Homepage/His Personal Maid/
Chapter 46
Gamit ang sasakyan ng kumpanya na ngayon ko lang nalaman ay nagtungo kami sa kung saang bar na sinasabi ni Alec.
"Come on."Hinawakan ni Alec ang aking kamay upang makapasok na kami sa Bar.
Kinabahan agad ako dahil ito ang unang beses na makakapasok ako sa isang Bar na katulad nito. Hindi ito yung Bar na pinuntahan namin noon taon na ang nakakalipas.
Kinagat ko ang labi ko bago ko kinuha ang kamay nito at nagpatinaod sa kung saan ito pupunta.
May ibinigay na pass yung lalaki kay Alec at nagtanguhan pa bago pumasok. Pagpasok palang namin ang sumalubong agad ay ang isang napakalakas ng tugtog.
Napatakip ako sa aking ilong at hinayaan ang aking tenga na mawindang sa lakas ng musika sa loob. Hindi ko yata kakayanin ang usok ng sigarilyo dito sa loob.
"Let's find him!"Hindi gaanong kalakasan na sabi ni Alec. Tama lang para marinig ko.
Tumango at sumunod nalang ako dito. Dapat pala ay iniwan ko nalang ang folder sa sasakyan!
Bakit kasi ang aga mag-inom ng lalaki ng ito at ng mga tao dito! Anong oras palang pero bakit bukas na agad ang bar na ito? Hindi yata natutulog ang mga taong nandidito.
Kita ko ang mga babaeng nagsasayawan na tila mga lasing at gustong makawala sa problema kung meron man.
Hindi halata sa bar na ito kung anong oras na dahil sa dilim ng loob dito sa Bar. Meron sa akin na namamangha dahil sa lugar na ito. Kung sino man ang gumawa nito talagang negosyo talaga ang gusto.
"I found him!"
Tumingin tingin ako sa paligid kung saan ito nakatingin at nakita ko nga si Alkez na nakaupo sa isang sofa habang ang mga mata ay nakapikit. Kahit na nakapikit ang mga mata nito ay kita ko parin ang galit doon.
Ang isang kamay nito ay merong hawak na basong babasagin. Nasa pinaka dulo ito at ito lang mag-isa.
Kita kong may mga babaeng gustong magpunta sa tabi nito ngunit hindi tumutuloy at hanggang tingin nalang.
Tumingin sa akin si Alec bago ako sinenyasan na pumunta na doon.
"May hahanapin lang ako,"Sabi nito bago ako binitawan at tuluyan ng naglakad sa kung saan.
Nang mawala ito sa aking paningin ay dumeretso ang tingin ko sa lalaking naka loosen ang tali ng tie dito. Kita na rin dito ang suot nitong pag-ilalim mula sa long sleeve na suot. His jaw was so firm to him. Kita ko din ang katawan nitong bumabakat sa suot nito.
His hair is damp.
Huminga ako ng malalim bago ko napagpasyahan na lumakad patungo dito. Nang nasa harapan na ako nito ay doon ko naramdaman ang kaba sa aking katawan. Ang aking hita ay tila ba gustong manginginig.
Gustuhin ko man na pakalmahin ang aking sarili ngunit hindi ko magawa. Kasabay ng malalakas na beat ng tunog ay siya ding lakas ng tibok ng puso ko ng napaka lakas.
Tumikhin ako dito dahilan para umangat ang marahas nitong mga mata sa akin. Kumunot ang makakapal nitong kilay.
"What are you doing here?"Malamig na tanong nito sa akin.
Tumingin ito sa paligid bago inis na tumayo. Naglakad ito patungo sa akin ag mabilis na hinablot ng marahas ang aking braso.
Kinaladkad ako nito sa hindi ko alam na lugar. Ramdam ko sa kamay nito ang galit na pinipigilan. Masakit ang pagkakahawak nito sa aking braso na alam kong kapag inalis iyon ay may pulang makikita doon mamaya.
Marahas nito akong pinagarap sa kanya at galit akong tinignan.
"What the hell are you doing here?! You know to yourself na may hika ka naman diba?!"Inis na sigaw nito sa akin.
Ang kamay nitong nakahawak parin sa aking braso ay mas lalong dumidiin doon.
Gulat ako sa sinabi nito. Hindi ko alam na maaalala nitong may hika ako. Mas lalo itong nagalit ng makita ang reaksyon ko.
Nagtiim ang bagang nito at wala sa sariling tumingin sa dala kong folder. Huminga ito ng malalim bago hinaklit ang folder na dala ko.
Tahimik lang ako nung kaladkarin ulit ako nito papuntang labas at bigla nalang isinakay sa marangyang sasakyan.
"Because of this shit! Pupunta ka pa talaga dito?!"Malakas na sigaw nito sa akin ng makita ang nasa loob ng folder.
Tumungo ako at kinagat ang labi.
"Why can't you wait me to my office?! What a dumb girl!"Singhal ulit nito sa akin."Stupid."
Dahil sa sinabi nito ay doon na ako tumingin dito ng matalim.
"Nakakailan kana sa akin a! Ano?! Ano pang sasabihin mo?! Kailangan na 'yan ngayon! Magsasabi ka na be professional to your work pero ikaw naman itong walang paki alam sa sariling kumpanya! Kung magsasalita ka ng kung ano ano alamin mo muna yung side ko ah! Nagtitimpi lang ako sayong lalaki ka!"Nagngingitngit na sigaw ko dito.
Nagumpisang mag-taas baba ang aking dibdib dahil sa mga sinabi ko dito.
"Ano ano pang sasabihin mo?! Tanga?! Bobo?! Walang kwentang babae?! Mahirap?! Ano pa! Ikaw anong klase kang lalaki! Anong klase kang lalaki ah! Mas wala kang kwenta sa buhay ko! Binibigyan mo ako ng pasakit matagal na!"Pinunasan ko ang luha ko dahil sa galit na nararamdaman.
Kita ko kung paano ito tumahimik at tumitig sa akin ng matagal.
"M-matagal mo na akong binibigyan ng sakit Alkez!"Dinuro ko ang dibdib nito at hindi pa nakuntento ay malalakas kong hinampas iyon sa galit."Simula nung maipanganak ko yung mga anak mo binigyan mo na ako ng pasakit."Pinunasan ko ulit ang aking luhang tumutulo.
"Did I heard something?"
Tumingin ako dito ng hilam ang mga mata ngunit agad din akong natigilan at nanigas sa aking kinauupuan dahil sa walang pigil na sinabi ko dito.
Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi nito. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang sabihin dito. Ito ang pinaka maling nangyaring sinabi ko dito.
"Tell me. Mali ba yung narinig ko Alista?"
Nang sa wakas ay nagawa ko itong tignan ay lumamlam ang tingin ko dito. Kagat nito ang pang-ibabang labi at wala sa sariling tumawa ng mahina ngunit may luhang tumulo doon.
Hinilamos nito ang kamay sa mukha.
"Nine years Alista, Nine fucking years!"Tila kulog ang sigaw nito sa loob ng sasakyan.
"I tried to tell you! I tried! Pero anong ginawa mo?! Pinalayas at sinigaw sigawan mo ako nung mga panahon na 'yon! Nagawa mo akong palayasin at laitin! You think I have no feelings to not felt what you all said to me?! May nararamdaman din ako! Kakapanganak ko palang sa dalawa nung mga panahon na 'yon!"Malakas na sigaw ko din dito.
Kita ko kung paano lumamlam ang mga mata nito at kung paano pakalmahin ang sarili.
Magsasalita na sana ito ngunit maingay na tumunog ang aking cellphone. Kita ko kung paano tumalim ang tingin nito sa cellphone na kinuha ko sa aking bulsa.
Sinagot ko ang tawag nung makita kong si Asher iyon.
"B-be here in the h-hospital."Ayun lang ang sinabi nito at narinig ko ang malakas nitong hikbi.
"A-anong n-nangyari?"Kanakabahang tanong ko dito.
Hindi ito sumagot dahil biglang nawala ang linya. Aligagang lalabas na sana ako ng sasakyan ni Alkez ngunit mabilis ako nitong ibinalik sa aking pwesto.
Matalim itong tumingin sa akin.
"Kailangan ako ng anak ko, huwag n-ngayon please..."Pagmamakaawa ko dito. Kahit ngayon lang.
Gusto kong hindi kami magtalo nito. Kahit ngayon lang.
"Saan."Malamig na usal nito.
Humikbi ako dahil sa kung ano ano na naman ang pumapasok sa aking isip.
"Sa h-hospital."
Parang ayun lang ang gusto nitong marinig dahil mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Sinabi ko din kung saang hospital.
Sobrang bilis ng patakbo nito, doon ko lang din nakitang wala kaming suot na seatbelt.
Para itong nagkakarera dahil sa bilis ng patakbo nito. Parang gustong humiwalay ng kaluluwa ko dahil sa pagpapatakbo nito.
Huminto ang sasakyan sa hospital na sinabi ko dito. Kung kanina ay tila lasing ito ngayon ay parang nahulasan na.
Mabilis akong lumabas sa sasakyan at mabilis din na nagtungo sa loob ng hospital.
Nakita ko si Asher na nakatungo na naman sa isang upuan habang ang kamay ay nasa ulo nito.
Kasama nito si Zeiven na umiiyak ngunit mahina.
"A-anong nangyari?"Tanong ko sa dalawa.
Mabilis na umangat ang mga mata nito sa akin. Si Zeiven na umiiyak ng mahina ay nung nakita ako ay lumakas at mabilis na tumakbo patungo sa akin.
"M-ma."Garalgal ang boses na tawag nito sa akin.
Mahigpit ko itong niyakap. Tumingin ako kay Asher na ngayon ay nakatingin na sa akin ngunit lumipat ang tingin nito sa lalaking alam kong nasa likuran ko.
"M-ma s-si k-kuya..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10/2025
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat