Homepage/Chasing Karrick/
Kabanata 9
SUMUSUBO ako ng pagkain habang nakikinig sa usapan ni Karrick at nang lalaking kaibigan nito. Si Norife ay nawala na din. Nagpaalam lang na nagpaalam saglit sa restroom pero hindi na bumalik. Mabuti at nagpalitan na kami ng numero kanina.
Saka ko naalalang tignan ang cellphone ko. Inilabas ko iyon mula sa pouch na dala ko. Nang buksan ko ay nagtext nga siya sa akin. Nauna na daw ito dahil hinahanap na siya ng asawa. Napangiti ako. Nireplayan ko siya at ibinalik na ulit iyon sa pouch. Kumain uli ako. Parang nandito lang ako para kumain dahil kahit isa wala naman talaga akong kakilala dito. Mabuti nga at nakita ako si Fe kanina at nalibang ako bago pa dumating si Karrick.
"We are actually planning to invest, Pare. You know kailangan kong magpayaman para sa future ng anak ko. Buntis na naman kasi si misis. I'm also bothered na iniwan ko siya ngayon sa bahay" kwento ng kaibigan niya.
"Damn! Your whipped, man" kunwari ay inambahan siya ng suntok ang kaibigan. Ganito pala siya sa mga kaibigan. Napatulala din ako ng makita siyang ngumiti.
Greg ang pangalan ng kaibigan niya. Bumalik si Karrick na may dalang pagkain at kasama na nito ang lalaki.
Hindi ko nga alam na may asawa pala ito. Napatingin ako sa ring finger niya at nakumpirma. Parang wala sa itsura niya ang may asawa. Gwapo siya at mukhang happy go lucky. Nasa itsura din niya na parang ayaw macommit sa kasal. Tama nga sila. Don't judge the book by it's cover.
Umiling ako. Nagpatuloy sa pagkain.
"Ikaw ba, pare. Kailan ang kasal niyo" biglang tanong ng kaibigan nito.
Napaubo tuloy ako sa narinig. Inabutan ako agad ni Karrick ng tubig. Hinagod pa niya ang likod ko. Kikiligin na sana ako.
"Ayos ka lang, Miss Meszia" tanong ni Greg. Nakita ko pa ang palihim na pagngisi nito.
Tumango nalang ako. Kinuha ko ang tissue na ibinigay ni Karrick.
"Ubusin mo na 'yan. Ang payat mo" napasimangot ako.
Napansin ko ngang malaki ang ipinayat ko. Ginawa ko naman ang sinabi niya dahil gutom narin naman ako.
"Sa tagal naming magkaibigan ni Karrick. Ikaw palang ang pinakilala niyang girlfriend, Miss Meszia" panimula nito.
Pumalakpak ang tenga ko. Hindi umimik si Karrick para tumanggi sa sinabi ng kaibigan. Siguro ay totoo nga.
"Meszia nalang. Talaga?" tanong ko
Tumango ito.
"Oo. Schoolmate ko 'yan noong highschool hanggang college kaya alam kong walang babaeng na commit sa kanya. Maliban sa mga babaeng nagtapat sa kanya noon" nakangisi paring sabi nito.
Doon na tumikhim si Karrick. Napasulyap tuloy ako sa kanya.
Ngumiti ako.
"Nagtapat? Hindi naman nakapagtataka na may magtapat sa kanya." Madami na akong nasaksihan na gumawa no'n lahat nga sila rejected. Ako lang ang hindi.
Humalakhak ako.
Nagtaka naman sila.
"Tama ka. Hindi kasi niya makalimutan yung first love niya noon" aniya ni Greg
"Shut up!" masungit na sabi ni Karrick. Bumalik na naman ang normal niyang mukha.
"Alam ko" wala sa sariling sabi ko.
Pareho silang napatingim sa akin. Nagtataka at nagugulat.
"Alam mo? Saan ka ba nag-aral noong kolehiyo ka?" tanong ni Greg. Sumubo muna ako ng dessert bago siya sagutin.
Naghihintay sila ng sagot ko. Si Karrick ay medyo humarap pa sa akin.
"Sa Vander College ako nagtapos"
Nakita ko uli ang gulat sa mukha nila.
Napataas tuloy ako ng kilay ko. Huwag nila akong matignan tignan ng ganyan. Matalino ako at Magna pa noong college. Si Karrick nga ang Summa Cum laude namin noon.
"Doon ka pala nag - aral. Kilala mo pala ako kung ganon"
Kumuha ulit ako ng desserts at sumubo.
"Hindi e" Hindi ko naman kasi siya nakikita noon. Kapag nakikita ko si Karrick siya lang lagi ang mag - isa. Para ngay mas gusto nito lagi ang mapag - isa noon.
"Imposible! Sikat ang banda namin noon. Ang Greek Band." pilit nito
Greek Band? Not familiar.
"Hindi e. Si Karrick lang yung kilala ko" I shrugged
"So. Matagal mo na siyang kilala. Anong Batch ka? Anong kurso mo dati? Baka kilala mo itong first love ni Karrick siya yung Magna cum--"
"Damn! Nag - asawa ka lang dumaldal ka na" inis na sabi ni Karrick. Namumula ang mukha. Nagtaka naman ako. Baka galit siya sa pagiging tsismoso ng kaibigan.
Hindi siya pinansin ni Greg.
Sinagot ko ang tanong niya.
"Ka Batch niyo ako. Medisina iyong kurso ko--" hindi ko natapos ang sasabihin ng magsalita ito agad.
"Medisina ka pala. Akala ko ba empleyado ka ni Karrick. Hindi ka pumasa ng Bar? Alam mo bang medisina din yung---aaww"
Pinakilala kasi ako ni Karrick dito at sinabing empleyado niya ako kaya alam nito.
"Umalis ka na, Greg. Your wife is looking for you" pagkatapos niyang sabihin iyon ay parang nag - aalala naman ito. Nagpaalam ito sa kanila na uuwi na dahil baka daw hinahanap na siya ng asawa nito.
"May kaibigan ka pala. Akala ko loner ka" biro ko.
Tumango ito.
"You didn't tell me we were batchmate?"
"Mmm. Hindi ka naman kasi nagtanong. Saka sinusungitan mo kaya ako kapag kinakausap kita. Alam mo bang nagulat ako ng tawagin mo akong Zia kanina. Sabihin mo nga ulit baka matuwa pa ako at hindi na ako magtampo sa pagiging late mo" ngingisi ngising sabi ko.
"Do you want me to fire you instead" he says in a sungit way again. Ang harsh e.
"Sige. Huwag nalang. Ligawan mo nalang ako"
"Dream on"
"Matagal na"
"What?"
"Wala"
Natapos ako sa kinakain. Nabusog ako.
Wala naman kaming ginawa sa party kundi manuod lang sa paligid. May kumanta din at nagbigay pa ng mensahe nila sa harap. Si Karrick ay nandoon lang at hindi masyadong nakihalubilo. Ganon siguro talaga siya. Hindi na din namin nakita si Dr. Gutler. Mukhang busy na sa mga bisita. Puro kilalang Doctor din ang iba sa kanila na nakilala ko pa.
Napahikab ako at napansin 'yon ni Karrick.
"Let's go home" Gusto ko pa sanang magprotesta. Mabuti na ang puyat basta kasama ko siya.
Nagpahintay ito sa labas ng Hotel. Ito nalang daw ang mapapaalam sa celebrant. Tumayo lang ako sa labas.
"Wow. Doc. Meszia?" kilala ko ang boses na iyon. Minsan ay kabiruan ko pa. Si Doc. James.
"Nandito ka pala" sabi ko. Nasuot ito ng tuxedo. Malamang ay galing din siya sa loob. Hindi ko alam na imbitado din pala siya.
"Ang ganda natin ah." puri niya
"Salamat. Hindi ko alam na envited ka pala"
"Ako nga din e. Kung alam ko lang isinama na kita bilang date" biro niya na ikinatawa ko nalang. "Kasama ko si Director. He's a good friend of the celebrant" anito
Kita mo nga naman ang coincidence kilala pala ng Director nila si Dr. Gutler. Mabuti din at hindi ako nakita ni Director dahil ang paalam ko may date ako.
Magkasama pala sila kaya kailangan ko ng magpaalam baka nasa paligid lang si Director at makita pa akong pakalat kalat.
"Sige. Aalis na ako. Bye" mabilis na sabi ko.
"Teka, Meszia" Pinigilan niya ako sa braso sa akmang pagtalikod ko sa kanya. "Uuwi ka na ba. Ihahatid na kita sa condo mo. Pauwi na din naman ako"
Isang malakas na tikhim ang marinig namin. Sabay pa kaming lumingon sa gumawa no'n.
Si Karrick ay seryoso ang tingin sa braso ko na hawak parin ni Jameson. Nakaigting pa ang panga.
Pasimple ko'ng hinila ang kamay at lumapit kay Karrick. Kumapit ako sa braso niya.
Ang ganda talaga ng timing mo Karrick baby!
"H'wag ka nang mag - abala, Doc. James. Ihahatid na ako ng boyfriend ko" sabi ko sa lalaki. Nakita kong natigilan pa ito sa sinabi ko. Wala kasi akong sinasabing may boyfriend na ako, which is wala naman talaga. Kaya nagpapalipad hangin parin siya sa akin. Mabuti na iyon para tigilan na niya ako. I can only see him as a friend at bilang katrabaho lang
Matagal na din naman ang pinagsamahan namin sa trabaho.
"May boyfriend ka na pala" anito. Napansin ko ang pagkadismaya sa boses niya.
"Oo. Nakalimutan kong ikwento sa'yo." Tinignan ko si Karrick na seryoso parin. "Dati ko palang katrabaho si Dr. Jameson Avila. Doc. si Karrick Zeiffer pala boyfriend ko"
Base sa gulat sa mukha ni Doc. James nakilala niya ang lalaki.
Tumango si James.
"Nice to meet you, pare"
Hindi tumugon si Karrick. Maattitude ang lolo niyo.
Bago pa magkaroon ng awkward moment nagpaalam na ako dito.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa amin ni James. Hinila ko paalis si Karrick. Nagmamadali.
"Who's that" masungit ma sabi niya. Pinakilala ko na mga kanina. Parang okupado ang isip nito sa ibang bagay hindi 'ata nakikinig.
"Dating katrabaho ko nga" sabi ko. Hindi ko sinabing katrabaho ko. Baka patalsikin pa niya ako sa trabaho kapag nalamang hinahati ko ang oras sa kompanya niya at sa hospital lalo na't regular na empleyado na ako. Ang alam ng HR resign na ako doon. Malaki pa nga ang katanungan nila kung bakit pinili ko ang maging office girl kaysa sa propesyon at malaking sahod. Bawal pa naman iyon. Kasalanan 'to ng Director namin.
"He likes you"
"Oo. Alam mo na. Sa ganda kong ito wala talagang hindi mapapahinto. Muntik na nga niya akong ligawan e. Sinabi ko lang na ikaw ang gusto ko kaya tumigil na" Pag - amin ko na may kasamang biro.
Mukhang hindi naman niya kinagat at iniwan nalang niya ako bigla.
Hinabol ko siya. Napahinto lang ako dahil sumakit ang paltos ko sa paa.
Inalis ko iyon sa paa. Nakaramdam ako ng ginhawa.
"What are you doing? Whay did you removed it" Nagtaas ako ng tingin mula sa pagkakayuko.
Bumalik pala siya.
"E masakit na kasi"
"Madudumihan ang paa mo"
"Okay lang. 'Wag lang masugatan" Hinawakan ko ang heels. At nauna ng naglakad dito.
Nagulat ako ng agawin niya ang heels ko. Mabilis itong naglakad sumunod ako ng may ngiti sa labi sa ginawa niya.
Narating kami sa kotse niya.
"Ihahatid mo na ako?!" natutuwang sabi ko
Huli na ng marealize ko.
"I don't have a choice. Sinabi ko kay Mr. Gutler na ihahatid na kita." palusot niya.
"Yeey!" Ako na mismo ang magbukas ng passenger. Alam ko namang never niya akong pagbubuksan. Nauna akong sumakay sa kanya baka magbago pa ang isip at iwan nalang ako mag - isa dito. Kawawa naman ako kung maglalakad ulit ako pauwi.
Ibinalik niya sa akin ang heels pagkapasok. Isinuot ko na muli 'yon.
***I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (308)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
update na po please
28/06/2024
0Ganda... Kaso di PA tapos hehe
15/02/2024
1pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac
05/02/2024
0Tingnan Lahat