Hindi ako natulog dahil hinihintay kong gumalaw o dumilat ang mga mata ng anak ko ngayon pero mukhang nalabong mangyayari 'yon. Tumingin ako kay Asher na may dalang kape sa kabilang kamay nito. Tumingin ito sa akin bago naglakad patungo kung nasaan ako. "Here, I know na hindi ka matutulog. It's bad for you to not sleep." Tinanggap ko ang kapeng inalok nito sa akin kahit na hindi sanay ang tiyan ko dahil acidic ako ay kailangan ko ito ngayon. "Hindi ako makakatulog."Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nito. "Me too, I can't sleep."Naramdaman kong malalim itong bumuntong hininga."Do you still taking your meds?" Matagal bago ako makasagot sa tanong nito."Hindi naman na sumasakit kaya tinigilan ko na." "Did the doctor agree with it?" Umiling ako dito. Hindi alam ng doctor na hindi na ako umiinom ng gamot ko, hindi na talaga sumasakit ang dibdib ko nitong nakaraang taon. Sumakit nalang iyon nung ipinanganak ko ang kambal. No choice kaya pinili ko nalang ang caesarean. Hanggang ngayon ay nagsu-suggest sa akin si Asher na magpa-opera na nung lumabas ang kambal. Hindi ako sumang-ayon doon dahil takot ako. Takot akong ma-operahan. Tahimik lang kaming dalawa ni Asher hanggang sa mag-umaga na pipikit pikit na ako kanina ngunit nilalabanan ko iyon. "I'll buy you breakfast."Agad itong nagpaalam sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Zero at marahan iyong hinaplos. "B-baby, wake up na oh."Sambit ko habang marahan na hinahaplos ang kamay nito. Umaga na at hindi ako alam kung magta-trabaho pa ba ako o hindi na. Mas mahalaga sa akin si Zero keyss ss trabaho ko. Tumingin ako sa pintuan ng marinig kong bumukas iyon at iniluwa noon si Zeiven at kylie. "M-ma..." "I'm worried too that's why we came here. Don't scold Frei, hindi ko din kaya na umiiyak s'ya buong gabi." Tumingin ako kay Zeiven na nakatungo na ngayon at tila hinihintay ang sasabihin ko upang pagalitan ito. "We have agreement Frei."Seryosong sambit ko kay Zeiven. Tumango ito at marahan na naglakad sa akin. Ang mukha nito ay sobrang pula at halata rin ang hindi pagtulog ng maayos. "I accept what is it. Mama,"Mahinang sagot nito sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. Ibinigay ko din ang mahigpit na yakap dito. Hinagod ko ang likod nito ng marinig kong humihikbi ito ng tahimik. Bumukas ulit ang pintuan at ang pumasok doon ay ang isang doctor na kasama ni Asher namay dalang pagkain na nakaplastic. "Good morning Miss Malana."Unang bati sa akin ng doctor. Pinakawalan ko si Zeiven sa bisig ko tsaka ako tumayo. "What's the results of my Son Doc?"Tanong ko agad sa Doctor na lalaki. Mapait itong ngumiti sa akin bago tumikhim. "Let me straight forward you Miss Malana. His heart is no longer healthy, the hole of his heart is starting to get big and bigger. Hindi ko gustong pasamain ang loob mo Miss but I want to be straight to you, Kahit kailan at kahit ano mang oras ay pwedeng sumuko ang puso n'ya." "D-doc p-pwede naman o-operahan d-diba?"Gamit ang aking kamay pinunasan ko ang luha sa aking mukha. "Even we operate it. Mas magiging malala ang kalalabasan, he needs heart transplant. But we need to wait until he get the legal age." "Doc wala na bang ibang p-paraan?" "Sad to say. Wala na." Doon na ako tuluyang humagulgol dahil sa sinabi ng doctor. Tumingin ako sa doctor na ngayon ay nakatungo. "D-doc baka naman pwedeng operahan at palitan na natin ngayon ng puso yung a-anak ko."Pagmamakaawa ko dito. Hindi ko kayang mawawala ang isang anak ko. Hindi ko kaya. "Sorry miss Malana, meron tayong sinusunod. Mahina pa ang katawan ng bata, at alam nating hindi kakayanin ng anak mo." Nakarinig ako ng isang malakas na galabog mula sa pintuan. Nakita kong nakatungong umalis si Asher. Narinig ko rin ang marahang paghikbi ni kylie na tahimik na nakikinig. "Doc, kahit operahan para naman tumagal." "M-mama?" Sabay sabay kaming tumingin kay Zero ng magsalita ito. Mabilis akong nagtungo dito. Bakas sa mukha nito ang lungkot at kaguluhan. "B-baby..."Hinawakan ko ang kamay nito, hindi ko pinansin ang mga luhang tumutulo sa aking mata. Marahan itong ngumiti sa akin na mas lalong ikinadurog ng mundo ko, dahan dahang tumaas ang kamay nitong halatang pagod. "Y-you are c-crying a-again Mama, A-ayokong makikitang umiiyak ka ulit M-mama."Kahit na pagod ang kamay nito ay pinunsan nito ang aking luha. Kita ko kung paano lumabas ang luha sa mga mata ng anak ko. Pinunasan ko ang luha sa mga mata nito. "T-then make yourself strong k-kuya. Kung ayaw mong nakikita si Mama na umiiyak, be strong." Tumingin ako kay Zeiven na pulang pula ang mukha at may luhang tumutulo din sa mga mata nito. Lumapit ito sa kamang ginalalagyan ni Zero at marahan nitong kinuha ang kamay ng kapatid. "Please, don't let Mama cry again. Malapit na yung b-birthday natin na d-dalawa." "Let me check him." Ayokong iwan ang anak ko ngayon pero kailangang matignan ito ng doctor. Kinuha ko si Zeiven ngunit ayaw nitong bitawan ang kamay ng kambal nito. Hinawakan ko ang kamay nito at marahan na tinggal ang pagkakahawak kamay ng dalawa kahit na ayaw bitawan ng isa't isa ang mga kamay. I felt my chest is pain. Hindi ko kahit kailan ginusto ang lahat ng ito. Masyado na akong lugmok sa pagsubok na 'to. Since I gave this twin birth, nakitaan na agad ng mga doctor na may problema ang isa, doon palang sobrang sakit na sa akin na sabihin iyon ng doctor. There's no medicine to healed it. When they already two year old. Doon na talaga umpisang sumakit at dumaing si Zero. Takot ang sabihin dito ang totoo kaya hindi ko sinasabi dito ang condition nito. Masayahing bata si Zero pero alam kong sa huli ay magiging malungkot din ito. Noon pa man ay sinasabi kona sa sarili ko na ako nalang yung parusahan kung ano man yung ginawa ng Papa ko sa mga tao pero bakit pati ang mga anak ko ay kasama? Nakalabas kaming tatlo nila Kylie na hilam ang mga mata ng luha. Tumingin ako kay Asher na nakaupo at ang mga mata ay blako at walang emosyon. Hindi ko alam kung saan ito nakatingin. Tumabi kami dito at agad namang sumampa si Zeiven sa hita nito at doon ay isinubsub nito ang mukha sa balikat ni Zeiven. Kita ko kung paano umalog ang balikat nito. Tahimik lang kaming nandodoon, pinapatatag ko lang ang sarili ko ngayon ngunit alam ko sa sarili ko na konting kalabit nalang ay tuluyan na akong susuko. Hindi muna ngayon. Lumabas ang doctor at wala pang kalahating oras kaming nag-usap sa kondisyon ni Zero. "He is a brave kid, mas pinipili niya ang ngumiti kaysa sa umiyak at idaing ang sakit." Hindi maalis sa isip ko ang sinabing iyon ng doctor. Inalis ko muna ang aking luha sa mga mata ko bago ako pumasok sa loob. Agad na magandang ngiti ang ibiningad sa akin ni Zero nung makita akong pumasok. Ang kapatid nitong si Zeiven ay nasa tabi na nito, tahimik na nag-uusap ang dalawa. "Just be okay, hahanapin pa natin si P-papa diba?" Alam kong labag sa loob ang pagkakasabi ni Zeiven nun sa kapatid. "T-talaga?"kita ko kay Zero ang kasiyahan sa mukha nito. Alam ko. Alam kong kapag ang Papa nito ang usapan ay agad na nababago ang mukha nito. Pilit akong ngumiti nung tumingin sa akin si Zero na may kislap ang mga mata. Para bang sinasabi nito na hahanapin talaga nito ang Papa nito. Umiwas ako ng tiningin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Dumapo ang aking tingin kay Asher at Kylie na may gitla sa mga mukha. Naka kunot ang noo ng dalawa. Alam kasi ng dalawang ito na hindi alam ng dalawa ang tungkol sa Ama nito. Hindi nga nila alam dahil si Zeiven lang naman ang nakakaalam. Kahit sa kanila ay hindi ko binigay ang identity ni Alkez. Hindi kilala ng dalawang ito ang Ama ng kambal. "Y-yes, M-mama will surely find our P-papa."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat