Homepage/CODENAME: Happy (Book 4)/
Chapter 8
Chapter Eight
HINDI MAIWASAN NI COBI ANG magulat nang dumating sa teritoryo niya ang kapatid niyang si Yuki na may bitbit na isang batalyon na agent. Kaagad niyang pinapasok ang kapatid sa kanyang opisina para makausap tungkol rito.
"Saan galing ang mga agent na iyon, Yuki?" Gulat na gulat niyang tanong sa kapatid habang nakasilip siya sa bintana ng kanyang opisina.
"Exactly five hundred agent, nandito na rin sa USB na ito ang ilang mga files nila. Dinala na rin namin ang kontrata nila kay Norman," tugon ni Yuki.
"Kay Norman?? Wait, bakit sa akin mo sila dinala?" Naguguluhan niyang tanong rito.
"Actually, four thousand silang lahat. Hindi pa kasali roon ang mga agent na nawala sa nagdaang mission nila at laban," tugon nito, "Napasyahan namin ni Mayo na hatiin ang mga ito sa bawat department."
"Four Thousand? Ganoong karami ang mga alagad ni Norman?" Gulat na gulat na turan ni Cobi, "Kung ang lahat palang ito ay sumali noong nagdaang laban ninyo, posibleng natalo tayo noon!"
"Nagulat kami kahapon nang nagsidatingan sila sa camp ko para sabihin ang huling habilin ng kanilang boss," pagpapatuloy ni Yuki saka nito inabot ang isang malaking folder.
Nagtatakang kinuha naman iyon ni Cobi. At para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa niya ang nilalaman nito. Mga titolo ng lupa na nakapangalan sa kanya.
"Ilan lang iyan sa mga lupaing pagmamay-ari ni Norman na nakapangalan sa'yo. Hindi lang ikaw ang pinamanahan niya, kungdi tayong lahat," pagpapatuloy ni Yuki.
"Bakit sa atin? Wala ba siyang ibang kamag-anak?" Gulat na gulat na tanong ni Cobi.
"Wala," tugon ni Yuki, "Tayo lang daw ang kamag-anak 'nung tao. Ngayon alam mo na kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang ranggong pinasa niya sa akin? Kitang-kita naman na planado lang ang pagkakamatay ko sa kanya."
Pakiramdam ni Cobi ay bigla na lang umurong ang dila sa mga sinabi ng kanyang kapatid. Hindi rin niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa mga nangyayari. Isa siya sa mga nakasaksi sa naging laban nito kay Norman, masasabi niyang hindi naman sinadya ni Norman ang magpakamatay nito sa kamay ni Yuki. Pero kahit ilang beses na niyang sinabi iyon sa kanyang kapatid, naninindigan pa rin ito sa pinaniniwalaan nito.
"Tungkol sa mga agent ni Norman, hindi ko na sila tinanggihan kung iyon ang huling bilin sa kanila ng boss nila," pagpapatuloy ni Yuki, "Alam mo naman na malaking pagsubok sa atin sa tuwing namamatayan tayo ng agent. Dahil sa organization natin, hindi naman tayo pwede basta-basta magpapasok ng kung sinu-sino lang."
"Tama ka," pagsang-ayon na lang niya.
"Ikaw na ang bahalang mag-analyze ng mga files nila. Mukhang mga professional agent na sila kaya hindi ka na gaano mahihirapan na mag-train sa kanila. Iyon nga lang, kailangan pa rin ng matinding pag-iingat lalo na galing sila sa kalaban," bilin ni Yuki sa kanya.
"Oo, alam ko naman ang tungkol sa bagay na iyon," sabi na lang.
"Tungkol naman sa isa kong agent," paglinis ni Yuki sa usapan, "Ano ba talaga ang dahilan mo bakit gusto mo siyang kunin sa akin? Alam mong isa siya sa pinagkakatiwalaan ko pagdating kay Mayo."
"Magpapakasal na kami!" Tanging sabi niya.
"Agad-agad? Wait...kaylan naging kayo?" Usisa nito, "Akala ko ba ang ate niya ang tipo mo, bakit si Sydney ang papakasalan mo?"
"Kinasal na ang Ate Leigh niya kay Andrew Marquez," tugon ni Cobi.
"Si Andrew Marquez?" Gulat ni Yuki, "Siya ngayon ang nasa Rank Sixty ah! At ang totoo niyan, pinag-aaralan siya ni Lady Lyra dahil may hinala na isa siya sa mga tumutulong sa sindikatong kumikidnap ng mga bata para gawing assassin. At siya kamo ang pinakasalan ni Leigh?"
"Alam ko naman noon pa na may gusto si Leigh sa lalaking iyon. Ang kinagulat ko lang na kaya pumayag si Mr. Matteo na ipakasal ang anak niya dahil na lulugi na ang kompanya nila," pag-amin niya, "Saka noong nalaman ni Ate ang tungkol kay Andrew, huli na. Dahil may nakapagsunduan na dalawang panig tungkol sa kasal. Kung hahadlang ako, makakaapekto iyon sa panig ako. Pinapaganda ni Andrew ang imahe niya sa pamilya Perez, kaya naisip ko ganoon din ang gagawin ko."
"At ang pagpapakasal kay Sydney ang naisip mong paraan para maprotektahan ang pamilyang iyon?" Tanong ni Yuki, "Sandali, iniisip mo bang gawin iyong ginawa ni Kuya Agustin? Pinakasalan niya si Ate para maprotektahan tayo."
"Hindi lang iyon, gusto ko ring maprotektahan si Sydney!" Pag-amin niya.
Gulat na napatingin si Yuki sa kanya, "So, iyon na nga ang pinakareason mo."
Hindi siya kumibo dahil sapat na ang mga katagang iyon para maunawaan ng kanyang kapatid ang nararamdaman niya.
"Ayoko sana siyang ibigay sa'yo. Pero kahit tumutol ako mukhang desidido ka na sa plano mo...." Anito saka inabot nito ang isang black na envelop, "...Iyan ang kontrata ni Sydney sa akin. Isa na lang ang masasabi ko, sa oras na may mangyaring hindi maganda sa agent ko, kahit kapatid pa kita, makakatikim ka sa akin!"
Napangiti siya, "Asahan mong hindi iyon mangyayari!"
"Siguraduhin mo lang," may pagbabantang tinignan siya ni Yuki, "Dahil kapatid na rin ang tingin ko kay Sydney!"
"Hayaan mo, ilang months na lang magiging sister-in-law na siya!" Biro niya rito.
"Ewan ko sa'yo!" Turan nito, "Akala mo ganoon-ganoon lang ang pagpapakasal ah! Totoo iyong sinasabi ng mga matatanda na para ka ring kumuha ng batong ipupukpok mo sa ulo mo!"
"I know!" Ngumiti siya.
"Huwag mo nga akong ngitian ng ganyan, kinikilabutan ako!" Naiiritang sita nito saka na tumayo, "Mauna na ako. May mga agent pa akong idedeliver sa camp ng iba nating kapatid!"
"Delivery boy ka na lang pala ni Mayo!" Asar niya rito.
"Hay ewan ko nga ba," napakamot ito ng ulo, "Ang dami namang pwedeng gumawa nito, sa akin pa talaga niya pinagawa. Alam mo kung ano ang dahilan niya?"
"Ano?"
"Ayaw daw niya muna makita ang pagmumukha ko!" Pagsusumbong nito.
Natawa naman siya.
"Magiging nanay at tatay na kayong dalawa pero ganyan pa rin ninyo tratuhin ang isa't isa!" Natatawang komento niya sa kapatid.
"Hindi pa kami kasal n'yan ah!" Dagdag nito, "Kaya nga sabi ko sa'yo pag-isipan mo pa ring mabuti ang tungkol sa inyo ni Sydney. Marami namang paraan para maprotektahan siya, hindi lang kasal ang sagot!"
"Wow, ah!" Tanging react niya dahil hindi niya akalain na si Yuki ang nagsasalita ng ganito ngayon.
"Sige na!" Pagpapaalam na ni Yuki sa kanya. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (35)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
San na ang Book 5?
25/04
0ang ganda ng story ng snow white and seven drawfs.san n po ung book 5.thanku po
03/09/2025
0nahanap ko din
02/09/2025
0Tingnan Lahat