Chapter 23

"I didn't expect na mabilis kang matututo Alista."Bakas sa boses ni Ms, Lavazter.
Tama ang si Alkez na darating ito mgayong araw. Ngumiti ako kay Ms. Lavazter dahil sa sinabi nito. Ito ang unang araw na tinuruan nito ako sa maraming bagay, maramu akong natutunan dito.
Ang una nitong itinuro ay about sa klase ng mga kung ano-anong table napkin. At sa susunod na ituturo nito sa akin ay ang kung paano matuto ng mga putahe. She even enrolled me to the cooking class to know more. Walang sinabi si Alkez doon bukod sa paghinga lang na malalim.
"This is your first time but you learn a lot. I expect to you na mas marami ka pang matututunan to this class."Sambit nito habang inaayos ang mga sari-saring tela na dala.
Masaya palang may natututunan ka, labas kasi ang utak at isip ko noong grade school palang ako dahil sa mga taong kumukutya sa akin.
"Salamat po sa pagtuturo sa akin."Matamis akong ngumit kay Ms, Lavazter na agad naman nitong sinuklian.
"It's my pleasure to me, Even tho I'm not into this lesson I'm still teaching you."Natawa ito ng bahagya dahilan para mas lalo itong gumanda.
Siguro kung lalaki lang ako at makikita ang mga ngiti at ganda nito? Ay hindi ko na pakakawalan ito sa aking paningin.
"So..."Tumingin ito sa katabi kong lalaki na tahimik lang na nakikinig. Hindi ko rin alam kung bakit nandidito ito."I will comeback here tomorrow, still the same time."Tumingin ito sa akin bago ngumiti ulit."For tomorrow i will teach you to design, this house is huge but don't have machine upang magtahi."Pumalakpak ito na parang tuwang tuwa at excited."Dadalhin kita sa bahay ko dahil meron doong mga machine pangtahi."Sambit nito.
Wala akong nasabi at nagawa kung hindi ang magulat at bumilog ang mga mata.
"T-tuturuan mo po a-ako?"Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
Tumango ito."Yes! I forgot to mention that you need to your own design. I will give you assignment."Binigyan ako nito ng isang malinis na bond paper."Draw the design what you want."Sumeryoso ang tingin nito sa akin."I want it clean and no scratch. No damage."Istriktong sambit nito.
Maligaya akong tumango. I know how to draw even it's not to well but I know it.
"Yes, Ms, Lavazter."Magalang na sagot ko.
Tumango ito. Tinulungan ko itong likumin ang lahat ng mga gamit nito at ibinigay iyon dito.
Mukhang kailangan pa yatang mag-usap ng dalawa kaya nagpaalam na akong na aalis na maiwan na ang dalawa dahil may kailangan pa nga pala akong gawin.
Nang makatayo ako ay hinanap ko si Albert at nakita ko itong nagdidilig ng mga halaman sa hardin.
Nanag maramdaman nito ang presenysa ko ay tumingin ito sa aking gawi, ngumiti ito sa akin ngunit hilaw ko lang itong binalikan ng ngiti.
Ako yung nasasaktan kapag inaalala ko yung sagutan namin ni Alkez na hindi maganda at napagbintangan pa kaming dalawa na naglalandian.
"May kailangan ka?"Nakangiting sambit nito.
Tumingin ako sa mga halaman na nmkay gandang pagmasdan na ngayon dahil puro gising na ang mga iyon.
"Magpapasama sana ako sayo, tapos na yung klase namin ni Ms, Lavazter kaya magpapasama sana akong magtungo sa padalahan."Nahihiyang sambit ko dito.
Mahina itong tumawa bago pinatay ang hose na hawak nito, inilagay nito iyon sa tamang lagayan bago pinunasan ang kamay sa suot nitong sando na punit ang bandang tagiliran dahilan para umiwas ako ng tingin.
Bakit kasi napansin ko iyon? Nakita ko tuloy kung gaano ka kumpleto ang mga packs sa bandang tiyan nito.
Mahalay naba ako nun?
Ipinikit ko ang aking mga mata at ibinigay nalang ang aking paningin sa mga bulaklak sa nasa harapan ko.
"Magpapalit lang ako ng damit,"Sabi nito sa akin. Humarap ito sa akin bago sumenyas.
"Sige, kukunin ko lang din yung kailangan."Sinabi ko iyon ng hindi tinitigan ito sa mga mata.
Tumalikod na ako upang magpunta sa kuwarto upang kuhanin yung itinabi ko, hindi iyon binilang dahil natatakot akong malaman kung magkano ang laman noon kaya hinayaan ko nalang na nasa damitan na hindi binibilang.
Nakita kong magkausap pa ang dalawa na si Ms, Lavazter at si Allez. Sa leaving   area. Hindi ko nalang iyon pinansin at deretso akong nagtungo sa silid.
Binuksan ko ang pintuan noon at pumasok sa kuwarto, naglakad ako patungo sa tukador at kinuha sa aking damitan ang itinago ko. Kung paano ko inilagay iyon doon ay ganun konparin na datnan.
Kinuha ko iyon bago ulit ako lumabas ng kuwarto.
Tinignan ko ang paligid at hindi ko nakita si Albert kaya nagtungo na ako palabas dahil sigurado akong nandodoon na iyon.
Ngunit lalagpas na sana ako sa kinaroroonan nila Alkez ng magsalita ito dahilan para tumigil ako.
"Saan ka pupunta?"Tanong nito sa akin.
Humarap ako dito, nakita kong nakatingin lang din si Ms, Lavazter sa aming dalawa na parang hinihintay ang susunod na mangyayari.
"Magpapadala ako sa mga kapatid ko, sama ka?"Sarkastikong sambit ko dito.
Hindi ko gusto ang pagiging sarkastiko dito pero kung makatanong ito ay para bang wala akong karapatan na umalis.
Umawang ang labi nito ngunit nawala din iyon at mariin na itinikom. Hindi nito inaasahan siguro na sasabihin ko iyon.
Nung hindi ito makasagot ay tuluyan na akong tumalikod at naglakad na ulit patungo sa labas. Nakita ko doon si Labert na hinihintay na ako. Nagtaka ako dahil nakamotor ito ngunit walang helmet.
"Magmo-motor tayo?"Nagtatakang tanong ko dito.
Meron sa akin ang kaba pero ito ang unang beses na makakasakay ako sa ganitong klase ng motor. Hindi iyon gaano kalumaan pero maganda parin.
"Yes,"Nakangiting ani Albert, umangat ang kamay nito na parang gusto akong alalayan."Let me guide you,"Sambit nito.
Nahihiya akong tumango, ibinigay ko ang aking kamay dito. Wala akong naramdaman kapag eto yung gumagawa noon pero bakit kapag si Alkez ay hindi pa ako nakakalapit bakit parang nagwawala na ang mga kalooban ko sa aking katawan?
Nagkatinginan kami ni Albert, doon ko lang nagpagmasdan na ang gwapo din nito brown nitong mata ay mas lalong nakakapag padagdag dito ng tingkad na kagwapuhan. Ngunit hindi katulad kay Alkez ay mas malakas ang dating ang itim na itim na mga mata nito.
Bakit ko ba pinagkukumpara ang dalawang ito? Mabait si Albert samantalang yung nasa loob ay pinaglihi sa sama ng loob at kayabangan.
Pinasakay nito ako ng maayos sa motor nito. Akala ko ay wala itong helmet ngunit nagulat nalang ako ng may inilagay ito sa aking ulo. Ang helmet.
"T-thank you."Ramdam ko ang pagiinit ng aking pisngi dahil sa ginawa nito pero wala akong maramdaman na bilis ng tibok sa puso.
Tumango lang ito at sumakay na sa motor. Bahagyang umalog ang motor kaya mabilis akong kumapit sa beywang nito dahil sa takot na malaglag.
Pinaandar nito ang makina mas lalong akong humawak sa beywang nito ng mahigpit dahil sa takot.
Pinaandar na nito ang motor. Ngumiti ako ng mabilis ang pagmamaneho nito ngunit maingat.
Nakalabas kami sa Villa, puro malalaki ang mga bahay na nakatayo dito sa Villa na ito.
"Kapit ka!"Malakas na ani sakin.
Mas lalo akong kumapit dahil da sinabi nito. Dikit na ang katawan ko sa likod nito. Naramdaman kong mas lalong bumilis ang pagmamaneho nito.
Ilang sandali lang ay mabilis kaming nakarating sa padalahan. Hinawakan nito ang kamay ko bago ako inalalayan pababa.
"Ano ang reference number Ija?"Tanong sa akin ng isang babae..
Ibinigay ko ang papel na ibinigay sa akin ni Nanay Brenda na nakatago sa aking bulsa.
"Heto po,"Magalang kong sagot bago ibinigay ang papel na may nakasulat.
Kasama na doon ang cellphone number at ang address kung saan ibibigay.
"Magkano ang ipapadala mo Ija?"Tanong sa ulit ng matanda.
Naiilang na kinuha ko ang sobreng kulay puti at ibinigay iyon dito.
"E-eto po...Hindi ko po binilang 'yan."Kinagat ko ang labi dahil sa sinabi ko.
Pinagmasdan ako ng matandang babae bago umiling. Kinuha nito ang sobre at ito na mismo ang nagbilang. Tumingin ulit sa akin ang matanda at umiling.
"Ija, sobrang laki naman yata nitong ipapadala mo Ija?"
Bakit ba ang daming tanong? Nahihiya ako.
"Para po sa pamilya ko."Kumamot ako sa ulo ko. Tumango ang matanda sa akin.
"Ayus na Ija,"Nakangiting sambit nito sa akin.
Tumango ako. Humarap ako kay Albert na hindi ko alam na nakatitig pala sa akin.
"Are you done? Wala ka nabang kailangan?"
Iiling na sana ako ngunit naalala kong wala akong gaanong gamit at kahit bagong damit lang.
"May mga tiyanggian ba dito?"Inosenteng tanong ko.
Nag-isip ito."Meron naman."Tumango tango ito.
Nagliwanag ang aking mga mata dahil sa sinabi nito.
"Bibili sana ako kahit mga murang damit lang."Inalalayan ulit ako nito upang makasakay sa motor.
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa tiyanggian. Maraming mga magagandang damit doon ngunit ang mamahal.
Ang presyo ng isang damit sa unang napuntahan namin na tindahan ay makakabili na ng tatlong damit.
May nakita akong isang Dress na kulay pink na maganda. Sobrang ganda noon.
Lumakad ako patungo sa Dress at tinignan ang presyo noon. Mura lang ito isang daan at singkwenta. Nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko iyon pero nagagandahan talaga ako kaya kinuha ko iyon at ibinigay sa babaeng nakatambay sa kaha.
"Ate magkano po ito?"Magalang na tanong ko.
Tumingin sa akin ang babaeng may tinitignan sa cellphone bago bumaling sa katabi kong si Albert.
"150 Ms."Sambit nito sa akin.
Kinuha ko ang isang libo sa aking bulsa dahil wala naman akong pitaka. Binigay ko sa babae ang isanglibo.
"Miss, how much that one Royal blue colored Dress?"
Tumingin ako kay Albert dahil sa sinabi nito.
"200 po Sir. Bagong deliver lang oo iyan galing patahian mo."
Kita ko ang kislap sa mga mata ng babae, alam ko ang reaksyon na iyon.
Kumuha ng pera si albert bago iyon ibinigay doon sa babae na may mahalay na ngiti at tingin na ngayon.
Naibigay na ng babae yung Dress na kulay Royal blue Dress ngunit ang aking binili at nabayaran ay hindi parin binibigay nung babae. Talagang inuna nito ang kay Albert.
"Miss, yung akin po?"Tanong ko.
Tumaingin sa akin ang babae bago ngumuwi at inirapan ako. Kinuha nito ang binili ko at ibinigay din sa akin ang binili at nabayaran ko.
"Salamat!"
Tumango lang kami. Hindi ko nagustuhan ang inasal nung babae sa akin ngunit hindi ko nalang pinansin.

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    Taup daudArysha ibrahima

    i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!

    21/06

      0
  • avatar
    Andrie James Gaa

    andrei

    16/10/2025

      0
  • avatar
    Steven Mentang

    salamat

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata