"Kumain na kayo at magpahinga,"inihanda ko ang mga pingan, kaldero at pinchel sa lamesang mauling narin na kahit anong linis ay hindi na magiging maputi kaya pinapatingan ko nalang ng tarapal o karton. "Ate, diba pagod ka din?" Tumingin ako sa kapatid kona tinutulungan ako sa pag-hahanda ng pagkain. "Ayos lang ako,"Sambit ko dito, kinuha ko ang isang mangkok at nilagyan iyon ng ulam na inalamangang sardinas."oh, pakilagay sa lamesa."Inabot ko ang mangkok kay Madeo na agad naman nitong kinuha. "Bukas ay magsusubok ako b.f humanap ng trabaho dahil kulang na kulang ang sinusuweldo ko,"Kumuha ako ng ulam at inilagay iyon sa aking kanin. Tumingin ako kay Tatay sinusubuan ni Madeo ng pagkain. "Pero ate diba na libot mo na yung lugar dito sa atin?" Totoo iyon pero baka naman meron na ulit na mga tindahan upang magbantay diba? Baka naman meron na ngayon kaya gusto ko ulit subukan. "Baka meron nang mga tindahan sa palengke na pwedeng makuhanan na trabaho."Hanggang sa matapos kaming kumain, ngayon ay inaayos ko ang paghihigaan namin na lapag na tanging banig lang ang sapin. Pinalis ko ang mga dumi bago ko iyon nilatagan ng banig at kumot na tagpis tagpis. Kinuha ko ang mga bagong punda at inilagay iyon sa unan na walang balot na punda, hindi kasi ako nakapag laba nung nakaraang araw kaya ngayon ko lang ito mailalagay dahil kanina lang ako naglaba nung magising ako ng maaga kaya agad ko itong nilabahan bago ako magpunta sa ulingan. "Matulog na kayo,"kinuha ko ang karton upang gawin iyon na pamaypay sa mga kapatid ko, ang grapang nagsisilbing ilaw namin ngayon ay nanghihina na. Tumingin ako sa mga kapatid kong nagkukulitan pa bago ito dalawin ng antok pero si Madeo ay hindi parin natutulog. Nakatingin lang ito sa bubong namin na marami butas sa iyero. "Ate, alam mo ba kapag yumaman ako, ang una kong gagawin ay magta-trabaho ako para bigyan kayo ng magandang buhay." Mapait akong ngumiti sa sinabi ng kapatid ko, sinabi ko narin ang mga salitang yon sa pamilyang ito noon pero heto ako, mukhang mas mahirap pa kami sa daga. "Pag-aaralin ko kayo sa abot ng makakaya ko."Pinatulog kona ito dahil maaga pa itong kikilos mamaya dahil pang-umaga ang pasok nito sa high school. Konting oras pa ay nakatulog narin ako dahil sa pagod na nararamdaman, sa mga pinaggagawa ko kanina ay mabilis talaga akong mapapagod, magbuhat ng isang sakong uling na nasa biladan pa ng init, pinapapasok lang kami sa kamalig kapag hapon na. Kinaumagahan ay na gising ako nang maaga, nagising ako na madilim pa at sisinag palang ang bukang liwayway. Tumayo ako at inumpisahan ng magluto sa kahoy ng binalot ni Madeo dahil wala naman itong sapat na baon dahil sampung piso lang ang maibibigay ko dito. Hinugasan ko ang bigas sa kaldero gamit ang tubig na nagmula pa sa paso sa kabilang baryo dahil doon lang kami pinapayagan na kumuha ng tubig. Malayo ang bahay namin at wala rin kaming kapitbahay dahil ang tingin nila sa amin ay mga salot sa lipunan. Pinagkasya ko nalang ang tubig na paubos na sa timbang nababalutan na ng maninipis na lumot na kulay berde. Habang hinihintay na kumulo ang sinaing ay humihigop ako ng mainit na tubig na hinaluan ng panda sa pagpapakulo. Ayun lang ang kaya namin, kaysa sa bumili ng kape at asukal ay hindi ko na ginagawa dahil sayang din ang pera. Kaya heto nalang ang ginagawa ko since marami namang pandan na nakatanim sa maliin na likuran namin na kusa nalang tumubo. Ayus lang na walang lasa ng matamis na asukal basta okay lang sa sikmura ko dahil hindi naman ako pinagsasaktan ng tiyan. Binuksan ko ang takip ng kalderong maitim na dahil sa kahoy ang ginagamit namin, kumukulo na ang sinaing kaya pinahinaan ko ito ng apoy. Nang maayos na ang sinaing ay nagtungo ako sa bakuran at umupo sa mahabang upuan na kahoy doon. Pinagmasdan ko ang paligid na madilim dilim pa. Sumikip ang aking dibdib na para bang gusto ko nalang umiyak ng wala sa sarili dahil sa pamunuhay namin. Hindi ko maiwasan na mainggit sa mga ka-edaran ko na masayang nag-aaral ngayon samantalang ako ay nandidito habang nakikipag laban sa problema ng buhay. Nang tuluyan ng lumabas ang liwanag ng araw sa pang umaga ay nagtungo na ako sa loob upang gisingin ang aking tatlong kapatid na sila Madeo, Sparios at Pilofie na bunsong kapatid kong babae. "Kumain na muna kayo ng agahan, pinainit ko yung natirang ulam natin kanina."Kinuha ko ang mga uniform na gusot na sinuot na nila kahapon ngunit hindi pa naman marumi na siyang susuutin nila ngayon. Maliliit at lumang luma narin ang uniform ng mga kapatid ko dahil sa tagal na at wala kaming pambili na bago, ni maiagaw nga sa suweldo ko ay hindi ko magawa. "Ate, may project kami ngayon kailangan daw po magdala ng white paper para sa gagawin namin na drawings po." Tumingin ako sa bunsong kapatid ko na ngayon ay tapos ng ipaligo ang kalahati ng baldeng tubig. "S-sige ibibili kita sa tindahan paghatid ko sa inyo."Umiwas ako ng tingin dahil sa nakita kong tumingin sa akin si Madeo na parang binabasa ang aking mga reaksyon sa mata at mukha. Hindi ko pa natatapos na kuhanin ang mga gamit ng mga kapatid ko ay nagsalita naman si Sparios. "Ako din po ate, kailangan daw po namin magdala ng 1/8 whiteboard po." Tumingin ako sa dalawa kong kapatid at ngumiti. Tumango ako at sinabi ko rin dito na bibili ako ng mga kailangan. Parehas ng ga-graduate ang kapatid kong ito, ilang taon ang itinigil ni Sparios para makatipid din daw at sasabay nalang siya kay Pilofie noon pumayag ako, dahil sa kaisipan na makakatipid kami sa gastusin, wala kaming sapat na pera dahil sa nangyari kay Tatay. Nang matapos magsiayusan ang mga kapatid ko patungo sa paaralan ay tumingin ako kay Tatay naglakad ako patungo kay Tatay at hinawakan ang kamay nito. "Tay, maiiwan po muna namin kayo, babalikan po kita dito mamaya paguwi ko po,"Sambit ko ng matapos akong magmano sa kamay nito. Hinawakan ko ang kamay nito ng balak nitong hawakan ang aking ulo kaya ako na mismo ang nagpunta noon sa aking ulo. May sinabi itong hindi ko maintindihan ako ang nahihirapan para kay tatay, hanggang sa tumigil si Tatay sa pagsasalita. Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa school ng mga kapatid ko. "Ista, abah..." Hindi ko pinansin ang isang lalaking maaga palang ay may hawak na ng sigarilyo. Nang madadaanan na namin ito ay pinigil ko ang hininga ko dahil sa takot na sumumpong ang hika ko. Wala na ngang pera magkakasakit pa. "Hindi ko alam na isnaber kana pala ngayon Iste!" Kung hindi ko lang kasama ang mga kapatid ko ay kanina pa sana ako tumakbo dahil ayokong makarinig ng mga ganung salita. Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay ng aking kapatid, hanggang sa malagpasan na mismo namin ang lalaki. Hindi ko kilala ang lalaking iyon, at hindi ko din alam kung nakilala ko naba ang lalaking iyon. "Ate, bili mo na po ako ng white band paper." Ibinaba ko ang tingin ko, ngumiti ako sa kapatid ko,"Sige, dito muna kayo ah?" Nang tumango ang dalawa ay agad naman akong tumawid patungong tindahan upang bumili ng kailangan nang dalawa. "Ate pabili nga po,"Kinuha ko ang bente pesos na pera sa aking bulsa. "Ano yon?" Ngumiti ako sa hindi katandaan na babae bago sinabi ang mga bibilhin. "Magkano po yung Whiteboard na 1/8 po?"Tinuro ko ang whiteboard na kailangang bilihin. "16 pesos." "Pabili nga po, tsaka po apat na band paper po."Saktong bente ang ibinigay ko sa aleng nagtitinda. Ibinigay sa akin ng babae ang mga binili ko, nailang pa ako dahil sa pagkakatitig nito sa akin ng medyo matagal. "Ija, may trabaho ka?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat