"How much." Ayun agad ang sinabi nito ng makarating ako sa opisina nito. Ang mga kaibigan nito ay tahimik na nakamasid ngunit may mga kislap ng ngiti sa labi. Malamig akong tumingin kay Alkez. Inilagay ko ang mga binili ko sa lamesang nasa harapan ng mga ito. Nang mailagay ko ang mga inorder ng mag ito sa lamesa ay kinuha ko ang card nito sa aking bulsa bago inihagis sa harapan nito. "Next time kung magsasabi ka na gusto mo pala ang libreng pagkain. Sabihin mo lang ililibre kita."Kanina pa ako inis sa lalaking ito pero dinagdagan pa nito. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito, humarap ako sa mga kaibigan nito at talim na tinignan ang mga ito. Lumbas ako sa opisina nito. Kinuha ko ang mga gamit ko kung saan ang lamesa ko bago ako nagnartsa papaalis. Wala akong mapapala dito. Hindi din maganda ang pakiramdam ko kaya gugustuhin ko nalang umuwi at makapiling ang mga anak ko. Hindi ko napansin ang sarili ko na nasa lobby na pala ako. Mabilis akong nag check out sa kumpanya. Lumabas ako ng hindi pinapansin ang guard na nakangiti sa akin. Hinintay kong may dumaan na tricycle o jeep man lang pero walang dumaan. Ilang oras na akong naghihitay ay wala parin. Hanggang sa makita kong lumabas na rin ng kumpanya sila Alkez at ang iba pa nitong kaibigan na nagtatawanan. Lahat ng mga babaeng nakakasalubong ng mga ito ay hindi maalis ang tingin sa kanila. Mayayaman nga mga mayayabang naman. Nakita ko sa peripheral vision ko na patungo ang mga ito kung saan ang gawi ko. Tahimik lang akong nakatayo at naghihintay sa sasakyan o kahit taxi ay wala parin talagang dumadaan. "Here, bayad sa binili mo." Tumingin ako kay Alkez at sa hawak nitong pera na alam kong sobra sobra pa sa nagastos ko. "I just realized na you need money." Hahawakan na sana nito ang aking kamay para ilagay sa akin palad ang pera ngunit may mabilis na kumuha sa aking kamay dahilan para sabay kaming mapalingon doon. "You need to go home, hindi na maganda ang lagay ni Zero kakahintay sayo. Umiiyak na si Zero." Dahil sa sinabi ni Asher ay hindi ko na pinansin si Alkez. Nagmamadali akong sumama kay Asher kung nasaan ang sasakyan nito. "Anong nangyari kay Zero?"Nagaalalang tanong ko. Tumingin sa akin si Asher na may pag-aalala rin. "I bring him to the hospital. Dumadaing at umiiyak ng umiiyak." "A-anong nangyari?" Hindi sumagot sa akin si Asher. Pumikit ako ng mariin. Mas lalo akong hindi mapakali dahil sa pananahimik ni Asher. Dinaanan ng kaba at pag-aalala ang aking dibdib dahil kay Zero. Nanginginig narin ang aking mga kamay dahil sa kaba at takot. Mabilis ang pagpapatakbo ni Asher sa sasakyan nito hanggang sa hindi ko alam na nasa hospital na pala kami kung saan dinala ni Asher si Zero. Mabilis kaming lumabas ng sasakyan at mabilis na pumasok sa hospital. Kusang nagtuluan ang aking mga luha ng makita ko ang kalagayan ni Zero. "Ayokong sabihin sayo, alam kong sasakit ang puso mo." Marahan akong lumapit kay Zero na nakapikit at merong dextrose. At may mga nakakabit din sa braso nito. "A-ayaw mong sabihin sakin?"Mahina akong napatawa ngunit masakit ang aking dibdib. Ang luha sa aking mga nata ay walang sawang umaagos."K-kahit hindi mo naman sabihin malalaman ko. I'm his mother." Hindi nagsalita si Asher dahil sa sinabi ko. Hinaplos ko ang buhok ni Zero na maamong natutulog. "A-anong oras nangyari?"Tanong ko. Tumingin ako kay Asher na mariing nakapikit. "Eleven morning. Saktong pababa ko ng tawag sayo ay may kumausap naman sa akin na teacher at nasa clinic daw si Zero, nagmamadali akong nagpunta sa school n'ya, pero hindi maganda ang lagay ng pamangkin ko kaya dinala ko ito sa hospital."Pagpapaliwanag sa akin nito. "B-bakit kasi sa daming makukuha sa akin bakit sakit pa sa p-puso?"Mahinang bulong ko."P-pwedeng sakin nalang naman,"Ipinikit ko ang mga mata ko at tahimik na humikbi."H-hindi parin pala tapos yung paghihirap ko,"Mahina akong natawa dahil sa sinabi ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Asher. Inilagay nito ang aking mukha sa dibdib nito. "G-ganun naba talaga ako kasama?"Himikbi ako."S-sana pala kung ganito yung kalalabasan sana pala h-hindi ko nalang sila b-binu—" "Don't say that! Ano ba Caine?! Pamangkin ko sila at anak mo sila!"Malakas na sigaw sa akin ni Asher. "S-sobra s-sobra na yung binibigay n-n'ya sakin, pati anak ko dinadamay n'ya na e, sana ako nalang yung p-pinarusahan n'ya tutal naman naghihirap na naman din ako noon pa bakit hindi nalang sa akin ang binigay lahat parang isang bagsakan nalang."Lumunok ako."D-dinamay n'ya pa yung a-anak ko." "Pagod kalang. Magpahinga ka muna." "Matagal na akong pagod."bulong ko. Matagal akong nakasubsob sa dibdib ni Asher hanggang sa maalala ko kung nasaan ang isa kong anak. "Nasaan si Zeiven?"Tumingin ako kay Asher. "Kylie's with your son. Don't worry." Tumango ako dahil sa sinabi nito, alam kong ayos lang si Zeiven dahil nakay Kylie ito. Hindi pababayaan ni kylie ang anak ko. Hindi ko kayang ikalma ang sarili ko kapag nakikita kong nakahiga si Zero sa kama ng hospital sumisikip ang dibdib ko. Humakbang ako patungo kay Zero at hinawakan ang kamay nito. "Anong sabi ng doctor?"Zero looked paled. "Unti-unting lumalaki ang butas sa p-puso n'ya, we all know na hindi pa pwedeng operahan si Zero dahil bata pa s'ya at hindi pa kakayanin." Ramdam ko ang panghihina rin sa sinabi ni Asher. Alam ko 'yon. Kaya hindi ko magawang saktan at paiyakin ang dalawang ito. Lalo na si Zero. Hanggat kaya kong ibigay sa kanya ay ibibigay ko. "If they have ways to operate him. I will do what ever they say. I can give my heart to my nephew." Dahil sa sinabi nito bumaling ako dito. Nang makita nitong nakatingin ako ay umiwas ito ng tingin sa akin. Kita ko kung paano nito alisin ang luha na tumutulo dito. "You have problems?" Hindi ito tumingin sa akin ngunit umiling ito. Hindi ako naniniwala sa pag-iling nito. Alam kong may problema din ito. "I-i d-don't know how can I forget it."Tumungo ang ulo nito."Don't mind me."Mahina itong tumawa bago humakbang patungo sa kinaroroonan ko. Tinapik nito ang aking balikat, naramdaman kong dumampi ang labi nito sa aking ulo. "Don't worry everything's gonna be fine. Don't lose your hope."Mahigpit ako nitong niyakap. Ilang minuto itong naka yakap sa akin hanggang sa maramdaman ko nalang na tumutulo ang luha nito. Humarap ako dito at mahigpit itong yinakap. Alam kong sa nine years na tinanggap ako ng mga ito ay lumalapit at tinurin na talaga naming tatlo nila kylie at Asher ang isa't isa bilang magkakapatid kahit na hindi maganda ang pinagdaanan namin. Hanggang sa lumalim ang gabi ay hindi parin nagigising si Zero. Tumawag si Kylie dahil hindi makatulog si Zeiven dahil inaalala nito ang kambal. I know what's the feeling of Zeiven now. He was secretly crying and worrying about his twin. "M-mama kailan po, makakalabas si kuya?" Malamlam kong tinignan si Zeiven sa screen ng cellphone. Bakas sa tono nito ang kalungkutan at pag-aalala. "He will gonna be f-fine. Baby."Nakangiting pagpapalubag loob ko dito kahit na ako ay nasasaktan narin. I need to be strong. I need it right now and to this kind of situation. "I hope Mama. I hope." Pinilit kong ngumiti dahil sa sinabi ni Zeiven. We both need to be strong. "Mama, Can I visit my twin this one of these days?" Umiling ako dahil sa sinabi nito. Agad naman itong yumuko at tumango ng hindi tumitingin sa akin. "May pasok ka Zeiven,"Seryosong usal ko dito. "W-week d-day Mama?"Pagpupumilit nito."I badly want to see him Mama."Ngayon. Kitang kita ko na ang pamumula ng noo nito at ang kasabay noon ay ang pag bagsak ng luha.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat