Chapter 27

"Because I want it."
Mahina akong napatawa dahil sa sinabi nito. Ginawa n'ya yon kasi gusto n'ya? Ganun ba talaga ang lalaking ito? Gagawin lang kapag gusto?
Alam kong may kasalanan din ako dahil hindi ako nagreklamo, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganun nalang ang pagrespunde ko dito.
Siguro ay iyon ang unang may taong nakahawak sa aking katawan?
"May bond paper ka?"Imbis na pagtuonan ng pansin ang sinabi nito at nasa isip ko ay ayun ang tinanong ko.
I saw how his lips moved a bit.
Tumingin ako sa iba bang lugar ng bahay nito. Lahat ng design sa bahay nito ay magaganda kahit na ang pandisplay ay magaganda at halatang mamahalin din.
"Yes. Sometimes I dra—"
"Hindi ko tinatanong, ang tinatanong ko kung may bond paper ka at kung saan nakalagay."Walang ganang sambit ko dito.
Nakita ko kung paano umawang ang labi nito. Tumikhim ito at huminga ng malalim.
"To my stocked room."
"Saan 'yon? Kukunin ko."Nawalan ako ng gana dahil sa sinabi nito. Hindi ko nalang din alam sa sarili ko kung bakit nag iba yung ihip ng hangin sa utak ko kung bakit naging ganito agad ang pakikitungo ko.
"Stocked room."
"Alam ko! Pero nasaan?!"Naiinis din ako sa kapilosopohan ng isang ito e.
"Nasa stocked room nga!"Paguulit nito. Ginaya pa nito kung gaano kataas yung boses ko.
Napapikit ako ng mariin. Pinakalma ko ang sarili para hindi sugurin ang isang ito."Saang lugar dito sa bahay mo?"Kalmadong tanong ko ulit dito.
"In the second floor and the last room there."Pagsasabi nito sa akin.
Hindi na ako naghintay pa ng kung anong sasabihin pa nito ulit. Hindi ko narin nagawang igala pa ang aking mga mata sa kung gaano kaganda ang condo nito. Nagtungo ako sa hagdanan nitong marangya na kulay gold. Salamin naman ang nasa gilid nito.
Nang maka akyat ako nakita ko agad ang isang hallway na maganda rin ang kulay. Hindi masakit sa mata ang kulay brown nitong kulay.
Alam kong si Skyriz din ang pumili nito.
Bakit ba parang nagseselos ako? Ano bang karapatan kong magselos eh, hindi naman kami. Wala naman meron sa amin ni Alkez bukod sa boss ko ito.
At hindi na ulit mangyayari ang nangyari sa silid kong iyon. Pumasok ako sa kuwartong sinasabi nito. Hindi nakalock ang pintuan nung pinihit ko ang doorknob.
Pagbukas ko ay nakita ko ang mga magagandang nakatabi dito. Hindi mukang stock room ito dahil mukhang library ito. Maraming libro na iba iba. Ang bookshelves nito ay halatang elegante rin.
Saan ko naman hahanapin ang bond paper dito?!
Itinapak ko ang aking paa sa loob ng kuwartong ito.
Bulag pero may library at puno pa ng mga libro?
"Ano ba naman ito?"Mahinang bulong ko sa sarili ko.
Bawat shelves nito ay may nakalagay na kung sino ang gumawa at kung sino ang nagsulat. Iba't iba ang nandiditong libro. Meron about sa planets and articles.
Hindi naman nakakapagbasa ang isang ito pero bakit naman kasi ang daming libro?!
Tumingin ako sa paligid. May nakita akong isang lamesa doon at may mga malilinis na iba't ibang colored papers doon. Naglakad ako patungo doon at nakita ko na nandodoon ang hinahanap ko. May iba't ibang uri ng lapis din na nandidito. May mga pangkulay din doon.
Dahil wala naman sinabi na kulayan ang design tanging papel at ordinaryong lapis lang ang kinuha ko.
Aalis na sana ako ngunit naagaw ng atensyon ko ang isang picture frame na nasa gilid lang ng lamesa.
Apat na tao ang nandodoon. Dalawang lalaking binata at dalawang babae na dalaga at sobrang ganda. masaya ang ngiti ng mga ito. Kita ko kung gaano kalaki ang mga ngiti ng mga ito pwera lang sa isang batang nakasimangot ngunit may sumusupil na ngiti sa mga labi.
Malamig ang mga mata nito habang nakatingin sa isang direksyon. Hawak nito ang beywang ng isang babaeng sobrang ganda na tila diyosa. Labas ang dimple ng babaeng ngiting ngiti.
Kinuna ko ang litratong iyon.
I wish I have this kind of life.
Hindi ko alam kung bakit meron sa aking nasasaktan sa tuwing titingin ako sa litrato ng dalawang tao na ang lalaki ay nakahawak sa beywang ng babae.
Binigayan ko ang litrato doon ngunit hindi ko inaasahan na merong isang puting papel na nakatupi doon na nahulog. Galing yata ito sa loob ng frame na sa tagal na ay nahulog nalang.
Kinuha ko iyon at binuksan. Hindi ko alam kung anong lengwahe ang nakasulat dito dahil hindi ko maintindihan.
Mon ciel et mes yeux
Hindi ko alam kung tama ba yung nasa isip kong iyon o mali. Hindi ko nalang iyon pinansin.
Magsusulat na lamang hindi pa english o tagalog.
Kinuha ko na ang kailangan ngunit pagkaharap ko ay muntikan ko ng mamura ang lalaking nasa aking likod.
Nakatayo lang ito ng tahimik. Malamig na nakatingin sa isang direksyon na parang pinakikiramdaman ako.
"Bakit hindi ka man lang gumawa ng ingay?!"Sigaw ko dito dahil tumumbok na naman ang sakit sa aking dibdib.
Naghalo ang tibok at ang sakit doon.
"Sinabi mo na kukuha lang ng bond paper bakit mukhang iba na yata ang pinagkakaabalahan mo."
Tumindig ang aking balahibo dahil sa tono ng boses nito.
Malamig. At walang emosyon.
"Did I say to you, you can touched anythings here?"
Hindi ako agad nakapag salita. Bakit ganito ang reaksyon nito?
"W-wala..."
"If I'm not giving you permission to touched anything here. Huwag mong pakialaman at hawakan!"
Napatalon ako ng bahagya dahil sa malakas na sigaw nito. Kinagat ko ang labi ko at tumingin nalang sa aking ibaba.
"Bakit nung hinawakan mo yung katawan ko binigyan ba kita ng permission?!"Tumulo ang luha ko. Dahil sa sakit ng dibdib ko na naguumpisa na naman at dahil sa sinabi nito. Hindi ko din tuloy napigilan ang sarili kong sabihin iyon. Sinusumbatan ako nito kaya hindi ko din napigilan na manumbat din dito.
Pinunasan ko ang aking luha dahil sa walang kwenta kung iiyak ako dahil sa lalaking ito. Naglakad na ako at lalagpasan kona sana ito ngunit mabilis nitong hinawakana ng aking braso.
"Why? You didn't enjoy it?"Nakangising usal nito sa akin."Did you not moaned?—"
Malakas na tumama ang aking kamay sa pisngi nito at mabilis ko rin itong na itulak. Hindi ko pinansin ang pagka lagapak nito sa sahig.
"B-bakit ganyan ka?!"Sigaw ko dito."Hindi ko naman naintindihan yung nakasulat doon ah?! Bakit galit na galit ka?!"Ipinikit ko ng nariin ang aking mga mata at pinakalma ng malala ang aking sarili.
Tumingin ako dito. Hindi parin ito tumatayo sa kung saan ito nakasalampak.
Nung kumalma ang aking sarili ay doon ko lang na realized ang aking ginawa dito. Mabilis kong binitawan ang aking hawak na papel at lapis.
Nakaupo ito habang ang tungkod nitong nayuyupi at wala na sa palapulsuhan nito.
Nakita ko iyon na tumalsik sa isang lugar ng kuwartong ito. Walang salitang naglakad ako sa kung nasaang ang tungkod nito. Nang makuha ko iyon ay naglakad naman ako patungo kung saan ito nakaupo.
Lumuhod ako dito at kinuha ang kamay nito at inilagay ko sa palapulsuhan nito ang bilog na talo doon.
"I-i'm sorry."Usal ko dito nung mailagay ko ang bilog sa kamay nito. Tatayo na sana ako upang matulungan itong makatayo ngunit mabilis ako nitong hinila dahilan upang mapaupo ako sa pagitan ng hita nito.
Ang kamay nito ay agad na hinanap ang aking beywang at ng mahanap nito iyon ay mas lalo ako nitong hinila patungo kung nasaan ang abdomen nito.
Napapikit ako dahil sa ginawa nito.
"I'm sorry too. I know sometimes my words is too harsh and no filter, I...i just don't want someone's touching anything..."Huminga ito ng malalim. Nakapikit lang ito. Hindi ko makita kung anong emosyon ang nasa mata nito.
"But when you admit, na binasa mo ang nasa papel n'yon. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang yung naging reaksyon ko. I mean that's my past and I don't want to open it again."
Kahit na nakapikit ito, nakita ko ang luhang tumulo sa mga mata nito. Mabilis akong nataranta kaya agad kong inangat ang aking kamay upang alisin ang luha doon.
"The words I throw you earlier. And that day. I felt like I am dumb to say those words to you."kinagat nito ang labi dahil may tumakas na hikbi doon.
"Those words na alam kong nakasakit sayo. I'm sorry."
Ang kamay kong pinupunasan ang luha nito ay bumaba sa labi nitong hindi makapal at tama lang ang nipis. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon.
I feel like my hands wants to touched it. And that's why I did. Sobrang pula ng la nito.
"May kasalanan din naman ako,"Tumaas ang aking paningin sa mata nitong nakapikit.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit wala sa sariling inilapit ko ang aking mukha sa mukha nito.
Sobrang lapit ng mga mukha at ang labi namin ay konting sugod nalang ay magkakadikit na.
Lumunok ako sandali at pumikit bago ko ito hinalikan ng marahan.
Wala akong alam sa paghahalikan ng dalawang tao kaya matagal na dampi lang ang ginawa ko dito. Hiniwalay ko ang aking mukha ag labi dito bago ako marahan na nagmulat ng mata ngunit pagmulat ko ay hindi ko inaasahan na hahawakan nito ang aking ulo at mas hinalikan ng mariin.

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    Taup daudArysha ibrahima

    i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!

    21/06

      0
  • avatar
    Andrie James Gaa

    andrei

    16/10

      0
  • avatar
    Steven Mentang

    salamat

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata