Homepage/His Personal Maid/
Chapter 47
"Pahina na ng pahina ang puso n'ya, I'm sorry to say this."
Ayun ang sinabi kanina ng doctor. Nahinatay kanina si Zero dahil sa sakit na nararamdaman nito. Hindi alam ni Asher na dumadaing na pala si Zero sa sakit dahil hindi naman daw kita sa dito na dumadaing ito.
Pinalis ko ang luha sa aking mata gamit ang aking palad. Nakatingin lang ako kay Zero na hinang hina ngayon at putlang putla.
"M-mama m-magiging o-okay naman diba si k-kuya?"Humihikbing tanong sa akin ni Zeiven.
Mahigpit kong yinakap ang aking anak. Umiling ako dito na mas lalong ikinahagulgol nito ng malakas.
Hinawakan ko ang kamay ni Zero at humihikbing tumingin dito. Naramdaman kong gumalaw iyon at marahan itong nagmulat ng mata ng dahan dahan.
"M-mama..."Malat na sambit nito bago umukit ang ngiti sa labi.
Mas lalong sumisikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa nito.
"B-baby, sabihin mo kay M-mama ang m-masakit..."Nagumpisa na namang tumulo ang aking luha."D-don't lie to M-mama please."
"M-mama...M-masakit n-na yung p-puso ko."Pagsasabi nito ng totoo.
Pumikit ako ng mariin. Humikbi ako.
"P-pero mama k-kaya ko pa n-naman po..."
"Lagi mong sinasabi na kaya mo! P-pero b-bakit nandidito ka ngayon?!"Malakas na sigaw ni Zeiven sa kapatid nito habang humihikbi.
"H-hindi mo k-kaya! S-sabihin mo! You don't want to see our mother crying tama?! Then why are you here! Weak and paleness?!"
Lumunok ako bago ko sinaway si Zeiven na umiiyak at humihikbi.
"G-gusto mong m-makita yung Papa n-natin diba? Kung sasabihin kong nandidito s'ya magpapakalakas ka ba?"Mas mahinahong tanong ni Zeiven sa kapitid nito.
Napapikit pikit si Zero at agad na iginala ang paningin. Nakita ko kung kanino tumigil ang tingin nito. Sa taong nakatayo habang umiiyak din.
Kita ko ang sakit sa mga mata nito. Nung makita nitong nakatingin si Zero dito ay umiwas ito ng tingin at agad na inalis ang mga luha sa pisngi. Dinilaan nito ang labi bago kinagat iyon at tumingin ulit kay Zero.
"M-mama?"Hindi makapaniwalang tawag nito sa akin.
Tumango ako dito."Y-yes baby. I commend your wish."Mapait ang ngiting sambit ko dito.
"H-hey..."
Umiwas ako ng tingin, kinuha ko si Zeiven ngunit ayaw nitong umalis sa kung nasaan ang kapatid.
"P-papa?"Hindi makapaniwalang sambit nito sa Ama nito.
Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi.
"K-kuya! Papa's here!"Maganang usal nito sa kapatid na blangko ang expression na nakatingin sa Ama nito.
Ibang iba ang reaksyon nito kaysa sa kapatid nitong tuwang-tuwa na nakita ang Ama ngunit si Zeiven ay tila hindi nasisiyahan doon.
"I don't want to leave my brother M-mama, I don't trust this m-man."Malamig na usal nito bagamat nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito.
Kita ko kung paano ito titinagan ni Alkez. Umiwas ito ng tingin bago mahinang tumawa ng walang buhay. Tumingin ito sa akin na may pangungusap na mga mata.
Ibinaba ko ang aking tingin kay Zeiven na ngayon ay hawak hawak na ang kamay ni Zero.
"I-i'm s-sorry..."Ayun palang ang nasasabi ni Alkez dahil tumungo ito at sa balikat ni Zero umiyak nang umiyak ng mahina.
Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin sa mag-ama. Ang paningin ko ay tumama kay Asher na walang emosyon ang mukha habang nakatingin sa mag-ama rin, umiwas ito ng sa dalawa at dumapo iyon sa akin.
Tumaas ang kilay nito at ang mga mata ay puno ng katanungan. He mounted something na hindi ko nabasa.
Lumipas ang ilang oras na ganun lang ang dalawa. Si Alkez na naka uklo habang ang ulo nito ay nasa balikat ni Zero na tila may ibinubulong dito. Ang nang hihinang kamay naman ni Zero ay hinahaplos ang ulo ni Alkez na tila pinapatahan ito.
Kitang kita ko kung gaano kasaya ang mukha ni Zero dahil sa wakas ay nakita na nito ang Ama nito.
Tumingin naman ako kay Zeiven na tahimik lang doon. Humalik si Alkez sa noo ni Zero bago ito lumuhod sa kung nasaan si Zeiven ngunit hindi nito pinansin ang Ama. Umakyat ito sa kama ni Zero at pinagsiksikan ang sarili sa katawan ni Zero at yinakap iyon kahit na nahihirapan.
Kita ko kung paano bumuntong hininga si Alkez ng malalim at malamlam na tumingin kay Zeiven. Hindi man nito sabihin ay ramdam ko ang sakit sa dibdib nito.
"Kuya are you happy to see our father?"Rinig kong tanong ni Zeiven kay Zero.
Ngumiti si Zero sa kapatid bago tumingin sa akin na may ngiti din sa mga labi at mata.
"I am. I am very happy."Mahinang usal nito sa kapatid.
Tumango si Zeiven sa sinabi ng kuya nito.
"How about you are you happy to see Papa?"Balik na tanong ni Zero sa kapatid.
"Kinda."
Umiwas ako dahil sa lamig ng pagkakasabi noon ni Zeiven.
"We are twin. I feel you even you didn't say it."Mas malamig na sagot dito ni Zero.
Minsan lang ito maging ganito. Minsan lang nito pinapakita ang kalamigan nito dahil parati itong masaya.
Nakatingin lang si Alkez sa dalawang kambal na nag-uusap. Pinapakinggan lang nito ang mga pag-uusap ng dalawa na tila iyon ang pinaka magandang nakita nito. Kita iyon sa kislap ng mga mata nito kahit na may sakit doon.
"I want to talk to you."Paos na usal nito sa akin.
Magkatabi kami ngayon ni Alkez habang ang mga kamay nito ay nasa mukha nito. Hanggang ngayon ay may luha parin na dumadaloy sa pingi nito.
Tumingin ako dito. Alam kong maga na ang mga mata ko dahil sa iniyak kanina.
"For what? Nalaman mo na diba?"Mapait akong ngumiti dito."Don't worry hindi namin pakiki alaman ang buhay mo, I already told to my twin na ikakasal kana."Deretsong sabi ko dito.
Nag-igting ang panga nito na tila hindi na gustuhan ang sinabi ko.
Pula ang mga matang tumingin ito sa akin."Hindi ko na itutuloy ang kasal. I already told to my parents about that. Ang gusto kong pag-usapan ay kung pwede akong dumalaw dito araw-araw. G-gusto kong bumawi sa dalawa."
Wala akong masabi kung hindi tango nalang. Ganun din naman ang hihilingin ni Zero. Ang makapiling ang Papa nito.
Tulog na ang dalawa at magkatabi na naman ito sa isang kama. Kahit na napagalitan kona si Zeiven ay hindi ito nakinig sa akin. He want to sleep beside his brother.
"W-what is their name?"
Bumaling ako dito dahil ramdam ko sa boses nito ang nahihiyang tono.
"Zero Fier the first one and Zeiven Frei is the second."Sinabi ko iyon na titig na titig mukha nito.
Tumango ito."B-birthday?"
"This December 30."
Tumango ulit ito. Kingata nito ang pangibabang labi at tinignan ang dalawang magkambal.
"Thank you."
My brows frowned."For what?"
"Dahil nadulas ka."Tumingin ito sa akin na malamlam ang mga mata.
Umiwas ako ng tingin dito."Alam mong hindi ka gumamit ng protection noon. Birhen pa ako nung nakuha mo, nung araw na 'yon hindi mo ako tinigilan."Kinagat ko ang labi ko dahil sa kabila noon ay may naramdaman akong pag-iinit sa mukha."Y-you take me again and again that night."Ngumuwi ako."H-hindi mo rin inilalabas sa labas kaya sana diba in-expect mo yung kalalabasan diba?"Tanong ko dito.
Ngumuso ito at umiwas din ng tingin.
"I'm sorry."Ayun lang ang sinabi nito bago tumayo at naglakad patungo sa dalawa.
Hinawakan nito ang kumot na tumatapi sa dalawa bago tinaas iyon.
Napaiwas ako ng tingin.
Kung sinabi ko ba dito noon ganito ang gagawin n'ya? Ganito kaya yung ipapakita n'ya?
"I see the black under your eyes. Sleep. ako na ang magbabantay sa dalawa."
Nagulat ako dahil sa sinabi nito. Ganun na ba kahalata yung eye bags ko para makita nito?
"Hindi ako makakatulog."Pag-amin ko dito.
Tumingin ito sa akin. Puno ng kalamigan iyon.
Magsasalita na sana ito ngunit tumunog ang cellphone nito kaya hindi nito na tuloy ang balak sabihin sa akin. Kita ko kung paano nito kuhanin ang cellphone nito habang nakatingin sa akin.
Nawala lang ang tingin nito nung sagutin nito ang tawag.
"What?"Walang ganang tanong nito sa kabilang linya.
Umiwas ako ng tingin dito. Huminga ako ng malalim tsaka ako naglakad patungo sa dalawa. Hinaplos ko ang buhok ni Zeiven.
"That's not my fault Dad. I am not the father of that child-How can I accept her again?!"
Napatingin ako kay Alkez dahil sa pigil na sigaw nito. Napatingin din ito sa akin at mariing pinikit ang mga mata.
Kumunot ang noo ko ng bumaba ang aking kamay sa leeg ni Zeiven.
Mainit iyon.
"M-ma..."
Nanlaki ang aking mata ng makita kong kinakaligkig ito sa lamig. Napatingin din si Alkez kay Zeiven, kumunot ang noo nito bago lumapit kay Zeiven at hi hawakan ang leeg nito.
"M-mama..."Ungot ulit ni Zeiven.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinawakan ko ang pisngi nito.
"Baby, gising."Pag-gising ko dito.
Nagmulat ang mga mata nito na maluha-luha ang mga mata.
"He have fever."Sambit ni Alkez."Hahanap lang ako ng doctor at gamot for his fever."Dagdag nito bago naglakad na patungo sa labas.
Ako naman ay kumuha ng isang damit sa bag na dala at mabilis na nagtungo sa banyo tsaka binasa iyon.
Nang mapiga ko iyon ay mabilis akong naglakad patungo ulit kay Zeiven bago ko pinunasan ang leeg at noo nito.
Mainit ang paghinga nito.
Tumingin ako sa pintuan nung tumunog iyon at iniluwa noon si Alkez at ang doctor.
"Let me check him."Sambit nung doctor ni Zero.
Matapos nitong tignan si Zeiven ay tumingin ito sa akin pati kay Alkez.
"He have normal fever his temperature is 38.5,"Sambit ni Doc."Nakakakain ba s'ya sa tama?"Tanong nito, sa akin nakatingin.
"H-hindi Doc, nag-aalala s'ya sa kapatid n'ya."Pag-amin ko dito.
Tumango ang Doctor dahil sa sinabi ko.
"He needs to eat. Dahil sa pagod at puyat maaaring doon niya ito nakuha."Tumingin ito kay Alkez."I will give you vitamins for him."
Tumango si Alkez sa doctor. Ayun lang ang sinabi ni Doc bago ito lumabas ng kuwarto.
Kami lang ang nagbabantay ngayon dahil wala na rin tulog si Asher at may kailangan pa itong gawin sa kumpanya nito. Ilang araw na rin kasing absent.
Tumingin ako kay Alkez nang makita kong naglalakad ito patungo sa tabi ni Zeiven na ngayon ay giniginaw parin kahit na may kumot na ito.
"W-what do you want to eat?"Tanong nito sa anak na para bang sasagot iyon dito. Hinawakan nito si Zeiven at marahan na binuhat.
Inilipat ni Alkez si Zeiven sa sofa na mahaba. This room si private kaya kumpleto sa gamit.
"Tell me, what do you want?"
"I-i don't w-want you, I-i want M-mama."Mahinang usal ni Zeiven sa tanong ni Alkez.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10/2025
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat