Homepage/Ways To Escape Death/
39: Rescued by You
Sophia's POV
"Lady Sophia, here." Madali akong lumapit sa direksyon ni Mileya. She activated her power of insight, to find us the safest route.
Humiwalay kami kina Lawrence ng pinasukang daan. Wala akong balak na makisali sa digmaan nila. Kukunin ko lang ang pakay ko rito.
I suppress myself from using my power. Hangga't kaya, lalaban ako gamit lang ang combat skills ko. Mas mabuti na ang maingat dahil baka may makakita pa sa shadow soldiers ko.
Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ng lahat ang existence ko as the Dark Priestess. Mahirap kumilos kapag may mga huma-hunting sa 'yo.
"Surprisingly, walang mga kalaban ang nasa paligid," she said. Kita sa itsura niya ang pagtataka.
"Isn't it a good thing? Let's go," I said, then tapped her in the back.
Tuloy-tuloy lang ang paglalakad namin tungo sa mga lugar na maaaring kinalalagyan ng artifact na hinahanap ko. Sa bawat silid na aming nadadaanan, hinalughog namin ang mga ito.
"The way I see it, this is the bedchamber of the King," I said after scanning the whole area.
Huminto kami sa tapat ng malaking pinto na abot hanggang kisame. Hawak-hawak ko pa ang doorknob nito habang nakamasid sa loob.
May study table sa sulok, malapit dito nakapwesto ang bookshelf. May malawak na kama sa may kanan, plain maroon ang bedsheet at ganoon din ang punda ng mga unan. Malinis ang paligid at maayos ang pagkaka pwesto ng mga gamit.
Nauna akong pumasok, sinundan ako ni Mileya sa aking tabi. Nagsimula kaming maghanap sa mga sulok na maaaring pagtaguan ng mga importanteng bagay, pero wala kaming nakita. Sunod na ginawa namin, kinalat namin ang mga nakaayos na bagay sa paligid.
"There's nothing here," sabi ni Mileya saka binitawan ang hawak na frame.
Lumapit ako sa study table para buksan ang bawat drawer. Wala rin akong nakita na kaduda-duda. Aalisan ko na sana ito kaso may nakapa ako sa bandang ilalim. I crouched down to look at it, mayroon akong nakita na secret drawer pero naka-lock. I punched it hard to destroy it. Walang kahirap-hirap ko itong nabuksan, nahati nga lang ang lamesa. May nalaglag na bagay mula rito. Pinulot ko iyon para suriin ang nilalaman.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan ko ang record book na naglalaman ng mga illegal na transaksyon na kinasangkutan ng hari. Makikita rin ang mga pangalan ng naging kasabwat niya, maging ang kanilang mga pirma at personal stamp ay nandirito. Napagtanto kong ito ang ebidensya na dapat si Francisco ang nakatuklas.
Napapakamot na lang ako sa aking batok. Hindi ko sinasadyang mapakielaman ang achievement na para dapat sa iba.
"Ano 'yan?" tanong ni Mileya. Lumapit siya sa direksyon ko upang tingnan ang hawak ko. Namilog ang mga mata niya nang masuri ito. "Ano ang balak mo sa bagay na 'yan?"
Inimbak ko ang record book sa aking spatial ring bago sagutin ang tanong niya. "Pag-iisipan ko pa."
Madali kaming naalerto nang makarinig kami ng mga yapak na nagmula sa labas. Kanya-kanya kaming naghanap ng matataguan. Sumiksik ako sa gilid ng bookshelf, saka sumilip upang makita kung sino ang mga ito.
"Kailangang sunugin 'yon hangga't may pagkakataon pa!" Binuksan nila ang pintuan para pumasok dito sa loob.
Base sa kanilang kasuotan, sila ay vassals ng hari.
"A-ano ang nangyari rito?" Pareho silang namutla matapos makita ang kalat sa paligid.
Ang isa sa kanila ay napaluhod na lang sa sahig. "Ito na ang katapusan natin … ."
"Huwag mo sabihing hawak na nila ang record book?" Lakad-takbo siyang lumapit sa direksyon ng lamesa. Natigilan ito nang makitang nakabukas ang drawer na kanina ko lang binuksan.
Malakas na nagbukas ang pintuan. "Sino ang nariyan?"
Bumulaga sa kanila ang grupo ng Asterin Knights. Pareho sila naistatwa sa kanilang mga pwesto.
"Hulihin sila!" Madaling sinunod ng mga tauhan ang kanilang tumatayong leader.
"Bitawan niyo ako! Wala kayong karapatan para tratuhin ako ng ganito!" Nagpupumiglas siya mula sa hawak ng dalawang knight. Nanatili namang tahimik ang kasama niyang nobleman na kusang sumama sa mga knights.
Nang masiguro ko na malayo na sila, saka lang kami lumabas ni Mileya sa aming taguan.
"Maaari na tayong lumabas," sabi ni Mileya matapos niyang ma-check ang area sa labas ng silid.
Ipinagpatuloy namin ang aming paghahanap. Natigilan kaming pareho nang makita ang mga kalabang nakahandusay sa sahig.
"Kaya pala wala ako makita na kalaban sa paligid. Lahat sila ay wala ng buhay."
Nilingon ko si Mileya. Her power of insight can only detect living beings, not the dead ones.
"I could feel traces of high-level magic within their bodies," paliwanag niya matapos suriin ang mga bangkay.
"Mukhang nakalaban nila ang isa sa mga high-mage ng Asterin Empire," singit ko sa usapan namin.
Nangunot ang noo ko nang inilingan niya ako. Ano ang ibig niyang sabihin?
"I could tell by a glance, that mage possesses a great amount of mana and he has perfect control with his magic."
Makikita sa mukha niya ang pagkahanga sa nasabing mage.
"Are you saying, there is another outsider here?"
Bumalik siya sa katinuan nang marinig ang sinabi ko.
Isa lang ang pumasok na dahilan sa utak ko. Maaaring pakay rin ng mage na 'yon ang artifact na nakatago sa palasyo na ito.
"I apologize for delaying us, Lady Sophia," she said while bowing her head.
"We should hurry."
I didn't pay her in mind. Kailangan naming maunahan ang mage na tinutukoy niya.
Hindi na kami huminto sa bawat silid na nadadaanan namin. Diretso lang ang aming takbo patungo sa lugar kung saan merong nag-umpukang bangkay sa harap ng pintuan. Nakaramdam ako ng matinding kaba, matapos makita na nakabukas na ito. Napakagat ako sa aking ibabang labi at saka napayukom ng aking kamao.
"There is no one inside, but I feel some familiar energy."
Nabuhayan ang aking loob sa sinabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa, pinasok agad namin ang silid. Sinundan namin ang mga bakas na iniwan ng mage, na para bang sinadya niya ito upang tulungan kami.
Habang papalapit sa eksaktong lokasyon ng artifact, naririnig ko ang mahihina nitong pagtawag sa 'kin.
"Come, we're here," bulong nito na tanging ako lang ang nakakarinig.
Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses. Nakaramdam din ako ng familiarity mula rito. Bumungad samin ang isang wand na nakapatong sa ibabaw ng itim na unan.
"That wand is specially made from the branch of Yggdrasil," mangha na pagkakasabi ni Mileya habang nakatitig doon.
Hindi ako nakasagot dahil nakatutok ang atensyon ko sa wand.
"Come," tawag nito sa 'kin.
Kusang gumalaw ang katawan ko para lumapit sa kinaroroonan nito. Inangat ko ang aking kamay para ito ay abutin.
"Lady Sophia!" Nataranta si Mileya nang makita na nagwawala ang kapangyarihan ko.
May anino ang nagsipag labasan mula sa wand para pumasok sa katawan ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagsikip ng puso ko. Pamilyar sa akin ang pakiramdam na 'to. Ganito rin ang nararamdaman ko noong makuha ko ang artifact kung saan nakakulong si Zero Two, kasama ang iba pang shadow soldiers.
Unti-unting lumalabo ang aking paningin. Bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman, I felt something warm wrapping around my body. Naaninag ko ang mga kuryente na pumipigil sa pag-berserk ng kapangyarihan ko. Nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa tulong niya. Hindi ko makita ng mabuti ang kaniyang mukha, pero sa buhok pa lang alam ko na kung sino ito. Siya lang naman ang kilala kong may puting buhok.
"Why … are you helping me?"
Nakasandal ang aking ulo sa dibdib niya. Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya. "You're always making me worried, how can I not?"
Kahit na nanghihina ay nagawa ko pa ring tawagin ang pangalan nito. "Killian ... you bast*rd," I mumbled before losing my consciousness.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
thank you
27/03
0This is a great fantasy novel, i was hooked to read it 'til the end, never a dull moment 👍 The genre never gets old since magic and superpowers and the like always makes you wonder what will happen next.
09/01
0so happy 😁
29/09/2025
0Tingnan Lahat