"Bakit hindi mo sinabi sa amin na buhay pa pala ang Ama ng dalawa?" Ayun agad ang tanong sa akin ni Asher at kylie, hapon na at ang dalawa ay tabing natutulog sa hospital bed. Ayaw umalis si Zeiven sa tabi ng kuya nito. Umiwas ako ng tingin."Buhay pa."Buhay pa at ayokong malaman ninyo. Alam ko ang kayang gawin ng magkapatid na 'to. Nakaya natatakot ako. "Then why you didn't tell to us?" Tumahimik ako."Ayokong malaman n'yo, gusto kong sabihin sa dalawa noon na patay na ang Papa nila dahil t-tinaboy naman a-ako nun noon." "What is his name?"Kita ko sa mga mata ni Asher ang delekado. "Hindi ko na gustong banggitin pa."Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo bago ako naglakad patungo sa kung nasaan ang dalawa at mahimbing na natutulog. Hinaplos ko ang braso ng dalawa na magkayakapang natutulog. Seeing them like this is so beautiful. Hindi mo makikitang walang problema ang dalawa. Tila masaya ang dalawa. Mapait akong napangiti dahil sa nasa isip ko. Mas sumasakal sa aking puso sa tuwing iniisip 'yon. "Tell me Caine," Matalim akong tumingin kay Asher."Shut your mouth. Zeiven is not sleeping."Pagbabanta ko dito. Sabay na tumingin si Asher at kylie kay Zeiven na alam kong hindi na tulog ngayon dahil lumulunok na ito ng sabay sabay. Tumahimik bigla si Asher. Although alam naman na ni Zeiven kung sino ang Papa nito. Hindi ko lang gustong pag-usapan 'yon. Ayoko. "I need to go," Tumingin ako kay Kylie na ngayon ay nasa harapan ko na. Humalik ito sa noo ng kambal bago yumakap sa akin. "I have important meeting,"Tinapik nito ang aking balikat."I will comeback." Ngumiti ako dito at tumango. "Ingat ka." Tumango ito sa sinabi ko bago lumapit kay Asher na ngayon ay nakatayo nadin. "I will buy us foods."Usal ni Asher bago sumunod na kay Kylie at sabay silang dulawang lumabas. Bumuntong hininga ako at hindi ko na naman maiwasang mag-isip ng kung ano anong bagay. Hinawakan ko ang kamay ni Zero at marahan na hinaplos iyon. Napabaling ako kay Zeiven ng magmulat ang mga matang kulay itim nito. Agad itong tumingin sa akin. Kita ko ang bakas ng iyak sa mga mata nito. Ang noo nito ay hindi nagbabago at kulay pula parin. Alam kong gustong gusto na ulit nitong umiyak ngunit pinipigilan lang. "M-mama," "Yes Baby?"Pinatatag ko ang boses. Ngumiti ako dito bago ko binitawan ang kamay ni Zero. Nakita ko kung paano maglumikot ang mga mata nito. Alam ko kapag ganito ito. He wants to tell something but he can't tell. "I-if...I saw P-papa again..." "You don't need to saw your Father. Your father abandoned us. Hindi n'ya deserve na makilala kayo."Malamig na sambit ko dito. "B-but..." "Don't think about him."Seryosong usal ko dito. Wala itong nagawa kung hindi ang tumango, he knows about his father details but he didn't know who his is father is. Hindi ko talaga gusto kapag ganito ang usapan namin. Hindi ko alam kung anong masasabi ko kapag nagkataon na pipilitin ako ng mga ito. Papikit pikit na ang aking mata ngunit mas pinili ko ang hindi matulog kahit anong oras na. "Mama,"tawag sa akin ni Zero na ngayon ay naglalaro na kasama ang kapatid nitong si Zeiven. Ilang araw na kami dito sa hospital at mukhang umaayos naman ang lagay ni Zero dahil hindi ito dumadaing at ayun ang kinakatakot ko. Mas maiging dumaing ka sa sakit keysa sa tumahimik ka at pilitin na tila walang kahit na anong masakit sa katawan mo. "Yes baby?"tanong ko dito bago ko iniuman ang paborito nitong spaghetti with gravy. It's kinda weird though. I don't like it because it's looks like gross to me. "If I have one wish to you, will you command it?"Tanong nito sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Tinitigan ko ito ngunit ng maramdaman nito iyon ay umiwas ito ng tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin dito bago ko ipinilupot ulit ang pasta sa tinidor. "It is about your father again?"Kalmadong tanong ko dito. Kita kong marahan itong tumango. "Its been nine years but even his face, I didn't know it."Mahinang sambit nito. Naubos na nito ang spaghetti ngunit hindi parin ako nakakasagot sa sinabi nito. "If I say to you that your father is getting married this month will you still want to see him?"Mapatapang na tanong ko dito. Kita ko ang dumaan na sakit sa mga mata nito ngunit nandodoon parin ang kagustuhan nito. "Will you command my wish Mama?"Panunubok nito sa akin. Tumango ako."But not now."Mapait akong ngumiti dito, sinubuan ko naman ito ng isang orange na binalatan ko pagkatapos kong mailapag ang pinaglagyan ng spaghetti. "Then when?" Umangat ang kilay ko dahil sa boses nitong tila hindi makapag hintay na gawin at sabihin ko iyon sa Ama nito. "If he is ready to know you and your brother."Mapait akong napatawa dahil sa sinabi ko."And if you are already okay." Pinaningkitan ko ito ng tingin dahil sa tumango tango ito, halata sa mukha nito ang saya. "Them lets make an agreement Mama!"Masayang suhesyon nito sa akin. Doon na tuluyang tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi nito. Ano naman ang agreement na 'yon? Huminga ako ng malalim, pinakain ko dito ang isang orange."What it is?"Wala na rin naman akong magagawa. Pumalakpak ito dahil sa tinanong ko. "If I'm already okay, you will let me see Papa, and if I'm not that okay, you will not let me see him."Nakangiting pagsasabi nito sa akin. Not bad. I nodded to him. I have no choice though. Pati ngayon lang 'to. Kung hindi man gustong makita ni Alkez ang mga anak ko ay hinding hindi ko na ulit susundin ang kahit na anong gusto ng dalawa. Tumingin ako sa pintuan ng marinig kong bumukas iyon at nakita ko sila Zeiven at Asher na may dalang pagkain na nasa paper bag. "Mama! Kuya! I brought you two our favorite!"Agad nitong binuksan ang dalang paper bag at inilabas nito doon ang sinasabi nito. Umupo ito sa aking hita na agad ko naman itong niyakap. "Here Mama hold it."Ibinigay nito sa akin ang isang chicken pie na nabibili sa isang fastfood. Inilabas nito ang isa pa at ibinigay naman nito iyon sa kambal nito. "Eat it. That's will surely like you."Wika nito sa kapatid nito. Tinulungan ko si Zero dahil gusto nitong umupo. Nang makaupo ito ay agad nitong inalis ang nakataklob sa pie at mabilis iyong kinagatan. Tumango tango ito ng matikman ang pagkain, ako naman ay napapailing nalang dahil sa kakatapos lang naman nitong kumain. "Hmmm, delicious." Tumingin ako kay Asher na may pait sa mga ngiti habang nakatingin kay Zero na maganang kumakain. Wala ito sa sariling napangiti bago umiwas ng tingin ng makita nitong nakatingin ako dito. Bahagya kong itinaas si Zeiven at pinaupo ito sa upuan kung saan ako nakaupo. Naglakad ako patungo kay Asher na hanggang ngayon ay mailap ang mga mata. "You okay?"Tanong ko dito. Nung sa wakas ay tumingin ito sa akin ay agad itong umiling at kinagat ang labi. "I can't really imagine he have that sick. He is still kid."Malungkot itong tumingin kay Zero na ngayon ay naglalaro na ang dalawa. "Tomorrow I will go to my work again. Papatagalin ko muna siguro ng at least one week before I will resign." "You don't need work. You are already have company." Eto na naman kami. Pero nag-isip din ako. Maybe I can give myself to manage that company even I don't want. Hindi ko gustong ako ang magpatakbo noon pero hindi ko din gusto kung babagsak nalang iyon ng basta basta. "Let me think about that."Tinapik ko ito sa balikat bago ako nagtungo sa dalawa, kinuha ko ang wet tissue sa maliit na lamesa bago ako kumuha ng isa doon at ipinahid iyon sa may ibabang labi ni Zero. "Kuya, I and Mama have agreement."Masayang kwento ni Zero sa kapatid. Tumingin sa akin si Zeiven nagtataka. "What is it?"Hiwagang tanong ni Zeiven sa kapatid. "Kung magiging maayos ako hahayaan n'ya tayong makita at makilala natin si Papa, pero kung hindi pa naman ay hindi ko makikita si Papa. But I always prayed."Nakangiting sambit nito sa kapatid Kita ko ang pagkagutla sa mga noo ni Zeiven dahil sa sinabi ng kapatid nito. Tumingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala. "I have no choice."Nagkabit ako ng balikat dahil sa tingin nito na alam ko na magtatanong ito dahil sa sinabi ni Zero. Humikab ako at tinignan ang aking cellphone kung may mga mensahe ba doon ngayon ko lang din naalala na naka silent nga pala iyon kaya hindi ko maririnig agad kung may magmemensahe o tatawag. Kumunot ang aking noo dahil sa nakita kong mensahe doon. Sunod-sunod iyon na tila may galit ang nagpapadala noon. Kunot noo kong tinignan kung sino iyon ngunit ganun nalang ang gulat ko ng mabasa ko kung sino at kanino galing iyon. Binasa ko ang kakapadala palang na mensahe ngayon ngayon lang. I fucking need your explanation for you absent this passed days. You will not give me a satisfying answer I will fire you. —AZM
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10/2025
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat