Homepage/His Personal Maid/
Chapter 49
Ilang linggo na rin kaming nandidito sa Hospital. Halos hindi narin ako nakakapasok sa kumpanya ni Alkez dahil kay Zero na ngayon ay mas lalong namamayat at namumutla.
Tumingin ako kay Alkez dahil kakarating lang nito ngayon. Uuwi lang daw ito saglit dahil may kukunin. He said that to Zero. Hanggang ngayon ay hindi parin kinakausap ni Zeiven ang Ama nito.
Lagi lang tahimik si Alkez kapag nandidito. Tanging si Zero lang ang kumakausap dito kapag gising pero kapag hindi ay tanging tingin lang ang nagagawa nito kay Zeiven.
Katulad ngayon. Nakaupo ito sa mahabang sofa habang kami ni Zeiven ay nagkukulitan.
"Mama, what is your give this upcoming Christmas?!"Masayang tanong nito sa akin.
Malapit na ang pasko at ayun ang pinag-uusapan ng dalawang magkapatid kanina nung gising si Zero.
"What do you want? Books again?"Tanong ko dito.
Inilagay pa nito ang hintuturo sa baba na parang nag-iisip pa talaga.
"No, I don't need books for this Christmas."Seryosong sambit nito sa akin kahit na may bahid iyon ng ngiti sa labi."I only need this Christmas is you and Zero Mama,"Pagkatapos nitong sabihin iyon ay mahigpit itong yumakap sa akin.
Parang may kumurot sa akin dahil sa sinabi nito. Dahil kaharap lang namin si Alkez kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit.
"Mama,"Tawag ulit sa akin ni Zeiven.
Tumingin ako dito."Yes baby?"Tanong ko dito.
"I thought that Man is one day lang dito? Why he is staying so long?"Inosenteng tanong nito sa akin.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata dahil sa sinabi nito. Nung magmulat ako ay matalim na ang tingin ko dito.
"He's still your father Zeiven Frei. Give him some respect."Matalim kong sambit dito.
Kita ko sa mga mata nito ang pagkawala ng emosyon sa mga mata nito. Nilalabanan ang aking talim na tingin.
"Give some respect to him, Mama?"Tanong nito sa malamig na boses."Did he give you respect? Hindi naman po diba?"
Nagpintig ang tenga ko dahil sa mga sinasabi nito.
"Frei, hindi na maganda ang mga sinasabi mo. Kanino mo natututunan ang ganyang asal?"Tinignan ko ito ng walang emosyon.
Sasagot na sana ito kung hindi lang sumagot si Alkez na ngayon ay mapait na nakangiti sa amin.
"It's o-okay,"Tumayo ito bago naglakad kung nasaan kami. Kahit sa boses nito ay ramdam ko ang sakit doon."I-if may nagawa man akong hindi maganda noon. Handa akong harapin ang kondisyon mo, You are my son, my flesh and blood."Lumuhod ito sa harapan ni Zeiven na nasa aking hita habang nakatingin sa Ama nito."J-just g-give chance to prove myself to y-you."Kinagat nito ang labi at yumuko ng may tumulong luha sa mga mata nito."I will do anything what you said to me."
Ako ang nasasaktan dito. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ni Zeiven para sa Ama nito. Hindi ko kayang diktahan ang kung ano man ang gusto nitong sabihin at mangyari.
"You will do anything?"Tanong ni Zeiven dito.
Tuminghay ito kay Zeiven at tumango ng walang pag-aalinlangan.
"Yes, anything."
Ilang araw ang lumipas nung mag-usap ang dalawang mag-ama kahit na malamig ang pakikitungo ni Zeiven kay Alkez ay hindi tumigil si Alkez sa pagpapatunay sa anak nito na bigyan siya ng chance.
Labas naman siguro ang buhay namin dalawa ni Alkez diba? Labas ang nararamdaman namin dahil alam kong meron parin itong sakit dahil sa nangyari sa kanila ni Skyriz.
Hindi man sabihin nito o ikwento nito nakikita ko iyon sa mga mata nito. Labas ang sariling damdamin namin.
"M-mama..."
Bumalik ang aking diwa sa reyalidad ng makita ko si Zero na nang hihinang gustong umupo.
Dali-dali akong naglakad patungo dito.
"B-baby, hindi mo pwendeng pwersahin ang sarili mong umupo,"Pagalit ngunit marahan na sambit ko dito.
"Your Mom is right, Kuya. Don't don't do it again next time."Sambit din ni Alkez kay Zero na ngayon ay nakagabay na dito.
"S-sorry P-papa."Nang hihinang paghingi nito ng tawad.
Tumingin ito sa akin at sa Ama nito.
"M-mama, P-papa...I w-want t-to watch f-fireworks p-po."
Sabay kaming napatingin sa isa't isa ni Alkez dahil sa sinabi ni Zero. Today is the bisperas of Christmas tomorrow is the Christmas. Ilang oras nalang ang hihintayin namin at notche Buena na.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa gustong lumabas na hikbi doon. Sana naman hindi muna. Ayoko pa. Hindi ako handa.
"S-sure kuya, I will let you watch the fireworks."Tumingin sa akin si Alkez na may luha sa mga mata.
"M-mama, g-gusto ko po t-talagang m-manood...please?"Nang hihinang pagpupumilit ni Zero sa akin.
Wala sa sariling tumango ako dahil sa kagustuhan nito. Tumingin ako kila Kylie at Asher na ngayon ay nakatingin sa amin at tila kinakapa ang mangyayari.
Tumingin ako sa cellphone ko at thirty minutes nalang ay pasko na.
Kita ko kung paano ayusin ni Alkez ang mga nakakabit kay Zero at marahan at may pagiingat na inilipat iyon sa isang mahabang bakal. Binuhat nito si Zero na ngayon ay nang hihina at parang lantang gulay na walang ka buhay buhay.
Hindi man ito magsabi ay alam kong sumasakit na ng malala ang puso nito. Kahit ang doctor ay pinaghahanda kami sa pwedeng mangyari.
"M-mama where are you going?"Naguguluhang tanong sa amin ni Zeiven ng makita nitong inililipat namin si Zero.
Pagod akong ngumiti kay Zeiven.
"K-kuya s-sama ka n-nood tayong f-firewoks."Bahagyang tumaas ang kamay ni Zero na tila gusto nitong abutin si Zeiven.
Lumapit naman si Zeiven sa kapatid at ito na mismo ang kumuha sa kamay ng kapatid.
"K-kuya..."Hindi maituloy ni Zeiven ang sasabihin mahina itong humikbi at tumungo nalang at sumabay sa pagtulak ni Alkez ng wheelchair.
Tumingin sa akin si Alkez. Hindi ako naglakad dahil hindi ko kayang makita ang fireworks na 'yon.
Mapait itong ngumiti sa akin bago naglakad papunta sa akin at agad na ipinulupot ang braso sa aking beywang.
"Please, lets him watch the f-fireworks, lets him rest. He is tired and hurts. The pain in his eyes is he can't take him a-anymore."Mahinang sabi nito sa akin narinig kong mahina itong humikbi.
Umiling ako dahil sa sinabi nito.
"H-hindi ko k-kaya, h-hindi pa ako h-handa."Tuluyan na akong humagulgol ng mahina.
Ang isang kamay nito ay inihilamos nito sa mukha.
Kasabay ng pagtulak nito sa wheelchair ay inakay din ako nito patungo sa labas upang makapunta kami sa rooftop.
Tahimik lang kami nung makarating kami ng rooftop upang abangan doon ang fireworks na gustong makita ni Zero.
Nasa likod lang kaming dalawa ni Alkez habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa likod ko at sa hawakan ng wheelchair.
Ilang minuto kaming naghintay doon.
"P-papa w-what time is it na po?"Pagod na tanong ni Zero.
Tumungo naman si Alkez at kinuha ang cellphone para tignan ang oras doon. Huminga ng malalim si Alkez bago nito sinagot ang tanong ni Zero.
"Let's count one to ten."Mahinang sambit ni Alkez.
Tumango naman si Zero dahil sa sinabi ni Alkez.
Hindi kami nag bilang hanggang sa mag-umpisa na ang magandang palabas. Ang iba't ibang kulay ng paputok ay kumikinang sa kalangitan.
"T-the f-fireworks i-is beautiful isn't it? K-kuya..."
"Y-yes k-kuya."
"I love y-you M-mama, k-kuya and P-papa."
Kasabay ng pagsasabi non ni Zero at kasabay ng pagtapos nang fireworks ay siyang pagbagsak ng ulo ni Zero sa kina u-upuan nito.
"M-mama!"
Tumungo si Alkez at tuluyan na itong humagulgol. Nakatingin lang ako sa kalawan habang ang aking luha ay patuloy na bumabagsak.
Wala na.
Wala na s'ya.
Alam kong kailangan na talaga nitong magpahinga. Tumingin ako sa langit tsaka ko ipinikit ang aking mga mata.
I hope you are okay now.
Zero Fier. I will forever miss you my baby. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10/2025
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat