Kabanata 23

Tinignan ko muli ang medical information ni Althea na kinuha ko kanina sa may frontdesk. Napatango ako sa sarili. Handa siya para sa operasyon bukas.
Hindi dapat ako pumasok ngayon pero gusto kong makita si Althea bago ko siya operahan bukas.
Pinadalhan ko kanina ng mensahe si Ate Kierra na pupunta ako ngayon dito, sabi naman niya ay aalis siya saglit sakto raw walang kasama si Althea kaya nagboluntaryo na akong bantayan siya.
Napansin ko ang ilang pasyente at nurses sa paligid. Nagtaka ako dahil nagbubulangan ang mga nurse sa oras ng trabaho. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon. Nilagpasan ko sila.
I hmmed a song while walking in the hallway. Ngunit napahinto ako sa paglalakad papunta sa kwarto ni Althea.
Bakit maraming tao sa labas ng kwarto ni Althea?
Bago pa ako dumiretso doon ay sumulpot mula sa likuran ko ang Director namin. Hindi niya ako napansin dahil parang nagmamadali siya.
Binundol ako agad ng kaba.
"Lolo!" Tawag ko sa atensiyon niya. Mukhang papunta rin siya sa kwarto ni Althea.
Napahinto siya at napabaling sa direksiyon ko. Rumehistro sa mukha niya ang relief nang makita ako.
"Farrah! Mabuti't nandito ka na," aniya na parang hindi mapakali.
"Ano ho bang nangyari? Bakit ho maraming tao sa labas ng kwarto ni Althea?" tanong ko na may halong kaba.
"My daughter brought her amiga here. Gusto raw niyang makita kung paano magtrabaho ang anak ng kaibigan nito kaya nag-aalala ako dahil-" naputol ang dapat na sasabihin niya.
"Grandpa?"isang boses ang narinig namin. Pareho kaming napabaling sa nagsalita.
I freezed.
Karrick?!
"Oh, Apo, you're also here."
Apo? Who..
"Apo?!!"
Nagpalipat - lipat ang tingin ko sa dalawang tao na nasa harapan ko. Gusto kong mapasapo sa noo. Siya ba ang tinutukoy ni Director na apo niya!
This is so unbelievable!
Nagtatakang tingin ang natanggap ko kay Karrick. Hindi man lang niya ako binati. Sabagay galit nga pala siya sa akin.
"Yes. He's my apo. Siya ang madalas kong ikwento sa iyo, Farrah. Do you know each other?" tanong niya na nagtataka rin sa inasal ko.
Pero bago ko pa iyon sagutin ay nakarinig ako ng malakas na pagtawag sa pangalan ko.
"Meszia!" Isang naghi-histeryang boses ang narinig ko.
"Meszia! Farrah! Oh god! NO!! Help my daughter!"
"Where is Meszia?!" Si Ate Kierra.
Anong ginagawa niya rito. Akala ko ba umalis siya?
Nakita ko siyang lumabas sa may pinto ng kwarto ni Althea. Nagkagulo sa loob. Narinig ko ang ilang singhap.
Kaagad akong lumapit kay Ate Kierra. Mabilis kong itinali ang buhok habang papalapit dito.
"Ate," tawag pansin ko, nag-aalala.
"Farrah! s-si Althea," aniya sa nanginginig na boses na mas lalong nagpakaba sa akin.
She started to cry when she saw me and a slight of relief. Hindi ko muna siya inalo at pumasok sa loob na mabilis ang tibok ng puso.
Hindi pwede! Bukas na ang operasyon.
Tumabi ang mga taong kanina pa nakaharang sa may pinto.
Nairita ako dahil maraming tao. Ano bang nangyayari?!
"Iha? What happen, aren't you gonna do something. I think she's in a bad state," narinig ko agad and boses ni Mrs. Zeiffer, nag-aalala. Anong ginagawa nila lahat dito! Ano ba talaga ang nangyayari?
Nataranta maging ang nurse.
Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita ang hitsura ni Althea sa hospital bed niya. Her skin color changes. Nag-violet din maging ang labi niya. Nanginginig ang paa ko papalapit sa kanila.
Napaatras si Loisa sa hospital bed ni Althea sabay na nahulog ang syringe sa kamay at isang maliit na botelya sa sahig.
"Dr. Aldrich!" tawag pansin sa akin ng isang nurse halatang hindi rin alam kung anong gagawin.
Napabaling ang tingin ng lahat sa akin.
Maging si Mrs. Zeiffer ay napansin ako at may kasama pang gulat na nakarehistro sa mukha.
"What happened?" I tried to remained calm. Ayokong isipin na may ginawang mali si Loisa kay Althea. She will regret it if she did.
"Farrah," narinig ko ang paghikbi ni Ate Kierra sa likod ko.
"Doc. k-kasi po... tinurukan po siya ni Dr. Santiago ng---" takot na sabi niya.
"Ilan ang nilagay niya?" Pilit at mahinahon na tanong ko.
Pinigil ko ang paghinga, maraming tao sa loob at mas lalao akong nahihirapan sa lumanghap ng hangin.
Nang hindi siya magsalita ay nagtanong muli ako.
"Ilang ml ang nilagay niya? Sagutin mo ako!" I demanded, tho she seemed scared dahil siguro nasa harap niya si Loisa o dahil sa sobrang galit na nakarehistro sa mukha ko
"20ml po, Dr. Farrah," sa wakas ay sagot niya. Halos panawan ako ng ulirat sa sinabi niya.
"Doc. si Althea po. Nahihirapan ng huminga!" tawag sa akin ng isa pang Nurse roon.
"Farrah, save my daughter!Please."
I rushed to the bed. Nahihirapan huminga si Althea. Suddenly she went unconscious.
Nanginginig ang kamay ko.
Her heart rhythm is slowing.
"Dr. Aldrich?"
"Bring the AED'S now!" Sigaw ko sa nurse.
"Yes, Doc!" Agad siyang tumakbo palabas.
Naririnig ko ang heart monitor. Narinig ko ang sigaw ng pag - iyak ni Althea. Naririnig ko ang singhapan at bulungan. Naririnig ko ang malakas na tibok ng aking puso.
Naririnig ko ang pag isang linya ng heart monitor. Althea NO!
My mind went blank for a second but I manage to breath deeply and relax myself. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay and I pump her chest. Inulit ko lang iyon hangang sa dumating na ang defibrillator.
Inabot agad ng nurse ang dalawang pads sa kamay ko. Nilagyan niya iyon ng jell.
"30 joulse!" I shouted.
Inilapit ko iyon sa dibdib ni Athena.
Tanging sigaw ko at ang pag-iyak ni Kiera ang maririnig sa loob ng kwarto.
Gusto kong magalit dahil hindi pa rin umaalis ang mga tao sa loob ng kwarto. Nagagalit ako dahil wala silang pakialam.
"40!"
"50!"
"100!"
Tumataas hanggang sa kumawala ang pinipigil kong hininga. Bumalik sa normal ang tibok ng puso ni Althea.
Bumaba ako sa kama at muntik nang matumba dahil sa panginginig. Mabilis akong inalalayan ng isang nurse hanggang sa makatayo ng maayos.
Paano kung hindi ko naisip na pumunta rito? Paano kung tinamad akong pumasok?
Mamamatay siya kapag hindi naagapan.
How dare this person! I gave my dangerous look to Loisa.
Lumapit ako kay Loisa na napaatras nang makita akong papalapit.
I slapped her hard, upang mapahawak siya sa isang upuan doon.
"How dare you slap my daughter !" Sigaw ng ina niya ngunit hindi ko siya pinansin. Wala siyang karapatang sigawan ako lalo na't muntik ng patayin ng anak niya ang pasyente ko!
Nakita ko ang takot sa mga mata ni Loisa. She should be scared dahil muntik nang mamatay ang pamangkin ko dahil sa katangahan niya. Anong karapatan niya para magdoktor doktoran sa harap ng maraming tao.
Para lang magpapansin sa ina ni Karrick, nagawa niyang ipahamak ang pamangkin ko! She should learn her lesson!
"You stupid bitch! Are you trying to kill my patient! Hindi ka dapat nagmamagaling lalo na't alam mong wala kang alam tungkol sa medisina! Paano mo nagawang turukan siya ng ganon kataas na gramo. Your indangering her life!"
"Kailangan niya iyon!?" Aniya na walang ibang maikatwiran. Wala talaga siyang kaalam - alam!
"Kailangan?! Did you even know what her problem is! She have a weak heart!! Hindi ka ba talaga nag-iisip? Alam mong hindi ka naman totoong doctor pero nagawa mong turukan siya ng ganon kataas na gramo. Buhay niya ang itinaya mo! Don't fucking tell me she needs it when you didn't even glance her medical records, Dr. Santiago," galit na sabi ko. "At anong susunod na gagawin mo ha! Mag - opera kahit hindi mo naman alam kung paano humawak ng scalpel! , magturok nga ng syringe hindi mo pa alam kung ilang gramo ang ituturok mo. You don't deserve to be here. You don't deserve to save lives. YOU don't f*cking deserve to be a DOCTOR, Dr. Santiago. You should ripped that robe of yours before I do!"
Kinain ako ng galit dahil sa takot na mawalan ng anak si Ate Kierra. Si Althea na lang ang natitira sa kanya.
"I will give you an advice! Bumalik ka sa opisina mo at gawin doon ang madalas mong ginagawa. Huwag mong ipagyabang dito na kaya mong mag-ligtas ng buhay! You're a fake doctor! Don't ever, ever lay your hands on my niece or any of my patients! Do you understand, Dr. Santiago!!" I shouted angrily.
"Tell this audiences of yours to f*ck off before I call the security! Hospital ito at hindi theatre. Hindi artisa ang mga pasyente rito! Lalong - lalo na't bawal ang mag-doctor doktoran dito!"
Umatras ang tapang ni Loisa. Dahil siguro sa takot na nakita. Napasapo ako sa mukha marahas na pinunasan ang luha. Malalim ang paghinga ko. Marami pa sana akong gustong sabihin pero nagsalita na ang Director.
"Dr. Santiago. Go to my office, now!" Katabi niya sa Karrick na parang ..hindi ko alam.
"Dr. Farrah. Sumunod ka rin pagkatapos mo."
Mabagal na tumango ako.
Mabilis na lumabas si Loisa nakasunod ang ina niya. Masama ang tingin ko sa kanila. Isa-isang nagpulusan ang mga tao sa loob. Mukhang natakot din sila sa galit ko.
Lumapit ako kay Althea. I check her again.
Napailing ako. Maswerte ka talag, Angel.
"Farrah. Thank you!" Madamdaming sabi ni Ate Kierra hindi matigil sa pag -iyak.
Tumango na lang ako.
Nagulat ako dahil may matangkad na lalaki sa tabi niya. At mas lalo pa akong nagulat nang mamukhaan ko siya!
"Vast Mondragon!" Gulat na bulalas ko.
"Farrah" sabi niya.
"Kuya?! Ikaw ba talaga 'yan?" Hindi pa rin ako makapaniwala. He change a lot.
Siya ba ang ama ni Althea? Ang Ex-boyfriend ni Ate Kierra! Bakit nga ba hindi ko naisip iyon. May posibilidad na siya ang ama dahil siya lang naman ang huling nakarelasyon ni Ate Kierra.
"Thank you, Farrah," aniya kahit seryoso ang mukha niya at may nakapa rin akong galit. Mukhang maging siya ay galit din sa nangyari.
Humihikbi pa rin si Kierra at nakaluhod sa kama ni Althea. Hindi siya inalo man lang ni Kuya Vast. Mukhang magkaaway sila.
Nagpaalam ako sa kanila.
Pumunta ako sa opisina ng Director.
Pagkapasok ko ay bahagya akong nagulat. Nandito pala sila Karrick at ang mag-inang Santiago.
Inirapan ko si Loisa.
"Sit down, Dr. Farrah."
Naupo ako sa kaliwa ni Director kaharap si Loisa. Mukhang hiyang - hiya sa ginawa, hindi makatingin ng diretso.
Aba! Dapat lang, mahiya siya sa pinag-gagawa at sa kasinungalingan niya. Isa pa anak ng isang Mondragon ang pinahamak niya. I'll bet, she will be sued.
"What happen a while ago is a lesson to you, Dr. Santiago."
"Kasi, Director, nagkamali lang ako ng nailagay. At saka, I thought she needed more dahil mahina ang puso niya kanina." Pagrarason pa niya. Nangangati ang kamay kong sampalin siya. Nagpigil lang ako.
Pareho kami ng Director na nadismaya. Mabuti na lang hindi siya pinapapasok sa operating room. Alam siguro ng Director ang kakayahan niya.
Nagtama ang mata namin ng Director, nakita ko ang paghingi niya ng paumanhin.
Napahawak ako sa ulo. Pinipigil ko ang namumuo na namang inis sa babae. Gusto ko siyang murahin at sigawan ng tanga. Wala siyang alam.
"Dr. Loisa .. What you did is wrong, you put Dr. Aldrich's patient into danger. She almost died. What if Farrah is not there at that time?Hindi mo dapat pinakialaman ang pasyente niya o kahit sino pa. Nakatakda na ang operasyon niya bukas maaaring magkaroon ng komplikasyon dahil sa ginawa mo. Dr, Aldrich will operate on her--"
"I thought my daughter will operater on her?" Singit ng ina ni Loisa. Aba't gusto pa rin niyang ipagdiinan na marunong ang anak niya sa kabila ng ginawa ni Loisa sa pasyente ko.
"No," tipid na sagot ni Director, halatang ayaw kausapin ang ginang.
Sumingit na ako.
"How could your daughter operate on my patient. Ni hindi niya alam ang procedures sa pag - oopera. Your daughter is lying to you, she never hold a scalpel on her entire life. Nagtataka nga ako kung paano pa siya naging doktor. Nakapagtataka rin na nakapasa siya sa Bar. Papatayin niya ang sino mang pasyenteng mahawakan niya! You should put her to school again," may diin ang bawat salitang sabi ko.
Tinapik ako ng Director sa balikat para kalmahin. Bumabalik na naman kasi ang galit ko. Iniisip ko pa rin kung anong manyayari kung wala ako doon. Lalo na't walang naka-antabay na doktor doon.
Mukhang na-ofend naman si Mrs. Santiago pero hindi na nagsalita pa, nahiya siguro dahil nandito ang amiga niya.
"I accepted your daughter in my hospital dahil ni-request iyon ng aking anak pero hindi ko na papayagang maulit pa ang pangyyaring ito. I will terminate your daughter," he said with finality.

Komento sa Aklat (308)

  • avatar
    QuiabangAki4012

    update na po please

    28/06/2024

      0
  • avatar
    redSpicy

    Ganda... Kaso di PA tapos hehe

    15/02/2024

      1
  • avatar
    Lyn Mae Collamar

    pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac

    05/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata