KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami. Ano ba ako sa tingin niya? At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw. Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.” “Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen. “Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.” Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito. “Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya. Inabot niya agad ang baso na na sa table at binigay sa akin. “Drink this first.” Inisang lagok ko lang ang tubig at agad ng niyaya si Caleb pabalik sa kwarto. “Wait!” ang pigil ni Glen nang tumalikod na kami. Nag-twitch ang kaliwang kilay ko sa kanya. Aba, aba, aba at hihirit pa talaga. Tiningnan ko muna si Caleb at malambing na ngumiti. “Mauna ka ng bumalik at mukhang dapat naming mag-usap ni Glen,” ang kalmado kong utos sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinaplos-haplos. “Remind ko lang na minor pa siya.” “Alam ko, kakausapin ko lang siya at hindi sasaktan.” “Naninigurado lang ako.” At marahang tinapik-tapik ang aking pisngi. “Ayokong sa susunod nating pagkikita ay hinahaplos muna ang rehas.” Way niya ba ito para pakalmahin ako? Pero hindi naman ako galit at saka, ang pangit ng joke niya. Although, may kunting inis pero malayo pa sa puntong mananakit ako. Kahit paalis na ay halos ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Parang kala mo maghihiwalay kami ng matagal. At matapos nga makaalis ni Caleb ay saka ko nilapitan si Glen. “May gusto kang sabihin?” Hindi ko sigurado kung umirap ba siya pero hindi ko na inintidi iyon, deadma. Ang importante ay ang tumigil siya bago pa maubos ang pasensiya ko. “Hindi sa ‘yo, kay Caleb ako may gustong sabihin.” “Talaga? Pwede kong ipasa sa kanya kung ano man ang sasabihin mo.” This time ay mas halata na ang pag-irap niya. Pasalamat talaga siya’t minor pa siya kung hindi ay kanina pa ‘to nakatikim sa akin. At hindi lang iyon dahil bigla niya akong nilampasan ng hindi man lang sinasabi ang talagang pakay niya kay Caleb. Aba’t may pagkabastos din pala siya. At kung sa tingin niya ay basta na lang siyang makakaalis ng hindi nasasaktan ay nagkakamali siya. Ipupukpok ko sa utak niya ang katotohanan at nang magising sa pantasiya niyang hinding-hindi mangyayari. Mabilis ko siyang hinabol at hinarangan. “Hindi pa tayo tapos.” Kitang-kita ang inis sa kanyang mukha. Hindi lang pala siya bastos kung hindi ay may attitude rin. Kung sa tingin niya ay masisindak ako sa ginawa niya? Huh! Mas dapat siyang matakot sa akin. “Natatakot ka bang maagaw ko si Caleb sa ‘yo?” At first, ay pinigilan ko ang sariling matawa pero mukhang masiyadong halatang nagpipigil ako. Tumalikod ako sa kanya para itago ang expression na pilit pinipigilan. Nang medyo kumalma na ang pisngi ko sa pagngiti ay saka ako muling humarap. Mukhang nahalata niya ang pagpipigil kong matawa dahil klarong-klaro ang inis na makikita sa kanyang mga mata. Halata rin ang dalawang kamay niyang nakakuyom. “Mali kasi ang tanong mo. Kung ang tanong mo sana ay kung ‘naiinis ako?’ ‘Yun, baka masagot ko pa, kasi why not? Ako ‘yung boyfriend, may karapatan akong mainis at hindi dahil natatakot ako sa 'yo. Naiinis ako kasi epal ka. Hindi lang epal, manhid pa at hindi marunong makiramdam na walang interes sa ‘yo si Caleb pero dikit ka pa rin nang dikit.” “Hindi ‘yan totoo! He’s interested in me!” Hindi lang pala siya epal. Delusional din pala. “Talaga? Siya unang kumausap sa ‘yo? Sige, ito tanong ko. Nag-usap kayo kanina ‘di ba? Lumampas na ba ng two sentence ang sagot niya sa ‘yo?” Mas lalo siyang nanggalaiti sa galit at kalaunan ay nag-walk out sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin na paakyat sana sa itaas ngunit agad na bumalik at nagtungo sa kabilang direksiyon. Napapailing na lang ako at saka nagpasiyang bumalik na sa kwarto nang makitang nasa may hagdan si Caleb. “Kaya pala biglang bumalik, nakita ka. Nandito ka lang ba the whole time?” “Uh huh, baka kasi hindi mo mapigilan ang sarili at bigla na lang dumanak ang dugo rito, kawawa ang caretaker na maglilinis.” Pabiro ko siyang tinapik sa tiyan pero may kasamang puwersa. “Masiyado ka kasing pa-fall kaya kita mo tuloy ang nangyari. May isang tao na namang nasaktan ang puso ng dahil sa ‘yo.” Nag-umpisa na akong humakbang pabalik sa kwarto at agad namang lumingkis ang braso niya sa bewang ko. “Ikaw kaya ‘tong nakipag-face-to-face do’n kay Glen, tapos sa ‘kin mo isisisi.” “Ah, basta. Kasalanan mo pa rin. Ikaw ang dahilan kaya ako nakipag-face-to-face ro’n sa tao.” Nang nasa tapat na kami ng kwarto ay bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi. “Good job,” ang bulong niya. Hawak ang pisnging hinalikan ay nagtataka ko siyang tinanong, “Good job para sa’n?” “Niligpit mo ‘yung istorbo sa date natin,” ang bulong niyang muli na may pataas-taas pa ng kilay. Ano na naman kayang nasa isip niya? “Bakit?” “At dahil wala ng istorbo. Baka pwede tayong… alam mo na?” Napaatras akong bigla. G-gusto niya bang m-may mangyari sa amin? Pero hindi pa ako ready! “H-hindi ba parang masiyado naman atang maaga para sa gano’ng bagay?” “Yup, masiyado pa ngang maaga pero pinapaalam ko lang para hindi mo makalimutan mamaya.” “Mamaya?” Anong mamaya ang sinasabi niya? “Nakalimutan mo? You suggest it first na panunuorin natin ang sunrise kapag may gan’to tayong lakad.” “… Ahh! Tama, panunuorin nga pala natin. Mamaya ‘di ba?” Pahiya ako ro’n, a. Akala ko ay… Binuksan niya ang pinto at agad naman akong sumunod. “Balik na tayo sa pagtulog. Naka-set naman na ang alarm kaya magigising tayo sa oras.” Hinawi ko ng kaunti ang kurtina at tiningnan ang labas. Madilim na madilim pa. “Okay lang kaya ‘yung si Glen?” Ang dilim sa labas at kahit solo naman namin itong lugar ay hindi pa rin magandang nasa labas siya ng ganitong oras. “Hayaan mo, babalik din ‘yun dito mayamaya. Saka, safe naman ‘tong lugar. Kahit doon pa tayo matulog at maghintay ng umaga ay walang problema.” Inayos ko na ang kurtina at naupo na sa kama. Hinintay ko siyang tumabi sa akin bago ako tuluyang mahiga. “Na-try mo ng matulog sa labas?” “Madalas kong gawin kapag nandito ako, presko kasi ang hangin sa labas at hindi gano’n ka lamig. Gusto mo ba?” Umiling ako. Baka nandoon pa rin sa labas si Glen. Ayoko siyang makaharap uli at baka magkaroon na naman ng part two. Mas lumapit siya sa akin at automatic naman akong yumakap sa kanya. Mas nagiging komportable kasi ang tulog ko ‘pag nayayakap siya. Lalo na kapag naririnig ko ang tibok ng kanyang puso. Parang isang musika na hinihele ako upang tuluyang makatulog. Pumikit ako at naramdamang inaamoy at hinahalikan niya ang buhok ko kaya nakangiti akong nakatulog habang yakap siya. ***** MARAHANG haplos sa mukha ang nagpagising sa akin habang malambing niyang binubulong ang pangalan ko, “Kenan, gising na.” Mariin muna akong pumikit at nag-unat ng katawan bago bumangon. Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit. Nagpabigat ako na mabilis naman niyang kinarga ala-bride style. Pinulupot ko ang braso sa leeg niya habang pababa ng hagdan. Alam kong mabigat ako dahil halos pareho lang naman kami ng timbang pero nakakamanghang nakaya niyang bumaba habang buhat-buhat ako at patungo pa sa labas. May nakalatag na blanket sa buhangin at doon niya ako nilapag. Pagkatapos ay binigay sa akin ang isa pang blanket pang-cover para hindi ako lamigin. “Wait here, may kukunin lang ako sa loob,” aniya at sinundan ko ng tingin pabalik sa rest-house. Pagkatapos ay muli akong humarap sa direksiyon kung saan sisikat ang araw. Unti-unti ng lumiliwanag ang langit at nakikita ko ng sumisilip ang haring araw. Nakakadagdag rin sa ganda ang mga ulap at iilang ibon na lumilipad at papunta sa iba’t ibang direksiyon. “Here,” si Caleb na may hawak na mug. “Hot chocolate.” Tinanggap ko naman at agad naramdaman ang init ng mug na nagmumula sa inumin. Bagay na bagay sa malamig na simoy ng hangin. Tumabi siya sa akin at agad naman akong humilig sa balikat niya. “Thank you. Ako ang nag-isip ng idea pero ikaw ‘tong nag-prepare ng lahat.” Isang halik sa noo ang natanggap kong response at saka bumulong sa aking tenga, “Anything for you.” “Thank you for loving me, kahit hindi ako worth it na mahalin.” “Shhhh… you’re worth a million times. Ako ang dapat na magpasalamat kasi minahal mo ‘ko.” Sa halip na maging emosiyonal habang nakatitig sa kanya ay ibinaling ko na lang ang atensiyon sa papasikat na araw. Thank you, kung sino mang nakakarinig sa akin mula sa Itaas. Dahil ibinigay mo sa akin si Caleb. Mali man ang mahalin siya at marami man ang humadlang sa pagmamahalan namin ay hindi ko hahayaan. I will forever treasure and protect him no matter what and fight this love despite of this cruel world. ***<[°o°]>***
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
alecajoyjoson
Ganda❤
14/05/2024
0
InginAmir
i love it
23/04/2024
0
SimJaeyun
nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po
Ganda❤
14/05/2024
0i love it
23/04/2024
0nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po
22/04/2024
0Tingnan Lahat