Dahil wala akong trabaho ngayong araw at wala ring pasok ang mga kapatid ko ay wala kaming ginawa ngayong araw kung hindi ang maglinis at maayos sa bahay. Tanghali na ngayon at kanina pa kami nakapag luto ng pananghalian, hinihintay nalang namin ang tamang oras upang kumain. Napaaga rin kasi ang pagluluto ko. "Ate! May naghahanap sayo!" Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko sa upuan na mahaba kasama ang dalawa kong kapatid. Umalis lang sandali si Madeo dahil may kailangan daw ang ka-klase niya dito nung magkasalubugan kanina dahil inutusan ko itong bumili ng tatlong itlog upang gawing ulam namin ngayong tanghali. Naglakad ako patungo sa harapan dahil nasa bakuran kami na maliit. Nakita ko sa hindi kalayuan si Madeo na may kasamang babae na hindi katandaan. Hindi pamilyar sa akin ang babae. Nagtataka man ay naglakad ako patungo sa kung nasaan ang kapatid ko at yung babae. "Ikaw ba iyong sinasabi sa akin ng kapatid ko?"Tanong agad nung babae. Nakita kong pinasadahan nito ng tingin ang aking katawan. "Yung nagtitinda po?"Magalang na tanong ko sa babae. "Ayun nga, ikaw nga iyon."Bumalik ang mga mata nito sa aking mukha at tila kinilatis ako."Ngayon ang kailangan dahil sa susunod ay hindi na kami makakapunta dito, minadali lang namin ang pagpunta dito dahil may mga kailangan din kaming gawin, nag text lang sa akin ang kapatid ko." Tumingin sa akin ang kapatid ko na tila naguguluhan, ngunit ako ay hindi makapaniwala. "N-ngayon p-po?"hindi makapaniwalang tanong ko. Nakita kong ngumuwi ang babaeng hindi katandaan, sa tingin ko naman ay hindi masungit ang kausap ko. "Oo, stay in ang trabaho mo dahil bulag nga si Sir Zy. Kailangan nito ng laging naka-antabay, nasa paligid, at mata nito sa bahay." Hindi ako nakapag salita. Bakit parang ang bilis? Bakit ngayon agad? At isa pa bakit stay in? "Libre ang pagkain at may sarili kang kuwarto sa bahay, hindi ko muna sasabihin sayo ang suweldo dahil si Sir ang nagpapasuweldo sa amin." Napatingin ako kay Madeo nung magsalita ito. "Okay lang ate, ako na ang bahala kila Sparios at Pilofie, makikiusap nalang ako sa mga teacher ko kung pwedeng ilipat ako sa panghapon na pasok." "P-pero ako dapat yung nag-babantay sa inyo..." "Ate, sige na. Diba gusto mong ipaghanda sila Sparios at Pilofie? Kaya eto na yun."Ngumiti ang kapatid ko sa akin, kita ko sa mga mata nito ang pagpayag at pagpapakatatag. "Huwag kang mag-alala Ija, makakapag padala ka naman tuwing buwan ng pera at ayan ang nasisiguro ko." Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango sa babae, sana naman maging maayos ang mga kapatid ko dito. "Lakad na ate, kunin mo na yung mga damit mo,"Tumawa ang kapatid ko ng mahina ngunit nakita ko ang kislap sa mga mata nito. "S-sige."Tumalikod ako sa dalawa bago ako nagmamadaling nagtungo sa bahay namin na maliit. Tumingin sa akin sila Sparios at Pilofie na nagtataka man ay mas pinilit ng dalawa na hindi magsalita. Pumasok ako sa loob, kinuha ko ang bag na lumang luma ng mabuksan ko iyon ay may nakita pa akong ipis na lumabas doon. Wala naman akong malalagyan ng mga damit bukod sa bag na iyon. "Ate saan ka po pupunta?" Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa bag na kulay itim at lumingon kay Pilofie. Lumuhod akonl dito upang magpantay ang aming paningin. "Fie, magta-trabaho na si ate,"Paunang usal ko,"Magta-trabaho si ate at stay in iyon, kailangan ni ate ng trabaho diba? Paano na yung graduation n'yo ni kuya Rios?"Hinawi ko ang buhok na nasa noo nito na sumusundot sa mata nito. Dahil sa sinabi ko ay nakita ko na mabilis na nagbago ang expression ng mga mata nito. "M-magtatagal ka po d-doon?"Gumaralgal na ang boses nito kaya mariin akong napapikit. Marahan akong tumango. "S-sino po mag-aasikaso sa amin?" Hinawakan ko ang balikat nito."Si kuya Madeo muna ang mag-aasikaso sa inyong dalawa ni Rios, hindi ko kayo papabayaan na dalawa." Umiwas ako ng tingin dahil kapag tumagal pa ang usapan namin na dalawa ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na umiyak. "Huwag kayong mag-alala, kapag maayos na tayo ay magiging maayos na ang ating buhay, diba gusto mo makakain ng manok at baboy?"Bakit ang sakit kailangan ko lang naman magtrabaho kasi para rin naman sa kanila iyon. Tuluyan na itong umiyak at humawak sa aking damit. "A-ate kahit h-huwag na akong m-makakain n-nang mga ganun basta kasama ka l-lang n-namin."Humikbi ito. Mas lalong napaka sakit sa akin kapag ganito. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko paba o hindi na. "Ate! Ano na!?" Binitawan ko si Fie, kinuha ko ang bag na may laman nang mga damit ko, tumayo na ako at maglalakad na sana ngunit hinawakan nito ang laylayan ng aking damit. "A-ate n-naman..." "F-fie, p-para naman sa inyo 'to e, maipapatingin na natin si Tatay sa doctor,"Hindi ko na napigilan ang sarili kong humikbi narin. Sa sinabi ko ay tila natigilan si Fie at napa-isip, naramdaman kong unti-unti nitong binitawan ang aking damit. "M-mag-iingat ka po d-doon ah?"Pagsuko nito habang nakatungo. "Oo naman,"Hinawakan ko ang mukha nito at marahan na hinalikan sa noo. Binuhat ko ito bago kami nagtungo kung nasaan sila Tatay at Sparios. Nang makita kami ni Sparios ay umiwas ito ng tingin na tila ba alam na ang aking gagawin. Ibinaba ko si Fie na ngayon ay maliliit ng humihikbi. Hinawakan ko ang kamay ni Tatay."Tay, aalis po ako at magta-trabaho, para po sa inyo iyon para mapatignan kona po kayo sa d-doctor."Huminga ako ng malalim ngunit masakit iyon ng ilabas ko ang hangin doon. Tumingin ako kay Sparios na ngayon ay wala na sa'min ang tingin, nasa malayo na iyon, kita ko ang pagdampi ng kamay nito sa mukha. "Rios, iingatan mo si Tatay ah?"Hinawakan ko ang mukha nito at iniharap sa akin. Ako na mismo ang nagpalis ng luha sa mga mata nito na patuloy na umaagos. "Kapag may pagkakataon na nakaka-uwi ako ay uuwi ako dito."Tumayo ako ng tuwid at kay Madeo na namamasa narin ang mga mata. Niyakap ko ang mga ito at sandali pang nag-usap bago ako tuluyan na lumakad kung nasaan ang babae na ngayon ay nasa isang magarang na sasakyan na. Hindi ko alam kung bakit at paano nakarating ang magarang sasakyan doon ngunit hindi ko na inisip iyon. Nang makarating ako sa kinaroroonan ng babae ay nagsalita ito at may ibinigay sa akin na sobreng puti. "Alam kong wala kang maiiwan sa mga kapatid mo,"Kinuha nito ang aking kamay at inilagay ang sobreng puti sa aking palad."Heto tanggapin mo, maliit na halaga lang iyan," Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin iyon, tumingin ako sa kapatid kong si Madeo at ibinigay doon ang sobre,"Habang hindi pa ako sumu-sweldo ay ito muna ang gastusin ninyo."Bumaba ang tingin ko sa kapatid ko pang dalawa. Ilang saglit pa akong nagpaalam sa dalawa at napag pasiyahan ko ng sumakay sa sasakyan na malamig. Sumilip ako sa bintana ng sasakyan upang sulyapan pa ng isang beses ang mga kapatid ko na pilit hindi umiiyak ngunit hindi napigilan ang mga sarili. Hanggang sa mawala ang mga kapatid ko sa aking paningin ay doon ko lang napakawalan ang luhang gustong kumawala. Mahina akong humikbi. "Ija, masasanay ka rin,"Sambit sa akin ng katabi ko. Tumango ako at pinunasan ang aking mga luha. "N-ngayon lang po kasi nangyari ang ganito sa amin ng mga kapatid ko kaya hindi po kami sanay."Mahinang usal ko. "Hindi naman mahirap ang magiging trabaho mo, sad'yang gusto lang ni Zy na may gagabay sa kanya." Ilang oras ang naging biyahe namin at na abutan kami ng gabi sa daan, hindi ko din alam kung saang lugar ang punta ng sasakyan na ito dahil hindi ko na itanong. "Bakit ang layo naman po?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Tumingin sa akin si Aling Brenda na nakangiti. "Nasa tagaytay ang bahay ng mga Madrid, malayo sa ating lugar."Pagsasabi ni Aling Brenda. Pumasok ng sasakyan sa isang magandang Village at parang gusto kong mamangha dahil sa mga laki ng bahay doon. "Hindi lang pumayag ang bayaw ng aking kapatid na dito magtrabaho dahil baka daw marumi at mabaho si Zy dahil sa kapansanan nito." Tumingin ako kay aling Brenda nang bahagya itong mapatawa sabay iling. Hindi ako nakapag salita ng tumigil ang sasakyan sa malaki at magandang bahay na nasa harapan namain, tumingin ako sa likuran at nakita kong may malaking gate doon. Bumukas ang sinasakyan namin at agad na bumaba si Aling Brenda kaya sumunod ako. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa laki ng bahay, halang mamahalin ang mga nasa paligid nitong bahay. "Halika na at pumasok." Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba dahil baka masungit ang may-ari ng bahay na ito. Kabadong sumunod ako sa likod ni aling Brenda at ng makapasok kami sa tanggapan ay mas lalo akong nalula dahil sa ganda ng bahay at laki noon. Hindi, hindi ito bahay dahil mansion ito. "Zy! Nasaan kana!?"malakas na sigaw ni aling Delya, inilibot nito ang mga mata. "In the kitchen Nana!" Tila kilabot at mabilis na nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa uri ng boses na 'yon. Sobrang lamig at walang ka emo-emosyon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat