"Bakit naman?"Tanong ko dito. Hinawakan ko ang braso nito upang i-upo ito sa sofang mahaba. Pumayag naman ito ngunit ang braso nito ay agad na hinawakan ang aking beywang na at parang may kinakapa doon. "What kind of Dress do you choose? Is it realeving?"Balik na tanong nito sa akin na para bang sa pamamagitan ng kamay nito ay malalaman nito doon. "H-hindi? Hindi ko sinuot yung pinili kong Dress galing sa boutique na 'yon,"Alam kong magtatanong ito kung bakit hindi ko sinuot iyon. "Why?"Kunoot noong tanong nito, ang kamay nitong nasa aking likod ngayon ay nasa aking balikat na habang tinataas ang dapat hindi naman itaas na strap doon."Bakit ba nakababa itong strap na 'to? Is this a design?"Tila inis tanong nito bahang tinataas ang strap doon. "Off shoulder kasi 'yan, kaya hindi mo kailangan itaas 'yan."Umirap ako dito bago kinuha ang kamay nito na nasa aking balikat at ibinaba. "I feel like that's one of a hellish dress for me."Mahinang usal nito. "Bakit tayo nandidito?"Kanina ko pa ito gustong itanong at ngayo lang ako nagkaroon ng lakas. Hindi ko talaga alam kung bakit nandidito kami at kung anong gagawin namin dito. Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi dahil sa nasa isip kong iyon. Bakit ba hindi na maalis ang bagay na 'yon sa aking isip?! Dahil sa lalaking ito parang humalay na ako ng bahagya! Simple lang naman yung nasa isip ko dapat na 'yon e! Bakit binibigyan ko ng malisya?! "I'm tired of faking my smile for them." Nagtataka akong tumingin dito. Nakapikit ang mga mata nito habang ang leeg ay nakasandal sa sofa. "Kanina pa nag-umpisa ang event tapos ngayon ka lang dumating?"Tanong nito sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla ako nitong hilahin upang magkadikit ang aming mga katawan. Naamoy ko agad dito ang ibang amoy na matapang ngunit nahahalo iyon sa pabango nitong hindi masakit sa ilong. "Akala ko mag-uumpisa palang?"Ayun talaga yung akala ko dahil sinabi rin kanina nila Nanay Brenda na mag-uumpisa palang. "Kanina pa, I said to nana na 5 sharp ay umpisa na ang event."Sambit nito habang ang mukha ay bumaba sa aking leeg. Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng kiliti dahil sa ginagawa nito. "It's already seven pm."Mababang sambit nito bago kinagat ang bahagi ng aking leeg dahilan para mapaiwas ako dito. "Alam mo, halika na bumalik na tayo doon sa ibaba, o di kaya umuwi ka nalang."Tumayo ako bago hinawakan ang kamay nito upang maitayo din. "That's a good Idea of yours. Let's go home." "Sandali, bakit ako kasama?"Sambit ko dito. Alam kong ako ang nagsabi n'on pero bakit pati ako kasama? "Because you are my personal maid?"Patanong na sambit nito sa akin. Natigilan ako sandali. Tama naman diba? Personal na katulong ako nito pero bakit naman meron sa akin ang masakit? "S-sige."Kinagat ko ang labi ko. Ako na ang humila sa kamay nito. Bakit ba ang tanga ko para hindi maalala ang bagay na 'yon? Nakapasok kami sa elevator hindi ko alam kung ano yung pipindutin ko doon kung yung lobby ba o basement. "Saan? Lobby or basement?"Seryosong tanong ko dito. "Basement." Tumango ako at pinindot ko iyon. Kinakabahan ako pero parang wala ang sistema ko na matakot sa kung nasaan kami ngayon. Nakatungo lang ako habang hinihintay na bumukas ang pintuan ng elevator. "Why are so quiet?" Hindi ko alam kung ako lang ba yung umaasa dahil sa may nangyari sa amin pero mukhang wala naman itong pake doon. Baka tama nga ang sinabi ni Krishna? Basura lang ang mga dumadating na babae dito. "Wala."Ayun lang ang sinabi ko hanggang sa bumukas na ang pintuan ng elevator. Agad kong nakita ang isang lalaking nakasuot ng attire na pang driver. Hinawakan ko ulit ang kamay nito. "Magandang Umaga po, Sir."Bati nung lalaking hindi ko kilala. "Good evening."Bati ni Alkez dito. Mukhang magkakilala naman ang dalawa. Agad na binuksan ni kuya ang pintuan ng sasakyan. Mukhang eto ang driver ng lalaking ito ngayon. "Going home Boss?"Tanong ni Kuyang driver. "Yes, to my family house." Sinarado na ni kuyang driver ang sasakyan. Wala akong panahon na tignan ang sasakyan nitong halatang mamahalin dahil mahaba iyon at sa harapan namin ay may parang salamin na kapag may kailangan ang driver o ang nakasakay ay bubuksan lang iyon ngunit kailangan mo pang pumunta yata sa may salamin na 'yon. "What's upsetting you?" Tumingin ako dito. Ang mukha nito ay may banayad habang ang mga mata nito ay nakatingin sa ibang direksyon na hindi ko alam kung saan. Malamig iyon ngunit may nakikita akong lamlam doon. Alam kong nakainom ang isang ito pero tama bang sabihin ko ngayon ang mga nasa isip ko? Pero sanay na naman akong masaktan tulad nga ng sinabi ko noon na hanggat kaya kong pigilan ay pipigilan ko pero ang sakit lang na parang wala lang dito na nakuha nito ang pagkababae ko. "I want to know kung ano sayo yung nangyari sa atin nung gabing iyon."Matapang na tanong ko dito kahit na sa loob ko ay parang may sinasaksak doon. Sumeryoso ang mukha nito bago malamig na tumingin sa pinanggalingan ng boses ko. "It's just a one night."Malamig na usal nito sa akin. Literal na sumakit ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Bakit nga ba umaasa pa ako? Bakit nga ba na itanong ko pa gayung alam ko naman ang sagot nito? Hindi na ako sumagot dito. Hinayaan ko nalang ang sarili kong lamunin ako ng pagiisip ng kung ano-ano. Mahina akong natawa sa sarili ko dahil sa naisip. Trabaho ay trabaho lang. Hindi dapat nilalagyan ng kagit na anong emosyon. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Maganda ang mga ilaw na nanggagaling sa mga building at mga poste. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Automatic na nagbukas ang gate na nasa harapan namin. "Nandidito na tayo."Imporma ko dito. Una na akong bumaba sa magarang sasakyan nito bago ako lumipat sa kung nasaan ito nakapuwesto. Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan nito. "Why are so cold?"Tanong nito sa akin habang inaalalayan ko ito patungo sa pintuan. Napatigil ako sa paghakbang ng maalala kong nakalocked nga pala ang mga pintuan sa bahay. "May mga susi ka sa bahay?"Tanong ko dito. Hindi ko pinansin ang tanong nito sa akin. Nakita kong natigilan ito bago umiling ng dahan dahan. "Bakit? Nakalocked ba lahat ng pintuan sa bahay?"Tanong nito sa akin. "Hindi ba ako magtatanong kung merong hindi nakalocked?"Pabalang na tanong ko dito. Bahagyang bumukas ang bibig nito sa sinabi ko ngunit itinikom din. May kinuha ito sa bulsa nito at nakita kong cellphone iyon. "Call Manong Deloy."Ibinigay nito sa akin ang cellphone nito. Dahil wala naman akong choice kaya kinuha ko iyon. Wala naman na kahit anong passcode ang nandodon kaya madali kong nabuksan iyon. Pero hindi ko inaasahan na sa paglabas ng wallpaper doon ay matitigilan ako ng ilang sandali. Iba ang picture na ito. Hindi ko alam kung sino ang gumawa upang i wallpaper iyon dahil ang ganda ng taming sa akin. Hindi ko pinansin iyon. Hahanapin ko na sana ang phonebook ngunit may tumawag doon. Tumingin muna ako kay Alkez sinagot ko iyon bago ibinigay dito. Hindi ko kilala ang tumatawag dahil tanging number lang naman ang nandodoon. "Number, walang pangalan."Sambit ko dito ng sagutin ko ang tawag. Tumango lang ito bago marahan na umupo sa damuhan kahit na nakaayos pa ang mga suot nitong magara. Bakit ba kapag mayaman ang tao ay parang okay lang sa mga ito ang madumihan ang mga suot? Iba sa babaeng mayayaman dahil sobrang arte na tila ayaw man lang madumihan ang mga magagarang damit ngunit ang isang ito na dapat ay malinis din sa damit pero iba ang nangyari. "I'm tired that's...yes. I'm with my personal maid. What? Is that a problem?" Humakbang ako ng isang beses hindi papunta sa tabi nito upang hindi ito makatabi sa pag-upo ko rin sa damuhan. Pinakikinggan ko lang ito habang ang aking mga mata ay nakatingin sa magandang kalangitan na puno ng bituin. "Can you said to Nana na umuwi na? Nandidito kami ngayon sa labas at nakaupo sa damuhan—Hindi nga kami makapasok! Damn it! Just tell to Nana Zarrella!" Nagulat ako sa biglaan nitong pagsigaw kaya hindi ko maiwasan hindi tumingin dito. Galit ang mukha nito na para bang may sinabing hindi maganda ang nasa kabilang linya. Mas nagulat ako ng ibato nalang nito bigla ang cellphone sa kung saan. Nakita ko iyon na tumalsik patungo sa isang halaman. Huminga ako ng malalim bago ako tumayo at naglakad doon para kunin. "Bakit mo tinapon?"Tanong ko dito nung makuha ko ang cellphone nito at ibinigay iyon dito. Hindi ito nagsalita. Hindi ko nalang din ulit tinanong dahil mukhang badtrip ito. "Alam mo bagay kayo ni Skyriz—" "Can you please shut up?!"sigaw nito sa akin. Kinagat ko ang aking labi at tumungo nalang. Bakit ko nga ba ulit nasabi iyon? Totoo naman na bagay ang dalawang ito. Kita ko sa mga mata ni Skyriz kung gaano ito kasaya sa mga ngiti at kislap ng mga mata sa picture kasama si Zed doon. Pinunasan ko ang luhang tahimik na bumagsak sa aking pisngi. Selos. Selos ang pumupuno sa aking sistema ngayon, alam ko 'yon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat