Napalunok ako ng nalala nung kunin ni aling Brenda ang aking kamay at dinala ako sa kung saan dito sa malaking bahay. Dinala ako ni aling Brenda sa isang malaki at malawak na kusina, sobrang ganda at laki no'n, ang linis pa! Tila nanliit ako sa kusiGpetna ng mga Madrid. Hindi ko alam kung gaano ba kayaman ang mga ito. Ngayon lang ako nakatungtong sa ganito kalaking mansion at ngayong araw lang din ako naka sakay sa sasakyan na maganda. Nakita ko doon ang tatlong lalaki at isang babae na nag-uusap ng masinsinan. Kita ko sa dalawang lalaki ang katandaan ngunit sobrang guwapo parin at sa tikas ng katawan nito ay hindi mo mapagkakailang matanda na. Dumapo ang aking tingin sa babaeng sobrang ganda at halata sa katawan nito ang karangyaan. Ang katawan nitong kasing puti ng gatas at ang mga makikinis na balat nito kahit na nasa malayong bahagi ako. "Nandidito pala kayo! Hindi n'yo manlang sinabi na paparito kayong pamilya!" Pamilya? Tumingin sa amin ang ilang pares ng mata, ngumit ang isang lalaki ay tila walang pakealam sa paligid. "How's your day Nanay Brenda?"tanong nung hindi katandaan na lalaki. Kita sa mga mata at mukha nito ang palakaibigan ngunit kapag tinitigan mo ito ay maangas ang dating nito. "Walang pinagbago ganun parin Adriel,"usal ni aling Brenda. Adriel pala ang pangalan noong isang lalaki, ang ganda ng pangalan nito halatang pang-mayaman. "Nana you didn't bring alamang po? I have mangoes here! Well from the backyard," Bumaling ang tingin ko doon sa magandang babae na tila prinsesa iyon, hindi mali. Prinsesa nga siguro ito. Sobrang ganda nito, ang mga ngiti at mata nitong maganda tila wala itong kapintasan sa mukha o buong katawan. "Ay! Ayun ang sinasabi ko!" Tumingin ako kay aling Brenda dahil sa boses nito. "You forgot the alamang Nana!? Wala na Zaire is sad na look!" Napapikitpikit ako dahil sa sinabi nung babae, hindi ko alam kung bakit may sumilay na ngiti sa aking labi ngunit mabilis ko rin iyong iwinala. Ang salita nito ay hindi masakit sa tenga kung di nakakatawa pa ang tono noon. "Ikaw naman Ija, hayaan mo at igagawa nalang kita,"Ngumiti si Aling Brenda doon sa babae na agad naman nagningning ang mga mata dahil sa sinabi ni aling Brenda. Tumingin ang babae sa akin, nakita ko kung paano nag-iba ang reaksyon nito. Kinalibutan ako sa uri ng tingin nito na parang hinahalukay ang aking isip at pagkatao. "If I'm not mistaken she is the personal maid?"Tinuro ako nito gamit ang daliri nitong maganda ang kulay sa kuko. Dahil sa sinabi nito ay nahihiyang napatungo ako dahil bumaling sa akin ang kanilang atensyon. "S'ya nga Ija, mula sa bayan namin." Napaigtad ako ng hawakan ni aling Brenda ang aking beywang dahilan upang umangat ang aking tingin sa nasa lamesang bahaba. "Ang pangalan niya ay Alista Caine Malana,"Pagpapakilala sa akin ni aling Brenda. Hiya man ay ngumiti parin ako ng maliit, pinapangunahan ako ng kaba at hindi maintindihan na kabog. "H-hello po..."Nahihiyang sambit ko. Kita ko kung paano ako pagmasdan at titigan ng tatalo. Ang isang lalaking naka bahagi ang mukha sa kaliwa ay walang kibo lang na nakikinig. "Why are you trembling? Don't be scared of use we don't bite, I'm only eat one."Malakas na tumawa ang si Mister Adriel dahil sa sinabi nito ngunit malakas itong napa-ubo ng sikuhin ng isang lalaking malamig at walang emosyon ang mukha ang dibdib nito,"Babe naman para nagbibiro lang ako," "Please, Paddy and Dad, don't here." Hindi ako makapaniwala ng halikan ni Mister Adriel ang lalaking katabi nito! Tila tinakasan ako ng hining dahil sa pangyayari. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking hinalikan ang kapwa lalaki kung walang...relasyon. imposible namay relasyon ang dalawang lalaking nasa harap namin ngayon dahil hindi ko talaga mapagkakaila na para itong adonis at adan sa gwapo. "Kumain naba kayo Nana?" Napalunok ako at tumingin sa lalaking ngayon lang nagsalita simula nung pumasok ako sa kusina o kung kusina nga ito. Lalaking lalaki ang boses nito, ang pagtatagalog nito ay matigas at mariin ang bawat bigkas. "Hindi pa naman, pero mamaya na kapag tapos ninyo Ijo."Pagkasabi noon ay hinawakan ni aling Brenda ang aking kamay,"Ihahatid ko muna si Alista sa kuwarto nito para makapag pahinga na s'ya,"Pagkatapos sabihin ni aling Brenda iyon ay mabilis ako nitong dinala kung saan. Dalawang palapag lang ang bahay na ito ngunit kahit na ganun ay malulula ka sa sobrang laki at ganda nito, ang hindi basta basta pintura sa bahay na ito ay kaygaan sa mga mata. Tinatahak namin ang mahabang pasilyo na kulay creama ang pintura sa bawat haligi ng gusali. Hanggang sa makarating kami sa isang pintuan, binuksan iyon ni aling Brenda, nauna itong pumasok sa silid at dahil hawak nito ang aking kamay ay napasama din ako. "Isa lang ang patakaran ni Alkez Zed sa bahay niya at sa mga katulong nito,"sambit ni aling Brenda, kinuha nito ang aking bag at inilagay iyon sa isang sofa na mahaba. Pinagmasdan ko ang silid at napaka ganda noon at malako kung sa isang tao o dalawang tao, kumpleto ang nasa kuwartong ito, lahat ng gamit ay nandidito ultimo tv, sofa, maiilit na lamesa at ang kamang sobrang laki para sa aking pananaw. "Ang gusto lang noon ay hindi siya pagtraydorin ng mga katulong," Tumango ako sa sinabi ni aling Brenda. "Dito ang kuwarto mo, ikaw lang ang mag-isa dito, ang limang katulong sa bahay ay may sarili din na kuwarto sa bahay na ito," Agad akong napa baling kay aling Brenda dahil sa sinabi nito. Gulat ako dahil sa sinabi ni aling Brenda na ako lang ang mag-isa dito. "B-bakit a-ako lang po?"Taka at gulat na tanong ko. Hindi ko maiwasan ang mapatanong. Bumaling sa akin si Aling Brenda."Ayun ang sinabi sa akin ni Sir Alkez na dito ang mga nagiging personal maid niya, ang kuwarto mo ay malapit lang sa kuwarto namin sa kabilang pintuan lang." Lumapit sa akin si Aling Brenda at may inilagay doon na papel. Tinignan ko iyon at nakita ang mga number doon. "Ayan ang references number sa padalahan sa atin, kapag magpapadala ako ay isabay mo na para naibibigay ni Linda sa kapatid mo." Ilang saglit akong napatingin doon at naalala kona naman ang mga kapatid ko. Hindi ko mapigilan ang mag-isip kung kamusta na ang mga ito at kung anong ginawa o kung kumain naba. "M-maraming salamat po dito aling Brenda, hindi ko din po alam kung saan ako magpapadala kung sakali man na sumuweldo."Sobrang laki talaga ng pagpapasalamat ko dito, kung baga ay ito ang hulog ng langit sa akin. "Ano kaba, wala iyon." Ilang sandali pang nanatili si aling Brenda sa silid na ito hanggang sa umalis na ito dahil may kailangan pa daw na gagawin. Nagpaalam ito sa akin na tanging tango lang ang na ibigay ko. Wala sa sariling umupo ako sa malinis na sofang kulay pula. Nang maramdaman kung gaano iyon kalambot ay napapikit nalang ang aking mga mata. Sobrang lambot at ang sarap nitong upuan. Umalis ako sa sofa na mahaba bago ako nagtungo sa kamang kulay puti ang cover. "Ang lambot."Naiusal ko nalang dahil kung mas malambot ang sofa ay ito naman ang pinaka malambot na aking naupuan. Ito ang kauna-unahan na makakaramdam ako ng ganito, siguro kapag naka suweldo ako dito ay ipapagawa ko ang bahay namin na maliit at bibili ng malambot na foam, hindi man kasing ganito kalambot at least ay magaan sa pakiramdam kapag natutulog. Kung makikita at mahahawakan ng mga kapatid ko ang ganito siguro ay tuwang-tuwa at manghang-mangha ang mga iyon lalo na si Pilofie. Kinurot ang aking puso ng maalala ko kung paano tumakbo si Pilofie na parang sinusundan ang sasakyan na kinaroroonan ko kung hindi lang ito pinigilan ni Madeo. Kinuha ko ang bag at inilabas ang mga laman na mga gamit doon, hindi ko dala ang lahat ng damit ko dahil ang tanging dinala ko lang ay yung maayos na damit ganun na din ang shorts at leggings ko. Habang sinasalansan ko ang mga damit ko ay biglang bumukas ang pintuan at sumilip doon si aling Brenda. "Halika na at kakain na tayo, alam kong gutom ka narin."Sambit nito. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa sinabi ni aling Brenda. Tumango ako at tinapos ang mga ginagawa ko nang matapos ay sabay kaming nagtungo sa lamesang mahaba kung saan naratnan namin ang apat kanina dito na ngayon ay wala na. Natakam ako sa mga pagkain na nakahain doon at parang mas lalong kumalam ang aking sikmura. Iba't ibang putahe ang nasa lamesang mahaba at sa itsura palang noon ay halatang napaka sarap na.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat