Kabanata 20

Kumakain kami ni Arabella sa cafeteria. Wala na naman si Irish dahil may date sila ni Aldous. Napapadalas kasi ang paglabas ng dalawang 'yon a. Bakit hindi na lang sila magpakasal. Ang sakit nila sa mata.
Sunod-sunod ang subo ko sa pagkain.
"Bakit pala absent ka kahapon, Meszia?" tanong ni Ara.
Nilunok ko muna ang pagkain 'saka uminom ng tubig.
"Tinignan ko lang yung lupang binili ko sa tagaytay. 'Saka nag-meet na rin kami no'ng Engineer na nirekomenda ng isang kaibigan kong doktor," sabi ko.
"Talaga. Bigatin ka na, Meszia, baka naman gusto mo akong ampunin," biro niya.
Pinandilatan ko siya.
"Sorry not sorry. Kapag nagpakasal na kami ni Karrick, doon kami titira," nangangarap na sabi ko. Tinamaan na naman ako ng kahibangan.
Napailing si Ara.
"Mabuti sana kung sinabi niyang gusto ka rin."
Aray.
"Ara. Arabella. Ang bitter mo naman. Hindi mo ba napapansin, kinakausap na niya ako 'saka siya kaya ang sumundo sa akin sa tagaytay tapos nag-date pa kami," nagmamalaking sabi ko.
"Talaga? Hindi ko napansin e," pagbabara niya sa sinabi ko 'saka sumubo ng kanin.
Umirap ako.
Hindi talaga siya naniniwala kahit ilang ulit ko nang sinabi na sinundo talaga ako doon ni Karrick.
"I'm telling the truth! Narinig niya yung boses ni Marcus kaya siya nagmamadaling pumunta sa tagaytay! Sabi ko sayo nag-seselos yun e. Ayaw pa kasing aminin na gusto talaga niya ako," saka ako natawa nang maalala na naman ang itsura ni Karrick kahapon nang itanggi niyang nag-seselos siya. Kaselos - selos naman talaga ang alindog ko.
"Marcus?" parang biglang natigilan naman si Arabella sa pangalang nabanggit ko.
Nakalimutan kong sabihin na Marcus ang pangalan ng Engineer ko.
"Oo. Si Eng. Marcus Yllana. Alam mo ba ang gwapo pala no'n. Akala ko nga artista kasi ang ganda ng ngiti muntik ko ng kalimutan si Karrick. Mabuti na lang loyal ako," natatawang kwento ko ngunit nanatiling walang imik si Ara sa sinabi ko.
Nagtaka ako sa ikinikilos niya. Nabanggit ko lang ang pangalan ni Marcus ay natahimik na siya. Bakit kaya?
Bigla siyang tumayo at nag-ayang bumalik na sa opisina.
"Tara na. Tapos na ang break natin baka mahuli tayo," nagmamadaling sabi niya.
Napatayo na rin ako at sumunod sa kanya.
Bumalik na kami sa department namin. Umupo ako sa cubicle ko habang hindi mapigilan ang sariling sumulyap sa pinto ng opisina ni Karrick.
Hindi ko kasi siya nakitang lumabas ng opisina niya. Gusto ko siyang itext kung kumain na ba siya pero baka isipin niya na napaka-clingy ko naman.
Aba! Dapat magpakipot naman ako kahit konti.
Inisip ko na lang na didiretso na ako pauwi mamaya at hindi ko na kailangan magshift ng apat na oras sa hospital. Makakabawi na talaga ako ng tulog.
Nasanay ako na dinadalaw si Althea sa kwarto niya pero siguro maiintindihan naman niya kung wala ako pansamantala.
Nag-ayos na ako ng gamit maaga akong natapos sa trabaho habang si Ara at Irish ay may tinatapos pang report. Nagpaalam ako sa dalawa na mauuna na. Sumakay na ako sa elevetor pababa.
Pagbaba ko ay sumalubong sa akin ang isang lalaki. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
Nang makalapit siya ay saka lang rumehistro sa akin na driver siya ni Mrs. Zeiffer.
"Pinapasundo po kayo ni Madam Alora" aniya. Hindi nga ako nagkamali. Sumunod ako sa driver.
Alam kaya ni Karrick ito. Hindi ko pa siya nakitang lumabas sa opisina niya kanina mukhang marami siyang ginagawa.
Iminuwestra ng driver na pumasok ako sa kotse. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Pagbukas ko sa pinto ng backseat ay nagulat ako. Nasa loob pala si Mrs. Zeiffer.
Oh gee!
Gusto ko ng kalimutan 'yong last encounter namin pero nandito na naman siya. Gusto ko siyang takasan kun'di lang ako magmumukhang tanga kapag ginawa ko iyon.
Pumasok ako sa loob ng kotse bago pa siya magalit, o maging dragona.
Hindi man lang ako  sinulyapan nang maupo ako sa tabi niya.
"Let's go" utos niya sa kanyang driver.
Lihim akong napalunok. Saan kaya niya ako dadalhin?
Balak kaya niya akong isalvage dahil sa pagsagot ko sa kanya noong nakaraang araw.
"S-Saan po ba tayo pupunta?"hindi mapigilang tanong ko.
Saan niyo ako dadalhin?! Karrick help!
"Kailangan ko ng kasama sa party na dadaluhan ko mamaya," tipid na sabi niya.
Pumalakpak ang tenga ko sa narinig na sinabi niya.
Oh gee! Tanggap na kaya niya ako bilang daughter-in-law niya!
Ngunit natagpuan ko ang sariling bagsak ang balikat. Kanina pa ako nakasunod sa mama ni Karrick. Ay nananakit na ang paa ko dahil sa suot kong heels.
Umasa akong pagsusuotin niya ako ng magarbong damit, kumikinang na alahas at ipagmamalaki sa ibang amiga niya pero heto ako at parang basahan lang sa tabi niya.
Isang buntong hininga ang pinkawalan ko.
Kasama pala ha! Alalay ang kailangan niya hindi kasama!
Alam kong gusto lang niya akong pahirapan. Akala ko malinaw na rito ang relasyon namin ni Karrick--kahit wala naman talagang namamagitan sa amin. I felt a pang in my chest.
Hindi siguro siya naniniwalang mag-reresign na ako. Naisip siguro niyang pahirapan na lang ako para hiwalayan na ang anak niya. Ginagawa niya ito para layuan ko si Karrick. Gusto niyang ako mismo ang umatras sa aming dalawa.
She kept commanding me to do that and that. Halatang sinasadya niya ang lahat at nagmumukha na akong tanga sa harap ng mga amiga niya.
"Messia, my fork fell, can you pick it up," utos niya.
Lumapit ako sa kanya at pinulot ang hinulog niyang tinidor. Alam ko na ang susunod naiuutos niya kaya pumunta ako sa buffet table para kumuha ng malinis na tinidor para rito.
Lumapit ako uli rito para ibigay ang bagong tinidor na kinuha ko pero tapos na pala siya sa pagkain.
Nagpipigil ako sa inis.
What maid me more angry is that she left me alone in the party! Hinanap ko siya sa party ngunit wala na ni anino niya.
How am I gonna go home?!
Pagkauwi ko ay pinagsusuntok ko ang kama nang mahiga ako.
Dalawang araw.
Dalawang araw na akong pinapahirapan ni Mrs. Zeiffer.
Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Karrick. Karrick where are you?
Hapung - hapo akong naupo sa cubicle ko. Nakatingin sa kawalan, nagtataka pa ngang sumulyap sa akin sila Irish 'saka na lang mapapailing. Alam nila kung saan ako galing dahil hindi ko sila nakasama kaninang lunch.
Pinatawag ako kanina ni Manager Elize, nandito raw si Mrs. Zeiffer. Iyon pala ay uutusan akong bumili ng pagkain.
Huh! Ang lapit nang restaurant, dito pa siya napunta! At kahapon nga ay hinila niya ako sa isang exclusive store, nagtuturo siya ng mga gusto niyang bilhan at lahat ng iyon ay pinabuhat niya sa akin. Halos mabura na ang mukha ko at wala na akong makita sa dami ng hawak ko kahapon.
I raised my head. Napatayo ako ng makita si Aldous na lumabas sa opisina ni Karrick. Hindi man lang nag-reply sa text ko ang lalaking iyon. Hindi ba niya ako na miss. Sa ganda kong 'to.
"Hoy! Aldous," tawag ko rito. Napabaling naman ang tingin niya sa akin. Nakaukit na naman ang nagtatakang tingin.
"Bakit wala si Karrick kahapon?" sumabay ako sa paglalakad niya.
"Ikaw talaga, Meszia, baka pagalitan ako ni Madam Zeiffer sa'yo e," sabi niya. "May business trip siya noong isang araw ngayon lang siya nakabalik," sagot niya sa tanong ko.
Nagliwanag ang mundo ko sa sinabi niya.
"Nandito na siya?!"
"Oo, pero ..may date sila ngayon ni Miss Loisa kaya wala siya sa loob. Sige," pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagmamadaling umalis na.
Tahimik akong bumalik sa mesa. Napatingin ako sa bukas na compact mirror ko sa mesa.
Nakita ko ang nangingitim na eyebags. 'Saka ko binuksan ang drawer na wala nang laman kun'di isang papel.
Nakatambay ro'n ang resignation letter ko.
Karamihan sa gamit ko ay nahakot ko na kaya iilan na lang ang natora sa mesa ko.
Tumayo ako pagkatapos kunin ang resignation sa drawer.
Tahimik kong nilakbay ang HR Department.

Komento sa Aklat (308)

  • avatar
    QuiabangAki4012

    update na po please

    28/06/2024

      0
  • avatar
    redSpicy

    Ganda... Kaso di PA tapos hehe

    15/02/2024

      1
  • avatar
    Lyn Mae Collamar

    pls pa update nmn po Ng next chp po thank ☺️ka bitin kac

    05/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata