Homepage/Chasing Karrick/
Kabanata 27
Kinabukasan ay abala na muli ako sa trabaho. Palipat lipat ang mga inaasikasong pasyente. Yung iba ay pwede ko namang ipagkatiwala sa nurses namin. Mabuti na lang at marami silang naka duty ngayong gabi.
And yes, 12 hours na akong abala at night shift pa ako. Nakalimutan ko na ring kumain ng dinner.
May pumasok na Nurse at binati ako. Tinanguan ko siya saka kinuha ang inabot na medical reports.
"Dr. Aldrich, may naghahanap po pala sa inyo sa labas," imporma niya.
Tiningala ko siya mula sa binabasang medical record. May kakaiba ang ngiti niya sa mga labi.
Nagtaka ako. Si Ate Kierra kaya? May nangyari kaya kay Althea?
"Sige. Paki-check mo muna 'yong nasa room 233, Rose, salamat," bilin ko 'saka ibinigay rito ang medical record na hawak. Nauna na siyang lumabas, sumunod ako rito.
Oh gee!
"Karrick?"bulalas ko nang makilala siya agad. I was awed to see him here. I was even planning to pursue him again and it turned out, I don't need to. He was handsomely leaning on the wall near my office door.
Kanina pa ba siya sa labas? Bakit hindi siya pumasok.
Lumingon siya na nagpakiliti sa puso ko. I miss him, yeah.
"You're working too hard. Here." Iniabot ang paper bag. Kinuha ko iyon at sinilip ang laman.
Pagkain pala. At ang mismong nagdeliver pa niyon ay si Karrick. so sweet.
"Why are you here? It's already late."
Hah! Huwag niyang sabihin sa akin na napadaan lang siya, because I won't buy his reasons. Mas kikiligin pa ako kung aaminin niyang nandito siya dahil sa akin.
"I just got off from work. Grandpa said you hadn't eaten since you started your shift. So, I brought you that."
Wow. Si Lolo talaga ang Guardian Angel ko! At papaanong nalaman ni Director na hindi pa ako kumakain? Ni hindi pa kami nagkikita simula nang shift ko.
"Thanks. Concern ka pala sa akin. So, kailan mo naman ako liligawan?" Biglang bulalas ko na ikinagulat ko rin. Pinanindigan ko na. Mas maganda na rin iyon kaysa nagpapakiramdaman kami. Nakakapagod iyon.
Then to my surprise he smiled pero sa ibang direksiyon naman tumingin. Umiling pa siya na parang hindi alam ang irereact . Nahihiya ba siya?
How cute !
"Aalis na ako. You should eat, pumapayat ka." Tinalikuran na niya ako nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
Wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Baka nahihiya pa siyang aminin. Mag-a-assume na lang ako na nililigawan nga niya ako.
Mag-a-assume na naman ako.
Sana hindi niya ako paasahin sa huli.
Biglang may tumapik sa akin at nagising sa pagkatulala.
"Farrah, nandito ka lang pala. Hinahanap ka na naman ni Dr. Dominguez."
"Hay! Ano na naman ang kailangan ng matandang iyon?! Hindi pa ako nakakalamon at ako ulit ang bukambibig niya."
"Aba! Farrah, bakit parang kasalanan ko? Kasalanan ko ba?"
Isa pa 'to. Ang sarap hambalusin!
"Adios!" Tinalikuran ko siya at pumasok sa opisina. Kakain muna ako bago puntahan si Dr. Dominguez. Tutal hindi pa ako nagbebreak.
Pumasok si Akiro.
"Ano?!" Galit galitang tanong ko.
"Anong ano? Grabe ka naman, nagka-love life ka lang. Pahingi ako ng pagkain."
Akmang kukunin niya iyon sa mesa ko pero mabilis kong naagaw.
"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na mamalimos ng pagkain ko."
Hinayupak na 'to. Uunahan pa ako.
"Ang damot. Nakasalubong ko si Prince charming kanina. Siya nagbigay niyan sayo no. Sabihin ko kayang may relasyon tayo," pagbibiro niya.
Tinapik ko ang mesa.
"Subukan mo o tatangalin ko ang puso mo gamit ang scalpel na ito. Sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang sakit!"
Itinuro ko rito ang scalpel na trophy na naka display sa mesa ko.
"Pambihira ka naman, Farrah. Nagbibiro lang ako. Baka naman gusto mong turukan ako ng anesthesia oras na tanggalin mo ang puso ko."
"At bakit pa, anesthesiologist ka. Obligasyon mo na 'yon. Ano ba talaga ang kailangan mo?!"
Nagkamot siya ng ulo. Nagdadalawang isip pa.
"Hep! You stop there, man. I won't cover your shift ha!"
Manggogoyo na naman ang kumag na 'to. Akala niya 'yata mauuto na naman niya ako.
"Farrah, naman. Sige na. Ilang beses mo na akong tinanggihan. Pagbigyan mo na ako ngayon. Hindi ba't off mo sa susunod na araw. Gawin mo nang dalawa iyon. Ako ang magshoshoulder ng mga patient mo. Swear!"
Duda pa ako sa pagmumukhang 'yan. Hindi mapagkakatiwalaan.
"In your dreams! Baka ako pa ang mapahamak oras na mahuli ka ni Dr. Dominguez sa kalokohan mo."
"Come on. I'm the smartest here. May convention si Dr. Dominguez
at Doktora Lily sa araw na iyon. They won't find out."
Kita mo ang isang ito, dinedemonyo pa ako. Mukhang alam niyang kailangan ko ng pahinga. Halos dito na kasi ako tumira at dalawa o apat na oras lang ang tulog ko minsan.
Hays! Bahala na.
Kinabukasan ay nag - rounds na agad ako. Marami pa kasi akong gagawin.
"Good morning ho, nay. Morning check lang po. Kumusta po ang apo ninyo?" magalang na tanong ko sa matanda habang titignan ang lagay ng bata na nakahiga sa hospital bed.
"Ayos naman na po siya, Doktora. Kumakain na siya kahit paunti - unti."
"Maganda kung gano'n, La. Pero hangga't maaari huwag niyo lang po siyang pakainin ng mga bawal ha. Mas mapapabilis ang pagaling niya kung susundin niyo ang mga bilin ko." Minsan kasi ay may makukulit na guardian, kahit sabihin mong hindi pwede ay gagawin pa rin nila.
At base sa nakita kong ngiti ni Lola ay mukhang hindi niya ako sinunod. Napapailing na lang ako sa katigasan ng ulo nila. Hindi naman para sa akin ito kundi para rin sa pamilya nila.
Lumipat naman ako sa kabilang bed. Hinabaan ko pa ang pasensiya lalo na't karamihan ay mga matatanda ang kausap ko. Kailangan ng mahabang pang-unawa lalo na sa mga reklamo.
Pagkatapos kong iattend ang mga pasyente ay lumabas na rin ako.
"Nakita niyo rin ba?"
"Oo, kanina nakasalubong ko sila. Ang guwapo pala talaga ng apo ni Director no!"
"Mabuti na lang dito ako na-assign na department makikita ko siyang daraan dito kasama ni Director. Grabe! Nakikilig talaga ako nang tumingin siya kanina sa direksiyon ko. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako."
"Ang OA mo naman, sis. Ako nga kanina hindi makagalaw sa pagkatulala."
Lumalaki talaga ang tenga ko kapag ganoong usapan ang naririnig ko at kilala ko pa ang pinagpa-pantasyahan nila.
"Hoy! Sarap nang tsimisan natin diyan mga sis ah. So, ano tapos na ba ang mga rounds niyo. Kanina kasi nakita ko si Nurse Tuazon sa kabila-"
Ayan! Nagpulusan na ang mga magagaling. Binanggit ko lang ang pangalan ng isang senior Nurse ay akala mo nakarinig ng emergency. Sabagay maging ako rin ay natatakot sa Nurse na iyon. Madalas kasi akong taasan ng kilay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (308)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
update na po please
28/06/2024
0Ganda... Kaso di PA tapos hehe
15/02/2024
1pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac
05/02/2024
0Tingnan Lahat