Chapter 24

Nakauwi rin kami agad dahil hindi naman kami nagtagal sa tiyanggian. Nakabili naman ako ng mga damit at ang anim na short na gagamitin ko. Bumili narin ako ng isang dosenang undies at ganun narin sa pantaas.
Yung akala ko isang Dress lang ang ibibigay sa akin ni Albert ay nadagdagan pa. Hindi ako pumapayag doon ngunit basta nalang nitong binibili kaya no choice na ako. Kung hindi ang magpasalamat. Hindi naman nito kinukuha ang perang binibigay ko dahil libre naman daw iyon.
"Pumasok kana sa loob,"Tumingin ito sa kalangitan kaya napatingin din ako doon."Hindi maganda ang panahon ngayon baka abutin ka dito sa loob."Sambit nito.
Inalalayan ako nito pababa sa motor.
"Salamat ulit!"Pagakatapos kong sabihin iyon ay nagmadali na akong pumasok sa looban ng bahay, ako na ang nagdala ng mga binili ko samantalang naman ito ay iginarahe ang motor.
Habang naglalakad ako sa looban ng bahay ay hindi matanggal ang ngiti ko.
Nakapag padala na ako ng pera sa mga kapatid ko. Naka bili narin ako ng sarili kong mga damit.
Malawak ang aking ngiti sa labi ngunit nakita ko si Annabelle at Charlotte na nag-uusap. Naramdaman yata ng dalawa ang presensya ko kaya tumingin ito sa aking gawi.
Agad na tumalim ang mga tingin nito sa akin. Kumunot ang aking noo dahil wala naman akong ginagawa pero ang mga mata ng mga ito ay parang sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko.
"Kanina kapa hinahanap ni Sir!"Galit na sigaw ni Charlotte sa akin.
Kumunot ang aking noo dahil sa pagalit na sigaw nito sa akin, tumingin ito sa aking dalang mga pinamili sa sarili.
"Inuuna mo pa yung landi mo keysa sa trabaho mo!"Dagdag nito.
Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi nito.
"Hindi ako lumalandi."Kalmadong sambit ko dito.
Huwag niya nalang sanang palakihin ito dahil alam kong hindi ko na naman makakaya ang sarili ko, hindi ko na naman alam ang masasabi kong hindi magaganda at baka makasakit lang dito.
"Talaga lang ah? Ano 'yan? Binigyan kalang ni Albert ng walang malisya? C'mon, I know you, gusto mo lang magatasan sila."Nakangising sambit nito sa akin.
Nainsulto ako pero mas pinili ko parin tumahimik. naglakad ako at balak na sanang hindi ito pansinin ngunit hinila nito ang aking braso at hinaltak ang aking mga binili.
"Ano ba! Akin 'yan!"Sigaw ko dito. Kukunin ko na sana yung mga nasa paper bag at eco bag ngunit hinawakan ako ni Annabelle.
Kinagat ko ang aking labi dahil sa namumuong luha at inis sa aking katawan.
"Please, Amina 'yan."Pagmamakaawa ko sa mga ito.
Ngumisi lang si Charlotte dahil sa sinabi ko, sinira nito ang paper bag na hindi kalakihan kung saan nandodoon ang apat na Dress na iba-iba ang kulay.
"Ooww,"Manghang usal nito. Tumingin ito sa akin bago ngumisi.
"P-please, wala naman akong ginagawa sa inyo ah?!"Inis na sigaw ko sa dalawa. Pinipilit kong umalis ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawang maka alis sa kamay ni Annabelle na ngayon ay bumabakat na ang mahabang kuko sa aking braso.
Hindi nagsalita ang dalawa, nagpupumilit parin akong makawala sa kamay ni Annabelle pero hindi talaga ako makaalis.
Tumulo ang luha ko ng lahat ng Dress na binili ko ay isa-isa nitong sinira.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo!"Sigaw ko sa galit. Ang aking luha ay nag-uunahan ng tumulo."Ganyan naba kayo ka-insecure sa akin ah?!"Pumikit ako ng mariin pagmulat ko ay napahikbi ako."Ganyan naba kayo?! Wala akong ginagawa sa inyo!"
Tumaas ang kilay ni Charlotte dahil sa sinabi ko.
"Bakit naman ako mai-insecure sayo?"Tumawa ito ng malakas."You are so very convident to yourself!"Isang malakas na sampal ang natamo ko dito.
Mahina akong natawa dahil sa sinabi nito."Bobo! Confident yun! Ampanget mo na nga tanga ka pa!"Nanggigigil na sigaw ko dito.
Ang sabi ko sa sarili ko hindi ako gaganti pero dahil sa ginawa nito ay parang nag-alab ang aking kalooban. Masyado na silang sumosobra. Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga pinaggagawa ng mga ito sa akin. Hindi ko na kayang hindi lumaban.
Parang napahiya ito sa sinabi ko kaya malakas nitong hinila ang aking buhok dahilan para sumigaw ako sa sakit at kirot.
"Anong sabi mo?! Tanga ako?! Bobo ako?!"Galit na sigaw nito sa akin.
Hindi ko magawang lumaban dahil kung kanina ay hawak ni Annabelle ang aking braso ngayon ay ang aking kamay na.
"Sige lang! Sabunutan mo!"Aliw na sigaw ni Annabelle sa aking likod.
Wala akong laban sa dalawang ito. Lumuluha at humihikbi na ako ay hindi parin ako tinitigilan ng dalawang ito.
"Tangina ka! Ang taas ng tingin mo sa sarili mo!"Gigil akong mas sinabunutan ni Charlotte.
"Anong nangyayari dito?"
Naramdaman kong parang nanigas sa kinatatayuan si Charlotte at Annabelle, parehas din ako nitong binitawan.
Imbis na alalahanin ang ginawa sa akin ng dalawa at tignan ang lalaking nagsalita ay hindi ko nagawa.
Lumuluhang tumakbo ako sa mga gamit na binili ko. Sira-sira na ang Dress kaya mas lalong tumulo ang luha ko.
Kinagat ko ang labi dahil sa hikbing gustong kumawala. Sumasakit din ang aking dibdib. Ang bilis ng aking paghinga ay hindi ko kinakaya dahil masakit iyon. Sobrang sakit.
Hahawakan ko na sana ang isang Dress na malayo layo sa akin ngunit may tumapak noon, isang paang mapula pula.
Hindi ako tumingin dito. Hinila ko ng mabilisan ang Dress na inaapakan nito ng konti. Tsaka ako tumayo.
Pupuntahan kona sana ang mga iba pang gamit na nagtalsikan ngunit mabilis ako nitong hinawakan sa damit ko.
"Ano ba?! Ano?! Iinsultuhin mo din ako?! Sasabihan mo din ako ng malandi?!"Pumiyok ako dahil sa sigaw pagsigaw ko pero wala na akong pake doon."Ang hilig ninyong mang insulto! Pare-parehas lang kayo! Wala kayong pinagkaiba!"Mas lalong tumulo ang aking luha.
Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa aking damit. Nang maalis ko ang kamay nito ay dumeretso ako sa mga gamit ko.
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ng mga ito, mabilis akong naglakad patungo sa aking silid at sinarado ko iyon at nilocked.
Kahit na masakit at kumikirot ang aking dibdib ay hinanap ko ang karayom at sinulid upang matahi ang nasirang damit.
Hindi ko inaasahan na isang hikbi ko ay iintadahin ko iyon dahil sa sobrang sakit ng aking dibdib.
"H-huwag n-ngayon."nabitawan ko ang karayom at sinulid na hawak at wala sa sariling napaupo sa sahig.
"K-kumalma k-ka,"Pumikit ako ng mariin na dumadaloy parin ang aking luha.
Ako ng ganito, ayoko. Nanganib na ang buhay ko noon dahil dito pero huwag ngayon.
Ilang oras ang aking ginugol para lang kumalma ngunit hindi ko nagawa. Kinagat ko ang aking bag at kinuha ang gamot na tinago ko doon.
Matagal na ang gamot na ito. Hindi ko rin alam kung pwede pa ba yun o hindi na. Wala akong pake kung expired o hindi iyon.
Mabilis kong inalis ang buhol ng plastic doon at mabilisan na nilunok iyon kahit na walang tubig.
Ipinahinga ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaganun. Laking pasasalamat ko nalang na kumalma ako at hindi na naramdaman ang kirot na iyon.
Nang makabawi sa lakas ay dahan dahan akong tumayo at nagpunta sa banyo upang maligo doon.
Matapos kong maligo ng mahigit isang oras ay lumabas ako ng banyo na tumutulo pa sa aking katawan ang tubig. Hindi ako nagatubiling kumuha kanina ng tuwalya kaya ngayon ay lalabas akong hubad hubad. May ganado akong lumabas ng nakahubad dahil naka locked naman ang pintuan ng kuwarto.
Pinihit ko ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon.
"AAHH!!"Malakas na tili ko ng makita ko ang isang lalaking prenteng nakaupo ito sa sofa. Habang naka pandekwatro.
Ang mga mata nitong malamig at seryoso ay nakatingin sa aking direksyon na parang alam na alam talaga nito ang bawat sulok sa bahay nito.

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    Taup daudArysha ibrahima

    i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!

    21/06

      0
  • avatar
    Andrie James Gaa

    andrei

    16/10

      0
  • avatar
    Steven Mentang

    salamat

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata