa kaguluhang nagaganap sa labas ng palasyo.
"H-hus...band..."
Madaling napalingon si Emperor William sa direksyon nito. Nahagip ng paningin niya ang mga royal guard na wala nang buhay na nakahandusay sa sahig. Bawat isa ay may mga halimaw na kumakain sa katawan at lamang loob ng mga ito.
Tila ba'y nanlamig ang buong katawan ng lalaki nang masaksihan ang karumal-dumal na pangyayari. "My w-wife..." Isang kamay na may matutulis at mahahabang kuko ang nakabaon sa kaliwang dibdib ni Empress Ivory. Dinukot ng hindi mawaring nilalang ang puso nito upang ito ay kainin.
Napaluha na lamang ang babae. Hindi niya maalis ang titig sa asawang naistatwa sa kinatatayuan habang pinapanood ang nangyayari. "Leave!" sigaw niya upang magising sa ulirat ang lalaki.
Marahil siguro sa sobra-sobrang pagkabigla, wala sa sariling sinunod ng Emperor ang narinig. Dali-dali siyang tumakbo palayo, at iniwan ang babaeng naliligo sa sariling dugo.
Mapait na nakangiti si Empress Ivory. Wala na siyang maramdaman, hindi na nito magalaw ang katawan niya kahit ang mga daliri. Unti-unti na ring nagdidilim ang paningin nito. "You must live … and protect our son…"
"The Empress!"
"Oh my God!"
Napasinghap ang iilan nang makita ang walang buhay na katawan ng Empress. Maayos na nakasandal ang likod nito sa sandalan ng upuan. Ang puting gown ay namantsahan ng kulay pula. Kitang-kita ang butas ng kaliwang dibdib niya. Dilat din ang mga mata nito at may bakas pa ng dugo sa labi.
"Nasaan ang Emperor?" pasigaw na tanong ng isa sa mga bisita habang palinga-linga sa paligid. "He abandoned us!" he continued.
Nagsimulang mataranta ang mga noble nang matanaw ang sitwasyon sa ikalawang palapag. Ang dugo na nagmula sa mga biktima ay umaagos na pababa.
"Aaaaah!" Ang ilang kababaihan naman ay nagtilian sa takot.
Dahil sa ingay na kanilang nilikha, naagaw nito ang atensyon ng mga demon beast na nakalusot na sa loob ng palasyo. "Growl!" Nagsipag talunan ang mga ito patungo sa direksyon ng taong unang tumama sa kanilang paningin.
***
SI KILLIAN na hindi inabala ang sariling gumamit ng maskara upang maitago ang kaniyang pagkakakilanlan. Dire-diretso siyang pumasok sa magic tower na matatagpuan lang din sa Asterin.
Nang mapansin siya ng mga mage, hinarangan ng lima ang daanan niya. "Hanggang dito ka na lang! Hindi ka maaaring magpatuloy pa sa pagpasok dito!"
Dala ng init ng ulo, he releases his aura with murderous intent, to let them realize instantly who he is.
Napaluhod ang mga ito nang mapagtanto na siya pala ang kanilang headmaster. Nagbaba sila ng tingin dahil sa takot na salubungin ang mga mata niya at baka sila ay parusahan.
"Anong katangahan ang ginawa niyo? Bakit nakapasok ang mga demon beast sa bansa?" he asked as he stares at them, coldly.
Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa, pawang hindi makahanap ng isasagot. May mga malalamig na pawis ang namuo sa kanilang noo, at namamasa na rin ang kanilang mga palad. Mariin silang napapikit nang magpakawala ang binata ng kidlat sa harapan ng lima.
"I am asking!"
"Inaalam pa po ng mga high mage ang dahilan ng biglaang pagsira ng protection barrier, Master," natataranta na tugon ng isa sa kanila.
"Inaalam pa sa mga oras na 'to?" Salubong ang kilay ni Killian sa narinig. "Don't tell me, wala pang mages ang kumilos na mapababa ang casualties?"
"W-wala pa po. Hinihintay p-pa po ng elders ang order mula sa iyo."
"Nasaan ang common sense ninyo?" nagngingitngit ang ngipin na sabi nito. "Tawagin ang lahat mula sa mababa hanggang sa pinakamataas na ranggo!"
They flinched. "Masusunod po!" sabay-sabay nilang sabi saka dali-daling nagtungo sa iba't ibang direksyon ng magic tower.
Hindi rin nagtagal ay tumunog ang kampana ng tatlong beses, senyales na mayroong pagtitipon. Ang mga mage ay nahinto sa kani-kanilang ginagawa, at walang pagtataka nilang tinungo ang bulwagan. Naabutan nila roon ang pamilyar na lalaking naghihintay sa taas ng stage.
"Anong dahilan at bakit naparito ang Duke ng Adir?" panimula ng lalaking may pagkamayabang na kilala bilang Red.
Ang limang mage na batid na ang pagkakakilanlan ng kanilang headmaster, iniilingan ng mga ito ang taong nagsalita upang magbigay babala ritong mag-ingat sa pananalita. Ngunit hindi 'yon binigyang pansin ng lalaki. Hindi nito makuha ang pinaparating nila.
"Master, please pardon his behavior." Lakas loob lumapit ang isa sa lima, si Clara, para mapigilan ang nagbabadya na galit ni Killian.
Nang marinig ito ng lahat, kaniya-kaniya silang bulungan sa katabi.
"Hindi naman ako nabibingi 'di ba?"
"Did she just call him master?"
"Duke Adir is the unknown headmaster of this tower?"
Red chuckled. "Clara, what nonsense are you spouting?" he asked arrogantly.
"Who's nonsense?" Nagliwanag ng puti ang mga mata ni Killian saka pinalibutan ng kuryente ang parehong kamay.
Everyone immediately bows their heads—to respect the presence of the headmaster—the moment they realize who he is.
"It c-can't be..." Red stepped backward and starts trembling in fear. "I apologize, Master. Tatanggapin ko ang kahit na anong parusa na ipapataw mo sa 'kin."
Kumalma si Killian at hindi na binigyang pansin pa ang naging asal ni Red. Inilaan na lamang niya ang atensyon sa kaharap na aabot sa dalawang daan na mages.
"Ganito kayo karami pero wala man lang sa inyo kumusang labanan ang mga demon beast na nakapasok sa bansa."
Nagsipag taasan ang balahibo ng mga nakikinig. Blangko ang ekspresyon nito, walang bahid ng emosyon sa tono ng pananalita niya. Akalain mong hindi ito galit … dahilan para mas lalo silang kabahan.
"Makinig mabuti sa instructions ko."
Sinimulan ni Killian ang pagtatalaga ng gawain sa bawat lebel ng salamangkero.
Ang mga high rank ay focus sa paggawa ng panibagong barrier, lalabanan din nila ang mga demon beast na balak pumasok sa bansa.
Ang mga mid-rank ang lalaban sa mga nakalusot na. Magiging backup din sila ng mga kabalyero.
Pinangungunahan naman ng mga low-rank ang pag-assist ng mga nabubuhay pang mamamayan ng Asterin, patungo sa ligtas na lugar.
"Now, go!"
"Yes, Master!" sabay-sabay nilang pagsang-ayon at saka sinimulan ang pagsasagawa ng kani-kanilang tungkulin.
Naiwan lamang ang apat na elder mage, sila rin ay ang mga professor ng magic tower. Sa kanila ibinigay ni Killian ang trabaho sa pag-alam ng dahilan ng pagkasira ng protection barrier.
"I leave the safety of this place in your hands," he said to them.
They slightly bowed their heads. "Rest assured, Master."
Gumamit ng teleportation scroll si Killian upang pumunta sa tahanan ng mga White. Sa pangunguna ni Francisco, naabutan niya ang mga kabalyerong nilalabanan ang demon beasts na nagbabalak pumasok sa teritoryo.
"Bakit ka nandito?" Sinalubong siya ni Duke White sa entrance ng mansyon. "Bakit hindi mo kasama ang aking anak?"
Natigilan ang binata sa narinig. "She's not here yet?"
"Pagdating sa kaligtasan ng itinuturing niyang pamilya … akala ko'y narito na siya at nakikipaglaban," Killian's thought.
"Tatanungin ba kita kung—" Hindi pa natatapos ni Duke White ang sasabihin ng mawala sa paningin niya ang kausap. He sighed. "That bast*rd..."

Komento sa Aklat (93)

  • avatar
    Sofi Anton

    thank you

    27/03

      0
  • avatar
    Fredrick T. Carillo

    This is a great fantasy novel, i was hooked to read it 'til the end, never a dull moment 👍 The genre never gets old since magic and superpowers and the like always makes you wonder what will happen next.

    09/01

      0
  • avatar
    RosasMiell

    so happy 😁

    29/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata