Hanggang ngayon ay hindi parin ako nakapaniwala na gagawin nga iyon ni Zed sa akin. Sobrang saya ko na ngayon ay makakapag-aral na ako dahil iyon dito. "What course do you prefer to choose?"Tanong nito sa akin. Hawak nito ang mga pagpipilian na mga kung ano-anong dapat na kuhanin ko. Nandidito kami ngayon sa leaving room habang hinihintay akong makapilit. May dalawang option na binigay sa akin para mapadali ang kukuhanin ko o ang pag-aaral ko, hindi ko alam kung tama ba ang prosesong ito dahil kung ano yung kukunin ko ay ayun lang ang pag-aaralan, pwede naman na pag-aralan lahat pero mas nakatuon yata ang atensyon ni Zed sa kung anong kukunin ko. Kinuha ko ang hawak nitong na about sa pag ce-chef. Ito ang kauna-unahang gusto ko noon bago ang pangalawa ay ang pagiging industrial designer. Tumingin ako doon sa babaeng nakikinig lang ng tahimik habang hinihintay ang sasabihin ko. Malawak ang ngiti nito sa akin. "Culinary arts, ayun po."Sambit ko doon sa babaeng nakangiti sa akin. "Good choice, but you have other choices?"Tanong nito sa akin. Nahihiya akong tumango."Ang pagiging Designer po."Nagbaba ako ng tingin ng masabi ko iyon. "What to try Industrial arts?"Tanong nito sa akin ulit. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin kong 'oo' hindi ba? "S-sige p-po." "Why don't you let her for what she chose?" Sabay kaming napatingin kay Zed ng magsalita iyon ng seryoso at malamig. "Sir Madrid, she can choose for what she wants yes, Industrial arts is so many options. She can learn design and how to cook, business, and more." Parang natahimik si Zed dahil sa sinabi ni Miss Lavazter. Kung hindi ko lang nalaman na pinsanin nito si Zed ay baka inisip kong pwede ang dalawang ito na magkasundo. "Okay fine." Matunog na ngumisi ang babae bago tumayo at nagpaalaman, hinatid ko ito palabas ng bahay at nagpasalamat. "My cousin is too kind. Don't abuse his kindness Ms, Malana." Ayun lang ang sinabi nito bago sumakay sa sariling sasakyan nito. Masyadong seryoso ang pagkakasabi ni Miss Lavazter ang mga salitang iyon. Sinabi na sa'kin ng nanay ko iyon noon. Pero handa akong palitan kung ano man ang hilingin nito. Siguro ayun nalang yung pambawi ko kahit papaano. Babalik na sana ako sa loob ngunit humarang sa akin si Annabelle. "Hindi mo s'ya makukuha sa ganyan dahil kilala ko kung anong tipo ni Zed sa mga babae. At hindi ka exception doon." Iniwan ako nito sa sala, exception? Ano yun? Ibig sabihin hindi rin ito exception? Hindi ko nalang isina-isip ang sinabi nito. Nagtungo nalang ako kung nasaan nandodoon si Zed na ngayon ay may kausap sa cellphone habang ang mga matang malamig ay nasa iisang diresyon. "Why would I be there? Why she can't call her boyfriend? Look I'm not her Boyfriend to be with."Malamig na sambi nito sa kabilang linya. Nasa isip ko narin na kapag nakasweldo ako ngayong linggo ay baka siguro bumili ako ng isang cellphone na mumurahin lang. Nakita ko si Annabelle na nakangisi sa akin, hindi ko alam kung bakit ganito ito sa akin ngunit hindi ko nalang pinapansin. Sa mag-iisang buwan ko dito ay hindi ko alam kung kaibigan ba ito o ano. Hindi ko gusto ang ugali nito, Oo pero pinagsasawalang bahala ko nalang dahil mukhang mabait din naman ito. "Damn! Tito Prison can fetch her! Call tito Prison!" Gusto kong manibago dahil sa pagtataas ng boses ni Zed. Hindi ito ganito. Kahit na mag-iisang buwan palang ako ay alam ko na ang iba nitong mga reaksyon. Bihira lang ito sumigaw kapag na iinis ito pero ngayon ay hindi inis ang makikita mo dito. Galit at lungkot. Umupo ako sa tabi nito at isinalansan ang mga ginamit kanina at ang iba bang iniwan ni Ms, Lavazter na mga pwede ko ng basahin at pag-aralan hanggat hindi pa nag-uumpisa ang pagtuturo nito sa akin. Para daw ma advance ako kahit papaano. Habang kinukuha ko ang mga iyon ay nakita ko ang paglalakad ni Zed patungo sa sala. Bilang isang personal maid niya ay binitawan ko ng maayos ang mga papel na kinukuha at sinasalansan ko bago ko inilagay sa ibabaw ng isang aparador na maliit. Malalaki ang hakbang na sumunod ako kay Zed na ngayon ay nasa labas na. Bulag ba 'to talaga? Bakit naman ang bilis nitong maglakad? "Dito ka nalang."Usal nito sa akin ng maramdaman nitong nasa tabi na ako nito. Kahit hindi kita nito ay umiling ako. "Personal maid mo ako kaya sasamahan kita."Hinawakan ko ang braso nito ng makita ko ang sasakyan na si Albert ang driver. "Sir, saan po tayo?"Tanong nito. Wala ng nagawa si Zed nang igiya ko ito patungo sa sasakyan nito. Nang makasakay kami sa sasakyan. "In the Tito Prison's Bar."Ayun lang ang sinabi nito kay Albert na agad minaobra ang sasakyan. "Why this woman is too hardheaded?" Napatingin ako kay Zed ng magsalita ito ng pabulong. Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan nito. "Masakit ang ulo mo Sir?"Tanong ko dito. Hardheaded? Hindi yata masakit ang ulo nito. Matigas yata? "Lahat naman po yata ng ulo matigas Sir?"Inosenteng tanong ko dito. Dahil sa mga sinabi ko ay napapikit ito ng mariin bago ang braso ay isinandal sa pintuan ng sasakyan at ang kamay nito ay hinimas ang ulo. "Albert can you please throw this woman beside me? Just for now please."Sambit nito. Nagtataka man ay tumingin ako kay Albert na bahagyang tumawa dahil sa sinabi ng katabi ko. "Sir, I think you will never want to do that to her." Natahimik nalang ako sa isang gilid. Nag e-englishan na sila e, ano pa bang magagawa ko? Narinig kong marahan na bumuntong hininga ang katabi ko kaya lumingon ako dito. "May kailangan pa po kayo Sir—" "Zed." "Alkez."Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ko, maganda ang pangalan nito pero ang ibang ay ayun na ang mga tinatawag dito. Hindi ko alam kung bakit walang tumatawag sa unang pangalan nito e, maganda rin naman. "Much better," Hindi ako nakapag salita ng tumigil ang sasakyan sa isang isang lugar na maganda. Hindi yata ako pwede sa ganitong lugar dahil may hika ako kapag nakaka-amoy ng usok ng sigarilyo. Kitang kita dito ang usok ng sigarilyo. Lumabas si Albert sa sasakyan bago nagtungo sa kung nasaan ang kinauupuan ni Zed at binuksan ang pintuan. "D-dito nalang ako..."Tumingin ulit ako sa labas. Ang kapal talaga ng usok. "Yes, sinong may sabing isasama kita sa loob."Malamig at puno nang kaseryosohan na sambit nito. Nakatingin lang ako sa dalawa na naglalakad patungo sa loob ng Bar. Meron akong nakita na isang grupo ng lalaki na may mga hawak na isang maliit na isang box. Kapag hinihipak iyon ay may lumalabas na usok na makapal. Nasa loob lang ako nang sasakyan habang nakatingin sa mga taong tila nagkakasiyahan sa paglabas. Mga lasing ang mga ito. May mga magagandang babae ang lumalabas doon kasama ang mga lalaking may nahahalay na ngiti at tingin. Ngunit sa isang direksyon lang ako nakatuon. Lumabas doon si Albert kasama ang ibang lalaki na nagkakatuwaan sa sinasabi habang si Alkez ay kasama ang isang babae. Ang ganda nung babaeng nakasabit sa braso ni Alkez ang mga kamay na tila inaalalayan. Ako ang naaawa sa Amo ko dahil Bulag na nga may inaalalayan pa. May sariling mata naman yung babae bakit ayaw nitong alalayan ang sarili? Nakita ko sa mga lakad nang babae na pagewang-gewang na mukhang lasing yata.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Taup daudArysha ibrahima
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
i love the story and i enjoy this so much ajd it amazed me!
21/06
0andrei
16/10
0salamat
23/04/2025
0Tingnan Lahat