Chapter 45

NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.
“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.
“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.
“Tara, may pupuntahan tayo.”
Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.
Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.
Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.
Pagpasok sa kotse ay doon lang bahagyang nawala ang ginaw na nararamdaman.
“Suotin mo ‘to para hindi ka ginawin habang bumabiyahe tayo,” aniya nang iabot ang itim niyang jacket.
Walang tanong-tanong kong sinuot hanggang sa paandarin na niya ang sasakyan. Nakatitig lang ako sa labas hanggang sa muling antukin.
Napapahikab na ako sa antok nang sabihin niyang matulog muna ako at gigisingin na lang niya kung nakarating na kami sa destinasiyon.
Pumikit ako at tuluyan na ngang nakatulog hanggang sa masilaw sa liwanag na nagmumula sa… dagat?!
Ang sinag ng araw na nag-reflect sa dagat ang nagpagising sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nasa kotse pa rin naman ako pero hindi pamilyar ang lugar. Tapos wala si Caleb.
Kinapa ako ang sarili ng maalala ang cellphone pero mukhang hindi ko ito dala. Tumingin ako sa backseat at wala man lang kahit isang bag o gamit sa loob ng kotse.
Saan ba ako dinala ni Caleb?
Lumabas ako sa kotse at agad nanibago nang lumubog ang suot na tsinelas sa puting buhangin. Naramdaman ko agad ang init ng sikat ng araw kaya inayos ko ang hood ng jacket para hindi mainitan ang ulo.
Nilibot kong muli ang paningin sa buong paligid na wala man lang katao-tao. Mukhang private place pa ata itong lugar.
Pero nasaan na ba kasi siya? Bigla niya akong iniwan dito ng mag-isa.
Lumingon ako sa kabilang banda ng beach na puro puno at halaman ang makikita. Isolated place pa ata itong lugar at hindi beach na naiisip ko. Wala kasing hotel o kahit cottage man lang.
Kaya kaysa matusta sa init ng araw ay bumalik na lang ako sa loob ng kotse. Baka may pinuntahan lang saglit iyong si Caleb. Pero kapag hindi pa ito bumalik agad ay hahanapin ko na ito.
Pagod akong sumandal sa upuan habang napapa-isip kung kanina pa ba ako iniwan ni Caleb. At kung saang lupalop ng bansa na ako ngayon?
Bakit hindi ko man lang naisip na dadalhin niya ako sa ganitong lugar?
Ilang minuto ang nagdaan pero wala pa rin siya. Nag-uumpisa na akong mag-overthink. Paano pala kung may nangyari ng masama sa kanya?
O, baka na-kidnap na dahil mayaman pa naman ang isang iyon at hinayaan na lang ako dahil mukha akong pulubi?
Mabilis akong umayos nang upo. Kailangan ko ng hanapin si Caleb o hindi kaya humingi ng tulong at tumawag ng pulis?
Halo-halo na ang tumatakbo sa isip ko nang biglang bumukas ang pinto ng kotse. Sa gulat ay muntik na akong mapasigaw. Hawak ang dibdíb na muntikan nang bumigay sa gulat ay inis ko siyang tinanong, “Sa’n ka ba galing?!”
“Sa rest house. Inuna kong dinala sa loob ang gamit natin.”
Inabot ko siya para hampasin ang braso. “Nag-alala ako! Akala ko kung napa’no ka na.”
Lumapit siya sa akin nang husto. Inabot ang mukha ko at saka hinalikan sa pisngi. “Sorry, may iba kasing tao, kaya kinausap ko muna.”
“Inarkila mo ba ‘tong lugar?”
“Nakalimutan mo na? Dito tayo madalas magpunta kapag nagyayaya sila Mama na magpunta sa beach noong maliit pa tayo. Dinala kita rito para sa date natin. Wala kasi akong maisip na lugar na pwede nating puntahan.”
“Talaga? Hindi ko na matandaan ang eksaktong itsura ng lugar, parang ang laki ng pinagbago.” Ang natatandaan ko kasi ay malaking bahay sa mismong tabi ng dagat pero ngayon ay wala na.
“Medyo napabayaan dahil wala ng caretaker, namatay.”
Matapos mag-explain ay lumabas na kami ng kotse. Nauuna siya sa akin papunta sa kakahuyan. Kahit nagtataka kung bakit dito kami daraan ay hindi na ako nagtanong at basta na lang sumunod.
Ilang puno at halaman na ang nilampasan namin nang unti-unti ay nakikita ko na ang pupuntahan namin. Isang bungalow style na bahay. May kalakihan na mukhang apat o lima ang kwarto.
“Ito na ba ang rest house?” ang tanong ko. Mukhang dito sila nagtayo ng panibagong bahay-bakasiyonan.
“Oo, pero hindi natin solo ang lugar.”
“Bakit?...” pero mukhang hindi ko na kailangang malaman ang sagot nang makita ang taong kumakaway sa amin. “Bakit nandito si Wesley?” akala ko ba ay nakabalik na ito sa Canada?
“Ayaw umuwi at nag-i-enjoy pa rito. Pansamantalang nag-i-stay sa bahay ng Tita ko.”
Bumagal ang lakad ko dahil ito mismo ang kusang lumapit sa amin. “Welcome, Kenan!” ang masaya nitong bati na akmang yayakap pa kung hindi lang hinarangan ni Caleb. Pahapyaw itong natawa sa ginawa ng pinsan. “Ang possessive! Baka masakal si Kenan—” tapos ay bahagyang bumulong sa akin, “Kapag napagod ka na sa kanya ay lumapit ka lang sa akin,” na sinadya namang iparinig kay Caleb. “Joke lang!” ang sigaw nito nang iangat ni Caleb ang kamay para abotin ito.
Hindi nagtagal ay niyaya na kami ni Wesley sa loob. Pagpasok ay namangha agad ako. Halos lahat ng furniture ay gawa sa bamboo. Kahit ang chandelier ay yari rin sa kawayan.
“Nasa taas ang gamit natin,” ani Caleb.
“Hindi ko dala ang cellphone ko,” naalala ko kasi ito.
“Ando’n sa taas kasama ng mga damit mo.”
Kung hindi lang anak mayaman ito ay aakalain kong may sa magnanakaw. Nagawa niyang maimpake ang gamit ko ng hindi man lang ako nagigising.
O, sadyang tulog mantika lang ako na kahit pa buhusan ng tubig ay hindi agad ako magigising.
Paakyat na sana ako sa taas para kunin ang cellphone nang may dumating. Isang lalake na hindi pamilyar sa akin.
Agad itong pinakilala ni Wesley na bagong kaibigan. Kapitbahay raw ito ng Tita nila ni Caleb. Maputi at may itsura. Medyo may kaliitan ang height pati ang build ng katawan. Marahil ay mas bata sa amin kaya medyo maliit.
Lumapit ako para magpakilala nang hindi man lang dumapo ang tingin nito sa akin at lumampas patungo sa likod ko kung nasaan si Caleb.
Ang kamay kong nasa ere ay pasimple ko na lang binaba nang nilapitan na nito si Caleb para magpakilala ng personal.
Mukhang hangin lang ata ako sa paningin nito. “Akyat lang muna ako sa taas,” ang sabi ko kay Caleb at doon lang ako napansin ng lalakeng pinakilala ni Wesley na si Glen. Ngumiti ito sa akin ngunit hindi naman sincere. Hindi ko ramdam na masaya siyang makilala ako.
Binalewala ko na lang at saka na nag-umpisang humakbang sa hagdan nang marinig ko pa ang boses nito na kinakausap si Caleb, “Natatandaan mo pa ‘ko?”
Bumagal nang kaunti ang hakbang ko para marinig ang sagot ni Caleb pero hindi ko narinig ang boses niya kaya nagpatuloy na lang ako.
*****
DAHIL biglaan at may pasok pa kami a day after tomorrow ay expected ko talaga na walang plano si Caleb para sa date namin pero nakakamanghang pinaghandaan niya talaga ang lahat.
Pagkatapos naming mananghalian ay agad na kaming pumunta sa dagat para maligo. At tulad nga ng sinabi ko kanina ay hindi ko in-expect na well prepared si Caleb. Lahat ng kailangan ko ay naihanda niya para sa unexpected date namin.
Ang hindi ko lang ma-gets ay kung bakit dikit nang dikit itong si Glen kay Caleb kapag nalilingat ako. Mukha naman silang hindi ganoon ka-close. Saka, sila ang magkasama ni Wesley pero iniiwan niya lang ito sa isang tabi, tsk, tsk, tsk.
Kaya nga nang hindi ko na matagalan ang pagdikit-dikit nito kay Caleb na may kasama pang paakbay-akbay na akala mo naman ay malaking tao ay nilapitan ko na si Wesley. "Kunin mo nga 'yung batang 'yun."
“Why?”
Napairap ako. At talagang tinanong niya pa kahit halata naman kung bakit. “’Wag ka ng magtanong.” Tinulak-tulak ko siya para gawin ang utos ko.
Ilang sandali lang ay nagawa nga niyang mailayo si Glen kaya mabilis akong tumabi kay Caleb. “Anong pinag-uusapan niyo?” ang tanong ko agad.
Umiling lang siya na hindi ko pinaniwalaan. Sa lakas ng tawa ng isang iyon na abot hanggang sa kinapupuwestuhan ko kanina ay imposibleng wala silang pinag-uusapan.
“Wala, may kinukuwento lang siya na hindi ko na matandaan.”
“Ano naman ‘yun?”
“I’m not listening.”
Naningkit ang mga mata ko. “Ba’t nakita kitang tumatango kung hindi ka nakikinig?” hindi naman talaga ako sigurado pero gusto ko lang maniguro.
“Nagsiselos ka na naman.” Tapos ay bahagyang binunggo ang balikat ko.
"Hindi, a!” ang tanggi ko. Bakit naman ako magsiselos, tapos sa bata pa. Baka hindi pa nga iyon tinut*li.
Humarap siya sa akin at pinanggigilan ang magkabila kong pisngi. “Ang cute mo talaga.”
Tinapik ko ang kamay niya para malayo sa maganda kong mukha kahit may bakas ng pimples. Ano ba ‘yan, may buhangin pang dumikit. Sa’n ba siya naghahahawak?
Akala ko ay tapos na siya ng dahan-dahan niyang ilalapit ang kamay na may buhangin pa papunta sa mukha ko. Mabilis akong umatras at patakbong lumayo sa kanya bago pa niya mahabol.
Kaya tuloy maghapon kaming naghahabulan na parang sira dahil ayaw niya akong tantanan hanggat hindi niya nahahawakan ang pisngi ko. Nahinto lang nang pinagsususuntok ko na sa balikat.
Kinagabihan ay maaga akong nakatulog dahil sa sobrang pagod. Gising pa si Caleb ng ipikit ko ang mata. Kaya nang magising dahil sa biglang nakaramdam ng pagkauhaw ay nagtaka ako kung bakit wala na siya sa tabi ko. Bumaba ako para uminom ng tubig at hanapin siya pero sa huling baitang palang ng hagdan ay nahinto ako. Narinig ko kasi ang boses ni Glen. Mukhang may kausap ito pero dahil madilim at tanging sa may patio lang ang bukas ang ilaw ay hindi ko makita kung sino ang kasama niya.
Hahakbang na sana ako nang muli itong magsalita, “I like you.”
Dahil sa curiosity ay sumilip ako at naaninag ang dalawang taong nasa may kusina. Nakaharap sa akin banda si Glen habang ang isa ay nakatalikod at base sa nakikita ko ay si Wesley ito. Naitakip ko ang kamay sa bibig ng malaman na tungkol pala sa ‘love’ ang pinag-uusapan nila. Shock! Hindi ko man lang nahalata na may gusto itong si Glen kay Wesley.
Dahan-dahan ay humakbang ako pabalik para hindi sila maistorbo.
“Forget it.”
Nahinto sa ere ang paa ko nang marinig ang boses ni Caleb… bakit siya at hindi si Wesley? Mabilis akong bumaba at bahagyang lumapit sa kinaroroonan nila.
“Ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo?” ang tanong ko habang palipat-lipat ang tingin kay Glen at Caleb.
***<[°o°]>***

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    alecajoyjoson

    Ganda❤

    14/05/2024

      0
  • avatar
    InginAmir

    i love it

    23/04/2024

      0
  • avatar
    SimJaeyun

    nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po

    22/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata