Kabanata 24


Keira kept thanking me and I keep telling her it's my job. I know how she felt. Hindi ko alam ang pakiramdam ng maging ina ngunit nakaramdam din ako ng sobrang takot na baka mawala si Althea sa amin, that I couldn't save her.
Nang pumasok ako sa kwarto ni Althea ay nagulat ako sa naabutan. May dalawang lalaki sa magkabilang pinto. They were guarding outside Althea's room.
Iba talaga ang tatay ni Althea. Hindi na nakapagtataka dahil isang Mondragon si Althea. Inilipat pa siya sa malaking kwarto sa hospital na ito.
Nag-usap na rin kami ni Director na ililipat sa susunod na araw ang operation ni Althea hanggang sa maging stable na ang lagay niya. I agreed because I can't take rhe risk.
Kinabukasan nga ay nagkaroon muli kami ng medical conference para sa operation bukas. It took 2 hours for us to settle everything. Nang matapos ay lumabas na kami ng meeting room.
Sumabay akong lumabas sa Direktor namin dahil nag-aya siyang kumain kami sa labas. It's almost lunch already.
"Let's go, iha." Sumunod ako rito hanggang sa makalabas na kami sa hospital.
Nagtaka ako dahil nakatayo lang kami sa hrap ng hospital na parang may hinihintay. Naisip kong baka kinuha lang ng driver niya ang sasakyan.
Ilang sandali nga ay may humintong pamilyar na sasakyan sa harap namin. Nilingon ako ng matanda at saka nginitian. Lumapit siya sa pinto ng backseat at pumasok. Akma naman akong susunod dito nang pagsarhan niya ako ng pinto ng sasakyan. Napamaang ako sa gulat. Bumukas naman ang bintana niyon.
"Iha, naku, sa harap ka na lang maupo at masikip na rito," aniya na ikinataas ng kilay ko. Wala naman siyang katabi roon.
Bumuntong hininga na lang ako at binuksan ang pinto ng front seat. Hindi na ako nagkomento at pumasok na. Ayaw siguro niya ng may katabi sa likod.
"Seat belt, please."
Natigilin ako. Isang pamilyar na amoy ang nalanghap ko. Nang balingan ko ang katabi'y gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko.
Nakasalubong ko ang tingin niya at para naman akong tanga roon na nanatiling gulat ang mukha.
Narinig ko ang mahinang tawa ng matanda sa likod.
"Pasensiya ka na, iha, hindi ko pala nasabi kanina na kasama natin itong apo ko. Okay lang naman siguro sa'yo hindi ba?"
Nag-iwas ako ng tingin sa lalaki at bumaling sa matanda.
"O-Opo. Ah .. ayos lang ho," nauutal na sabi ko.
Inayos ko ang seat belt habang ang kamay ay nanginginig sa kaba.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating kami sa isang fine dining restaurant. Nakasunod ako sa dalawa habang ang isip ay binabagabag ng mga tanong.
Mukhang sinet-up 'ata ako ng matanda. Nahulaan kaya niyang si Karrick, na apo pala niya ang lalaking kinababaliwan ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Karrick pala ang tinutukoy niya noon. Madalas na niyang ikwento ang tungkol sa apo niya pero kahit kailan ay hindi ko pa tinatanong kung anong pangalan ng apo na tinutukoy niya.
Anak ng direktor nila si Mrs. Zeiffer, that explains the different surename. With Mrs. Zeiffer's attitude, halatang hindi ito nagmana sa ama. Our Director is very friendly person far from her daughter. Ngunit mabait naman ang ginang maliban lang sa pagmamanipula niya kay Karrick.
"Farrah, anong sa 'iyo? Hindi mo ba gusto ang pagkain dito. Pwede tayong lumipat kung gusto mo," agaw pansin ng matanda sa akin.
"A- hindi na ho, Lo." Kinuha ko ang inabot niyang menu. Naka-order na pala ang mga ito at ako na lang ang hinihintay ng waiter. Napatingin muna ako kay Karrick na abala sa cellphone. Pumili ako ng papasa sa panlasa ako, syempre iyong mumurahin lang. Butas ang bulsa ko sa presyo ng mga pagkain rito.
Magpapatayo pa ako ng bahay, kaya tipid - tipid muna ang bituka ko.
"Farrah, nagdidieta ka ba? Don't worry about the price. Ang apo ko naman ang magbabayad," biro niya.
Lihim kong kinausap ang sarili.
Naku, inaasar ba ako ng matandang 'to.
Ngumiti lang ako rito.
"Grandpa, bakit ako ang tinawagan mo instead of Mom? Siya ang pansamantalang nagma-manage ng pharmaceutical company," basag ni Karrick sa katahimikan.
Oo nga, bakit ba ako nandito?
Kinuha ko ang juice na inilapag ng waiter kanina habang naghihintay ng order namin.
"She's out of the country, grandson. Hindi ba niya inihabilin sa'yo ang naiwang trabaho niya?"
"I-- No, but I already ask my secretary to send the boxes in your hospital the other day. Besides, hindi pa tapos ang pagde-develop ng gamot na kailangan niyo. Ipapadala pa iyon sa US para pag- aralan."
"Hindi iyon ang gusto kong pag-usapan natin kaya kita tinawagan, apo. Matagal din tayong hindi nakapag-bonding," aniya na parang naglalambing lang sa apo.
Magba-bonding pala sila pero bakit ba nandito ako?
"We saw each other just the other day, Grandpa, remember?" pagpapaalala niya.
"Oo nga pala. Pero may nangyari kaya hindi tayo masyadong nakapag-usap."
Napasulyap sa akin ang direktor at nahulaan ko naman ang tinutukoy niya.
Nakuha naman ng matanda ang atensiyon ko.
"Siya nga pala, nakalimutan kong itanong sa iyo iti, Farrah. Ikaw ba ay nagtatrabaho sa kompanya ng apo ko?"
Nakagat ko ang labi. Dalawang pares na mata ang nakatingin sa akin. Gusto ko sanang sabihing hindi pero baka isipin ni Karrick na sinungaling ako.
Gusto ko sana siyang landiin ngunit pinipigilan ako ng mga mata niya. Galit pa rin kaya siya sa akin?
Siya na rin ang nagsabi at ipinakita pa niya wala siyang pagtingin sa akin.
"Opo, s-sa kompanya po niya ako nagtatrabaho dati," sagot ko.
"What a coincidence. You never knew he was my grandson, right?" Ngumiti ako bilang sagot. Tumango-tango siya 'saka bumaling sa apo. "I used to talk a lot about her with you whenever we see each other, Karrick. Farrah is one of the best asset of my hospital. Nang magpaalam siyang magre-resign dahil nahanap na raw niya ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ay malaki ang pagtanggi ko. Bakit naman niya ipagpapalit ang career para mag-opisina lang. I said 'she is wasting her talent to that man'."
No! Lolo, huwag niyo na pong ituloy ang kahihiyan ko! Huwag!
Parang gusto kong tumayo at pigilan ang matanda sa pagkukwento dahil alam ko na kung saan papunta ang usapang ito.
Nagpatuloy lang siya na hindi pinapansin ang pag-iiba ng ekspresyon ko. Hindi ako mapakali lalo na't nasa malapit lang si Karrick. Paminsan minsan ay napapatingin pa sa akin.
"Siguro ay kilala mo ang lalaking iyon, apo? Patay na patay siya sa lalaking iyon na halos hatiin ang oras sa pagpasok sa opisna at hospital. That man is very lucky. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin ang pangalan ng lalaking iyon, Farrah. What is that man's name?"
Ngayon ko ipinagdasal na sana himatayin ako o magkaroon ng sunog sa restaurant at may pagkakataon akong takasan ang tanong niya.

Komento sa Aklat (308)

  • avatar
    QuiabangAki4012

    update na po please

    28/06/2024

      0
  • avatar
    redSpicy

    Ganda... Kaso di PA tapos hehe

    15/02/2024

      1
  • avatar
    Lyn Mae Collamar

    pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac

    05/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata